HINANDA ko na ang nakasimangot kong mukha nang buksan ko ang pinto ng kuwarto. "Wala siya?" Inasahan kong gugulatin ako ni Drake, kapag lumabas ako ng kuwarto tulad ng ginawa niya noong nakaraan linggo. Ngunit limang araw na ang lumipas mula nang magtalik kami sa opisina niya, hindi na ulit siya nagpakita sa akin. Lumabas ako para baka nasa labas siya. Pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. "Ano kayang nangyari sa kanya bakit wala siya?" Wala naman akong nabalitaan na nahuli na siya ng mga pulis. Siguradong ibabalita kapag nahuli siya. Ginawa ko ang daily routine ko sa umaga bago pumunta sa lugar kung saan kami magpo-photo shoot. "Tita Solen, why doesn't Miss Tan mention anything about Drake?" I couldn't help but ask her." She frowned. "Why don't you know? You're his wife." "