Chaprer 32
Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ko na kahit ako diko halos mapaniwalaan na mangyari ito sa akin. Pumunta ako sa siyudad para magkaroon ako ng puwang sa mga mata nang mga taong walang tiwala sa aking kakayahan. Kakayahan bilang tao pero siguro nga kung ang tadhana na ang kumilos wala kang kakayahan na pigilan ito kaya ito nangyari sa akin. Pero kelangan ko na baguhin at pipilitin kong baguhin para hindi na mauulit pa sa hinaharap. I stopped thinking when someone opened my door,
"Anak, mukhang ang lalim nang iyong iniisip, kanina pa ako kumakatok pero parang hindi mo yata ako narinig ",
"Pasensya na po kayo Ma, hindi ko ho kayo narinig na kumatok..bakit po may kelangan ho ba kayo sa akin?
"Regarding sa pinakukuha mong gamit sa unit mo, nadatnan ko roon ang asawa mo if I am not mistaken that he is your husband ,anak "
"Sigurado po Ma, s'ya lang naman ang may access sa unit ko at nasa kanya po ang binigay niyong susi sa akin noon."
"Pero nakuha ko naman iyong importante na gamit na sinasabi mo ,nak.. at ito nga pala ang envelope", sabay abot sa kanya nito
"Wag kang mag-alala ,nak wala akong sinsabi sa kanya na kahit ano at wala rin siyang nabanggit tungkol sa iyo.",
"Salamat po alam ko po na maaasahan ko po kayo pagdating diyan, Ma"
"May importante rin po pala akong sasabihin sa inyo,"
" 'Yong naging kaibigan ko po sa modeling, nag-offer po sa akin na isama niya ako sa Italy."
"Paano iyang pinagbu-buntis mo kung aalis ka?!",
"Sabi po niya ,wala raw po magiging problema, advantage pa nga daw po, kasi iyon po'ng tita niya model tapos po iyong promotional na humahawak sa tita niya , matagal na daw po naghahanap ng pregnant model para gawen po'ng ambassador sa ginagawang campaigns sa isang non- government organisation daw po sa Italy at kahit anong lahi raw po ang kinukuha about Pregnant Women Awareness ang tema...Kaya po I try my luck Ma, para makalayo rin kami sa lugar na ito at the same time matupad ko po ang pangarap na magtagumpay. " mahaba kong paliwanag
"Kung sa tingin mo iyan ang mabuting paraan para maging successful ka, at matupad mo iyong pangako mo sa iyong Papa , su-suportahan kita 'nak."
"Basta huwag kang makalimot magdasal sa panginoon."
"Isama ka rin namin sa aming panalangin, anak.."
"Maraming salamat po Ma, siguradong pakiki-kinggan nang Ama ang inyong panalangin para po sa akin kasi napakabait niyo po."
"Ikaw rin ,anak.. Alam kong mabait kang bata at nasigurado kong lalaking mabait rin ang anak mo.",
"Yan po ang panalangin ko Ma,
Natigil kami sa pag-uusap namin ni Mama Tess dahil sa isang katok at tumambad sa amin si Henry.
"Ma , hindi pa ba kayo tapos mag-usap ni Elisa?, gutom na ako !", nakasimangot na sabi
"Paano ka magutom e wala ka namang trabaho?!",
"Ayy siya ang harsh mo sa guwapo mong anak ,Ma! 'pag ako nakapag-trabaho baka sasabihin mo na naman na huwag na ako magtrabaho.",
"Halika ka na nga anak , para matigil na itong damuhong ito", natatawa naman ako sa dalawa.
Pagkatapos naming kumain ako na nagpresintang maghugas ng pinagkainan Pero hindi pumayag si Mama Tess kaya ang ending si Henry ang nagligpit ng lamesa at naghugas ng mga plato.
"Kami naman ni Mama ay nagtungo na sa may salas para manuod ng Korean teleserye.
Nagpaalam ako papasok na sa aking kwarto at pagdating nahiga na para matulog.
Nagising ako ng maaga kinabukasan at naligo rin ng maaga. Inaayos ko na aking sarili para sa pagdating ni Rain handa na ako.
Naghintay ako ng ilang oras saka sinasabi sa akin na dumating na si Rain.
"Anak nariyan na ang hinintay mo'ng kaibigan,lumabas ka na riyan! ", tawag sa akin ni Mama Tess.
"Nariyan na po ,Ma..",
"Pasok ka muna iha ", aya ni Mama Tess
"Thank you, Ma'am!", masayang sabi nito
"Good morning everyone, "bati ko sa kanila at napuna kong close na kaagad sila sa isat isa si Rain at MamaTess.
"Besh! ", tinignan siya nito ng mabuti at niyakap ng mahigpit
"Ang sabi ni Madam Avery, you almost killed her pero sa nakikita ko sa hitsura mo ngayon besh mukhang ikaw ang malala at ikaw nagulpi ng mabuti. Nandiyan pa rin ang mga pasa oh..kitang kita pa rin", habang binaling baling ang kanyang mukha kaliwa't kanan
"Besh mukhang hindi lang mga pasa ang masakit sa akin pati yata leeg magkakaroon na rin ng injury dahil sa ginagawa mo ngayon sa akin ", reklamo ko
"Hehe pasensya na besh, I just carried away, pero wala kasing kahit isang pasa si madam Avery para sabihin niya na pinagtangkaan mo siyang patayin ", rant nito
"Kung nandito ka noong time na nangyari iyon,iha maawa ka talaga..sobrang nakakaawa talaga ang hitsura niya bukod sa namamaga ang mukha niya duguan pa dahil sa sugat na natamo niya sa ulo niya. At ang sabi ng doctor nakuha niya raw iyon dahil sa merun matulis at matalim na bagay na pinokpok sa ulo ata ni Elisa.", paliwanag nito
"Pinagawan ko na ng medical record yang nangyari sa kanya, iha... just in case na kelangan", dagdag pa nito
"At kinuhanan rin ng anak ko ng picture ang mga pasa niya, sa ganun may katibayan tayo sa nangyari. ", ulit na paliwanag ni Mama Tess
"Salamat po ma'am at naisip niyo po iyon ", pasalamat nito kay Mama Tess
"At wag muna akong tawagin na ma'am iha, tawagin mo na lang akong Tita ", nakangiti nitong sabi
"Tamang tama ang dating mo iha,nakapaghanda na ako ng ating almusal..anak isama mo na ang iyong kaibigan sa kusina at huwag na kamo siyang mahiya, sabay sabay tayong kakain", sabi pa ulit nito
"Henry! ano kaba namang bata ka..hindi kana nahihiya dito ka pa talaga nagkamot ng tiyan sa harapan ng bisita ", talak nito sa anak
"Ma... bakit ako mahiya e ang ganda ng katawan ko, sila dapat mahiya dahil nakikita nila ang kamachohan ko, di ba Elisa?!." pagmamalaking biro nito, nagkibit lang ako ng balikat sa sinasabi nito at binatokan naman ito ni Mama Tess habang tawang tawa naman si Rain
Sa hapag kainan
"Nabanggit ng anak kong si Elisa iha na niyaya mo raw siyang sumama sa iyo sa Italy",
"Yes po tita.. matagal na po akong kinukuha ng tita ko kaso ayoko naman po na walang kasama.",
"Kaya naisip ko si Elisa na siya po ang isasama ko.", tumingin naman sa akin si Mama Tess
"Paano 'yang", sabay tingin ni Mama Tess sa tiyan ko
"Ma alam na po niya, ang kalagayan ko, nasabi ko na po sa kanya kahapon sa telepono", paliwanag ko
" Wala pong maging problema iyang baby niya Tita , mukhang si baby pa nga po ang swerte ni beshy .", sagot nito
"Napahawak naman ako sa tiyan ko," hindi pa man siya lumabas pero nakakatuwa na."
"Huwag mo sanang pabayaan si Elisa doon,ha?!
Kumakain lang ng tahimik si Henry.
"Bigyan nio ako ng update palagi, para sa ganun may alam rin ako.", dugtong na sabi nito
"Nga po pala Tita, isama ko na po si Elisa pag-uwi ko, para po doon na lang po siya maghintay sa kanyang travel documents.. mamaya po kasi Tita baka kapag dito po siya e makita po siya ng mga tauhan ni Avery. ",
"May posibilidad nga naman, sige iha mas okay yang isama mo na si Elisa sa bahay niyo.", sang ayon nito.. pero mamayang gabi na kayo aalis",
"Opo tita", sagot nito
"Sa sandaling pananatili mo sa pamamahay ko anak, nagkaroon ng kulay ang bahay ko, hindi ka pa nakakaalis namimiss na agad kita ", maluha luhang sabi nito
"Ma iyan ang epekto sa kapapanood mo ng Korean drama ", natutoto ka na ring mag- emote
"Aray ko naman ma, bakit mo ko binatukan?!", tanong nito sabay hawak sa nasaktan na batok
"Poro ka kasi kalokohan e", singhal nito sa anak
"Kanina pa ako naririndi sa kadramahan ninyong tatlo e",
Sabay sabay naman naming tatlo itong tinignan ng masama",
Pagkatapos kumain kami na ni Rain ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Habang nasa kusina kami nagkwento siya tungkol sa nangyari sa S and S.
Flashback
Rain POV
"Girls ,I have an important announcement! Mula sa araw na ito Si Ms Jamillah Elisa Ortiz it's not part on our team and she is permanently banned at kung pupunta pa siya rito report nio agad sa akin.", Ang sabi nito
"Madam Avery", anong ginawa po ni Elisa sa inyo?", Tanong ni Mama Suzi
" Pumunta ako sa apartment niya para pakiusapan siya na 'wag niyang landiin ang anak ko, pero ang ginawa niya tinutukan niya ako ng kutsilyo at itinulak pa ako kaya napapaupo ako sa sahig!", ang sabi nito
"Nagawa niya iyon sa inyo ,Ma'am?!", Singit ni Khloe
"Yes, she did.. kung anong nakikita niyong maamong mukha niya taliwas sa totoong ugali ng malanding babae na iyon ",sagot ni Madam Avery
"Sabi ko na nga ba e, kunwari lang iyong kabaitan niya na iyon,nasa loob talaga pala ang kulo...Kaya mabigat ang loob ko roon sa impakta na iyon", Sabi ni Melanie
"Me too, mabuti na lang at wala na siya rito, wala nang malandi at paepal na katulad niya. ", si Trexie
"Sayang naman! magaling at ang ganda pa naman niya, hinahangaan ko nga siya, pero totoo bang ibininta niya talaga sarili niya sa anak ni Ma'am Avery?",bulong ni Riseley
"Hindi iyan totoo ! saksi ako na si Matthew ang lapit ng lapit sa kanya ", sagot ko dito
"Kilala ko si Elisa kaya hindi niya magagawa ang binibintang sa kanya ni madam Avery
"So as of now , iyan lang ang sasabihin k sa inyo, all of you can go now", sabi nito kanila at nagkanya kanyang alis na kami .
"Rain! alam mo ba asan ngayon si Elisa?", tanong ni Mama Suzi
"Sorry po mamshie pero hindi po e",sabi ko
"Kung tatawagan ka niya sabihin mo na tawagan ako kaagad", sabi ulit nito
"Surely mamshie ", sagot ko
End of Flashback
"Totoong pumunta nga siya sa apartment ko.Pinagbintangan niya ako ng kung ano ano at nangangatwiran ako doon niya na ako sinasaktan, sinampal sinabunutan at kalaunan pinokpok niya sa akin ang kanyang sapatos na may takong. Dahil nasaktan na ako sa pananakit na ginawa niya sa akin naitulak ko siya saka ako tumakbo palabas ng unit ko. Pinahabol pa niya ako sa dalawang lalaki na tingin ko ay bodyguard niya. Pero ang sabihin na tinututukan ko siya ng kotsilyo hindi iyan totoo, Rain. Maniwala ka sa akin.
"Hindi totoo na tinututukan ko siya ng kotsilyo",
"Tanungin kita Besh, iyong totoo sagot lang gusto kong marinig sa iyo, tingin mo ba magagawa ko iyong binibintang ni Ma'am Avery?.. magagawa ko ba siyang tutukan ng kotsilyo?", maluha luha kong tanong
"Hindi besh, sa totoo lang mula noong pum ka sa S and S hindi pa kita nakitang nagalit kahit pinag-iinitan ka nila Melanie.. hindi ka lumalaban, kung ako siguro ang ginawan nila ng ganoong bagay baka nagahalo na ang balat sa tinalupan ", gigil na sabi
"Kasi hindi ako ganoon e, ayoko ng gulo, hangga't maari iniiwasan ko na masangkot sa gulo ", madamdamin kong sabi
"Besh mula ngayon wag na natin silang pag-uusapan pa , erase na natin sila sa ating memory, okay?! .. sakit sila sa bangs na wala ako.", napangiti naman ako sa kalokohan nito
"Poro ka kalokohan diyan.", sabi ko
"Pero natawa ka besh sa corny kong joke, aminin mo?! ..kundi kilitiin kita ng bonggang bongga to highest level", akma nga itong lalapit at kilitiin ako
"Oo na ! 'wag ka na lumapit.. pero seriously Rain salamat talaga ha.. kundi dahil sa inyo ni Mama Tess iwan ko kung saan ako ngayon hindi din ako puwede'ng umuwi sa ate ko.", naiiyak kong sabi
Hindi rin ako puwede na lumapit kay Matthew tiyak malalaman ng mommy niya. Yumakap siya dito at umiyak ng umiyak..
"Besh ,'wag ka nang umiyak , nababasa mo ng luha ang damit ko ", bigla naman akong lumayo rito at nagpunas ng luha ko.
"Sorry.. naalala ko lang ang pangako ni Matthew sa akin noong nasa Tagaytay pa kami, sa-sabi niya magkasama daw namin harapin ang pro-problema pe-pero nasaan si-siya ngayon iniwan niya ako sa ere. ", napapasinok ako habang nagsasalita
"Huwag mo na nga isipin pa ang lalaking iyon, walang balls. Isang sabi lang ng nanay niya naniwala naman kaagad.", sabi nito
"At iyang mommy naman niya isang solsol lang ni Melanie naniwala naman kaagad, mas malala pa nga ang ginawa nung ipokritang babaitang iyon sa kay Matthew.", dagdag na sabi nito napatingin siya dito.
"A-anong si-sinasabi mo ?!", nauutal kong tanong ko tanong
"Hindi ba nasabi sa iyo?.takang tanong nito
"Hi-hindi e." ang sakit ng naramdaman ko I feel betrayed
"Si Melanie ang first girlfriend ni Matthew, at balita ko hiniwalayan ni Matthew, kaya ito si babaita gustong bumalik kay Matthew.... ",
"Tama na besh please huwag mo na ituloy paki-usap ", at naglalakad na ako papasok ng kwarto at doon ako umiyak ng umiyak at naalala ko ang nakita ko sa S and S
Flashback
"Wow talagang ginalingan mo ang pang angkin mo kay Matty ko", "Ang kapal ng face mo!",
"Wala akong alam sa sinasabi mo.", pagtatangol ko sa sarili ko
"Wala kang talagang alam kasi , kasi sekretong haliparot ka e at sekreto mong nilalandi si Matthew!",galit nitong sabi
" Please tigilan mo na ako ,Melanie wala akong ginawang kasalanan sa iyo para pag-initan mo ako ng ganito.", mahinahon kong sabi
"Besh, Tignan mo si Melanie kung makayakap yakap kay Sir Matthew akala mo may aagaw rito mula sa kanya ",
Napatingin naman ako sa kanila.
"Hayaan mo na sila besh", sabi ko
Nakita kong ngininisihan ako ni Melanie ng nakakaluko.
End of Flashback
Ang sakit sakit naiisip ko pa lang na may nangyayari din sa kanila parang hindi na ako makahinga, Bakit hindi niya sa akin sinasabi na kasama ko na pala ang ex niya sa trabaho, anong dahilan niya huhuhu. Itinuring niya ba talaga akong asawa?huhuhuhu gusto kong sumigaw sa sakit naramdaman ko.
"Anak, anak ko! huminahon ka! andito ako, kami na nagmamahal sa iyo, hindi ka nag- iisa!",
"Ma!...yakap ko dito niluluko lang ako ni Matthew at ang sakit sakit Ma! huhuhuhu
"Besh tama na ang iyak mo, alalahanin mo ang baby mo, please besh! huminahon ka na ! tama na ang iyak.",
Ramdam kong hinimas himas ang likod ko nito. At tumigil na rin ako sa pag- iyak ko inaalala ko ang anak ko, kelangan kong magpaka-tatag.
"Pa-pasensya na po ka-kayo Ma ,Besh.. Sabi ko
At nakatulog ako dahil sa nanghina ang katawan ko.
Nagising ako na gabi na... at bumangon ako at pinagsalikop ko ng kamay ko ang aking buhok ko at tinalian bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko silang tahimik na nakaupo sa salas. Ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Ma ,Besh .. ahhhhmm sorry po ulit , promise po hindi na ako iiyak. At nagpasalamat po ako ng malaki da-dahil sa kalagayan ko po'ng may mga tao po akong nasasandalan. Promise po hindi ko po kayo bibiguin at hindi ko na po kayo bigyan ng alalahanin pa.", mahaba kong litanya.
"Paano po yan Tita, iuuwi ko muna siya sa bahay namin. Sa bahay po marami siyang mapagli-libangan.", paliwanag nito
"Puwede ba akong sumama sa inyo iha?, gusto ko lang ihatid siya at gusto kong maka-sigurado akong okay siya ", sabi nito
"Sure po Tita... puwede'ng puwede po kayong sumama amin po."
Pagkatapos nga naming kumain ng hapunan umalis na rin kami. Dalawa kami ni Rain sa kanyang kotse at sila naman ni Mama sa kanilang kotse ang driver si Henry. Mga ilang rin ang biyahi namin ng makarating kami sa isang executive village sa Pasig. Ilang minuto nakarating kami sa bahay nila ,pinasok ni Rain ang kanyang Toyota RAV4 pagkatapos buksan ang kanilang gate ng isang may edad na babae siguro kanilang helper sa bahay at sumunod din sila ni Mama. Bumaba na kami ng sasakyan napansin ko kaagad ang malawak nilang porche na patungo sa main door, mapaka modern ng bahay. 2 story modern house. Nahiya pa akong pumasok. Binati ko ang kanilang helper.
Pagkapasok namin sa bahay nila dumeretso kami sa likod ng bahay nila at namangha ako sa ganda ng garden na nandoon kahit mediyo madilim dahil tanging ilaw lang ang nagbibigay dito ng liwanag sa buong paligid perk makikita pa rin ang ganda nito, mas lalo na siguro sa umaga. May modernong kubo sa gitna ng garden na my mga pathway patungo sa kubo para siguro hindi mo maapakan ang well trim nilang bermuda grass at sa kabilang side ang isang perfect adult heart shape pool.
Napaka ganda talaga ng view
Pumasok kami sa kubo at ang loob may isang table na napapaligiran ng upuang well varnish na upuang kawayan at sa itaas may isang 64 inches na flat screen television. Maya maya may isang dalaga na may dalang pagkain at tingin ko ay cake ng Red Ribbon nakita ko kasi ang tatak ay may orange juice din.
"Salamat po Ate Mel", pasalamat ni Rain
"Walang anuman Day ", sabi nito na sa tingin ko ay bisaya at umalis na ito
Natatakam ako sa cake kaya walang paalam kumuha ako kaagad. Habang si Rain kinuhanan din si Mama pero si Matthew juice lang ang kinuha hindi daw ito mahilig sa cake.
"Nak, mukhang maaaliw ka rito dahil sa magandang views,", habang kumukuha ng cake sa platito
"Mukha nga po Ma," sabi ko dito
"Anytime po kayo puwede'ng bumisita rito Tita ", singit ni Rain
"Salamat iha, napaka bait mo ring bata
"Salamat po Tita, pero hindi na po ako bata, 21 na po ako", sabi nito
"Ikaw talaga ,siya hindi na kami magtatagal",paalam ni Mama Tess
"Ang mga paalala ko sa iyo ,anak", sabi nito
"Vitamins mo ,inomin sa tamang oras ,para sa baby iyon, para maging healthy si baby sa tiyan mo",bilin nito
"Opo ma, hindi ko po kakalimotan ang mga bilin niyo .
"Ako na po ang bahala sa kanya tita ,ako po ang maging alarm niya. ", nagpasalamat naman si Mama Tess sa kanya.
Yumakap muna ako bago sila umalis
Kinabukasan hindi ko na nadatnan si Rain sa kwarto namin. Nakita ko may pagkain sa side table at may note. Na nasa mall lang daw ito. Pagdating may dala dala ng mga paper bags at ibinigay sa akin, mga gamit ko pala kompleto ng kelangan ko binili niya na.
"Besh, gumastos ka pa talaga para sa akin merun naman akong pera kahit papano.", nakapa maywang pa ito
"Wag mo na yang intindihin ,okay...parang kapatid na turing ko sa iyo besh. Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo." paliwanag sa akin
"Lika sa labas ipakilala kita sa mommy ko", Bumaba nga ako sa kusina at nadatnan namin ang Daddy n'ya at mommy niya.
"Hi everyone", bati nito sa daddy niya at mommy niya sabay lapit at nag-bless.
"Oh baby may kasama ka pala" sabi ng Dad niya
"Oo nga po pala mom,dad.. ito ang bff ko si Jamillah Elisa po pero tawagin niyo siyang Elisa mom dad
"Ang gandang bata, diba hon?", puring sabi ng Dad ni Rain
Nakangiti naman ang mommy niya sakin.
"Oo nga hon, tama ka hon", sabi ng mommy
"Ilang taon kana iha, mukhang ang bata mo pa sa tingin ko" sabi ulit ng mommy ni Rain
"18 po Ma'am ", nahihiya kong sabi
"Galing po akong probinsya po , pero may dalawang taon na rin po ako dito sa Manila."
"Ganoon ba?"," Pero di ka mukhang taga probinsya iha" dugtong ng daddy ni Rain sa sasabihin ng mommy ni Rain .
"Marami nga nagsabi po niyan sa akin Sir ,Ma'am .. dahil po siguro parehong may lahing kastila ang Papa ko at ang Mama ko po.", magalang kong sabi
"Kaya naman pala ", " Iha feel at home ka rito sa amin ha?!", ang mommy at daddy ni Rain
"Mom, Dad , pakainin po muna natin si Elisa okay po ba iyon?
"Kumain ka na iha, pasensya kana sa kawalan namin ng manners ", "okay lang po iyan Ma'am.",
"wag muna akong tawagin na ma'am , tita will be better for me " at "Tito naman sa akin wag na ang Sir ", " sa-salamat po " pasalamat ko sa kanila at nagpasalamat sa panginoon na nadagdagan na naman ang mga mababait na tao na nakilala ko at tanggap ako sa kabila ng pagiging mahirap ko at galing pang probinsya.
Umabot ng halos tatlong buwan ang pagproseso ng aking documents at dumating din ang aking tourist visa papunta Italy. Tourist visa lang ang kinuha para sa akin dahil sa buntis ako hindi ako papasa sa working visa kelangan daw kasi ng medical. Nakakahiya nga dahil alam ko kelangan ng malaking pera para sa tourist visa. Pero sabi ni Rain wag na daw ako mahiya. Dumating naman kaagad ang ticket namin ni Rain. one week from now aalis na kami sa Italy. Florence Italy. Amerigo Vespucci Airport na sakop ito ng City of Firenze ang pinaka main airport sa Florence Italy.
To be continued next chapter