Halos maghabol ang paghinga ni Cy ng makapasok sa loob ng bahay. Hindi niya gusto ang ipinakita niyang aksyon kay Aize pero hindi na rin niya napigilan ang sarili na magalit sa dalaga. Dahil nabigla siya sa sigaw nito sa tainga niya ay parang nabingi siya at parang bigla na lang naputol ang pisi ng kanyang pagpapasensya. Kaya naman, bigla na lang siyang sumabog at hindi makontrol ang sariling emosyon.
Kinalma muna ni Cy ang sarili. Tapos ay nagluto na rin siya ng umagahan nila. Tuyo, itlog, ham at sinangag ang niluto niya. Nakain naman noon si Aize kaya iyon na muna ang niluto niya.
Naligo na rin muna siya, para mawala ang sobrang pawis na bumasa sa damit niya. Paglabas niya ng kwarto ay wala pa rin si Aize sa loob ng bahay. Nasilip niya ang dalaga na nakaupo sa upuan sa tabi ng bahay. Napatingi din siya sa kalat na dahon. Nabawasan iyon siguro ay winalis na nito.
Ngunit ng tawagin na sana niya ang dalaga para sabay na silang kumain, ay nandoon na naman ang munting pride na umuukupa sa ego niya. Nakaramdam na naman siya ng inis, kahit dapat ay wala na, dahil nakalipas na. Kaya naman sa halip na tawagin si Aize para kumain ay nagmadali na lang siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang tricycle. Hindi na rin niya pinansin ang cellphone niya na naiwan sa tabi ni Aize. Umalis na lang siya ng walang paalam at hindi pinapansin ang dalagang, malakas talaga ang trip sa buhay.
Wala namang balak lumayo si Cy kaya naman heto siya ngayon at nasa bahay ni Jose. Wala din naman itong trabaho.
"Jose pakainin mo nga ako. Maawa ka na sa akin. Wala pa akong kain." Pangungulit ni Cy ng madatnan nito si Jose na nakaupo sa isang mahabang upuan sa ilalim ng puno. Nagkakape ito kapartner ang nilabong saging.
"Jose, naman kahit kape lang din at saging. Dito muna ako tatambay sayo. Gusto ko lang ng peace of mind. Dahil kung hindi matatahimik ang isipan ko. Baka mabaliw na ako." Aniya na parang nakikipag-usap lang siya sa pader.
Ilang sandali pa ay tumayo si Jose at walang paalam na pumasok ng bahay nito. Wala naman siyang pakialam kung pumayag man si Jose sa pakiusap niya na doon muna siya o hindi. Ang mahalaga ay doon muna siya at hindi muna siya aalis, sa gusto at sa ayaw nito.
Paglabas ni Jose ay may bitbit itong isang tasa ng kape at isang platito ng nilabong saging, na wala ng balat. Napalawak naman ang ngiti ni Cy, dahil hindi talaga siya matitiis ni Jose. Ganoon din naman si Rodrigo. Kaya lang ayaw niyang abalahin ang oras ng kaibigan niya sa asawa nito. Tamang si Jose na lamang.
Sa bahay ni Jose ginugol ni Cy ang oras niya. Kahit parang nakikipag-usap siya sa pader ay naging maayos ang pagstay niya kay Jose. Nandoon at noong magtanghalian ay nagluto pa ito ng sinigang na baboy na pinagsaluhan nila.
Malapit na ang oras ng meryenda sa hapon ng iwan na naman siya ni Jose sa pwesto nila sa ilalim ng puno. Maganda doon at hindi man lang mainit lalo na at mayabong ang dahon nito.
Halos nasa kalahating oras din si Jose sa loob ng bahay. Naiinip man siya pero ayaw naman niyang sundan si Jose sa loob. Baka magalit ang tahimik na nilalang.
Ilang sandali pa ay lumabas din si Jose. May dala itong dalawang tasa ng mainit na kape at pritong saging.
"Mahal talaga ako ni Jose, pinakain na nga ako kanina may pameryenda pa." Hindi mapigilang bulalas ni Cy, ng mailapag ni Jose ang tasa ng kape at ang niluto nitong pritong saging sa harapan niya.
"Ang dami mong saging Jose. Ang sarap nito ha. Hinog ito sa puno?." Hindi niya mapigilang saad.
Napatingin naman si Cy kay Jose ng ituro nito ang ilang puno ng saging, ilang kulong ang layo mula sa bahay ni Jose. May ilan pang puno doon na may bunga pero hindi pa pwedeng kuhanin.
"Namumunga na pala iyang mga tanim mo. Ang galing naman. Matagal na rin pala, mula ng naitanim mo iyan."
"Pag pwede ng kunin ang bunga ng saging, ako na lang ang magdadala sa bahay mo at sa bahay ni Igo. Sa ngayon, tig-isang piling lang ang maiibahagi ko sa inyo, naunahan kasi ako ng mga ibon. Kaninang umaga ko lang napansin." Wika ni Jose na ikinagulat ni Cy.
"Sana naman Jose palagi ka na lang nagsasalita. Maganda naman ang boses mo. Pero napakadalang marinig. Buti nga ngayon hindi ka na si one word man. Dati talaga. Pero kahit isang beses ka lang magsalita, mahaba naman pwede na rin." Ani Cy at ipinagpatuloy na rin ang pagmemeryenda.
Matapos nilang kumain ay iniligpit na rin ni Jose ang pinaggamitan nila. Pagpasok ni Jose ng bahay ay doon lang niya naalala si Aize. Alam niyang ramdam nito na galit siya kanina. Pero wala naman siyang magawa. Dahil kahit naaawa siya dito dahil sa medyo lampas din niyang pagsasalita ay bumabangon talaga ang inis na nararamdaman niya sa dalaga.
"Bakit kasi ang sutil mong Yelo ka. Nakakainis ka naman kasi. Pwede mo naman akong kausapin ng maayos may pagsigaw ka pa. Hindi na rin kasi nakakatuwa lalo na kung palagi naman." Bulong niya sa hangin habang nakatingin sa harapan ni Jose.
"Ang linis naman ng paligid ni Jose. Hay ang walisin ko kaya. Tapos ko na sana iyon, kung hindi lang dahil sa Yelo na iyon." Naiinis pa niyang saad, bago muling tumingin sa kawalan. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan, bago nahiga sa upuang kinauupuan niya.
Mahaba kasi ang upuang kahoy na iyon na nasa ilalim ng puno. Kadugsong din iyon ng pinaka lamesa. Pagkahiga niya ay ipinikit muna niya ang kanyang mata. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.
Samantala, mula ng umalis si Cy ay hindi man lang nagawang kumain ni Aize. Nauuhaw siya pero hindi siya nagugutom. Wala siyang gana, lalo na at alam niyang galit si Cy sa kanya. Si Cy lang ang isa sa mga taong nagtiyaga sa ugali niya. Pero ngayon dahil sa ugali pa rin niya, nagalit ito ng tuluyan sa kanya.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Pinagmasdan niya ang nangangalahati pa lang na malinis na parte. Kailangan niya iyong matapos bago dumating si Cy. Para naman kahit papaano ay may maganda siyang magawa para sa binata. Kahit masakit ang kanyang palad ay ipinagpatuloy pa rin niya ang pagwawalis. Masakit na talaga iyon at makirot, pero binaliwala niya. Ang nais lang niya ngayon ay matapos ang walisin na naiwan ni Cy. Para kahit papaano ay maaawa ito sa kanya at mapatawad na siya nito.
Halos alas dos na rin ng hapon noong makatapos siya. Mabilis pa rin sa kanyang inaasahan ang kanyang pagwawalis. Nagtungo siya ng kusina para sana kumuha ng tubig, ng makita niya ang niluto ni Cy na tuyo, itlog, ham at sinangag. Pero hindi naman niya magawang kumain. Hinanap na lang niya ang lighter na nakita niya sa kusina noong nakaraan. Nakita naman niya kaya naman, nakapagsiga siya. Nasa isang oras ding kinain ng apoy ang mga tuyong dahon at damo.
Matapos maubos at maging abo ang mga dahon ay ikinalat niya iyon, at binuhusan ng tubig para mawala ang apoy at sumama na lang sa lupa ang abo. Matapos malinis ang lugar na kanyang pinagsigaan, ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay
Pagod man ang katawan ay hindi niya iyon nagawang ipahinga. Mas inuna pa rin niyang maligo kaagad para mawala ang panlalagkit ng kanyang katawan. Matapos maligo at makapagpalit ng damit ay doon lang niya nakita ang mga paltos sa kanyang palad. Malaki iyon at halos magdugo ang iba. Wala naman siyang makitang gamot, kaya naman hinayaan na lang niya.
Nagtungo siya sa salas para sana hintayin si Cy, kahit hindi niya alam kung anong oras ito uuwi.
Napatingin pa si Aize sa may pintuan pero hindi pa rin dumarating si Cy. Malapit na rin mag-alas singko ng hapon, pero wala pa ring Cy na dumarating. Napatingin na lang siya sa palad niyang, halos manginit dahil sa mga paltos na tinamo.
"Cy galit ka pa rin ba?" Tanong niya sa hangin ng mag-alboroto na rin ang tiyan niya.
Gustuhin man niyang kumain, pero hindi na niya kayang ikilos ang mga paa. Kaya naman napaupo siyang bigla sa upuang nasa tapat niya. Nakaramdam din siya ng unti-unting pagkahilo, at parang humihilab ang sikmura niya. "Cy!" Mahina niya usal kahit alam naman niyang wala doon ang binata.
"Anong nangyari sa akin?" Tanong pa niya sa sarili. At ngayon at para na siyang masusuka. Hindi na rin maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.
Napangiti naman ng mapait si Aize. "Karma ko po ba ito dahil sa mga kalokohan ko? Hindi ko po maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Mamamatay na po ba ako?" Natatawa pa niyang tanong sa kawalan habang hindi niya mapigil ang maluha dahil sa sama ng nararamdaman. Umiikot ang kanyang paningin, habang ang ulo niya ay hindi niya mapigil ang pagsakit. Para iyong mabibiyak at hindi niya maipaliwanag. Hanggang sa unti-unti ng magdilim ang kanyang paningin.
Doon na siya bumagsak. Hindi niya malaman kung nasalo ba siya ng kinauupuan niya o sa sahig na siya bumagsak. Basta ang alam niya ay may isang bagay siyang natamaan na dumagan sa kanya. Bago iyon nabasag. Tapos ay nagbigay ng mahabang sugat sa braso niya. Bago siya tuluyang mawalan ng malay.