"Ate, bakit hindi mo kasama si Kuya Dylan?" tanong ni Sevie nang dumating ako ng madaling araw. Halos tulog na ang lahat ng mga tao sa bahay namin. Mabuti na lang at nagising si Sevie sa tawag ko kaya siya ang nagbukas ng gate kanina. "Huwag mong hanapin ang wala," inis kong sagot. "Inaway mo ba siya?" Umangat ang kanang kilay ko nang tumingin sa kanya. "Bakit laging ako ang may kasalanan?" Napakamot sa ulo si Sevie. "Maldita ka kasi." Nameywang ako sa kanya. "Gano'n?" "Ano ang dahilan bakit hindi mo kasama si Kuya Dylan." Dinuro ko si Sevie. "Huwag mong papasukin ang babaero na 'yon dito." Tumalikod ako at pumunta sa kuwarto ko. Katabi ni Sevie at Mildred si Dale kaya ako lang ang mag-isa sa kuwarto. "Kadiri talaga!" Sa tuwing naalala ko ang ungol ng babae hindi ko mapigilan