DRAKE'S POV
NAKAHINTO ang sasakyan ko sa harap ng isang sikat na restaurant kung saan nasa loob si Steffie. Ilang araw ko na siyang sinusundan mula nang bumalik siya ng Manila. Gusto kong makasigurado na walang lalaki ang puwedeng umaligid sa kanya.
Nabaling ang tingin ko sa paligid nang tumunog ang telepono ko.
"Boss, gusto kayong makausap ni Tinyente Hextro," wika ni Kulas.
"Wala akong panahon makipag-usap sa traydor. Makipag-usap na lang siya kay Satanas baka sakaling pagbigyan siya sa gusto niya." Sabay putol ko ng tawag niya.
Muli kong binaling ang tingin sa loob ng restaurant.
My dear Steffie, I'm excited to kiss you again.
Kung tutuusin anumang oras ay kaya kong kunin si Steffie ng hindi ako nahihirapan pero ayokong gawin iyon sa kanya. Gusto kong siya ang kusang lumapit sa akin at hindi ako.
Fuck!
Muli na namang may tumawag sa akin.
"Where are you?" tanong ni Ethan.
"I'm busy right now."
"We need to talk."
"Importante ba ang pag-uusapan natin?"
"Yes, pumunta ka sa Exodus bar."
"Okay." Sabay putol ko ng tawag kay Ethan.
"Sagabal naman sa ginagawa ko." Pinaharurot ko ang sasakyan ko palayo sa restaurant at pumunta ako sa exodus bar.
Pagdating ko sa Exodus bar ay sinalubong ako ng mga tauhan ko. Lahat sila ay armado ng mga baril.
"Boss, nasa loob na sina boss Ethan at boss Orly."
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Umupo ako ng naka-de-kwatro. "Anong bang pag-uusapan natin?" inis kong tanong.
Nagsindi ng sigarilyo si Ethan at binuga ang usok bago nagsalita. "Malapit na ang birthday mo Drake, anong plano mo?"
"Putcha! Ito lang ba ang dahilan ng meeting natin?" wika ni Orly.
Matalim kong tinitigan ni Ethan. "Hindi mo ba alam na mas importante akong ginagawa ngayon kaysa ang tanungin ang walang kuwentang bagay na 'yan." Inis kong tanong.
"Hey! Bakit hindi ba kayo masaya sa gagawin kong plano para sa araw ng birthday mo, Drake?"
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Wala akong panahon sa walang kwentang bagay na 'yan." Tumayo ako para umalis. Sampung taon na ang lumipas mula nang ipagdiwang ko ang araw ng birthday ko. Hindi na iyon naulit dahil ayokong balikan nakaraan.
Kampanteng nagbuga ng usok ng sigarilyo si Ethan. "May magaganap na subasta sa araw ng birthday mo."
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "What did you say?"
"Hindi ba't nalugi ka ng bilyon halaga noong na raid ka noong nakaraang buwan?"
"Woah! Mukhang maganda 'yan naisip mo." sagot ni Orly.
"Yes, dobleng halaga ang makukuha mo rito dahil mayayaman ang mga tao ang dadalo sa subasta. May dalawang buwan ka pa para paghandaan ang kaarawan mo. Maraming mga magaganda at sexy na babae ang puwedeng magpaligaya sa iyo sa araw ng birthday mo."
Hinawakan ko ang kuwelyo ng damit niya. "Siguraduhin mo lang na walang sabit diyan dahil kapag sumabit ka pa ulit kalilimutan kong kaibigan kita." Sabay talikod ko sa kanya.
"Advance happy birthday!" Sabay tawa ni Ethan.
"Ulol!" sigaw ko.
Naglakad ako paalis sa underground at sindundan ako ng tauhan ko. "Boss, si Miss Steffie, papuntang Boracay ngayon."
"Gano'n ba? Bumili kayo ng ticket papuntang Boracay ay aalis tayo ngayon."
"Nakabili na kami ng ticket."
Ngumiti ako sa kanya at sabay tapik sa balikat niya. "Good job! Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sa 'yo."
"Salamat, boss."
"Kung gano'n umalis na tayo at pumunta ng Boracay."
Tumango siya. "Yes, boss."
Kung tutuusin ay puwede naman akong sumakay sa private chopper papunta sa Boracay pero hindi ko ginawa. Mas gusto kong kasama sa si Steffie sa iisang eroplano dahil gustong makita ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako.
Sinabi sa akin ng tauhan ko na magkatabi kami ng upuan ni Steffie sa loob ng eroplano kaya naman sinadya kong magpahuli ng sakay para mas lalo siyang magulat.
"Boss, pumasok na kayo sa loob nasa loob na si Miss Steffie," bulong sa akin ng tauhan ko.
Tumayo ako at naglakad papasok sa loob ng eroplano pagkatapos ay umupo ako sa tabi ni Steffie.
"Sevie, bakit hindi tayo magkatabi?" Naririnig kong sabi ni Steffie.
Palihim akong ngumiti. "Walang siyang kaalam-alam na pinagplanuhan na ito ng tauhan ko kaya hindi talaga sila magkatabi ng upo.
"Okay lang 'yon, Ate, para hindi ako marindi sa ingay mo." Sabay tawa ni Sevie.
"What did you say?" Inis niyang sabi.
"Ate, huwag kang maingay."
Tumahimik naman si Steffie. Pagkatapos ay tumingin sa bintana. Wala siyang balak na lumingon sa katabi niya.
Ang suplada talaga niya.
Tinakpan ko ng sumbrero ang mukha ko ngunit nakasuot pa rin ako ng sunglasses. Marahil hindi niya ako agad mapapansin dahil ibang-iba rin ang pananamit ko ngayon. Nakasuot ako ng maong na pantalon at maong na jacket. Naglagay ako ng henna tattoo para hindi niya ako makilala. Gusto kong makita ang reaksyon mamaya.
"Ginagalit mo talaga ako!" Pinanlakihan pa niya ng mata ang kapatid niya.
Napakamot na lang sa ulo si Sevie sa sobrang hiya sa ingay ng kapatid niya.
"Kumusta ang bakasyon mo dito sa Pilipinas?"
Slow motion na tumingin sa akin si Steffie. Mukhang kinikilala pa niya ako dahil hindi niya nakita ang suot kong shade. Inalis ko ang nakatakip na sumbrero sa mukha ako at tumingin sa kanya.
"Ikaw na naman!"
Ngumiti ako. "Small world. Hindi ko inaasahan na magtatagpo ang landas natin."
"Sinusundan mo ba ako?"
"Ako ba ang sumusunod o ikaw? Dito ako nakatira sa Pilipinas."
"Bakit naman kita susundan?"
Nagkibit-balikat ako sabay tingin sa suot niyang damit na kita ang cleavage niya.
"Nagsuot ka ba talaga ng ganyan damit para akitin ako?"
Tinakpan niya ang dibdib niya ng panyo. "Bastos!
Ngumiti ako. "Cute."
Muli kong tinakip sa mukha ko ang sumbrero para magkunwaring matulog. Hindi ako puwedeng makilala ni Sevie.
I can't wait to kiss you, my dear Steffie.
Pinipigilan ko ang sarili ko na halikan siya habang nasa loob kami ng eroplano.
"Sevie, palit tayo ng upuan."
"Bawal magpalit ng upuan."
"Palit na tayo dali na."
"Ayoko nga! Bakit ba gusto mong magpalit tayo ng upuan?"
"Lalaki ang katabi ko."
"Okay lang 'yan Ate, 'wag kang maligalig diyan."
Naririnig ko ang bulongan nilang dalawa. Ang akala siguro ni Steffie ay tulog na ako at hindi ko sila naririnig. Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog habang hindi pa kami nakakababa ng eroplano ngunit sa tuwing nagdidikit ang balat namin ay nakakaramdam ako ng init ng katawan.
"Boss, susundan mo ba siya?"
Umiling ako. "Hindi ko siya susundan ngayon. Gusto ko munang magpahinga bukas ko na lang siya susundan," sagot ko nang makababa kami ng eroplano.
"Sige, boss."
Sumakay kami papuntang hotel kung saan naroon din sina Steffie.
KINABUKASAN ay maaga kaming pumunta ng mga tauhan ko sa dagat. Nakahiga ako sa buhangin habang hinihintay si Steffie. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na siyang paparating. Napanganga ako sa ganda ng hubog ng katawan niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit hinahabol siya ng tingin ng ibang mga lalaki. Bagamat normal na sa mga tao rito na nakakakita ng naka-two piece bikini. Hindi ko pa rin mapigilan ang mainis. Dapat ako lang ang puwedeng makakita sa katawan niya.
"She's so beautiful and sexy."
Sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa lumusong siya sa dagat. Sinundan ko siya at lumusong na rin ako sa dagat. Ngunit may dalawang metro ang layo namin para hindi niya ako makita. Wala na akong suot na sunglasses kaya hindi niya ako puwedeng makita ng personal.
"Ang ganda ng babae na 'yon puntahan natin," narinig kong sabi ng dalawang lalaki.
Lumangoy ako palapit sa dalawang lalaki. "Brad, kung ayaw n'yong lumutang dito sa dagat 'wag n'yong subukan na lapitan ang girlfriend ko." Seryosong sagot ko.
"Ikaw ang boyfriend niya?"
"Oo, siya ang boyfriend may angal ka?"
Inikutan ng tatlo kong tauhan ang dalawang lalaki. Hindi sila nagsalita sa halip ay lumayo sila sa amin. Kahit dalawa sila ay hindi ko sila uurungan."
Umahon kami nang umahon si Steffie at Sevi, pagkatapos ay kumain ako kasama ang mga tauhan ko. May mga oras na hindi ko sinundan si Steffie dahil may mga bagay akong gustong i-enjoy sa Boracay.
"Sevie!"
Lumingon ako ng marinig ko ang boses ni Steffie.
"Bakit, Ate?"
"Mauna na akong matulog sa iyo."
"Sige, maliligo lang ako sa pool," sagot ni Sevie.
May swimming pool sa hotel ay magandang maligo kapag gabi. Sinundan ko si Steffie, papunta sa hotel room niya. Nang binuksan niya ang pinto ng hotel room niya ay lumapit ko.
"My dear, Steffie.."
Gulat na gulat siya nang lumingon ako. "Mr Pervert! Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko.
Hindi ako nakinig sa kanya sa halip ay nauna akong pumasok sa loob ng kuwarto niya. Pinagmasdan ko ang loob ng hotel room niya. "It's too big for you.'
Pumasok si Steffie ng kuwarto ngunit hindi niya sinarado ang pinto. "The hell you care! Get out or else I will call the police."
Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Go ahead." Sinarado ko ang pinto ng kuwarto niya. Bubuksan sana niya ito pero hinila ko siya at dinikit ko sa likod ng pinto.
"Anong gagawin mo sa akin?" Galit niyang tanong.
Ngumisi ako saka pinagmasdan ang mapulang niya. Kung isip ko ang susunduin ko ay baka gahasain ko siya para makuha ko na ang matagal ko ng gusto, pero hindi ko gagawin 'yon. Gusto kong siya mismo ang mag-alay ng katawan niya sa akin.
"Hmm.. ano ba ang gusto mong gawin ko sa iyo ngayon." Yumuko ako pero hindi ko siya hinalikan sa halip ay dahan-dahan kong hinalikan ang balikat niya. "Ang bango mo parang amoy pipino."
"Sisigaw ako kung hindi ka aalis."
Sinalubong ko ang tingin ni Steffie. Namumungay na ang mga mata niya dahil sa alak na ininom niya kanina. "Sumigaw ka."
"Sak—
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil siniil ko na siya ng halik. Naging mapusok ang halik ko tanda ng pagkasabik sa kanya. Nag-init ang katawan ko kaya ipinasok ko ang dila ko sa loob ng bibig niya at sinipsip ko ito.
"Uhm!" pagtutol niya.
Tinaas ko ang dalawang kamay niya gamit ang isang kamay ko para magawa kong paglakbayin ang kamay ko sa matambok niyang puwit. Pinisil ko ang puwit niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng init ng katawan.
Nagulat ako ng tumugon siya sa halik ko. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa ginagawa niya. Baka bigla niyang sipain ang ari ko tulad ng ginawa niya sa kotse noon, kaya naging mas maingat ako ngayon.
"Ohhh!" Nagsimula umakyat ang libido sa katawan ko lalo ng malasap ko ang halik niya. Hindi ako nakatiis binuhat ko siya papunta sa kama at hiniga ko siya. Nagulat ako ng tanggalin niya ang pang itaas niyang damit.
"Ito ba ang gusto mo?"
Tumango ako. "Yes, I want to lick and suck your nipple."
Ngumisi siya. "Go, it's all yours."
Para akong na hipnotismo sa sinabi niya kaya umibabaw ako sa kanya. Ngunit bago dumikit ang labi ko sa kanyang dibdib ay sinipa niya ng malakas ang ari ko.
"Pervert!"
"Ouch!" Napahawak ako sa ari ko na sobrang sakit. Para akong hihimatayin sa sakit. Tumayo si Steffie at mabilis na sinuot ang damit pang-itaas saka lumapit sa akin at sinampal ako ng dalawang beses. "Bastos!"
Wala akong nagawa kung hindi ang saluhin ang sampal niya. Hindi ako makatayo sa sobrang sakit ng ari ko.
"Tatawag ako ng security."
Nang tatawag na siya sa telepono ay napilitan akong tumayo para umalis.
"Huwag kang tumakas!"
Sinundan niya ako hanggang sa may pinto. Pagdating sa may pinto ay kinabig ko siya at siniil ko siya ng halik. Gusto kong makita sa cctv camera na naghahalikan kami para kung sakaling magsumbong si Steffie. Hindi ito paniniwalaan. "See you soon, Steffie." Sabay kindat ko.
"Hindi ka makakatakas sa akin."
Tinitihan ko siya ng masama. "Kapag sinundan mo ako papatayin kita."
"Ano?"
"Papatayin kita pati ang kapatid mo." Seryosong sagot ko.
Natulala si Steffie kaya umalis na ako palayo sa hotel room niya. Tatlong pinto lang pagitan ng room namin dalawa pero hindi agad ako dumiretso sa hotel room ko para hindi niya malaman kung saan ang kuwarto ko.
"Boss, anong nangyari sa 'yo?" tanong ng tauhan ko. Namimilipit pa rin ako sa sakit nang puntahan ko ang mga tauhan ko.
"I'm okay, may gusto akong ipagawa sa iyo."
“Ano po 'yon boss?”
“Tawagan n'yo si Sevie Gomez, kailangan ko na siya para mapalapit ako sa kapatid niya. Mukhang kailangan kong maging kaibigan ni Sevie para magawa ko ang plano ko sa kapatid niyang pinaglihi sa tigre."
"Masusunod po, boss."
Tumango ako. “Salamat.”
"Sigurado ba kayong kaya n'yong tumayo?” Sabay tingin niya sa pagitan ng mga hita ko.
“Oo, pero parang na bugok na siya sobrang lakas ng sipa niya. Hindi ba niya alam na ito ang magpapaligaya sa kanya.” Sabay simangot ko.
Masyado ka ng matapang kailangan na kitang palambutin, Steffie.