"Steffie, tikman mo ito masarap," wika ni Drake. Imbis na isubo sa akin ang fish shanghai ay nilagay niya sa bibig niya para kunin ko gamit ang bibig ko. "Okay." Kinagat ko ito gamit ang bibig ko hanggang sa magdikit ang labi naming dalawa. "Puwede ba umalis na kayong dalawa. Nakakainis na ang pagiging sweet n'yong dalawa," inis na saad ni Ethan. Hindi lang si Ethan ang kasama namin sa bakasyon na ito kung hindi ang lahat ng mga kaibigan niya. Napag-alaman ko na ang grupo nila Drake ay binubuo ng anim na leader at ang sila ang mga lider na 'yon. May kanya-kanya silang transaksyon na ginagawa. At ang exodus bar na pinapasukan nila tuwing gabi ay isa lang sa mga negosyo na panakip sa mga ilegal nilang gawain. Mas lalo kong inasar ang mga kaibigan niya. Kumuha ako ng lemon at pinatak ang