Madilim pa ng magising si Aize. Pakiramdam niya ay madaling araw pa lang sa mga oras na iyon. Tinatamad pa siyang bumangon, at medyo malamig. Ngunit nakaramdam siya ng pagkauhaw. Inayos muna niya ang sarili, ayaw naman niyang dumaan sa tabi ni Cy ng walang kaayusan. Napangiti pa siya ng maalalang masarap ang tulog niya. Ang dahilan ay ang larawan niyang iningatan talaga ni Cy. "Hay Cy. Kaya mas lalo kitang minamahal eh." Aniya. Dahan-dahang binuksan ni Aize ang pintuan ng kwarto para hindi niya maabala ang pagtulog ni Cy. Pero wala na ito sa hinihigaan nito sa may salas. "Nasaan 'yon?" Bulong niya, ng mapansin na bukas na rin ang ilaw doon pati na rin sa kusina. Napaurong ang paglabas niya ng kwarto at mabilis muling pumasok doon. Hindi naman niya tuluyang isinarado ang pintuan kaya na