Chapter Five- Jealous and Drunk

2137 Words
  “Hey!” Amoy pa lang ay alam na niya kung sino iyon. “Go. I’m busy.” Pagtataboy niya rito dahil nagsisimula na siyang magtype ng kanyang editor’s note ngunit bigla nitong inagaw ang laptop niya. “Seriously, Neriusiano?!” Inis na kinuha niya ang laptop ni Nerius pero inagaw nito iyon pabalik. “Yah!” Sigaw niya rito ngunit nilagay nito malayo sa kanya ang laptop niya. “Give me my camera.” Pagkuway’s utos nito sa kanya. “What?” “I said give me that.” Itinuro nito ang camera sa kabilang mesa gamit ang nguso. “Gosh. You’re acting like a child, again!” Hinablot niya ang camera at inis na binagsak iyon sa harapan ni Nerius. Wala siyang pakialam kung ilang libong hamburger ang mabibili sa presyo niyon. “Smile.” Wala man lang itong reklamo sa ginawa niya. In-on nito ang camera at itinutok sa kanya. “What? Ano ba?!” Tinakpan niya ang mukha dahil sa flash. “What are you doing?!” “Wow. Photography is really my in and outs.” Ngumisi ito sa kanya. “You look best when you have a chip on your shoulder. Look at this furrowed brows and pouty lips.” Ipinakita nito sa kanya ang kuha nito. “Tigilan mo yan.” “Ayaw. Nagtatampo pa rin ako sayo. Bakit ka yakap ni Mr. Formosa kanina? You have five minutes to answer with a minimum of five thousand words and no maximum.” Tinapik nito ang relo. “Your times starts… now.” “Gusto mong mamatay?” Pinanlakihan niya ito ang mata. “Okay. Explanation accepted. Bati na tayo babe.” Bigla itong tumayo. “Anyway, why don’t we paint the town red tonight? Let’s celebrate our reconciliation and the first day of work? Invite natin sina Cara at Mr. Formosa.” “A-Ano?!” “Wait here. I’ll invite them and the rest of the crew.” Excited na sabi nito bago nagmamadaling lumabas sa tent nila. “Nerius!” Sigaw niya sa pangalan nito ngunit parang model na naglalakad sa runway na tinungo nito ang kinaroroonan nina Kaloy at Cara.     ***   “This is fun!” Malakas ang boses dahil sa music na sigaw ni Nerius. Inarkila na yata nito ang buong bar dahil sila lang ang tao roon. “I want another shot!” Iniabot niya ang shot glass kay Nerius pero agad iyong inagaw ni Kaloy. “Tama na ‘yan, Marie.” “Ako ang iinom at hindi ikaw.” Inis na sikmat niya bago inagaw pabalik ang baso. “A shot of tequilla pa please.” “Lasing na yata si Marien, Ners. Huwag mo na siyang bigyan ulit.” Ani Cara na nag-iisang hindi uminom sa kanilang lahat. “I think we should call the night off. Marami pa tayong gagawin bukas.” “Come on, Cara.” umiikot na ang paningin niya sa kalasingan. “Dapat mong i-enjoy ang buhay paminsan-minsan and the best way to do that is through tequilla, my best friends for almost seven years. Right, Nerius?” “Kea Marien. Cara’s right, you’re drunk.” Tumayo siya at pasuray-suray na lumapit kay Nerius. Patumba siyang naupo sa tabi nito. “Should we get them off now and go somewhere else?” “Marie!” Nagulat silang lahat sa sigaw ni Kaloy. Kahit lasing siya ay kitang-kita niya ang galit nitong ekspresyon. She wonders kung bakit ito galit. “Let’s stop now. You’re drunk. Ano na lang ang sasabihin ni Lola Carmen kapag nalaman niyang hinayaan kitang uminom?” Natigilan siya pero agad ding humalakhak ng malakas. Muli siyang tumayo at nilapitan ito. “Galit na si Kaloy guys.” Parang batang sambit niya. “Umuwi na raw tayo kasi lasing na ako.” “I’m sorry. It’s my fault. Hindi ko na kayo dapat niyayang uminom. We often drink together pero hindi naman siya ganito kadaling tamaan ng alak. ” Lumapit sa kanila si Nerius pero agad siyang hinila palayo rito ni Kaloy. Hindi nga siya mdaling malasing ngunit mas marami ang nainom niya ngayon gabi kaysa sa nakasanayan kaya heto, para siyang nakasakay sa roller coaster. “Ako na maghahatid sa kanya.” Bumaling ito kay Cara. “Pwede bang hintayin mo ako rito? Ihahatid ko lang si Marie sa bahay.” “Sure. Huwag kang mag-alala, safe naman rito. Ingat kayo.” Nag-aalalang wika ni Cara. “You don’t have to. Ako na ang maghahatid sa kanya.” Napatingin siya sa kanang braso na hawak ni Nerius at sa kaliwa na hawak naman ni Kaloy. “It’s my responsibility as her soon to be husband.” Ang salitang iyon ang ticket para bitawan ni Kaloy ang braso niya. “Okay then.” Bumaling ito kay Cara. “Umuwi na rin tayo. Doon ako matutulog sa bahay.” Natigilan siya sa narinig. Pakiwari niya’y nawala lahat ng kalasingan niya sa katawan. “Doon ka matutulog sa bahay niya? May bahay kayo? Bakit?”  “Yes. Binili ko ang bahay na ‘yun para sa amin kaya pwede akong matulog doon anytime I want.” “Kaloy…..” Nag-aatubiling tumayo si Cara na panay ang tingin sa kanya at kay Nerius na tulad niya ay wala ring katinag-tinag sa kinatatayuan. “Mauna na kami ni Cara. See you all tomorrow.” Mabilis itong inalalayan si Cara palabas. Ilang minuto na marahil ang mga itong nakalabas pero andun pa rin silang dalawa. “Nerius….” “I know. Let’s go. Can you walk?” Tumango lang siya. NaCaramdam siya ng hilo pero hindi niya iyon ininda. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Kaloy. “Binili ko ang bahay na ‘yun para sa amin kaya pwede akong matulog doon anytime I want.” Bahay nila ni Cara? They’re living together?   “Are you okay?” Tanong ni Nerius sa kanya na pilit siyang pinapatayo. “Do I look like I’m okay?” Wala sa sariling tanong niya. “No?” Nakangiwi at hindi siguradong sagot nito. “Alam mo naman pala na hindi ako okay kaya huwag ka nang magtanong pa. Damn! I need to puke.” “s**t! Sandali! Cover you mouth! Kapag hindi mo na kaya lunukin mo!” Natarantang wika nito sa kanya. “What?” “I said cover your mouth! Damn it! Huwag ka nang uminom magmula ngayon.” Natatarantang kinarga siya nito papuntang CR. “Hurry up! Hintayin kita rito sa labas.” Halos itulak na siya nito papasok ng CR pagCarating nila. Mabuti na lang at wala tao. “Nerius?” Lumingon siya rito. “What?!” “It’s gone. Nalulon ko yata.” “Ano?! Why did you do that?” Nilapitan siya nito at binuksan ang bibig niya. “It’s your fault. Sabi mo lunukin ko.” “Jeez, Kea Marien. Okay, it’s my fault but let’s go home now.” Parang bata na inakay siya papuntang parking lot. “I’m sleepy…” “Just sleep. I’ll wake you up kapag nakauwi na tayo.” Sabi nito habang nilalagyan siya ng seat belt. “Can you still drive?” “Yes. Don’t worry about me. Sleep now okay?” Tinapik nito ang pisngi niya. “You’re like a child. Ako dapat ang naglalasing ngayon at hindi ikaw. I’m dead jealous of seeing you both hugging each other. Kinuha na niya si Cara at hindi ako papayag na pati ikaw ay maagaw niya sa akin.” Bumuntunghininga ito ng malalim bago pinaandar ang kotse.     ***   “Good morning, Marie!” “Good morning din, Nana Vicky.” Nakangiwing bati niya habang minamasahe ang ulo. Ngayon niya mas ramdam ang epekto ng alak. “Gusto mo bang ipagluto kita ng sopas para mawala ang sakit ng ulo mo? Lasing na lasing ka kagabi.” “Alam ba ni Lola Carmen?” Nag-aalalang tanong niya. “Hindi siya nakauwi kagabi kaya hindi pa pero malamang sa hindi, makaCarating ‘to sa Lola mo dahil sa bunganga ni Kardo.” Inabutan siya nito ng isang tasa ng mainit na tsaa. Tumawa siya sa sinabi nito. “Nana Vicky talaga. Salamat po sa tsaa.” “Sabay ba kayong nag-inuman ni Kaloy? Lasing din na dumating ang batang iyon kagabi. Nauna lang kayo ng ilang minuto bago siya dumating.” “P-Po?” Muntik na niyang maibuga ang iniinom. “Dito siya natulog?” Sa lahat yata ng mga nangyari kagabi, ang sinabi nitong may binili itong bahay para sa kanila ni Cara ang hindi niya nakalimutan. “Oo. Saan pa ba siya matutulog kundi rito.” “Talaga? Wala siyang ibang bahay na pwedeng uwian? Kunwari doon kay ano…kay Cara.” agad niyang nilagok ang laman ng tasa matapos iyon sabihin. Bakit ba niya tinatanong? Ano ba pakialam niya? “A-Alam mo na?” Nanlaki ang mga mata nito. “Po? Anong alam ko na?” Kunot ang noong tanong niya. “Ang tungkol kay Kaloy at Cara?” “Ano ang tungkol sa amin, Nana Vicky?” “Ay itlog ni Kardo! Patawarin ka ng adobong kuting Kaloy! Huwag ka ngang basta-basta na lang sumusulpot.” Muntik na siyang matawa kay Nana Vicky pero pinigilan niya ang sarili. Kinuha niya ang tasa at kunwaring uminom para takpan ang mukha. Umupo ito sa kaharap niyang upuan. “May gusto kang malaman sa amin ni Cara?” Inirapan niya ito. “Who said?” “Curiosity kills the cat but sometimes it's life. Hindi ka naman mamatay kapag nagtanong ka.” “Hindi ako curious.” Singhal niya. “Really? So bakit mo tinatanong? It’s much better to hear the truth from the horse's mouth right?” Pinagtaasan niya ng kilay. “Bakit? Kabayo ka ba?” “Bakit hindi mo deritsang itanong sa akin ang tungkol sa amin ni Cara?” Pabagsak niyang binaba ang tasa. “Stop it.” “N-Nako. Ano ba kayong dalawa.” Putol ni Nana Vicky. “Ke aga-aga nagbabangayan na agad kayo. Wala ba kayong trabaho ngayon?” Natampal niya ang noo.” Damn.” nagmamadaling pumasok siya sa kwarto. Nakalimutan niyang may tinatapos nga pala silang proyekto. Hindi na siya masyadong nag-ayos. Ilang minuto lang at para siyang naka fast forward na umalis ng bahay.       ***     “Hey lasenggera, can you check it out?” Inirapan niya si Nerius bago lumapit dito. Mula pa kaninang pagdating niya ay ganoon na ang tawag nito sa kanya. Pati tuloy ang ibang crew ay namamali na rin at Ma’am lasenggera na ang tawag sa kanya. “Isang tawag mo pang ganyan sa akin at magsisisi kang dumating ka rito sa Pinas.” Pagbabanta niya rito with matching nakakamatay na irap. “Okay.” labas lahat ng ngipin na ngiti nito bago binigay sa kanya ang camera. “Ms. lasenggera.” “HOY!” Binigyan niya ito ng malakas na batok. “Sino ba ang nagyaya ng inuman kagabi ha, Neriusiano?” “Sino ba ang nagsabing maglasing ka? It was a plan to make him jealous but failed because of you.” Nakangusong turo nito kay Kaloy na kausap ang mga bombero kasama ni Cara. “I didn’t tell you to do it.” Ingos niya habang tinitingnan ang mga kuha nito at tulad ng inaasahan, halos wala siyang mapili dahil lahat ay magaganda. “Do you still…...ahem him?” Nilapag niya ang camera at tiningnan ito ng tuwid. “What about you? May ahem ba diyan sa ahem mo na -na-ahem dahil nakita mo ulit ang ahem dahilan kung bakit muntikan ka nang umahem mula sa Eiffel tower?” Sinupil niya ang sariling matawa dahil sa reaksyon nito. “No! Of course not. Walang na ahem dito sa ahem ko dahil ikaw na ang laman nitong ahem ko.” “Ahem?” “Ahem.” “Ahem na ahem?” “Jeez. Let’s stop. Natatawa ako.” Sabi nito bago tumawa ng malakas. Maging siya ay hindi na rin napigilan ang sarili. Yung dapat na seryosong usapan ay napunta sa biro. Dapat nga ganun na lang ang gawin niya. Ang isipin na biro lang ang lahat na pwede niyang tawanan. “It’s your fault! Ahem ka kasi ng ahem.” Natatawa pa ring sabi niya. They’re laughing so hard with their crazy antics. Hindi tuloy nila nakita ang dalawang pares ng mga mata na naninibughong nakatingin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD