PROLOGUE
SUOT ang itim na sunglasses upang hindi makita ng mga tao ang mga luha na pilit kong tinatago habang nakatingin sa kapatid kong unti-unting tinatabunan ng lupa. Halos isang linggo na akong umiiyak dahil sa pagkawala niya ngunit hindi pa rin nauubos ang mga luha ko. Sobrang sakit ang ginawa nila sa kapatid ko dahil halos hindi na ito makilala sa itsura niya. Sunog ang buong katawan niya.
Huwag kang mag-alala ipaghihiganti kita.
Ilang beses kong ibinulong 'yon sa kanya simula nang makita ko siyang wala ng buhay.
"Steffie, umalis na tayo," ani Rebeca, isa matalik kong kaibigan.
Nagsisimula ng dumilim dahil sa nagbabadyang pagpatak ng ulan.
Tumingala ako. "Kahit ang langit ay nagluluksa para kay Sevie."
"Wala tayong dalang payong kaya umalis na tayo."
Umiling ako. "Mauna ka ng sumakay sa kotse susunod na ako sa iyo."
Bumuntong-hininga siya. "Hintayin kita."
Tumango at muli kong pinagmasdan ang puntod ng kapatid ko.
"Sevie, pangako gagawin ko ang lahat para mapanagot ang may gawa sa 'yo niyan. Kahit isangla ko pa ang kaluluwa ko kay satanas maiganti lang kita sa gumawa niyan sa 'yo." Iyon ang huling sinabi ko sa kanya bago ako umalis.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ng kaibigan kong si Rebeca na isang abogado. Siya ang humahawak sa kaso ni Sevie ngayon.
"Maghihiganti ako."
"Nababaliw ka na ba? Hindi mo alam kung ano ang binabangga mo?"
Seryoso akong tumingin sa kanya. "Hindi ako puwedeng manahimik dito? Kahit ang mga pulis ay takot. Anong hustisya ang makukuha ko. Pinaikot-ikot lang tayo ng mga pulis pero sa huli ay wala tayong makukuhang hustisya."
"Kung hindi natin mabigyan ng hustisya si Sevie. Diyos na ang bahala sa kanila magpataw ng parusa."
"Mabait ang Diyos, patatawarin lang sila sa kasalanan nila. Hindi ako papayag ng gano'n ang mangyari gusto kong buhay rin ang kapalit ng mga taong pumatay sa kapatid ko."
"Saan ka magsisimula? Wala ka ngang alam sa kapatid mo."
"Pupunta ako sa condo niya para maghanap ng ebidensya."
Bumuntong-hininga si Rebeca. "Delikado ang gagawin mo."
"Kahit gaano pa 'yan kadelikado ay susuungin ko. Dalawa lang kaming magkapatid ni Sevie at hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya." Tumulo ang luha ko. "Nangako ako sa magulang na aalagaan ko siya."
Tumayo si Rebeca. "Huwag ka ng umiyak. Gagawin ko ang lahat para matulungan ka."
Niyakap ko si Rebeca at umiyak sa balikat niya. Binuhos ko ang lahat ng lungkot at bigat sa dibdib ko.
Ulila na kami ni Sevie. Dahil ako ang panganay kaya ako ang lahat ng sumalo ng obligasyon. May isang kumpanya na iniwan sa amin ang magulang namin at sa edad na bente ay ako na ang nagpatakbo ng negosyo. Hindi naging madali ang lahat sa akin dahil may mga tao na gahaman sa pera. Mabuti na lang at nakaalalay sa akin ang daddy ni Rebeca na isang negosyante at abogado. Siya ang nagturo sa akin ng mga dapat gawin.
Pinainom ako ni Rebeca ng sleeping pills dahil sa ilang araw na akong hindi nakatulog. Binigay sa akin 'yong ng psychiatrist doctor ko pero hindi ko iniinom pero ngayon ay napilitan akong inumin kaya ilang saglit lang ay nakatulog ako.
Nagising ako na kumpleto ang tulog ngunit buo pa rin ang plano kong bigyan ng hustisya ang kapatid ko. Kumain ako ng almusal at pinuntahan ko ang condo ni Sevie, para maghanap ng ebidensya na makakapagturo sa akin kung sino ang mga tao na puwede kong habulin.
Isang oras at kalahati bago ako nakarating sa condo niya. Muntik kong hindi mabuksan ang condo niya. Mabuti na lang at birthday ni mommy ang naging code sa pinto kaya nabuksan ko.
Binuksan ko ang kuwarto niya. Sa loob ng aparador niya ay nakita ko ang isang baril. Pinagmasdan ko ang baril at nakita ko ang tatak na exodus.
"Anong ibig sabihin ng exodus?"
Sinubukan kong hanapin sa internet ang kahulugan na 'yon ngunit iba ang lumalabas na sagot.
"D.S.E?" Ang nakalagay sa lahat ng nakatatak sa bala ng baril. Hinalughog ko ang aparador, nagbabakasakali akong makita ng maaaring makapaturo sa pumatay kay Sevie, ngunit wala akong nakita. Nahulog sa sahig ang picture frame ni Sevie. Nang dadamputin ko na ang picture frame, napansin kong may nakalabas na tali sa kama. Hinila ko iyon ngunit hindi maalis kaya yumuko ako para malaman kung para saan ang tali. Nakita ko sa ilalim ng kama na may nakadikit na laptop. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nang kunin ko iyon. Binuksan ko ang laptop ngunit hindi ko mabuksan dahil may code. Lahat ng birthday namin ay sinubukan ko na hanggang sa maalala ko ang nakalagay sa baril.
"DSE-Exodus."
Napatalon ako sa tuwa nang tinanggap niya ang password na binigay ko. Halos pigilin ko ang hininga ko habang tinitiningnan ko ang laman ng laptop niya. Lahat ng mga files doon ay tiningnan ko ang laman ngunit wala akong nakuha na makapagtuturo sa pagkawala niya. Lahat ng laman ng files ay puro tungkol bagong negosyo niya.
"Imposibleng itatago 'to ni Sevie ng walang mahalagang bagay na nakatago."
May napansin akong audio record sa laptop niya kaya pinakinggan ko ito.
"Sevie, sino ang boss mo?"
"Sweetheart, 'wag mo ng alamin ayokong madamay ka pa."
"Sabihin mo sa akin kung sino siya?"
"Drake Demarco ang boss ko. Kasali siya sa Exodus."
"Sevie, alam mo ba ang pinasok mo? Kapag nalaman 'yan ng kapatid mo siguradong magagalit siya sa 'yo."
"Please! 'wag mong sabihin kay Ate."
"Drake Demarco? Exodus?" Paulit-ulit kong pinakinggan ang usapan ng kapatid ko at ang girlfriend niya. Marahil ay ang girlfriend ni Sevie ang nag-record ng usapan nila ngunit ang problema ay walang ipinakilala si Sevie na girlfriend nito sa akin.
Kuyom ang kamao ko. "Drake Demarco, kung sino ka man. Hahanapin kita kahit sa impiyerno."
NAGSIMULANG magsalubong ang kilay ni Rebecca ng banggitin ko ang pangalan hinahanap ko. "Drake Demarco?"
Tumango ako. "Oo, siya ang kailangan kong hanapin dahil siya ang makakapagsabi sa akin kung bakit namatay ang kapatid ko.
"Kahit i-google ang pangalan niya ay hindi mo mahahanap ang pangalan niya. Ibig sabihin hindi siya kilalang tao."
Seryoso akong tumingin kay Rebecca. "Hindi kilala o ayaw magpakilala."
"Itigil mo na 'yan kahibangan mo, Steffie."
"Hindi kahibangan ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng kapatid ko."
"Pero hindi mo alam kung saan ka magsisimula."
"Alam ko kung saan ako magsisimula."
Mas lalong nadagdagan ng wrinkles ng kaibigan ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Isang bar lang ang nakita kong may pangalan Exodus kaya pupuntahan ko 'yon."
"Steffie."
"Huwag kang mag-alala sa akin."
Bumutong-hininga siya. "Sasama ako sa 'yo."
Umiling ako. "Hindi ka puwedeng sumama dahil may inaalagaan kang pangalan. Hindi ko alam kung anong klaseng bar ang Exodus kaya ako na lang ang pupunta."
"Okay, mag-iingat ka."
"Thank you! Gusto ko lang sabihin sa 'yo na kapag may nangyaring masama sa akin lahat ng naiwan kong kayamanan ay ibigay mo sa charity ko."
"Steffie, bakit ganyan ang sinasabi mo."
"Illegal na trabaho ang kinasangkutan ng kapatid ko. Siguradong mga demonyo ang mga tao kabilang doon. Handa kong maging kagaya nila para sa kapatid ko. Kung hindi ako magtanggumpay ikaw na ang bahala sa kayamanan ko."
Huminga ng malalim si Rebecca. "Hindi ko na talaga alam kung paano kita pipigilan sa plano mo."
"Wala ng makakapigil sa akin."
Nang umalis si Rebecca ay buo na ang isip kong puntahan ang Exodus ngayong gabi.
Nakasuot ako ng puting maluwag na t-shirt, na pinatungan ng itim na jacket. Itim na maong naman ang pang ibaba ko. Nagsuot lang din ako ng sumbrero para hindi masyadong makita ang mukha ko.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nang mag-park ako ng ng kotse. Hindi agad ako lumabas ng kotse dahil pinagmasdan ko ang mga tao na pumapapasok sa loob ng bar.
"Wala namang kakaiba sa bar?"
Napansin kong maraming mga babae at lalaki ang pumapasok sa loob ng bar at karamihan sa kanila ay mga nasa edad bente pataas. Nagpasya akong lumabas ng kotse upang pumasok sa loob. Ibang-iba sa inaasahan ko ang makikita ko sa loob ng bar. Ang akala ko ay may kakaiba sa bar na ito ngunit kagaya lang ito ng mga bar dito sa Manila. Dahil wala naman akong kasama kaya umupo ako sa counter sa harap ng bartender at uminom.
"Brad, nakatakas ang babae patay tayo kay bosing."
"Gago! Paano siya nakatakas?"
"Nakatunog ang mga parak. Anong gagawin natin kailangan natin ng babae para bukas kung hindi lagot tayo kayo boss Drake ."
Halos hindi ko maubos ang alak ko habang nakikinig sa dalawang lalaki na katabi kong nagbubulungan habang nag-uusap.
Tumingin sila sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanila.
"Drake? Sinasabi ko na nga ba may milagro dito sa loob ng bar."
Naramdaman kong nakatingin pa rin sila sa akin kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Tinawagan ko ang kaibigan ko si Rebecca.
"Hello! Rebecca, pautangin mo naman ako ng pera papalayasin na kami sa bahay na tinutuluyan namin."
"What? Anong sinasabi mo."
Umiyak-iyak pa ako. "Hayop na customer ko na 'yan niloko ako. Ang sabi niya dito kami magkikita wala pa rin siya hanggang ngayon ang mahal ng alak dito saan ako kukuha ng pambayad."
Lihim akong nagbunyi ng makita ko ang dalawang na nagbubulungan. Kaya naman mas lalo kong ginalingan ang pag-arte.
"Steffie, nababaliw ka na ba? Pupuntahan kita."
Humagulgol ako ng iyak. "Pakiusap wala na akong matatakbuhan."
"My gosh! Steffie! Pupuntahan kita diyan."
Pinutol ko ang tawag sa kanya at nag-text lang ako na sinadya ko lang 'yon gawin.
"Miss!"
Bingo!
Malungkot ang mukha ko ng humarap sa dalawang lalaki. "Bakit?"
"Narinig namin na kailangan mo ng pera at niloko ka ng lalaking i-meet up mo."
Tumango ako saka umiyak. "Kayo ba ang may ari ng bar na 'to 'wag n'yo akong ipakulong."
"Brad, solve na problema natin," bulong ng isang lalaki.
"Kami na ang magbabayad ng ininom mo."
"Salamat po." Tumayo ako para umalis.
"Sandali lang!"
Inaasahan kong tatawagin nila ako.
"Umaayon talaga sa akin ang tadhana."
"Bakit po?"
"Narinig kong kailangan mo ng pera kaya gusto ka namin tulungan."
"Anong tulong?"
Pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa. "Gusto mo bang ibenta ang sarili mo sa malaking halaga?"
Nakaramdam ako ng takot. Kung sa dalawang lalaki lang na ito hindi ako papayag.
"Po?"
"May subasta ng mga babae bukas ng gabi, at mga mayayamang tao ang pupunta. Pagkakataon mong makahanap ng milyonaryong customer. Ayaw mo ba? Sa isang gabi lang ay magkakaroon ng milyon?"
"Talaga?"
Tumango sila. "Papayag ka ba?"
"Sa Exodus ba 'yan?"
Gusto ko lang makasigurado na tama ang taong kausap ko.
Tumingin sa paligid ang dalawa saka bumulong sa akin. "Paano mo nalaman ang tungkol doon?" Palihim nila akong tinutukan ng baril.
"Yung kasama ko club ang nagsabi kaya lang patay na siya ngayon. Bigla siyang yumaman at gumanda ang buhay ng pamilya niya. Ang daming nainggit sa kanya dahil bigla siyang yaman. Sayang lang at naaksidente siya sa kotse." Pagsisinungaling ko. Gumawa lang ako ng kuwento ayon sa mga sinabi nila.
"Oo, tama doon nga. Kung papayag ka magiging mayaman ka rin katulad ng kasama mo."
"Pumapayag na ako."
Lumapad ang ngiti ng dalawang lalaki. "Mabuti naman kung gano'n. Hihintayin ka namin bukas." Naglabas sila ng tatlong lapad na puro libo. "Sa 'yo na 'to?"
"Ang daming pera para saan 'to?"
"Dahil pumayag ka kaya babayaran ka namin. Mababayaran mo na ang inuupahan mong bahay."
"Salamat."
Nilagay ko sa bag ko ang pera.
"Huwag mo kaming lolokohin dahil kung hindi papatayin ka namin."
"Pupunta ako rito bukas." Naglakad ako palabas. Alam kong nakasunod sila sa akin kaya imbes na sumakay ako sa kotse ko ay sumakay ako ng taxi.
Tinawagan ko si Rebecca. "Papasok na ako sa mundo nila."
"Hindi ka talaga nagpapigil."
"Ikaw na ang bahala sa mga kayamanan ko. Iniwan ko ang kotse sa bar kunin mo na lang bukas dahil sinusundan ako ng dalawang lalaki."
"Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?"
"Huwag gusto lang nila akong makasigurado na hindi ako parak." Sabay putol ko ng tawag.
Nagpahinto ako sa iskwater area. Naglakad ako sa eskinita. Hindi ko alam ang lugar na ito pero naglakas loob akong suungin para lang mapatunay sa sumusunod sa akin na hindi ako pulis.
Pumasok ako sa bahay na bukas.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Sabi ng matandang babae na sobrang payat.
Nilabas ko ang lilibuhin na pera na binigay ng dalawang lalaki. "Sa inyo na ito basta payagan n'yo akong manatili kahit isang oras dahil may humahabol sa akin."
Tuwang-tuwa ang babae at ang anak nito. "Hulog ka ng langit isang buong araw na kami hindi kumakain. Sige, dito ka muna kahit bukas ka na umuwi. Walang mananakit sa 'yo rito."
Ngumiti ako. "Salamat."
Naghintay lang ako ng isang oras, pagkatapos hinatid ako ng anak ng babae sa shortcut palabas.
Pagod ang katawan ko nang makabalik ako sa condo ko.
"Sevie, makukuha ko na ang hustisya na ipinagkait sa 'yo."
KINABUKASAN ay pinaghandaan ko ang araw na iyon. Bumili ako ng mga sexy na damit at nagpa-makeup ng sobrang kapal. Pagsapit ng gabi ay bumalik ako sa exodus bar at nakita ko ang dalawang lalaki kagabi na kausap ko. Dinala nila ako sa underground ng bar kung saan mas malawak at malaki ang loob.
"Hindi ka puwedeng umatras dahil kung aatras ka buhay mo ang kapalit," saad ng isang lalaki.
Dinala ako sa isang silid kung saan maraming babae na katulad ko. Ang iba ay umiiyak at nagmamakaawa na palabasin. Mas lalo akong nagalit dahil ang daming mga babae na nasira ang buhay dahil sa illegal na gawain nila. Hindi ko maisip na nagawang lunukin ni Sevie ang ganitong trabaho.
May lalaking pumasok sa silid na may hawak na baril. "Pumila na kayo isa-isa dahil nandiyan na ang mga boss. Huwag kayong pabagal-bagal kung ayaw n'yong mamatay!"
Wala akong nararamdam takot kung hindi galit. Handa ako sa maaring gawin sa akin mabigyan ko lang ng hustisya ang kapatid ko.
Nang ako ang pumasok sa stage ay gumiling ako sa harap ng mga lalaki. Tinanggal ko ang nakabalot na tapis sa katawan ko kaya lumantad sa kanila ang maputi at makinis kong balat. Naghiyawan ang mga parokyano. Kailangan kong magpanggap na babaeng bayaran para isubasta sa mga parokyano ng hayok sa laman.
"One hundred thousand!" sigaw ng isang lalaki na nasa edad singkwenta.
Ang lalaki ito ang nagbigay ng pinakamalaking subasta sa akin.
Malamig ang hangin dulot ng aircon, naunit ramdam ko ang pawis na pumapatak sa aking mukha patungo sa aking balat. Hindi ko alintana ang suot ko na nababalot ng manipis na tela, na halos pinagpiyestahan ng mga tao naroon ang katawan ko.
"One hundred and fifty thousand!" sigaw ng isang lalaki na halos tatlong tao na ang laki ng katawan.
Diyos ko, 'wag naman sa kanya baka madurog pati buto ko.
Inikot ko ang paningin sa loob ng tagong silid na ito. May isang tao akong gustong makita. Ang boss ng aking kapatid, ngunit dahil hindi ko pa ito nakikita kahit sa larawan. Pangalan lang nito ang magiging basehan ko para makilala.
"Wala na bang tataas sa one fifty thousand pesos!"
Fuck! Ang tagal kong ingatan ang pagiging Dyosa ko sa Baboy ramo pala ako babagsak.
"Three million pesos!"
Nayanig ang lahat nang marinig nila ang malakas na boses ng isang lalaki. Ngunit mas nayanig ang kaluluwa ko nang makita ko ang lalaki. Isang guwapong lalaki na nakasuot na itim na Amerika ang sumigaw. Bukod tanging siya lang pinayagang makalapit sa akin.
Kulang na lang mahubad ang panty ko nang lumapit ito. Kulay chocolate ang mga mata nito, mahaba ang pilantik mata, chinito, matangos ang ilong. Sa height niya na 5'4, halos mangalay ang leeg ko kakatingala sa lalaki, sa sobrang tangkad nito.
"That woman is yours, Mr. Drake Demarco."
Drake Demarco.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa si Drake, at napansin ko ang malapad niyang dibdib.
"Are you done checking me?" walang gana-gana niyang tanong.
Oh! s**t! Siya si Drake Demarco?
Buong akala ko ay isang matandang lalaki ang boss ng aking kapatid. Kabaliktaran ng lalaking nasa harap ko ngayon. Hindi ito isang demonyo tulad na lang ng iniisip ko, kung hindi isang lalaki na papatay sa akin pagdating sa kama.