Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Drake sa bewang ko, pagkatapos bumangon ako at naglakad papunta sa banyo. Alas-dos na nang madaling araw, siguradong hindi magiging si Drake dahil sa kasarapan ng tulong niya. Ngayon ko gagawin ang pagtakas sa poder niya dahil nagsasawa na ako mundo na ginagalawan ko. Gusto kong makuha ang hustisya kay Sevie, pero pakiramdam ko hindi ko magagawa dahil may bantay na ako. "Humanda ka sa akin, Drake, lahat ng alam kong illegal na gawain mo ay isusumbong ko sa mga pulis." Binilisan ko ang paliligo para hindi ako maabutan ni Drake. Kalahating oras lang ang ginugol ko para sa sarili ko, pagkatapos lumabas ako ng kuwarto namin. Hindi ako nagbukas ng ilaw para hindi magising ang mga katulong niya. "s**t! Paano ako lalabas ng gate?" Nakabantay sa labas ang