Napatingin si Lorenzo sa bundle ng pera na ibinagsak sa kanyang harapan. Napatingin siya sa gumawa noon habang umiinom ng kape.
"Fifty grand," sabi ng kaibigan niyang si Pablo at nagsalin din ito ng kape.
Napangiti siya at marahang ibinalik sa kaibigan ang pera nito.
"I know I won but I don't need your money. Taking her to bed with me and found out she was a virgin is already a prize," sagot niya dito.
Nakita niyang napanganga ang kaibigan sa sinabi niya.
"f**k you, man! You are one lucky bastard!" sabi pa nito.
Ngumiti lang siya at muling humigop ng kape. Pakiramdam niya ay high pa rin siya mula sa pangyayari ng nagdaang gabi.
Nakipag – pustahan kasi sa kanya si Pablo na kapag naisama niya at naikama niya ang babaeng ituturo nito ay babayaran siya nito ng fifty thousand.
When he saw Elaina last night giving orders to her staff, he cannot get off his gaze at her. She's pretty and looking so hot. She stands out among the woman he saw in the convention hall. Wearing a fitted black slacks and cream blazer, hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang malulusog nitong dibdib na natatabingan ng lacy top sa ilalim ng cream blazer nito. Kahit nga siguro wala silang pustahan ni Pablo ay talagang kikilalanin niya ang babae. And the way she looked at Esmeraldo Pacheco with such hate and anger, he knew something was going on at hindi nga siya nagkamali. Kaya ng sabihin ni Pablo na game ang kanilang pustahan, agad siyang pumayag at nilapitan ito.
"What did you do to make her come to you? Mukhang suplada kasi ang babaeng iyon kagabi," sabi pa ng kaibigan niya.
"I had my ways. I just gave her what she wanted. And she was willing to give it all just to have what she wants. She was that desperate," sabi pa niya at napapangiti pa siya habang inaalala ang pinagsaluhan nila ng babae ng nagdaang gabi.
"Damn, man. Idol na talaga kita. Did you get her name? So maybe I can call her sometime?" sabi pa ng kaibigan niya.
Tumingin siya sa kaibigan at napailing – iling.
"Find someone else, Pabs. I might stick to this one a little bit," tanging nasabi niya.
Napahalakhak si Pablo sa narinig na sinabi niya.
"This is a first. Si Lorenzo Villaruz III mukhang nagkaka – interes sa naka – one night stand niya." pagtutudyo ng kaibigan.
"Gago!" natatawang sabi niya.
Natawa rin ang kaibigan niya tapos ay bahagyang sumeryoso. "But on a serious note, tumawag sa akin si Mr. Pacheco at galit na galit. Kailan mo daw siya kakausapin at mukhang tinataguan mo daw siya," sabi pa nito.
"Bayaan mo siya. Natatakot lang iyon na maalis ang pangalan niya as member ng POAD," sagot niya dito.
"Bakit nga ba? Bakit biglang – bigla nagka – sanction si Pacheco? Did he not follow any on the rules?" alam niyang maging ang kanyang kaibigan ay naguguluhan.
"Two months ago, I received a complaint from an investor na hindi daw tinapos ni Pacheco ang isang project nila sa Mindoro. Investor already paid in full pero wala pang nagagawa sa establishment. Seven storey building iyon and the budget cost fifty million. I know because I already sent someone to investigate the matter," may pagkainis ang pagkakasabi niya noon. Idagdag pa ang nalaman niyang ginawa nito sa ina ni Elaina at sa pagtatanggi na anak nito ang babae.
"Pacheco is f*****g himself. Ano ba ang nangyayari 'dun?" kahit ang kanyang kaibigan ay nagugulat sa mga pangyayari.
Napailing siya at napatawa. "Call it karma," tanging sambit niya. "Sa dami ng inagrabyadong babae ng taong iyon, bumabalik na sa kanya ang ginawa niya."
"Kayang – kaya mo naman palang maging head ng POAD, eh. I think you no longer need my help anymore."
Kaya na nga ba niya?
Tatlong buwan pa lang naman siyang tumatayong presidente ng POAD magmula ng ma-stroke ang ama niya. Pero kung siya ang masusunod, hinding – hindi siya papayag na maging presidente ng organisasyong iyon. He doesn't want to be an architect from the start. Pinagbigyan nga lang niya ang kanyang ama na iyon ang kurso na kuhanin noong kolehiyo siya para hindi ito ma – disappoint sa kanya pero sa malas ay ganoon pa rin ang nangyari.
He is a big disappointment for his family. This is according to his father.
Dahil pagka – graduate niya sa kolehiyo at makapasa sa board exams for Architecture ay umalis na siya sa bahay nila and decided to live the life that he always wanted. To be a race car driver. Even when he was young, he was always fascinated by cars. And when he had the opportunity, he flew to Cebu and pursued his dream. He trained as a speed racer and joined some competition locally and internationally and somehow created his own name in the racing world. He loves the fast lane, the adrenaline rush, the fame, all those beautiful women that always follows him. It is like an addiction that he cannot beat.
He also established himself in Cebu. He owns a car repair shop and an automobile buy and sell business. Talagang lumayo siya sa pangalan ng kanyang ama kahit na nga nakasunod siya sa pangalan nito. He wanted to be just Lorenzo Villaruz III na hindi laging nakasunod ang anino ng daddy niya. He just wanted to be himself.
Why can't you be like Francis? He is a successful architect in the United States. Laging nasa broadsheets ang pangalan niya. Lagi siyang may interview sa t.v. All of his clients are the big names in the US. Pero ikaw? Naturingan kang panganay wala kang ginagawa sa buhay mo. Sayang ang lisensya mo dahil hindi mo ginagamit. Are you contented with your life? Drag racing? Womanizing? Mamamatay ka pa ng maaga diyan sa ginagawa mo. I need you to be like me.
But I am not like you dad. I am me. I have my own life. I have my own dreams. Pinagbigyan na kita sa gusto mo. I took Architecture just like what you wanted. Bakit hindi si Francis ang pabalikin mo dito at siya ang magtrabaho para sa iyo? Besides, si Francis naman ang magaling sa iyo. I am Lorenzo and I am not Francis. I will never be Francis and I will never be you.
Hinding – hindi makakalimutan ni Lorenzo ang pagtatalo nilang iyon ng kanyang ama. He can see the face of his dad na talagang galit na galit sa kanya. That was the first time na sumagot siya ng ganoon. Mas madalas kapag nagse – sermon na ito dahil sa tingin nito ay kabalbalan lang daw ang kanyang ginagawa, umaalis na lang siya. Ayaw na niyang makipagtalo dahil alam niyang walang kapupuntahan iyon. Lalo lang lumalaki ang distansiya ng samahan nilang mag – ama. The moment he became a race car driver, he felt his father already disowned him. Pakiramdam nito ay isang kahihiyan ang kanyang ginawa. Matapos ang pagtatalong iyon ay nalaman niyang isinugod ito sa ospital dahil nagkaroon daw ito ng stroke.
Imagine his guilt when he knew what happened to his dad. Alam niyang huli na para bumawi, kaya kahit labag sa kalooban ay tinanggap na rin niya ang desisyon ng board na siya ang tumayong presidente ng POAD.
"Trabaho ba ang nasa utak mo o ang babaeng kasama mo kagabi?"
Iyon ang tila nagpagising kay Lorenzo. Nakita niyang nakatayo na si Pablo sa harap niya. Pablo has been his friend since their childhood. Inaanak ito ng daddy niya at ng magtagal ay naging apprentice ng kanyang ama at talagang pinagkakatiwalaan nito sa negosyo at sa POAD. Ito rin ang tumutulong sa kanya para matutunan niya ang pamamalakad at pasikot – sikot ng organization at negosyo ng daddy niya.
"Maybe both," natatawang sagot niya.
Maging ito ay natawa din.
"Any news about Francis? Alam na ba niya ang nangyari kay Tito Lor? It's been three months pero hindi pa siya nagpaparamdam sa inyo," sabi ni Pablo.
Napatiim – bagang lang siya ng marinig iyon. Si Francis ang nakababata niyang kapatid na matapos maka – graduate at makapagtrabaho ng ilang taon sa kumpanya ng daddy niya ay umalis para pumunta ng Amerika. Mahigit apat na taon na ito doon at ni minsan ay hindi man lang ito umuwi para dumalaw sa pamilya. Pero lagi itong ipinagtatanggol ng kanyang ama. Busy daw si Francis sa pag – build ng pangalan sa ibang bansa. His dad is too proud for his son at hindi siya iyon.
"He knows. But knowing my dad, even on his death bed he is still too proud for his son," may halong hinanakit ang pagkakasabi niya noon. Huminga siya ng malalim at inubos ang laman ng hawak ng puswelo ng kape. "I don't know. My mom said alam na daw ni Francis but hindi lang maiwan ang mga projects na naka – line up. Imagine that. Our father is sick pero mas importante pa ang mga projects niya."
Naramdamam niyang tinapik siya sa balikat ni Pablo. Alam din kasi nito ang problema nila ng kanyang ama.
"Tito Lor will understand. He will know kung sino ang totoong nagmamalakasit sa kanya."
Hindi siya kumibo. Ilang buwan na ring kinakain ng guilt feeling ang sarili niya. Kung sana ay hindi na lang siya nakipagtalo pa sa kanyang ama. Kung sana ay umalis na lang siya tulad ng madalas niyang ginagawa kapag nag – uumpisa ng mag – sermon ang kanyang ama. Mabuti na nga lang at last minute ay naisipan niyang dumalo sa pagtitipon ng POAD. Kahit paano ay may magandang nangyari sa kanya.