Ilang araw na rin muna ng dumating si Izzy sa bahay ni Cypher at wala namang naging problema. Nakapasok na rin sa trabaho si Cy dahil may nakakasama na si Aize sa bahay niya. Ang tindahan ng gulay na dapat si Aize ang nagtitinda ay hinayaan muna ni Cy ipagamit kay Amy at Aling Hana. Medyo lumawak ngayon ang pwesto ng dalawa. "Cy, sa bahay mo muna ako ha. Galit na naman sa akin ang asawa ko." Napatingin naman si Cypher kay Igo na mukhang nalugi na naman ng malaki. Patuloy lang namang kumakain si Jose at nakikinig sa pag-uusap nilang dalawa. "May problema na naman kayo?" "Walang ganun. Sabi kasi ni Shey, dapat daw ay alas dyes na ng gabi n'ya dapat makita ang pagmumukha ko. Hindi naman siya galit. Kaya lang hindi talaga alam ng asawa ko na palagi ko siyang namimiss tuwing hindi kami magk