"BAKIT hindi sinasagot ni Sevie ang tawag o kahit video call?" tanong ko sa kaibigan kong si Rebeca.
Halos Isang buwan ko ng hindi nakakausap ang kapatid ko at masyado na akong nag-aalala sa kanya.
Bumuntong-hininga si Rebeca. "Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Sevie, hindi ko na rin siya makausap. Sa tuwing dinadalaw ko siya sa condo niya lagi siyang paalis o kaya tulog."
"Kapag pinuntahan mo siya sa condo sabihin mo tumawag siya sa akin."
"Ano kaya kung bumalik ka na dito sa Pilipinas para malaman mo kung anong nangyayari sa kanya."
Huminga ako ng malalim. "Kakausapin ko ang manager ko para bigyan ako ng bakasyon kahit dalawang linggo."
"Tama ang gawin mo umuwi ka muna para alamin mo kung anong nangyayari sa kanya."
Huminga ako ng malalim. "Thank you, Rebeca."
"You're welcome, take care always."
"Okay, bye!" Pinutol ko ang video call namin
"Sinubukan kong tawagan si Sevie pero nakapatay ang phone niya. Ilang beses na rin akong nag-stalk sa social media account niya pero wala siyang latest post. Halatang hindi siya gumagamit ng social media account.
"Sana okay lang siya."
Tumingin ako sa salamin para mag-retouch ng makeup pagkatapos ay lumabas ako para ituloy ang shoot namin.
Isang buwan ng tahimik ang buhay ko dahil wala na ang manyak na lalaki na bigla na lang naghahalik sa akin.
"Steffie, we'll just need one more angle, and we'll be done with the photoshoot now."wika ng photographer.
Tumango ako. "Okay."
Limang beses na akong nag-change outfit at lahat ng mino-model ko ay puro luxury formal attire ng Dm's clothing company.
Nagsimula naman akong umanggulo sa harap ng camera at pilit na sinantabi ang pag-aalala ko sa kapatid ko.
"All right, that's all for today; see you tomorrow for the new location of our photoshoot."
"Hays! Salamat at tapos na rin."
"Good Job, Steffie." Tinapik ako ng boss namin.
Nilapitan ako ni Tita Solen. "May gagawin ka ba ngayon?"
Umiling ako. "Gusto kong magtulog ng mahaba."
"Sige, ihahatid na kita pauwi."
Nang makasakay ako ng kotse ay pinikit ko ang mga mata ko.
"Tita Solen, puwede bang mag bakasyon ng dalawang linggo?"
"Bakit?"
"Hindi ko nakakausap ang kapatid ko hanggang ngayon. Masyado na akong nag-aalala sa kanya."
"Puwede naman wala pa naman akong tinatanggap na offer sa iyo."
"Thank you. Kailan ako puwedeng magsimulang magbakasyon?"
"Siguro next week na lang."
"Thank you! kukuha na ako ng ticket pabalik ng Pilipinas."
"Okay."
"I'll take a nap."
"Gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na."
Hindi ko na namalayan ang sumunod na oras dahil tuluyan na akong nakatulog. Nagising na lang ako ng nasa bahay na ako.
"Thank you, Tita Solen," sabi ko.
"See you tomorrow." Kumaway siya bago tuluyang umalis.
Pagod ang katawan ko nang humiga sa kama. Ganito lagi ang ginagawa ko sa Amerika. Halos nauubos ang buong araw ko sa trabaho wala na akong nightlife tulad ng ibang mga kapwa ko model dito sa Amerika.
"Hays! Nakakapagod na para gusto ko na lang huminto sa pagmomodelo at mag-focus na lang sa negosyong naiwan ng magulang ko."
Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll ako sa mga kaibigan ko na puwede kong makausap. Nakita ko ang pangalan ni Allana.
"Matawagan nga ang bruha."
Sinubukan kong tawagan ang kaibigan ko noong college na nandito sa Amerika.
"Hello!"
"Hi, Allana!"
"OMG! totoo ba 'to tinawagan ako ng sikat na model ng Dm's clothing company."
Tumawa ako. "Baliw! hanggang ngayon krungkrung ka pa rin."
"Bakla, kumusta ka na? bakit ngayon ka lang nagparamdam?"
"Masyado akong naging busy sa buhay."
"Grabe! Parang sinabi mo na hindi ako busy sa buhay ko. Busy na rin naman akong magbenta ng paninda ako dito sa Amerika?"
"Tidera ka ba ngayon?"
"Tindera ng tahong!" Sabay tawa niya.
Huli ko na nahulaan ang sa gusto niyang sabihin.
"Baliw ka talaga."
"Pero seryoso kumusta ka na may asawa ka na ba?"
"Single pa rin hanggang ngayon."
"Kawawa naman ang tahong mo walang kumakain."
"Hindi ako naghahanap ng sakit ng ulo."
"Okay, gets ko na gusto mong maging matandang dalaga."
"Hindi pa ako handa sa ngayon."
"Hmm… hindi na kita pipilitin. Sumama ka sa akin bukas ng gabi kung gusto mong ma-experience ang pumasok sa discobar dito sa Amerika."
"Sige, sasama ako sabihin mo na lang kung saan tayo magkikita para pupuntahan ko na lang pagkatapos ng pictoria ko."
"Okay, see you tomorrow."
"Bye! Goodnight." Sabay putol ko ng tawag.
Nakangiti pa rin ako kahit tapos na kaming mag-usap ni Allana. Nakakamiss rin ang makipag-usap sa kanya dahil sobrang masarap siyang kausap. Bago ako natulog ay nag-text at chat ako sa kapatid ko. Umaasa ko na sasagutin niya ang mga chat at text ko sa kanya.
KINABUKASAN ay nagising ako sa tunog ng alarm ko. Pikit ang mga mata ko ng kinapa ko ang phone ko para patayin ang alarm.
"Five minutes pa." Muli kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog ng mahaba.
Halos mabingi ako sa tunog ng phone kaya agad ko itong tiningnan.
"Si Tita Solen."
Sinagot ko ang tawag niya. "Yes, Tita Solen?"
"My gosh! sinasabi ko na nga ba at tulog ka pa rin hanggang ngayon."
"Bakit ba?"
"May pictoria ka pa ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bigla akong napabalikwas ng bangon sabay tingin sa relo ko. "s**t!" Isang oras na pala ng lumipas nang tumunog ang alarm ko.
"Buksan mo ang pinto mo."
Kulang na lang liparin ko ang papunta sa pinto dahil sa pagmamadali ko. Pagbukas ko ay nakita ko si Tita Solen ay may dalang pagkain.
"Hays! late ka naman nagising."
Tumakbo ako sa banyo para maligo. Siguradong sa loob na naman ako ng kotse maglalagay ng makeup.
"Tita Solen, salamat sa breakfast!" sagot ko sa kanya.
"Tsk! lagi ka na lang late magising." sigaw niya.
Kinse minutos lang akong naligo pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo.
"Kumain ka na muna bago tayo umalis."
Umiling ako. "Sa loob na ako ng kotse kakain at maglalagay ng makeup."
"Nagpuyat ka ba kagabi nang ihatid kita?"
Umiling ako. "Natulog din agad ako kaya lang sobrang na miss ko lang matulong kaya hindi ko narinig ang alarm ko."
"Narinig mo kaya lang pinatay mo."
Tumawa ako. "Wala na akong idadahilan sa iyo."
Nang matapos akong magbihis ay umalis na kami ni Tita Solen. May kasama siyang driver kaya may kasabay ako sa pagkain habang nasa loob ng sasakyan.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa phone. Halos lumundag ang puso ko sa tuwa nang makita ko ang pangalan ni Sevie. Video call 'yon kaya sinagot ko agad.
"My God! Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Kumusta ka na?"
Tumawa si Sevie. "Relax ka lang, Ate Steffi, kausap mo na ako ngayon."
"Ano bang nangyari?"
"Sorry kung hindi kita kinausap ng isang buwan busy kasi ako sa negosyo ko."
"Ano bang negosyo mo, bakit hindi mo sa akin sinasabi?"
Ngumiti si Sevie. "Ito ang surpresa ko sa 'yo."
Inikot ni Sevie ang camera sa restaurant, tapos tinutok niya sa pangalan ng restaurant Sev's Restobar.
"Nakita mo ba 'yon? May sarili na akong negosyo. Nagbunga ang pinagpaguran ko."
Lahat ng kaba at pag-aalala ko sa kanya ay nawala ng malaman ko ang pinagkakaabalahan niya.
"Congrats!"
"Thank you. Ate Steffie, umuwi ka ng Pilipinas para makita mo ang restaurant ko masasarap ang mga pagkain dito."
Tumango ako. "Oo, babalik ako ng Pilipinas next week."
"Sige na, ingat ka diyan! I love you, Ate Steffie."
"I love you too."
"Okay ka na nakausap mo ang kapatid mo."
Tumango ako. "Busy pala siya sa negosyo kaya hindi niya ako tinatawagan."
"Mabuti naman kung gano'n."
"Itutuloy ko pa rin ang bakasyon ko para makita ko ang pinaghirapan niya."
"Okay, ikaw ang bahala."
Nang dumating kami sa set ay naging mas magaan ang pakiramdam ko. Hindi ako nakaramdam ng pagod kahit ilang beses akong nagpalit ng damit.
"Why are you in a good mood?" tanong ni Orly
Hanggang sa pagmomodelo ng mga luxury dress ay kami pa rin ang magkapareho kaya hindi puwedeng hindi ko siya kausapin.
Nagkibit-balikat ako. "I'm just really happy right now."
"Is there someone making you happy?"
"It's none of your business whether there is or not."
"So, there is someone, right?"
"No!" I exclaimed, irritated.
He shook his head. "That's all I wanted to know."
"I don't want you to be my boyfriend."
Orly burst out laughing. "I know that, and I won't force myself on you."
"Well, it's good that you know."
Pinutol ko ang pakikipag-usap sa kanya nang tumawag si Allana, para sabihin ang lugar kung sana kami magkikita. Pagkatapos naming mag-usap ay nakita ko si Orly na may kausap rin sa phone. Bigla akong nahiya sa kanya dahil ang lakas ng boses ko habang kausap si Allana.
Pinagpatuloy namin ang pictorial hanggang sa umabot kami ng hapon. Pagod ang katawan ko pagtapos, pero hindi ako puwedeng maging haggard dahil may pupuntahan ako ngayon party.
"Tita Solen, may gagawin ka ba ngayon?"
"Magce-celebrate kami ng bark birthday ng furson ko si Lilo."
"Oh, ngayon pala ang bark birthday niya."
"Oo, hinihintay nila ako para i-celebrate namin bakit mo naitanong?"
"Isasama sana kita sa disco bar kasama ang mga kaibigan ko."
Lumapad ang ngiti ni Tita Solen. "Wow! parang bago sa pandinig ko 'yan."
"Ginagawa ko naman ito noong buhay pa ang magulang ko. Naging seryoso na lang ako nang kaming dalawa na lang ni Sevie ang naiwan."
"Well, tama 'yan mag-enjoy para makapag-relax ka."
"Salamat."
"Ihahatid na kita sa lugar para alam ko kung saan ka pupuntahan kapag hindi ka na makalakad sa kalasingan."
"Thank you."
Naghihintay na sa akin si Allana sa disco bar nang dumating kami. Kasama niya ang boyfriend niya at isang kaibigan nila dito sa Amerika.
"Steffie, enjoy!" saad ni Tita Solen bago siya umalis.
"Let's go, Steffie!" hinila ako ni Allana sa loob pagkatapos ay sumayaw sa gitna ng stage. Umalis agad ako sa stage dahil nahihiya akong sumayaw.
"Cheers!" sigaw ni Allana.
Tinaas namin ang shot glass namin na may lamang tequila.
"Ah!" Gumuhit sa lalamunan ko ang init ng tequila.
Isang oras pa ang lumipas ay maingay na kami ni Allana.
"Shot puno!" sigaw ni Allana."
Tumayo ako. "Shot puno!" sigaw ko.
Hinila ako ni Allana sa stage para sumayaw, at dahil lasing na ako kaya ginaya ko si Allana habang sumasayaw. Ganito kami noong nasa kolehiyo kami.
May mga lalaking lumapit sa amin at nakipagsayaw.
"Steffie, show them how amazing you are on the dance floor," Allana said.
I nodded. I grabbed the man's neck and danced a sexy dance.
"Whoa! you're so hot, Darling!" saad ng lalaki.
Hinawakan niya ang balakang ko habang sumasayaw ako sa harap niya. Nang maramdaman kong bumaba ang kamay niya ay hinampas ko ito.
"Stop!" Pagkatapos ay lumayo ako sa kanya. Napansin kong nakasunod siya sa akin kaya bumalik ako sa table namin. Muli akong uminom ng alak hanggang sa malasing na ako ng sobra.
"Allana!"
Lumapit si Allana. "Why?"
'I need to go home, I'm already drunk."
"Okay, we'll drive you home.'
I raised my hand, pointing. "No, I'll just take a taxi."
"Are you sure you can handle it?"
I laughed. 'Yes, I can."
"We'll escort you outside."
"I can walk properly. Just stay put there."
"Take care. Call me once you're home."
I smiled and hugged her. 'Thank you.'
I forced myself to walk straight even though my vision was spinning."
You can do it, Steffie.
Nang makalabas ako ng bar may biglang humila sa akin.
"Uhmm!" I couldn't speak because he covered my mouth.
Bigla nawala ang kalasingan ko nang hilahin ko ng lalaking kapareho ko kanina sa dance floor.
"Baby, don't resist. I just want to be with you tonight." He tried to kiss my face, but I turned away.
I tried to fight back, but he was too strong for me. He pushed me against his car.
"Don't try to escape, you'll just get tired." He laughed.
He ripped my shirt, exposing my chest to him.
"Oh, perfect!"
Nakaramdam ako ng takot pero ginawa ko pa rin ang lahat para kumawala sa kanya.
"Ouch! you hurt me, b***h"
Sasampalin sana niya ako ngunit may humawak sa kamay niya at pinilipit ang kamay niya.
"Ouch!" Sigaw ng lalaki.
"I am the only one allowed to kiss my woman. You have to pass over my dead body before you can kiss her."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mr Pervert sunglasses. Isang buwan na siyang tahimik, kaya akala ko ay wala na siya. Hindi ko alam kung ligtas ako sa kanya. Habang binugbog niya ang lalaki. Sinubukan kong makatakas sa kanilang dalawa, ngunit biglang may bumuhat sa akin. Nang tumingin ako si Mr Pervert sunglasses ang bumuhat sa akin.
"Let me go!"
He didn't listen to me; instead, he put me in his car.
"I'll drive you home!"
"I don't trust you!"
Hinila niya ako palapit sa kanya kaya sumubsob ako sa dibdib niya. Nagkatitigan kaming dalawa nang tumingala ako.
"I haven't seen or kissed you in a month, so I'm going to make the most of it now, my dear Steffie," he said before sealing it with a kiss.
Hindi na ako nakakilos dahil kinulong niya ako sa bisig niya. Ipagdarasal ko na lang na makauwi ako ng ligtas sa bahay ko.