Round Seven - Her circumstances

2077 Words
-Nicoleen's Play- "Here. Try this." nakangiting alok ni Justin ng strawberry sundae habang nakaupo ako sa bench matapos naming mag-ikot ikot sa paligid. "Wow! Thank you." galak kong sabi at agad na sinungaban ang sundae na binigay niya. Sandali akong tumigil nang mapansin kong nakatitig lang sa'kin ang tour guide 'kuno' ko dito sa Paris. Tinablan ako ng hiya sa unang pagkakataon. Pa'no ba naman kasi, parang patay gutom lang ako kumain ng sundae. "Sorry!" nahihiya kong paumanhin at agad na pinunasan ng tissue ang bibig ko. Hindi ko alam kung namumula ba 'ko, basta't ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Nakakahiya ka talaga, Nicoleen! Tumawa lang si Justin at inagaw sa'kin ang hawak kong tissue. "Para ka palang bata kung kumain." nakangising sambit niya sabay punas sa gilid ng labi ko gamit ang tissue na inagaw niya. I froze. Napatitig na naman ako sa malalim niyang dimple na lumilitaw lang tuwing natatawa siya. Maybe I should act funny more often. Hindi naman sa malandi ako - It's just that, I'm not in the place to deny such simple admiration through simple things. "And I noticed," untag ni Justin sa pananahimik ko. "Bakit ba parang nahihiwagaan ka sa dimples ko?" pabiro nitong tanong. Lalo akong napahiya sa napansin niyang 'yon. Masyado na ba 'kong obvious? Umiwas ako ng tingin sa kanya at nahihiyang yumuko. "Uhh. Kasi - " Humalakhak muli si Justin at tinapik ang ulo ko. "It's okay, I'm just kidding. Normal lang 'yan dahil ngayon ka pa lang nakakakita." wika niya. "At alam ko namang gwapo ako kaya I can't blame you." hirit pa niya. Hindi na ko umalma, totoo naman kasi eh. Justin is quite handsome. Hindi mo lang agad mapapansin 'yon dahil mala-rakista ang vibes na dala ng long hair niya, pero pamatay naman ang killer smile. Saan ka ba makakakita ng libreng tour guide na gaya niya? I'm still fortunate, I guess. After all the hassles with Paix Montenegro, there's a Justin who can accompany me. "Saan pala tayo sunod na pupunta?" usisa ko habang naglalakad kami at tumitingin-tingin sa mga stalls. "Sa hotel." maiksing sagot niya habang tila abala sa kakatingin ng mga souvenirs. "Babalik na tayo? Maaga pa ah?" nagtatakang tanong ko. "May gusto kasing makipagkita sa'yo." tugon niya at patuloy sa pamimili. "Sino?" napatigil ako sa harap ng isang stall. Nahagip ng mga mata ko ang isang pendant souvenir. You know what's odd? It's a mini Eiffel tower. And what's more odd? Naalala ko si Paix. Nakakapagtaka pero nalulungkot ako tuwing sumasagi siya sa isipan ko. Kahit na hindi ko siya lubusang kilala, pakiramdam ko nag-aalala pa rin ako sa kanya. I feel like we have a connection. Ang mga mata ni Yara at ang sakit na nababasa ko sa mga tingin niya. It's all connected. It's all fresh in my mind. "Naaalala mo siya?" basag ni Justin sa malalim kong pag-iisip. "Si Paix Montenegro, no?" "H-Ha?" nauutal kong sambit. "Well, isn't he something?" nakangiting bulaslas niya. "The thing is, you can never cut your connection with him from now on." "What do you mean?" "Don't you get it?" makahulugang tanong ni Justin. "Ito ang gustong mangyari ni Yara. For you to get into Paix's life." "Hindi kita maintindihan." naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi niya. "Never mind." pagsasawalang bahala niya na lang sabay baling sa nagtitinda ng souvenir. "I'll buy this." wika niya at tinuro ang Eiffel tower pendant na kanina ko pa tinitignan. "Here. Consider that as a gift." agad na iniabot sa'kin ang pendant. Ilang minuto pa'y narating na namin ang hotel kung saan kami naka-check in. Hindi pa rin binabanggit sa'kin ni Justin kung sino ba 'yung gustong makipagkita sa'kin. Ilag na rin siya sa mga tanong ko tungkol sa mga sinabi niya kanina. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? "Look there." utos niya at tinuro and direksyon ng isang table kung saan may isang ginang na nakaupo. Hindi ko lang makita ang itsura nito dahil nakatagilid ito. "Siya yung makikipag-usap sa'yo." "Sino siya? Kilala ko ba siya?" sunod-sunod na tanong ko. Tumango si Justin at tinulak ako paabante. "Sige na. Dito lang ako sa lobby, aantayin kita." paninigurado niya. Dahil wala na kong magawa, napagpasyahan ko na lang na tumalima sa sinasabi niya. Unti-unti akong lumapit sa table na 'yon at unti-unti ko ring nakilala ang ginang na nakaupo doon. "Nicoleen, hija." it was Yara's mom! Nakangiti siyang nakipag-beso sa'kin. "It's good to see you again." "T-Tita? Nandito rin po kayo sa Paris?" gulat na gulat ako kaya kahit sobrang obvious na, iyon pa rin ang lumabas sa bibig ko. "Well, I decided to take a break from work." tugon nito. "Come, have a sit." "Buti po nahanap ninyo ko dito." wika ko matapos kong umupo. "Ofcourse. Nabanggit sa'kin ni Justin." sagot ng ginang. "Kilala niyo po si Justin?" nagtaka ako bigla. "A-Ah. Yes. Kababata ninyo - I mean, ni Yara si Justin." nauutal na sabi nito, tila ba takot magkamali sa sasabihin niya. Napansin ko 'yon pero pinagsawalang bahala ko na lang. "Ah. Kaya pala ang dami niyang alam tungkol kay Yara." nasabi ko na lang. It makes sense now. Akala ko nagmamarunong lang siya kanina. "Oo nga po pala, bakit ninyo po pala ako gustong makita?" Huminga siya nang malalim bago ako sagutin. "Don't you want to ask about Paix?" "P-Po?" "Don't worry. Alam ko na ang hiniling ni Yara sa'yo." paglilinaw ng ginang at ngumiti. "Alam kong napaka-hirap para sa'yo na gawin 'yon dahil wala ka pang alam tungkol kay Paix, but I'm here to ask of you to atleast try." Napalunok ako sa sinabi niya. Just when I made up my mind to never mess with that Paix - here come's another reason to reject that option. "Tita." "I'm not asking you dahil sa huling habilin 'yon ni Yara," pagpapatuloy ng ginang at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm asking you this cause we both know, you, those eyes and Paix - will always be connected." -Paix's Play- Dalawang linggo lang ang itinagal ko sa Paris. Wala naman akong napalang maganda sa pananatili ko doon, maliban sa pagiging katulong ni Suzanne. That spoiled brat. And my first day there isn't an exception. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi tumatak sa'kin ang nangyaring 'yon. Meeting her and Yara's eyes. Yes, I consider them as different entities. Umiling ako habang nagaayos ng mga bagahe ko mula sa maleta. Nahagip ng paningin ko ang isang kapirasong papel na pamilyar sa'kin. Nakaipit ito sa naiwang libro ni Nicoleen sa bahay ni Suzanne. Sinabi ko na kay Suzanne na iiwan ko 'yon, pero up to the last minute bago ako umuwi pinipilit niya kong iuwi 'yon. I know that paper. Alam ko dahil ako ang nag-abot kay Nicoleen nito noon. Sulat iyon ni Yara para sa kanya. Alam kong hindi ko dapat pakialaman o basahin 'yon - but there's this curiosity raging all over my mind. Gusto kong malaman kung anong sinabi niya kay Nicoleen. This was one of the things I envy about Nicoleen Baltazar - bakit siya lang ang sinulatan ni Yara? Bakit hindi ako? What's so special about her? Hindi ba n a-realize ni Yara kung anong pait ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko si Nicoleen? Wala siyang kasalanan. And yet, why do I resent her? Huminga ako nang malalim bago ko dahan-dahang binuklat ang papel. It's not my style to butt in other people's things - but this is another exemption. Hindi naman niya malalaman hindi ba? I'm just dying to know Yara's last words. "Nicoleen, alam kong sa pamamagitan mo - mapapasaya ko pa rin yung mga taong mahal ko. You, living with my eyes would make them feel like I'm still watching over them, that's why I'm thankful to you. But among them, there's one that's hard to please. Nakilala mo na siya, he's Paix. He's one difficult child. I spend years changing him, well - he did change. But he's the reason why I'm afraid to leave. Alam kong hindi siya handa. Natatakot akong pag-alis ko, bumalik siya sa dati. The miserable and pitiful Paix I first met. I wouldn't want that. That's why; I'm asking you this Nicole. Kahit na masyado nang labis itong mga hinihiling ko sa'yo, naglakas ng loob pa rin akong isulat 'to. Please be with Paix. Guide him. Don't let him turn back to his old self again. Please. This is the last thing I ask of you. It won't be easy I'm sure. I'm sorry for giving you this burden. Just make him smile from the bottom of his heart again, I want you to see it with my eyes. My eyes live within you. I'll be forever thankful to you, Nicoleen. Goodbye. - Yara" Sandali akong natulala matapos kong basahin 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa binasa ko. It was Yara's words - her last words - but it breaks my heart. Ang buong akala ko, she left in peace without thinking how I'll end up. Matatahimik na sana ako with that thought. Pero hindi pala ga'non. Hanggang sa huli pala'y ako pa rin ang iniisip niya. Ako pala ang dahilan kung bakit pinagtitiisan niyang mabuhay nang mas matagal. Kasalanan ko kung bakit nahirapan siyang umalis. It was my fault. All Yara wants is someone to look after the people she loves. Ayokong makaramdam ng galit kay Nicoleen pero bumabalik at bumabalik 'yon sa'kin. Tha fact that she'll fill the void that Yara left, I hated it. All this time iniisip ko, sino ba siya? Anong karapatan niya na palitan si Yara sa buhay namin? Now I know that Yara gave her the permission to do so, I hated it even more. "♫ Falling over, and over again From all the words that you have said It's written on my heart for everyone to see From the place I was, to the place I am, to the place I want to be For the mountains I've been climbing over and under and over ♫ " Sandaling naglaho ang sari-saring emosyong nararamdaman ko nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Of all the times! Bakit ngayon pa may tumawag sa'kin? Ugh. Mabilis kong sinagot 'yon, hindi na kong nag-abalang pakalmahin ang sarili ko. I'm ready to pour my anger over anyone - "Hello? Paix hijo?" Just with the voice is enough to calm me down. Mommy ni Yara pala ang tumawag, buti na lang hindi agad ako nag-outburst kundi napasama pa 'ko. Come on, Paix. Calm down. "T-tita? Bakit ho?" " I heard naka-uwi ka na ng pinas." agad na saad nito. "Can you come over? Ipapakilala ko lang sa'yo ang bagong business partner ng photography services natin." "O-Okay tita. I'll be right over." nasabi ko na lang. The conversation ends there. Bagong business partner? Himala. Simula kasi noong mamatay si Yara, halos bumagsak na ang photography services business namin. Ang mga magulang pa niya ang tumulong sa'min to put up this business. They supported us to that extent, although medyo nakakatawa nga ang pangalang naisip niya. Papa and Yaya's Photography services. Weird di ba? You know how we called each other 'Papaix' and 'Yayara' ? It started like that. Papa and Yaya. It brings back memories. Beautiful yet painful memories. Mabilis akong nag-handa papunta sa bahay ng mga Cardinal. Hindi naman ako inabot ng traffic kaya hindi rin naging matagal ang biyahe ko. After 30 minutes, narrating ko ang Cardinal residence. Tulad ng dati, tahimik pa rin ang paligid ng bahay. Parang walang nag-bago mula noong nawala si Yara. "Hijo!" masayang bungad agad ni Tita sa'kin at niyakap ako. "Buti nakarating ka agad." Ngumiti ako. "Of course, Tita. Malakas ka sa'kin eh." pabiro ko pang sagot. I want to sound as fine as I could be. "How have you been po?" "I'm fine. Holding on, like always, hijo." may pait na tugon niya. I understand her though. It's just been months. "Well, nasaan na pala yung business partner na sinasabi mo, Tita?" usisa ko. Iniba ko ang usapan para hindi na mauwi sa iyakan 'to. "Oh yes. She's the new event manager of Baltazar Hotel Inc." nakikita ko ang galak sa pananalita ni Tita. I wonder who's that event manager. "We're fortunate that she accepted our offer. You'll see her in a while." Wait - "Baltazar - ? " "Hi, Tita!" Bago pa ko makabuo ng kongklusyon sa isipan ko, a smiling image of Nicoleen Baltazar appeared before my eyes. Baltazar Hotels Incorporated, huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD