Gabing-gabi na ng dumating ng bahay si Cy. Pagod ang pagal niyang katawan, at gusto na lang niyang ihiga ang katawan. Pero inaagaw ng gutom ang kanyang diwa. Gusto na niyang matulog pero nagugutom talaga siya. Wala na silang nakainan, ng pauwi na sila, lalo na sarado na ang mga tindahan. Gawa ng malalim na ang gabi. Natuwa na lang siya at ang bakery na sinasabi niya kay Aize ay bukas pa at nakabili siya ng pasalubong sa dalaga. Pagbukas niya ng pintuan ay naabutan niya na bukas ang ilaw sa kusina. Mabilis niyang tinungo iyon at nakita niya si Izzy na nagliligpit ng gamit. "Bakit gising ka pa?" Napaiktad naman si Izzy dahil sa tanong na iyon ni Cy. Dahil busy sa ginagawa ay hindi narinig ng dalaga ang pagdating ng tricycle ni Cy at ang pagpasok nito sa bahay. "Grabe naman Saysay. Dapat