"I have to go." Sabay halik ko kay Drake, bago ako lumabas ng private room niya. Pinakain ko na siya ng almusal bago ako umalis. Kailangan kong umuwi para magpahinga dahil mamayang hapon pa siya pinayagan na lumabas ng doktor niya. "See you later, hihintayin kita." Tumango ako at naglakad palabas ng ospital. Paglabas ko pa lang ng exit door, nakita ko ang dalawang tauhan ni Drake. "Madam, ihahatid namin kayo pauwi." Huminto ako saka tinitigan sila ng masama. "Hindi n'yo ako kailangan ihatid." "Madam, utos ni boss na ihatid namin kayo ng ligtas sa mansyon." "Naghihintay sa akin ang driver." "Huwag po kayong mag-alala nakasuod kami sa sasakyan mo." "Okay." Talagang seryoso si Drake na bigyan ako ng bodyguard kahit tutol ako sa gusto niya. Nasa likod ko sila habang naglalakad ako pa