-Nicoleen's Play- "Hi, Tita!" I tried to sound as cheerful as I could.Kahit na sobrang nanginginig na ang mga kalamnan ko. Looking at Paix doesn't help me at all. He gazed at me with those cold eyes. Ano pa man ang iniisip niya, isang lang sigurado ko; he's not pleased to see me. Alam kong nagmumukha na 'kong stalker sa mata niya, pero wala na kong magagawa. Ginusto ko 'to eh, hindi na 'ko pupwedeng umatras nang basta-basta. "I believe nagkakilala na kayong dalawa, right?" singit ni Tita sa gitna ng matalim na tingin sa'kin ni Paix. Oh. I'm so dead right now. Bago pa 'ko maka-oo, mabilis na puminta ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya. You know what's worst? Nakatitig pa rin siya sa'kin. Is he trying to mock me? That thought made me think for a while. "Yes, Tita." kumpiyansang sago