Ang Simula

1749 Words
Chapter 31 Nagising siya na gabi na at masakit na masakit ang kanyang buong katawan. Hindi ko alam kung bakit ang sakit nito. Nilibot ko ang tingin ko sa buong unit ko at hinanap ko si Matthew. Nang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Ate Tess. "Buti naman at nagising kana, iha.", sabi nito na ikinakunot ng noo ko "Ate Tess, ba-bakit po kayo nandito sa unit ko?!", takang tanong ko "Iha ,wala ka sa unit mo, andito ka sa bahay ko.. nakalimotan mo ba ang nangyari sa iyo?", saad nito na natandaan ko naman at naiiyak na naman ako. "Ate Tess huhuhuhu natandaan ko na po huhuhuhu ", iyak ko dito "Wag kang umiyak ng umiyak dahil makakasama sa iyo ang sobrang stress ", ang dagdag pang sabi nito "Sa ngayon, magpahinga ka muna para maging okay kayo ng baby mo.", naguguluhan ko itong tinignan "Tama ka iha sa narinig mo five weeks ka ng buntis, kaya ingatan mo ang baby mo", natakot ako na natutuwa dahil magkakaroon na ako ng anak pero natatakot ako dahil sa mag-isa ko na lang itong harapin at alagaan. Wala na akong maasahan sa ngayon kundi sarili ko, hinawakan ko ang impis kong tiyan, naiiyak ako. Ayaw ng mommy ng daddy mo sa atin baby, hikbi kong kausap sa baby ko. Pero 'wag kang mag alala anak ko lalayo tayo para hindi na nila tayo makita pa. Tulungan mo ang Nanay ha?! habang bumu-bulwak ang masagana kong mga luha. At nakatulog ako pagkatapos kung kainin ang binigay ni Ate Tess na pagkain tinolang manok at kanin may kasama pang saging at pineapple juice. Kinabukasan tanghali na akong nagising at nagtungo ako sa banyo ng kwartong ito. Para maghilamos, nakita ko sa salamin ang namamaga kong mukha na nangingitim na ito at ang benda sa aking ulo. Napapaiyak na naman ako pero pinilit kong wag maiyak. Pagkatapos kong naghilamos lumabas ako ng silid na tintuluyan ko. Nakita ko naman sila ni Ate Tess at Henry na nasa sala nila nanunuod ng TV si Ate Tess, habang naglalaro naman ng Mobile Legend si Henry. "Good morning po ", bati ko sa kanila "Oh iha gising kana pala, buti naman at gising kana.. pinahintay talaga kita kay Henry na magising baka kako may gusto kang ipabibili, Inutusan ko kasi itong si Henry na bilhin ang mga vitamins mo na resita ng doctor kahapon.", paliwanag nito sa akin "Wala po akong gustong ipabibili po Ate Tess, malaking utang na loob ko na po itong ginagawa niyo sa akin na pagtulong . Kinopkop niyo po ako rito sa bahay niyo. Kalabisan na po kung hihigit na po ako roon at magpapabili pa nang kung ano ano. Tanawin ko po itong ginawa niyo na napakalaking utang na loob, Ate Tess. Balang araw po babalikan ko po kayo." madamdamin kong sabi dito na maluha luha ang aking mga mata. "Ano ka ba naman bata ka, iha tinuring kita hindi na iba sa akin dahil unang kita ko pa lang sa iyo napaka- gaan na ng loob ko sa iyo... Sana sa edad mo 'yan di kita dapat tinanggap dito, kasi ang bata mo pa para mangupahan sa aking apartment, pero tinanggap pa rin kita dahil napaka- desedido mong bata at may presipyo ka sa iyong sarili. Matanda pa nga kung tutuusin itong anak ko sa iyo na poro laro lang ang alam sa buhay ,pero ikaw iha nagtra-trabaho kana sa halip na nag-aaral ka pa sa ngayon. Anak na turing ko sa iyo, 'yan ang tandaan mo", mahigpit kaming nagyakapan dalawa ni Ate Tess "Ang mga kababaihan talaga pono ng kadramahan sa buhay, tigil tigilan niyo nga kasi ang kapapanood ng korean drama, nahahawa na tuloy kayo sa kanila, lalo kana Ma!", nahampas naman ito ni Ate Tess ng towel na bitbit. "Ikaw na bata ka, sakit ka sa ulo ko e.. hindi mo na lang gayahin itong si Elisa na may trabaho.. professional kang naturingan pero dakilang tambay ka naman at poro ka pa ML", sabi ni Ate Tess habang nakatitig lang ako sa kanilang mag-ina na diko maiwasan na hindi makaramdam ng inggit sa kanilang mag-ina. "Masyado mo akong pinapahiya sa crush ko Ma," sabi nito at napatingin naman ako dito "Hahaha ikaw may crush kay Elisa?! advice ko sa iyo 'nak matuto ka muna magbanat ng buto para hindi tayo nakakahiya,ha?! pang asar na sabi ni Ate Tess at tinapik tapik pa ang balikat ni Henry. "Ate Tess, kung may bibilhin po si Henry puwede po ba akong magpabili na lang din po ng sim card po, papalitan ko lang po ang dati ko pong number", mahaba kong pinaliwanag. "Narinig mo iyon Henry?!", sabi ni Ate Tess ky Henry "Yes po Ma, very loud and clear ", sabay ngiting nakakaloko sa mama niya "Gusto ko din po sanang kunin ko mga gamit ko roon sa unit ko, " sabi ko kay Ate Tess "Pero anak hindi ka puwede pumunta roon, ako na lang mamaya ang kukuha sa mga gamit mo ,magpasama na lang ako kay Henry para may pakinabang ang lokong iyon.", napangiti naman ako sa sinasabi ni Ate Tess " Yan ganyan nga anak, 'wag ka magmokmok sa kalungkutan, pasayahin mo ang sarili mo para masaya rin ang apo ko riyan sa loob ng tiyan mo." masayang sabi nito sabay himas sa impis ko pang tiyan. "Opo Ate Tess, pinipilit ko pong sumaya dahil po sa anak ko.", madamdamin kong saad dito "Huwag mo na akong tawagin na Ate, gusto ko mula ngayon Mama na ang itawag mo sa akin,puwede ba iyon ,anak?", naluluha naman ako sa sinasabi nito sa akin "O-opo Ma ", tawag ko sa kanya "Kung buhay pa sana ang aking asawa siguro tuwang tuwa sana iyon ngayon dahil sa iyo, dahil pangarap niya talaga na magkakaroon kami ng anak na babae pero maaga siyang kinuha sa amin ni Henry ", maluha luhang nitong kwento nito at naintindihan ko naman masakit talaga ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung naging katuwang mo ito. May kalahating oras din kaming naghintay kay Henry at dumating na rin ito bukod sa vitamins ko bumili pa ito ng mga prutas, ibat ibang klase ng prutas. At binigay din sa akin ang bagong sim card ko. Nagpasalamat ako rito ng sobra sobra. Pumasok ako sa kwarto na ginagamit ko para mapalitan ko ang aking lumang sim. Hindi ko na ito inopen , pinalitan ko na agad ng sim card. Tska ini-on ang on button. Ilang segundo bumukas na ito. Tinignan ko ang contacts ko andoon pa, nakasave pala sa phone ko ang contact ko, wala pala sa sim, kaya hindi ko na lang pinaki- alaman pa. Ang importante di nila alam ang bago kong number .Pero kelangan ko tawagan ang ate ko, para hindi mag -alala sa akin. At nakailang ring bago sinagot, at pinaalam ko nga ang bago kong number dito. Pagkatapos kong tawagan ang ate ko. Tinawagan ko rin si Rain. Naka-ilang ring bago ito sinagot Rain:Hello?!, sino ito? Elisa:Rain, si Elisa 'to Rain:Beshy...! sigaw nito , nilayo ko naman ang phone ko sa teynga ko nabingi ako sa sigaw nito Rain:"Saan ka ngayon,Besh? alam mo ba pinapa-banned ka ni Madam Avery dito sa S and S, galit na galit 'yong modra ni Matthew Elisa: Expected ko na iyan Rain: Umalis na rin ako doon e Ayy besh since wala kang work ngayon, gusto mo sumama sa akin? Elisa: Saan mo naman ako dadalhin? Rain: Sa Italy Elisa: A-ano? Rain: You here it right, beshy! At besh 'wag kang makikipag kita kay Matthew kung tatawagan ka niya ,ha?! .. Alam ko galit din siya sa iyo e sa ginawa mo raw sa mommy niya.. natigilan siya sa sinasabi nito.. anong naging kasalanan ko sa kanila bakit ganun na lang ang galit nila sa akin, wala naman akong ibang hangad sa buhay kundi ang sumaya na hindi ko naranasan sa pamilya ko. namamasa na naman ang mga mata ko tanda na anumang oras maiiyak na ako. Rain: Beshy?! are still in there?! Elisa: Yeah I am still connected A-ano raw ang ginawa ko sa mommy niya? Rain: Muntik mo raw patayin ang mommy niya, yan daw sabi ni Madam Avery, na confined pa nga e ng isang gabi. Elisa: A-ano? ,doon na bumagsak ang luha ko.. ako pa nga ang halos niya patayin e at pinahabol pa niya ako sa mga bodyguard niya. pero diko na ito sinabi kay Rain. Elisa: Rain kung pumayag ba akong sasama sa iyo sa Italy paano iyong travel expenses ko at wala pa akong mga papers documents para pagkuha ng passport. Rain : Madali na lang iyan besh, ipaasikaso ko sa agent lahat iyan. ang importante buo ang loob mo na sumama sa akin. About sa expenses, ang tita ko na rin ang sagot sa ating dalawa. Elisa: Pero may problema ako e , Rain: Parami ng parami problema mo besh , anong problema mo this time? Elisa: I'm pregnant Rain: Oh my g talaga , nagpabuntis ka talaga sa kanya? Elisa: Hindi ko naisip gumamit ng protection besh e, tska asawa ko naman siya kasi.. nagcrack ang boses ko, naiiyak ako at naisip ko siya. Sobrang namiss ko na siya at tinitignan ko ang aming wedding ring. Binasa ko pa ang naka-engraved sa ilalim nito ang pangalan niya Matthew. Rain:Nawala ka na naman, Elisa: I'm here Rain: Your problem is solved, Beshy! Tamang Beshy dahil yung promotional ng tita ko naghahanap talaga sila ng pregnant model para sa campaign nila "Pregnant Women Awareness Program " Elisa: Talaga ?! Rain: Yep! Kaya goodbye Philippines na tayo nito Elisa: Poro ka kalokohan Rain: Pinapagaan ko lang ang atmosphere, hehe mainit e. One more thing besh, can I visit you? or the best idea you stay with me here while we are waiting . Ano sa tingin mo? pero wag kana mag isip kasi sunduin na kita diyan. Elisa : Rain! nakakahinga ka pa ba sa dami mong sinabi? Rain: Of course besh.. marami akong stock na air sa lungs ko hehe Elisa: By tomorrow you can fetch me here, magpaalam pa ako at kunin ko pa iyong gamit ko sa unit ko. Rain: As you wish, besh! okay bye for now and see you tomorrow Elisa: Bye, wag mo ipagsasabi na nagkakausap tayo ha?! Rain:Surely besh take care and my inaanak... End niya na ang tawag Hindi niya na naisip na umabot siya sa ganitong punto sa buhay niya. Parang hindi makatotohanan! To be continued next chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD