bc

One night to forever

book_age0+
2.0K
FOLLOW
12.3K
READ
one-night stand
escape while being pregnant
pregnant
CEO
drama
like
intro-logo
Blurb

All Elaina ever want is to let Esmeraldo Pacheco, her father, know about her existence and spit on his face because of what he did to her mother. She is willing to do anything just to face the man that wanted her dead.

Until she met Lorenzo Villaruz III. Mysterious guy with oozing s*x appeal and told her that he can arrange a meeting with Esmeraldo Pacheco. But he has a condition before he can arrange the meeting...

He wants her to be on his bed after her meeting with her father.

chap-preview
Free preview
Chapter One
ESMERALDO PACHECO. Owner and CEO of Oriental Pots Architecture and Landscapes. Iyon agad ang pangalan na hinanap ni Elaina Percival sa master guest list ng mahawakan niya iyon. At hindi nga siya nagkamali. Isa sa mga nag – rsvp si Esmeraldo Pacheco para dumalo sa ekslusibong pagtitipon na iyon ng Philippine Organization of Architectural Designs at sa nakita niya ay dumating na ito sa pagtitipon. Kilala si Esmeraldo Pacheco na isa sa mga members ng POAD bukod pa sa kilala ito bilang isang magaling na Architect at hindi mabibilang ang mga sikat na mga estruktura at establishments na naitayo nito. Bukod pa sa pagiging designer ng mga bahay ng mga kilalang businessman, artista at mga pulitiko. Iginala niya ang paningin sa paligid ng SMX Convention Center at nakita niya ang medyo may edad na lalaki na naroon sa dance floor kasayaw ang isang babaeng sa tingin niya ay kasing – edad lang din niya. Napa – ismid siya. Naisip niyang tumanda lang si Esmeraldo Pacheco pero ganun pa rin ito. Likas pa ring babaero. Kung anak ko man ‘yang nasa tiyan mo, kasama ng sulat na ito ang cheke na nagkakahalaga ng sampung libong piso. Maghanap ka ng clinic na magtatanggal niyan sa tiyan mo. Pakiramdam ni Elaina ay tumatagos sa puso niya ang galit sa tuwing maalala ang sulat na iyon na nabasa niya mula sa mga gamit na nakita niya ng magligpit siya ng mg naiwan na gamit ng kanyang ina. Bata pa lang ay lagi ng sinasabi sa kanya ng nanay niya na isang mayaman at kilala sa alta sa sosyedad ang kanyang tatay pero hinding – hindi nito sinasabi sa kanya ang totoong katauhan nito. Mag – isa siya nitong itinaguyod at kailanman ay hindi siya nakarinig ng anuman na masasamang salita laban sa ama niya. Pero nitong nakaraang anim na buwan ay binawian ng buhay ang nanay niya dahil sa sakit na ovarian cancer. Doon niya nalaman lahat kung sino at kung anong klaseng pagkatao ang meron ang kanyang ama. Ipinagtapat lahat ng kanyang ina kung anong klaseng tao si Esmeraldo Pacheco. Dating sekretarya nito ang kanyang ina at dahil sa likas na maganda ay nabigahani nito si Esmeraldo. Dala ng matatamis na salita ay nahulog ang loob ng kanyang ina at siya ang naging bunga. Nang ipaalam ng nanay niya ang kalagayan na nagdadalang – tao ay tinanggal ito sa trabaho ng lalaki at hindi na kinausap kahit kailan. Noon din niya nakita ang sulat nito sa nanay niya kasama ang chekeng ibinigay nito para ipalaglag siya. Nang malaman niya iyon ay talagang ginawa niya ang lahat ng paraan para matunton ito. Hindi madaling makausap si Esmeraldo. Bukod sa napakarami nitong bodyguards, kapag hindi nito kilala o hindi magiging katulong sa negosyo nito ay talagang hindi nito pinag – aaksayahan ng panahon. Kaya sigurado siya na kahit puntahan niya ito sa opisina at ipakilala ang sarili bilang anak nito, alam niyang hindi siya nito tatanggapin. Bilang may ari ng Prime Events Management, alam na alam na niya ang mga malalaking corporate events na nangyayari taon – taon. Matagal na siya sa industriyang iyon kaya marami na siyang connections at mga loyal clients. Nang malaman niyang si Esmeraldo Pachecho ang kanyang ama at magkakaroon ng event ang POAD, hindi siya nagdalawang isip na sumali sa bidding para maging event coordinator ng pagtitipon na ito at hindi siya natalo. Ang kompanya niya ngayon ang nag – aasikaso para sa pagtitipon na ito. Naikuyom niya ang mga palad ng makitang humalik pa sa pisngi ng babaeng kasayaw si Esmeraldo. Hindi niya alam kung paano siya lalapit dito para sumbatan at sabihin ang lahat lahat ng galit na nabuhay sa dibdib niya matapos niyang malaman ang lahat. Inayos niya ang sarili at huminga ng malalim. Kumuha siya ng wine mula sa nagdaang waiter at inisang lagok lang ang laman niyon. Kailangan niyang maging kalmado. Ayaw niyang masira ang mga plano niya. Nakita niyang muling nagsayaw sa dance floor si Esmeraldo muli kasayaw ang isang bagong babae. Mula sa lumilis nitong amerikana ay nakita niya ang red moon shaped birthmark sa kamay nito. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang kamay at nakita niya ang kaparehong balat na iyon na nagpapatunay na iisa ang dugo at laman nila ng lalaking ito. Gusto niyang magwala sa tuwing maiisip iyon. Kailangan niyang isa –isantabi muna kung anuman ang mga naglalaro sa kanyang isip. Kailangan niyang mapaayos ang takbo ng importanteng event na ito. Hinanap ng paningin niya ang staff niyang si Olivia at nakita niyang inaayos nito ang mga dessert na nakalagay sa dessert buffet table. Akma niyang pupuntahan ang babae ng maramdaman niyang may matitipunong braso ang biglang humawak sa beywang niya at dinadala siya papunta sa dance floor. Gulat na gulat siya sa taong gumawa noon. Pero bago pa siya makapalag ay hinapit na siya ng mahigpit ng lalaki at bumulong sa tenga niya. “Have you found your way on how to kill Esmeraldo Pacheco?” Iyon ang narinig niyang sambit sa tenga niya ng lalaking pangahas. Hindi niya maintindihan ang kilabot na lumukob sa buong katawan niya ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa tenga niya. Mabilis siyang kumawala sa lalaki at tiningnan ito. Sino ba ang pangahas na ito? Isipin man niya ay hindi pa niya nakikita ang lalaking ito kahit saang event na napuntahan niya. Kung iba – iba siguro ang gumawa ng ganito sa kanya ay siguradong nagwala at nasampal na niya ang lalaki pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naging gulaman ang tuhod niya at hindi makapagsalita dahil lamang sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya at tila nag – aanyaya ng libong kaligayahan ang mga ngiting iyon. Muli ay hinawakan siya nito sa kamay at hinapit sa bewang para muling isayaw. “You’ve been staring daggers at Pacheco for the last hour and it’s not because you want him. So tell me, what is it?” muli ay tanong nito sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata. “It’s none of your business. Please let me go. I still have a job to do,” sabi ni Elaina at tumingin sa kanyang paligid. Lahat ay halos nag – eenjoy at nagsasayaw. “Not until you tell me what’s your beef with Pacheco,” sabi nito at binitiwan siya bago muling hinawakan ang kanyang kamay at dinala sa isang sulok ng convention center tapos ay kumuha ng dalawang wine mula sa nagdaang waiter. Napailing siya sa sobrang persistence ng lalaking ito. Kung kanina ay naiinis siya ngayon naman ay nahihiwagaan na siya dito. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang lalaki at baka sa isang bahagi ng utak niya ay maalala niya kung nakilala na ba niya ito. Tulad ng karamihan, naka – suit ang lalaking nasa kanyang harapan pero stand out ang dating nito. His towering height makes him look like a model. Kahit naka – suot na nga siya ng three inched high heeled shoes ay kinailangan pa niyang tumingala dito. She saw the stubbles showing on his face but this just add the appealing factor of the guy. Naramdaman niyang lumapit pa ang lalaki sa kanya na para bang tatakas siya at mahigpit ang hawak nito sa kamay niya. “Why do you keep on asking? What is it to you?” tanong ni Elaina. Hindi niya maintindihan ang init na nararamdaman niya ng bahagyang lumapat ang mga kamay nito sa braso niya. Nagkibit ng balikat ang lalaki at muli ay uminom sa hawak na baso ng wine pero hindi inaalis ang tingin sa kanya. “I can feel your driving emotions. Especially your anger that threatens to eat you alive,” sagot nito. Saglit siyang napaisip. Ganoon ba talaga siya ka – transparent na kahit sinong tao ay nararamdaman ang galit sa puso niya? Bago pa siya makasagot ay nakita niyang papalapit sa kanila si Zeus Cristobal. Ito ang head ng Sales and Marketing ng POAD at siyang kumuha ng serbisyo ng Prime Events Management. Malaki ang utang na loob niya dito dahil sa tagal na nilang magkaibigan, talagang gumawa din ito ng paraan para manalo siya sa bidding. “Elaina! This party is so great! Everyone is having a great time. I am sure, ikaw na ang kukunin sa lahat ng events ng POAD,” narinig niyang sabi nito at humalik pa sa kanyang pisngi. Pinilit niyang ngumiti at napatingin sa lalaking nasa harap niya na nanatiling nakatingin lang sa kanilang dalawa. Nakita niyang napatingin dito si Zeus at biglang sumersyoso ng mukha. “I didn’t know that you know Mr. Villaruz,” sabi ni Zeus sa kanya at bumaling ito sa lalaki. “Hi sir. Sorry for interrupting,” sabi nito at muli ay tumingin sa kanya. “Actually he is about to leave,” sabi ni Elaina at tumingin sa lalaki. Villaruz. Kaano – ano kaya ng lalaking ito si Lorenzo Villaruz Jr. na siyang president ng POAD? Nakita niyang ngumiti ang lalaki at tumingin kay Zeus. “Will you please leave us, Zeus? Elaina and I are discussing some important matters. I’ll meet you in a bit,” narinig niyang sabi nito. Hindi na sumagot si Zeus at iniwan na silang dalawa. At paano siya nito nakilala? “How did you know me?” taka niya. “I heard Zeus called you Elaina,” tanging sagot nito. “Now tell me. What do you want from Esmeraldo Pacheco?” muli ay tanong nito. Napatingin siya sa gawi ni Esmeraldo na masayang nakikipag – inuman na sa mga kausap sa isang mesa. Lalong nag – umalsa ang galit sa dibdib ni Elaina. Hindi niya matanggap na nagpapakasaya ng ganito si Esmeraldo na tila wala itong ginawang masama sa ina niya. “He is my father,” her words were full of disgust. Hindi agad nakakibo ang lalaking kausap niya at napatango – tango lang. “I wanted to talk to him and tell him who I am but I guess this is not the right moment. I’ve been trying to make a move to talk to him tonight even just for five minutes but I don’t have the opportunity. I know for sure he will not entertain a nobody like me,” sabi pa niya. “What if I can give you the five minutes that you need?” narinig niyang sabi ng lalaki. Napatingin siya dito at nakita niya sa mukha nitong hindi ito nagbibiro. “And how can you do that?” tanging nasabi niya. “I have my ways. What will I get if I can give you that five minutes?” muli ay inulit nito ang tanong sa kanya. “Then I’ll be thankful if you can do that.” Ngumiti ang lalaki at hinawakan siya sa kamay at dinala sa mga labi nito habang nanatiling nakatingin sa kanya. “I am a businessman. If I let you have your moment with Pacheco, what is it for me?” sabi nito. “If you give me that five minutes I can give you whatever you want,” walang kakurap – kurap na sambit niya. Ganoon siya ka – desperado para lang makaharap ang ama niya. Napataas ang kilay ng lalaki at napangiti sa kanya. “Be careful for such invitation, woman. I am telling you it could get you into trouble,” tila paalala nito. “I’d do everything, anything just to spit on the face of that monster,” tanging nasabi niya at muli ay tumingin sa gawi ni Esmeraldo. Pakiramdam niya Elaina ay hihimatayin na siya sa kaba habang naghihintay kung paano niya makakausap si Esmeraldo. Hindi na niya mabilang kung ilang baso na ng wine ang nainom niya dahil kuha lang siya ng kuha mula sa mga dumadaang mga waiter. “Girl, paano mo nakilala si Mr. Villaruz?” narinig niyang tanong agad ni Zeus ng makalapit sa kanya. “Sino ba ang Mr. Villaruz na iyon?” balik tanong niya. “Ano ka ba? Hindi mo ba kilala si Lorenzo Villaruz III? Siya ang bagong president ng POAD. Pinalitan niya si Mr. Lor Villaruz Jr. kasi ‘di ba na – stroke ang matandang Villaruz,” tumitirik pa ang mata ni Zeus habang sinasabi iyon. Pakiramdam ni Elaina ay nalulon niya ang kanyang dila. Kaya pala ganoon kalakas ang loob nitong sabihin sa kanya na kaya nitong iharap si Esmeraldo sa kanya ay dahil ito ang president ng POAD. “L – lumapit lang siya sa akin. Siguro nalaman niyang ako ang coordinator and asking me about the party,” pagsisinungaling niya. “Ang guwapo niya ‘no? Naku girl, kung alam mo lang kung gaano ko pagpantasyahan ‘yang si Lorenzo. Talagang nalalaglag ang panty ko kapag nakikita ko,” at matinis pa itong tumili. Natawa si Elaina sa inakto ng kaibigan. Kahit na sino kasing tao ang makakita kay Zeus ay hindi maniniwala ang mga ito na isa itong bakla. Matangkad, kalbo, malaki ang katawan na alaga sa gym at guwapo. Pero kapag nakakita ng ipis ay matinis pa sa kanya kung tumili. “Pero girl, winner talaga ang event mo ha? Wala akong masabi. Talagang hindi ako napahiya sa management na kayo ang kinuha namin. Halos lahat enjoy na enjoy,” sabi pa nito. Ngumiti lang siya at iginala ang paningin sa paligid tapos ay tumingin sa kanyang relo. Pasado alas diyes na ng gabi. Ilang oras na lang at matatapos na rin ang event pero hindi pa niya nakakausap si Esmeraldo. Hindi na nga rin niya ito makita sa grupo ng mga tao. Gusto na niyang mainis dahil pakiramdam niya ay niloko at pinaasa lang siya ng Lorenzo Villaruz na iyon. Kasalanan din naman kasi niya. She let her guard down kaya siguro sinamantala iyon ng lalaki. “Mam Elaina?” tila paniniguro ng isang lalaking naka – barong. Tingin niya ay body guard or member ng security. “Yes?” “May nagpapaabot lang po nito,” sabi nito at iniabot ang isang piraso ng papel sa kanya tapos ay umalis na. Naguguluhan man ay binuklat niya iyon. Room 1601 Boulevard Suites Hotel. Esmeraldo Pacheco is waiting for you. Iyon ang nabasa niya. Hindi niya maintindihan ang biglang kaba or excitement na biglang lumukob sa kanya. Mabilis niyang itinupi ang note at isinilid sa purse na hawak tapos ay inubos ang hawak na wine. “Zeus, I need to go early. I just need to attend an important matter. I’ll let Olivia to take over,” paalam niya sa kaibigan. “Do I need to worry? Parang kinakabahan ka?” sabi nito. Umiling – iling siya at inayos ang sarili. “Don’t worry. Sandali lang naman ako and I’ll be fine,” sagot niya dito at umalis na. Ilang beses ang ginawang pag inhale – exhale ni Elaina habang nasa harapan ng room 1601. Pinindot niya ang buzzer ng pinto at ilang minuto lang ay bumukas na iyon. Ang nakangiting mukha ni Esmeraldo Pacheco ang bumungad sa kanya. “Enzo really knows my type,” nakangising sabi nito habang nakatingin sa kabuuan niya. Gusto niyang masuka dahil sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya ay punong – puno ng pagnanasa. Nilakihan nito ang bukas ng pinto para makapasok siya. Dire – diretso siyang pumasok at tumayo sa gitna habang nakatingin sa matandang lalaki na naupo sa kama. “I am expecting to meet Enzo here pero biglang nagbago ang isip niya at sinabing babae daw ang papupuntahin niya dito,” sabi pa nito habang nagsasalin ng alak sa baso. “Mr. Villaruz arranged this for me to meet you personally,” sabi niya. Tumayo si Esmeraldo at lumapit sa kanya. “And what can I do for you love?” sabi pa nito. “I am your daughter,” walang gatol na sabi niya. Kitang – kita niya ang pagkawala ng dugo sa mukha ni Esmeraldo ng marinig ang sinabi niya. Nawala ang pagnanasa na nakita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Napalitan iyon ng pagkagulat. Pero maya – maya lamang ay natawa ito at napailing – iling. “I think somebody told you a different story. I don’t have a daughter. I don’t even have a wife,” natatawang sabi nito at muling nagsalin ng alak sa baso. “How I wish that is true. But I am telling you. I am your daughter,” sabi niya at ipinakita dito ang birthmark sa kamay na katulad ng sa kanyang ama. Napataas ang kilay ni Esmeraldo ng makita iyon. Alam niyang totoo ang sinasabi ng babae sa kanyang harapan na anak niya ito. Nasa lahi na ng mga Pacheco na ang unang anak ay nagkakaroon ng ganoong klaseng birthmark. “What do you want? If you think that I will fall on my knees and welcome you with open arms, you are wrong. Hindi lang ikaw ang unang beses na nagpakilalang anak ko pero wala akong pakielam. Wala kang puwang sa buhay ko. Saka bakit ka lumantad ngayon? Ano ang kailangan mo? Pera? Magkano?” matigas na sabi ni Esmeraldo. Napangisi si Elaina. “Trust me Esmeraldo, I don’t need your money. And besides I know how you feel about me and how you felt for my mother Teresa Percival,” sabi pa niya. Nakita niyang parang may naalala si Esmeraldo sa pangalan na sinabi niya. “She should have taken my advice. Binigyan ko naman siya ng pera pero talagang tanga ang babaeng iyon,” sabi pa nito. “Say another word about my mother and I am telling you, you will regret it,” sa pagitan ng mga ngipin ay sambit ni Elaina. “I know who you are and what kind of person are you. Pero gusto kong makasiguro kaya gusto kong makaharap ka ng personal. Gusto kong malaman kung kasing sama ka ba talaga ng taong nagbigay ng sulat at cheke sa nanay ko and I can see that you are really a despicable person,” sabi niya. “Watch your words young lady. Hindi mo kilala kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa mga katulad mo. Kayang – kaya kitang durugin,” banta nito sa kanya. “Subukan mo. Nang mawala lahat kung anuman ang meron ka ngayon.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARCHER

read
292.8K
bc

I'm Dying, Mate

read
1.9M
bc

A Girl Nobody Wanted

read
1.9M
bc

The CEO's Wife

read
192.2K
bc

Alpha Twins for Mate ✅ (Romano Series #1)

read
4.9M
bc

The Bad boy's Redemption

read
17.7K
bc

Unexpected Mates

read
4.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook