"I CAN'T believe you are married." Sinaid ni Rebeca ang alas niya sa wine glass niya. Magkasama kaming dalawa ngayon sa condo niya. Naisipan naming uminom dalawa habang pinag-uusapan ang mga bagay na nangyayari sa akin. "Hindi ko rin alam na mag-aasawa ako." Sabay tawa ko. "Ang hirap talaga kapag tinamaan ng pana ni Kupido. Nakakaisip agad mag-asawa." Tumawa ako. "Hindi ko rin inisip na mag-aasawa ako agad." "Gano'n talaga kapag mahal mo." Natahimik ako. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit pumayag ako sa gusto ni Drake. Samantalang wala na dapat akong habulin sa kanya dahil natanggal kong aksindente ang pagkamatay ni Sevie. Dapat nagmo-move on ako at nagfo-focus na lang ako sa buhay mo pero heto ako pinanindigan ang pagiging asawa ng isang mafia boss. "Oh, bakit natahi