DRAKE'S POV: NAKATINGIN ako kay Steffie, habang kumakain. Katatapos lang namin mag-usap ni Ethan. Nabulyaso na naman ang mga operasyon namin. Sa pagkakataon ito dalawang operasyon ang nawala sa amin. Steffie, hindi mo alam ang gulong pinapasok mo. Kapag nalaman nilang ikaw ang nagsumbong siguradong papatayin ka nila. Kahit hindi niya aminin sa akin. Nararamdaman kong siya ang nagsumbong sa mga pulis. Siya lang ang kasama ko nang pumunta ako sa hideout namin. Alam kong naririnig niya ang pinag-uusapan namin kapag may kausap ako sa telepono. "May dumi ba ako sa mukha?" Nakataas pa ang kilay niyang tanong sa akin. "Wala naman, bakit?" "Nakatingin ka sa akin. Huwag kang mag-alala walang lason ang pagkain na binigay ko sa iyo." Kinagat ko ang sandwich na ginawa niya. "Iniisip ko na mas m