“Kumusta ang party?" Nakakalokong ngumiti si Orly sa akin nang dumalaw siya sa hotel room ko. Paalis na kami ni Dylan para bumalik sa Manila. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Okay naman." "Dude, thank you dahil hinatid mo siya rito sa probinsya," wika ni Orly. Nagkibit-balikat si Orly. "Well, pinuntahan ako ni Steffie sa bahay kaya wala akong pagpipilian kung hindi ang samahan siya." Kainis talaga! Bakit pa niya sinabi. Mas lalo tuloy akong hindi makatingin ng diretso kay Dylan. "Miss na ako ni Steffie kaya niya ako sinundan dito." Ang kapal ng mukha. "Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko. Baka matarayan ko sila kapag hindi pa sila tumigil sa pinagsasabi nila. "Let's go!" Binitbit ni Dylan ang maliit na bag ko tapos sumakay kami sa kotse niya. "Mahabang ba biyahe tayo." Sumakay ka