CHAPTER 5

2233 Words
NARAMDAMAN ko ang kamay niyang hinihimas ang matambok kong dibdib kaya nag-ipon ako ng lakas para itulak siya. "You're so Rude!" Mag-asawang sampal ang pinatikim ko sa kanya. Hindi ko man lang siya nakitaan ng takot sa ginawa ko sa halip ay nakangiti siya nang haplusin ang pisngi niya. "Ganyan ang gusto sa babae palaban." Muli sana niya akong lalapitan ngunit may babae na papalapit sa kinaroonan namin. "See you soon." Kumindat pa siya sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatanaw sa lalaki. Lumapit ang babae na foreigner. "Are you okay?" Tumango ako. "Yes, thank you." "Is he your boyfriend?" I nodded."He's my ex-boyfriend, and we broke up, but he refuses to accept it," Paliwanag ko. Kung hindi ko lang iniisip na modelo ako ay sasabihin kong manyak ang lalaki na 'yon. Tumango ang babae at saka umalis. Limang minuto pa ang lumipas ay dumating naman si Tita Solen. "Anong nangyari, bakit namumutla ka?" "Masakit ang ulo ko." "Dadalhin kita sa ospital." Umiling ako. "Konting pahinga lang ito." "Are you sure?" "Yes, Let's go!" Habang nasa biyahe kami ay binalikan ko ang nangyari sa amin ng lalaki. Ilang beses na niya akong ninakawan ng halik pero hindi ako nandiri kahit naghalo ang laway namin dalawa. Bakit hindi ako nandidiri sa kanya, samantalang iba't ibang babae ang hinalikan niya? Wala naman akong ibang nararamdaman sa lalaki kung hindi galit. Gusto ko siyang ipakulong pero hindi ko alam kung paano. Bigla na lang siyang sumusulpot sa lugar na pupuntahan ko. "Bakit ang tahimik mo?" Napansin ni Tita Solen na wala akong kibo. Hindi ako kumibo. "Iniisip ko lang na iiwanan ko na ang Amerika sa susunod na taon. Limang buwan na lang at sa Pilipinas na ako titira." "Alam kong ayaw mong umalis dito sa Amerika." "Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Sevie dito tumira. Kung tutuusin mas tahimik dito, marami na rin mga Pilipino rito kaya hindi siya maboboring." "Intindihin mo na lang ang kapatid mo." Bumuntong-hininga ako. "Iyon na nga lang ang gagawin ko. Kailangan kong pagbigyan ang gusto niya." "Wala ka bang ibang gagawin bukas?" tanong ni Tita Solen. "Gusto kong matulog at mag-exercise para naman handa ako sa photoshoot na pupuntahan ko." "Sumama ka sa akin sa birthday ni Yna." "Yna Smith?" tanong ko. "Birthday niya ngayon pero bukas gaganapin. Isasabay sa blessing ng bahay nilang mag-asawa." "Pag-iisipan ko kung pupunta ako." "Sumama ka na 'wala ka naman gagawin sa bukas. Mag-enjoy ka muna habang hindi ka pa nagsisimula ang photoshoot mo." "Tatawag na lang ako sa 'yo bukas kung sasama ako." "Ikaw ang bahala." Napansin kong ibang daan ang dinaanan namin. "Saan tayo pupunta?" Ngumiti si Tita Solen. "Sinabi mo ililibre mo ako." "Yeah, nakalimutan ko na ang tagal mo akong pinaghintay sa parking area." "Sorry, hinarang kasi ako ni Mr Tan kanina kaya hindi agad ako nakabalik." Umikot ang eyeballs ko. "Whatever!" "Ang sungit mo talaga kaya wala kang boyfriend." "Ayokong magkaroon ng sakit ng ulo." Sa sikat na mamahalin restaurant napili ni Tita Solen na kumain. Pinagbigyan ko ang gusto niya. "Ang sarap talaga kapag libre ang pagkain," nakangiting sabi ni Tita Solen. Hindi ako kumibo sa halip ay hiningin ko ang resibo ng babayaran namin. "1500 USD ang lahat ng kinain namin. Kung sa Pilipinas ito ay para kang gumastos sa binyag or birthday. Tumayo ako. "Umuwi na tayo." "Sandali takeout natin itong natira sayang ang mahal ng binayad natin dito." Tumango ako at hinintay namin na balutin ang natirang pagkain. Pagkatapos ay lumabas na kami ng restaurant para umalis. Napansin ko ang katabing sasakyan ng kotse ni Tita Solen. Hindi ko na sana ito papansinin ngunit biglang binuksan ang bintana. Shit! Nandito na naman ang manyak. Nakatingin sa akin ang lalaki habang nakikipaghalikan sa babae sa loob ng kotse. Binaling ko sa iba ang tingin ko. "Steffie, let's go!" Mabilis akong sumakay sa kotse ni Tita Solen. Nakahinga ako ng malalim dahil hindi naman umalis ang kotse ng manyak ng lalaki. Ang akala ko kasi ay susundan niya ako. Manyak talaga! Nagtatalik na siguro sila sa loob ng kotse. Ang lalaking humalik sa akin ang laman ng isip ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. Umupo ako sa sofa upang magpahinga sandali bago maligo. Bago ako natutulog ay tinatawagan ko si Sevie at Rebeca. Gusto ko araw-araw silang nakakausap para hindi ako makaramdam ng lungkot. Gulo-gulo ang buhok ko at may muta pa ako sa mga mata ng buksan ko ang pinto. "Bakit nandito ka?" tanong ko kay Tita Solen. Humiga ako sa sofa at pinikit ang mga mata ko. "Alam mo tuwing pinupuntahan kita lagi na ka lang bagong gising. Nagpupuyat ka ba kaya lagi kang tulog?" Umiling ako. "Ito lang ang gusto kong gawin kapag walang trabaho." "Bumangon ka na diyan pupunta tayo sa birthday ni Yna at house blessing ng bahay niya." "Hindi pa naman ako sigurado na sasama ako." "Nandito na ako kaya sumama ka na." "Inaantok pa ako." Marahan akong hinampas ng unan ni Tita Solen. "Bumangon ka na diyan." Napilitan akong bumangon at dumiretso ako sa banyo para maligo. Habang nasa banyo ako ay naririnig kong may ginagawa si Tita Solen sa kusina ko. "Gusto mo ng black coffee?" "Yes, please!" sagot ko. Siguradong naghahanda si Tita Solen ng pagkain ko. Hindi ko lang siya manager. Naging magkaibigan na rin kami kahit limang taon ang agwat ng edad namin. Mahilig din siyang magpadala ng pagkain sa akin dahil alam niyang mas gusto kong matulog kaysa kumain. Kalahating oras ang lumipas ng lumabas ako ng banyo. Hindi ako nagkamali dahil may nakahandang vegetable sandwich at black coffee. "Kumain ka na bago tayo umalis." "Thank you." "Baka gusto mong lagyan ng laman ang pantry at refrigerator mo." "Bihira lang kasi akong kumain kapag nandito ako sa bahay." "Basta bumili ka ng pagkain mo. Nakakahiya naman sa akin, ako pa ang mag-iisip kung anong puwede mong makain dito." Tinaasan niya ako ng kilay. "Bukas mag-grocery ako." "Good." Kumain muna ako bago ako nagbihis ng damit. Sanay na si Tita Solen sa akin kaya hindi na siya nagrereklamo kahit ang tagal niyang naghihintay. "Ready ka na ba?" tanong niya pagkalipas ng isa't kalahating oras niyang paghihintay sa akin. Nakasuot ako ng maong pants at tshirt. Pinatungan ko pa ito ng puting women suit. Medyo malamig ang klima ngayon kaya hindi ako nagsusuot ng sexy na damit. "Paano ka magkakahanap ng boyfriend kung balot na balot ka?" Sumimangot ako. "Pagkain at alak ang pinunta natin sa party. Hindi ako pupunta para maghanap ng boyfriend." Bumuntong-hininga siya. "Let's go!" "Tita Solen, kotse ko naman ang dadalhin ko." "Are you sure kaya mong mag-drive?" "Kahit nakapikit kaya ko." Pagyayabang ko sa kanya. "Wala akong tiwala sa sinabi mo," biro niya. Ngumiti ako at tinaas ko ang susi ng kotse ko. "Wala ka ng magagawa." Nagkibit-balikat siya. "Mukhang wala na talaga." "Let's go!" Dahil sa akin ang kotse kaya ako ang driver. "Steffie, sinabi ni Yna na may mga bisita raw siyang mga sikat na lalaking modelo." "The hell I care." "Lumandi ka naman kahit ngayon lang." Kung alam mo lang… May lalaking nilalandi ako. "Wala akong panahon." "Sayang ang lahi mo." "Sa Pilipinas na ako lalandi sa ngayon puro trabaho ako dito sa Amerika." "Ilang buwan na lang tayong magsasama. Siguradong mamimiss ko ang pagiging suplada mo." "Ayaw mo 'yon, wala ka ng sakit ng ulo." "Kahit sakit ka ng ulo mabait ka naman." "Hay! naku! ilang buwan pa ang pagsasamahan natin. Marami pa akong oras para pasakitin ang ulo mo." Tumawa si Tita Solen. "Loka ka talaga." "Pero seryoso, salamat sa lahat ng tulong mo. Don't worry ikaw pa rin ang manager ko kaya kung may raket ako sa Pilipinas ikaw ang kokontakin ko." "Ako naman talaga ang manager mo. Walang tatagal na manager sa kasungitan mo." Inirapan ko siya. "Ang sama mo talaga sa akin." "I'm just kidding." Sabay tawa niya. Marami ng bisita si Yna ng dumating kami. Halos apat na lamesa na lang ang walang bakante. Sa labas ng bakuran niya nakalagay ang mga lamesa at upuan. Nilagyan lang ng design ang malaking bakuran niya. "Solen! Steffie!" Nakangiti na sumalubong sa amin si Yna. Ngumiti ako sa kanya at nakipagbeso-beso ako sa kanya."Happy birthday! I apologize if I didn't bring a gift for you today. I'll just send it to you on another day," I replied. Yna smiled. "It's okay. What's important is that you came." "Yna, happy birthday!" Tita Solen handed her gift. "Thank you, Solen. Let's go! I'll introduce you to my guests." Hinila ako ni Yna papunta sa mga bisita niyang nasa mga table. Pilit akong ngumiti habang pinapakilala niya ako sa mga bisita." "Hi, Steffie. Nice to meet you," he said as he extended his right hand to me. I was forced to take his hand in mine. "Nice meeting you, Orly," I replied. When he abruptly kissed the palm of my hand, I was taken aback. Tita Solen smiled as I looked at her. I drew my hand away quietly. "Thanks.". "You guys sit at Orly's table." Tinuro ni Yna ang table nila Orly. Hinila ni Tita Solen ang kamay ko. "Let's go, Steffie." Wala akong pagpipilian kung hindi ang umupo sa tabi ni Orly. Nakakainis lang ang pagiging mayabang niya. Feeling ko may baon siyang sampung electricfan sa lakas ng hangin sa katawan. "I didn't know Yna had a beautiful and sexy friend." Ngumiti ako at tinuon ko ang pansin sa tequila na iniinom ko. "Do you have a boyfriend?" Umiling ako. "Never dreamed of having a boyfriend." "That's good; that's what I look for in a woman: someone who doesn't want to have a boyfriend; I prefer women who make me work for it," he smirked. I chose to ignore him. Orlyn was attractive and manly, with a strong s*x appeal. I simply did not like his arrogance. "I have no time for a love life, so don't include me in your collection." He burst out laughing. "You're too harsh; I'm single at the moment, and I'm serious when I have a girlfriend." I raised my right brow. "That's why you forgot to remove the lipstick on your neck." "Oh, I'm sorry," he said, wiping the lipstick off his neck with a tissue. "Orly, if I'm the one you want to pursue, you're already rejected." "Ouch! You're harsh on me." Umiling ako. Konti na lang talaga masisigawan ko na itong si Orly. "Tita Solen, samahan mo ako sa bathroom." Tumayo ako at nilapitan si Tita Solen. Kahit ayaw ni Tita Solen na tumayo ay napilitan siya dahil hinila ko na siya papunta sa bathroom. "Bakit mo ako hinila dito?" tanong ni Tita Solen. "Umuwi na tayo hindi na ako nag-e-enjoy." "Hindi pa umiinit ang puwit natin aalis na agad tayo. Kahit isang oras lang para hindi naman nakakahiya." "Naiinis ako kay Orly, masyadong mayabang." "Sinasabi ko na nga ba at si Orly ang dahilan kung bakit gusto mo ng umalis. Huwag mo na lang pansinin si Orly. Halika na bumalik na tayo." Hinila ako ni Tita Solen. Huminga ako ng malalim. "Okay fine." Hindi ko nagawang itago ang inis ko. Nahalata naman iyon ni Orly kaya hindi niya ako kinausap. "Guys! I have prepared a dancer for you!" sigaw ni Yna. Naririnig ko siyang nagsasalita sa gitna pero hindi ako nag-aksayang tumingin. "Let's all welcome. The Exe group!" sigaw ni Yna. Narinig ko ang palakpakan pero deadma pa rin ako. Pagkatapos ay narinig kong nagsigawan ang mga bisita ni Yna. "Steffie! Panoorin mo dali!" Kulang na lang ay ikutin ni Tita Solen ang ulo ko para lang panoorin ang sumasayaw sa stage. "Ano ba kasi 'yon— Eksakto nagkatitigan kami ng lalaking sumasayaw ng sexy dance. Nakatitig siya sa akin habang sumasayaw siya. Natatakpan ng maskara ang mga mata niya at wala silang suot na pang itaas. Parang kamukha niya ang lalaking naka-sunglasses. Bigla akong kinabahan dahil hindi mawala ang tingin niya sa akin. Nang isa-isang lumapit ang mga dancer sa mga bisita. Kinabahan lalo ng palapit sa akin ang lalaki. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko nang nasa harap ko siya at gumigiling. "Steffie!" Kilig na kilig na sabi ni Tita Solen. Hindi ako nakatanggi ng kunin niya ang kamay ko at nilagay sa malapad niyang dibdib. Panay kagat ang labi niya habang nakatingin sa akin. Kinilabutan ako dahil naramdaman ko ang malapad niyang dibdib. Hinila niya ako para tumayo pagkatapos ay dinikit niya ang katawan niya sa akin. Gusto ko siyang itulak kaya lang magmumukha akong katawa-tawa kapag ginawa ko iyon. Yumuko ang lalaki at bumulong. "I miss your kiss, Miss good kisser." Umakyat ang kuryente sa katawan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Shit! siya nga! Slow motion akong tumingala para titigan siya. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahan niyang idikit ang mukha niya sa akin. Naririnig ko ang tilian sa paligid ko. Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ko na lang na dumikit ang labi niya sa labi ko. "Steffie!" Dinilat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang pilyang mga mata ni Tita Solen. "Umalis na siya 'wag mo ng hintayin na halikan ka niya." Sabay tawa niya. Shit! Nakakahiya! Ang akala ko ay hahalikan niya ako tulad ng lagi niyang ginagawa, pero hindi nangyari ang inisip ko. Pinagmukha niya akong tanga sa mga bisita ni Yna. Hayop talaga ang lalaki na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD