Chapter Five

1447 Words
Mas pinili ni Elaina na dumalo sa mga out of town events ng Prime Events Management kesa ang mga nakapilang events nila sa Maynila. Gusto na niyang makalimot sa nangyaring paghaharap nila ni Esmeraldo Pacheco at sa nangyari sa kanila ni Lorenzo Villaruz III. Naisip kasi niyang napakaliit ng mundong kanilang ginagalawan kaya alam niya na may pagkakataon na magkikita at magkikita sila sa mga pagtitipon dahil kilala sa society ang lalaki lalo na nga at nalaman pa niyang sikat pala itong race car driver sa Cebu at maging sa ibang bansa. Nabasa lang niya ang bio nito ng bumili siya ng magazine sa airport at makita ang mukha nito sa front page. Lorenzo Villaruz III, started to become a race car driver at the age of twenty five. Over the years, he made himself a name and become the champion of Fastlane International Racing Competition in Korea. A certified bachelor at the age of thirty three and a well known businessman in Cebu, he is also the eldest son of Lorenzo Villaruz Jr, a business tycoon in Manila. Enzo, as his friends and family calls him is now the president of Philippine Organization of Architecture and Designs. Iyon ang isa sa mga nabasa niyang articles tungkol sa lalaki bukod pa sa mga litrato na naroon kasama ang mga sikat na artistang babae at mga models. At least I know he is single and I didn't sleep with a married man. Iyon ang pakunswelo ni Elaina sa kanyang sarili matapos basahin ang magazine at isilid sa kanyang bag. Dalawang araw na siyang narito sa Cebu para sa isang event ng Automotive Dealers of Cebu. Summer Campaign na rin ng mga members ng nasabing samahan na ginawa sa Shangri La Hotel Mactan. Two day event ito na dinaluhan ng halos lahat ng board members and employees at ito na nga ang huling gabi na talaga namang bigay todo ang lahat. Lumapit siya sa mobile bar na naka – puwesto malapit sa entrance door ng pinagdadausan ng event sa loob ng hotel at umorder ng tubig sa bar attendant na naroon. Nauuhaw na siya at napapagod na rin siya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili at netong mga nakakaraang araw ay nadadalas ang pagod at hilo niya. "Elaina, gusto ni Mr. Ramirez na ipauna na daw ang fireworks bago ang banda," narinig niyang sabi ni Olivia ng makalapit ito sa kanya. "Sige. Inform mo na lang sila Buboy na iyon ang gusto ng client. Check mo na din yung kabilang mobile bar kung marami pa silang mai – serve na cocktails sa mga bisita," sabi pa niya dito. Tumango lang si Olivia at iniwan na siya. Iginala niya ang paningin sa paligid at napangiti siya ng makitang talagang nag – eenjoy ang mga tao sa event na inorganisa nila. There is a sense of fulfillment everytime she can see and feel na ang pinagpaguran niya ay naa – appreciate ng iba. "Water? In this lovely evening you are drinking only water?" Tonong hindi makapaniwala ang nagsalita sa nakikitang iniinom niya. Hindi niya tinapunan ng tingin ang taong nagsalita niyon pero pakiramdam ni Elaina ay nanigas ang kanyang buong katawan ng marinig ang boses nito. She cannot forget that voice. That soothing voice that gives shivers down her spine. Why is he here? Hindi niya nakita na nag – RSVP si Lorenzo Villaruz III sa event na ito. Ang sabi ng secretary nito ay next week pa ang balik nito galing Hongkong kaya hindi ito makakapunta. Huminga siya ng malalim at pinilit ngumiti bago humarap sa lalaki. Hindi na niya iniisip na makikilala pa siya nito dalawang buwan matapos ang kanilang pagsisiping. Hindi nga ba at nagising siyang mag – isa na lang sa hotel? Matapos ang nangyari sa kanila ay bigla na lang itong naglahong parang bula. Ano ang aasahan niya? Pareho lang naman silang nag – gamitan ng lalaki ng gabing iyon. At sa estado ng lalaki, sigurado siyang kahit gabi – gabi ay maraming babaeng katulad niya o higit pa sa kanya ang nakakasiping nito. Lorenzo is wearing a light blue polo and board shorts paired with sanuk sandals. He looked laid back but fresh even if it is already night. He is smiling at her and it is like inviting her to a moment of ecstasy. Punyeta. Ganito ba kalakas ang karisma ng lalaking ito? He is making my knees into jelly. Iyon ang naisip ni Elaina. Napalunok siya at para siyang bahagyang nauhaw ng uminom ito sa hawak na beer na nanatiling nakatingin sa kanya. Alam niyang inaakit siya ng lalaki. At sa tuwing maiisip niya ang nangyari sa kanila, hindi niya mapigil ang sariling sariwain iyon. Ilang beses na nga bang nag – replay iyon sa kanyang panaginip. "Are you enjoying the night, Sir?" tanging sambit niya dito. He is just another client that needs to be satisfied in this event tonight. Iyon ang pilit niyang isinaksak sa isip niya. Napataas ang kilay nito sa kanya. "Sir? The last time I remember, you called me love," nanunudyong sabi nito. Hindi niya pinansin ang pang – aakit nito. "It's my job. I need to see that all guests are enjoying this event," tanging sagot niya. "Believe me, Elaina Percival. I am enjoying this night," nakangiting sagot nito sa kanya habang nakatitig sa kanyang mukha. He still remembers my name. Napalunok siya sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng lalaki. Pakiramdam niya ay hubad na siya sa harap nito. Nang mapansin na nakatingin din siya ay napayuko ito at napailing - iling "When I learned from my secretary that your team will be the events organizer, I need to fly in here. I need to see you," sabi nito. "If you think that what happened last time is going to happen again, I am so sorry to disappoint you Mr. Villaruz. You need to find someone else," sagot niya dito. "And why would you think that I am thinking that I can take you to bed again? Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makita ulit and enjoy the night with your company?" Tinapunan lang niya ng tingin ang lalaki at umirap dito. "There are lots of beautiful girls around you, why don't you mingle with them. I am sure you will not be disappointed and I am sure you will not go home empty handed," sabi niya. "But I am mingling with a beautiful woman," sabi nito na nakatitig sa kanya. "Why would I look for someone else?" Elaina knows that Lorenzo is just flirting at hindi niya mapigil ang hindi mangiti sa panglalandi nito sa kanya. He knows his ways to women kaya hindi na siya nagtataka kung bakit nabansagan itong ladies man of the the race track. She read in the article that Lorenzo had lots of previous relationships with actresses, models and women in high society na mga nakikita niya sa magazines at events na ginagawa niya. And according to the article that he read, Lorenzo is currently dating the Asian Singer Superstar na si Angie Young. She is a Chinese-Filipino actress and singer based in Hongkong. Hindi naman na kataka – taka kung magkaroon ng maraming babae si Lorenzo Villaruz III. He has good looks, money, brains. Lahat na yata ay nandito na sa lalaking ito. "Yeah, better enjoy the night. Have a nice evening," there was a hint of sarcasm in her voice. Ininom niya ang natitirang tubig pa tapos ay akmang aalis na doon. Hindi na niya kayang magtagal pa kasama ang lalaki. Ibang klase ang dating nito sa kanya at ibang klaseng init ang hatid ng bawat titig nito sa kanya. Saka iba na rin ang pakiramdam niya. Nahihilo na naman siya. Epekto na yata ng ilang araw niyang pagpupuyat at stress na din sa dami ng kanyang trabaho. Hindi pa man niya naihahakbang ang kanyang mga paa ay napakapit na siya sa mesang nandoon at nasalo ang kanyang ulo. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Lorenzo para alalayan. "Are you okay?" punong – puno ng pag – aalala ang tanong nito. "Y – yeah. I – I think so," kita niya ang totoong pag – aalala sa mukha nito habang inaalayan siya. "Pagod na siguro ako. I'll just go back to my room," tanging sagot niya at pilit kumawala sa pagkakawak ng lalaki. Hindi naman siya nito pinigilan. Binitawan siya nito at pinabayaan na siyang maglakad paalis. Pero iilang hakbang pa lamang siya ay nakarinig na siya ng malalakas na sigawan. At ang pinakamalakas na boses na narinig niya ay ang kay Lorenzo habang tinatawag ang pangalan niya. Sa nanlalabong paningin ay nakita niyang maraming tao ang lumapit sa kanya tapos noon ay nagdilim na sa kanya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD