Chapter Four- Hating Game

3068 Words
CHAPTER FOUR         “So, this it! Marien is in charge of everything. I’m just her photographer. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin, you can contact her anytime.” “You’re still doing that?” Ewan niya pero nakita niyang sabay na tumaas ang kilay nilang dalawa ni Kaloy sa tanong ni Cara. Oo nga pala, hindi na niya natanong si Nerius kung bakit magkakilala ito at si Cara. “Oh yeah. Hahaha.” Tumawa ito ng malakas. “He’s my ex-fiance.” Wika ni Cara na para bang nababasa ang kuryusidad na nasa loob ng utak niya. “What?” Nanlalaki ang mata na bulalas niya sa sagot ni Cara. Si Nerius naman ay mas lalo pang lumakas ang tawa. Tawang awkward pakinggan. “So, sa madaling salita, hindi lang kayo magkakilala?” Taas ang kilay na tanong niya. “We started like that and ended up like that. Things like that happened. You know Paris is like that. People easily fell in love like that. The Eiffel tower is the culprit. Hahahaha.” Para itong bata na nasukol sa gilid. “So what happened? Bakit hindi natuloy ang kasal niyo? Sobrang tagal na nating magkakilala pero hindi mo man lang naikwento sa akin na muntik ka na palang ikasal?” “You didn’t ask me.” “Paano ako magtatanong kung hindi ko naman alam ang itatanong ko?” “Whoa! Don’t tell me you're jealous?” Binigyan niya ito ng tinatamad na tingin. “Gusto mong makatikim ng piniritong flowerhorn?” Kinuha ulit nito ang puting panyo at iwinagayway. “For the nth time, I surrender but please, not my Imelda.” “Imelda?” Napatingin sila kay Cara na nanlaki ang mga mata. “You’re still keeping that flowerhorn, Ners?” Ting! Ners? It sounds like local but not so baduy pakinggan. Not bad. Napakamot ito ng ulo. “Well yeah. Why? Huwag mong sabihin na may balak kang bawiin siya sa akin? Malaki na ang nagastos ko sa special niyang feeds. Not to mention the oxygen. The vitamins. The algaes and lights.” Hindi niya napigilan ang sariling tumawa ng malakas. Pati si Cara ay nakitawa rin sa kanya. “Wala akong balak bawiin sayo ‘yun ano ka ba? Hanggang ngayon ay isip bata ka pa rin.” “And maybe that’s the reason why you left me or, “sumulyap ito kay Kaloy na tahimik lang na nakatingin sa kanila. “May iba pang reason?” Bigla silang natahimik lahat. Ilang saglit silang nag-iwasan ng tingin bago nagsalita si Kaloy. “I think we’re done. Please take good care of us, Mr. Clientos.” Inilahad nito ang kamay na tinanggap naman ni Nerius. “Thank you for choosing us, Mr. Formosa. Hope we can help you introduce your company to the world.” “Ako dapat ang magsabi niyan. Let’s hope for excellent results after a month.” And they’re now tapping each other’s shoulders na parang walang issue between them. She wonders kung ganyan ba talaga ang mga lalaki or mas magaling lang talaga silang magtago ng nararamdaman unlike girls na masyadong expressive. “Thank you, Marien.” Napatingin siya Cara na nakangiti sa kanya. She still is wearing the same smile. Inaamin niya, ramdam niyang genuine ang mga ngiti na binibigay nito sa kanya. Wala siyang nasasagap na kahit anong kaplastikan. It’s like a million-dollar smile that could make a gloomier person happy in a glance. “I’m looking forward to working with you.” “Likewise.” Maikling tugon niya bago hinila si Nerius. “I think we have to go.” “May pupuntahan ba tayo?” Kunot ang noong tanong ni Nerius sa kanya. “OO. Sa Lord of the Rings laundry shop. Lalabhan kita at ida-dryer para maging flowerhorn ka na rin tulad ng pinakamamahal mong Imelda.” “Gosh. May topak ka na naman.” “Always.” “Fine.” bumaling ito kina Kaloy at Cara. “See you two tomorrow.” “Ingat, Ners.”       ***   “Ingat Ners. Hahaha!” Gaya niya sa sinabi ni Cara bago sila lumabas. “Hindi ko alam na ganyan ka pala ka jejemon dati, Neriusiano.” “Will you stop it? And it’s Nerius. Buckle your seat belt please, madam.” “Whatever Irvs.” “I thought we’re going to act like lovers? You’re bullying me.” Reklamo nito. “I’m not.” “Yes, you are. Dapat sweet ka sa akin to show that our relationship is strong. We should hold hands like these.” Kinuha nito ang kamay niya at itinapat sa dibdib nito. “I changed my mind.” “What? Why?” Kunot ang noong tanong nito. “Sabi ko hindi na natin kailangang magpanggap. Alam mo namang hindi ako magaling umarte di’ba. Kaloy is very matalino, he could easily notice that we’re just putting up a show.” “Then why bother in the first place?” Nagkibit balikat lang siya. “Because I’m a woman. You know woman are like that. We often change our mind. Hindi mo ba nahalata? He‘s so quiet. Posibleng iniisip na niya kung totoo ba o nagkukuwari lang tayong dalawa.” “Ibig sabihin pinaasa mo na naman ako? Jeez.” “I didn’t? Pinaasa ba kita? Kailan?” Pagmaang-maangan niya. “You said you’ll be mine kapag nagtagumpay kang ipakita sa kanyang you’ve move on already through me.” “Sorry, Ners.” nagpapacute na kinurap-kurap pa niya ang mga mata. “Jeez. Pwede bang tigilan mo yan? Mas lalo akong nahuhulog sa'yo, Kea Marien.” Tumawa siya ng malakas. “I mean it. Sorry.” Umingos ito. “Apology not accepted. You’ve always hurt me. My pride, my ego. Nababawasan tuloy ang pogi points ko.” Nakaramdam siya ng guilt sa sinabi nito. She knows he’s just trying to put some jokes on it pero alam niyang nasasaktan ito beyond those lines and she’s very sorry for that. “Doing something for someone will make them hurt the most but it’s the only way to make that someone happy so, it’s alright. I wanted you to be happy, Kea Marien. You’ve been sad for too long.” “I’m really sorry.” “Come on. It’s okay. But what now?” Pinikit niya ang mga mata. “Nothing. Let’s do what we need to do. Isang buwan lang naman.” “One month is short but it’ll be too long for us four. Ito na ba ‘yung tinatawag nilang square destiny? It happens when four individuals involved in a complicated, tear-jerking love story.” “Gago.” tinampal niya ito ng malakas sa braso. “Anyways, you still owe me a kwento about you and that Cara girl.” “Oh. Hahaha. It’s a long story.” “Summarize mo para umikli.” Pangungulit niya. “We met in Paris.” “And?” “We feel in love? I don’t know if she fell in love with me too but I did really loved her. A lot actually. A lot that I almost jump off from the highest point of the Eiffel Tower when she left me. We used to eat in her favorite Bread Pitt bakeshop, went to the Thai Tanic spa together, eat chicken in Frying Nemo, and bought a pairs of jeans in Indiana Jeans. We did a lot of things together until one day she said she’s tired of being with me. Hahaha.” Ngayon ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito kaseryoso si Nerius. He used to kid around at hindi siya sanay na makita itong malungkot, tulad ngayon. “Sinabi ba niya kung bakit?” Tumingin ito sa kanya. “I think what happened to you and Carlos Formosa answered your question. It happened at the same time. She left me, he betrayed you. Funny fate right?” Bigla siyang natahimik. “Yeah. Ang bilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis ay hindi ko na napansin ‘yung ibang detalye at wala na akong planong pindutin ang replay button para malaman kung saan ba ako nagkamali. Para ibalik ‘yung dati na sana ni-rape ko na kaagad si Kaloy bago pa sila nagkakilala ni Cara para sa ganoon, we’re both happy now.” “Hindi sana kita nakilala ngayon kung ginawa mo ‘yun. I would have missed the chance someone like Marien na main beneficiary ng pusong bato sa mundo.” “Baliw. Just drive safely.” “Don’t worry. Hindi pa mababawasan ng isang pogi at diyosa ang universe.” “Ewan ko sa'yo.”       ***     “Architectural photography, whether classic or contemporary, can be both gratifying and challenging. Figuring out how to get the crucial shot isn’t always easy.” Sabi ni Nerius habang nakatingala at tinitingnan ang pinakatuktok na bahagi ng building. “There are a lot of factors that play into getting the ultimate shots, some are controllable and some are not. Also, we have to find the perfect angle between the model and the building itself.” “I think, mas maganda kung naka sentro sa mukha niya ang sikat ng araw.” Aniya. “I agree with, Marien.” Ani naman ni Cara na nakatayo sa tabi ni Kaloy. “Dumadagdag sa kaputian niya ang sinag ng araw.” “Nice suggestion ladies.” Kumindat ito sa direksyon nila. Hindi niya alam kung para sa kanya ba ‘yun o kay Cara. Kung wala sa eksena si Cara, marahil ay isan daang porsyento na para sa kanya iyon ngunit ibang usapan na ngayong katabi niya ito. “Bakit hindi natin subukang mag-shoot in different weather conditions?” Seryosong sabi ni Kaloy. So ganito ito kapag oras na ng trabaho. Walang ekspresyon ang mukha at palaging nakakunot ang noo. Oh, a typical look ng isang striktong boss. “Maganda rin ‘yan pero it’ll take time. Katulad ng sabi ko kanina, may mga factors na kontrolado at hindi natin kontrolado. Weather is one of them. Pero kung iyan ang gusto mo, we could consider using artificial rain.” “Meron akong kilala sa BFA. Kokontakin ko na ba, Carlo?” Tanong ni Cara. “Yes, please.” Napataas ang kilay niya.  Bakit kailangang hawakan sa beywang? Mas lalo pang tumaas ang kilay ng inalalayan pa nitong maupo si Cara. “Wide-angle, fisheye, or ultra-wide angle lens are the best option. What do you think babe?” Tanong ni Nerius sa kanya. “Ha?” Nagulat pa siya dahil masyadong naka-focus ang atensyon niya sa ibang bagay. “I said what do you think? Should we use the wide lens?” Tiningnan niya ang kabuuan ng vicinity ng building na ipe-feature nila. It is huge with a picturesque-like view. The trees were properly placed every three meters at may santan na may sari-saring bulaklak in between. It is a triplet’s 25-story commercial building with spiral architectural design. Napaka unique at napaka original. Wala pa siya nakitang ganoong building kahit sa ibang bansa. “Use the ultra wide. May naisip na akong intro para doon kung iyan ang gagamitin mo.” bumaling siya kina Kaloy at Cara. “Pwede bang magtanong?” “Sure.” Itinuro niya ang building. “Sino ang nag design niyan?” Ngumiti ito bago hinahawakan sa balikat si Cara na may kausap sa cellphone. “It’s Cara. She’s an architect. Bakit mo naitanong?” “Oh. Ganoon ba? Well, I like the design.” Maikling sagot niya. Kaloy is an engineer. Cara is an architect. Wow, puto at dinuguan. Perfect combination. “Help me fix the tripod please, babe.” Tawag ni Nerius sa kanya. Muli siyang tumingin kay Kaloy. She wonder kung narinig nito ang pagtawag ni Nerius sa kanya ng babe but looking at his expression, mukhang hindi nito narinig o mas magandang sabihin na narinig nga nito pero wala itong pakialam. Okay, it sting a little bit. Pinilig niya ang ulo. Bakit ba nagpapa-apekto siya sa mga iyon? “Sure.” hinawakan niya ang camera para maayos nito ang tripod. “Thanks. Let’s get the ball rolling!” Tawag nito sa dalawa matapos ayusin ang mga gagamitin. “Bukas pa raw available ang firetruck, Irvs.” bungad ni Cara. “Ganoon ba? It’s okay. Unahin na muna natin ang sunshine shots ngayong araw. Can you please tell the models to get ready?” “Sure.” “And can you please tell the male model to change his suit to a white one? Mukha kasi siyang bodyguard ng babaeng modelo. His attire would ruin my perfect shots.” Tinawanan lang ito ni Cara. Pinandilatan niya ito mata. Nag peace sign lang ito sa kanya bago nagsimulang kumuha ng mga litrato nang nakapagpalit na ng damit ang modelo. From childish Nerius to a professional photographer. Ito ang gusto niya kay Nerius. Lahat ng mga kuha nito, nagugustuhan niya at agad siyang nakakaisip ng mga ideyang isusulat sa bawat shots nito. Kaya The Ultimate Tag Team ang tawag sa kanilang dalawa. One who can capture something extraordinary and one who can describe how extraordinary those shots are. “You look proud of him.” “Jeez!” gulat na bulalas niya. “Pwede bang mag warning ka man bago ka magsalita?” Inirapan niya ito pagkuwa’y muling tumuingi kay Nerius. “Nagulat ba kita?” Nakapameywang nitong sabi. “Ah. Masyado ka kasing focus sa kakatingin sa kanya kaya hindi mo ako napansin.” Tumikwas ang kilay niya sa sinabi nito. “What are you trying to say?” “Wala naman. Gusto mo ng kape? Of course you want. Let’s go. ” Bago pa siya makahindi ay hinila na siya nito sa maliit na mobile canteen sa malapit. “Maraming cream pa rin ba ang gusto mo?” Tanong nito sa kanya. “Black coffee.” “Wow! Kaya mo nang uminom ng purong kape ngayon. Tsk. Look at how time could change people nowadays.” “Thanks.” Maikling sambit niya nang iniabot nito sa kanya ang tasa ng kape. “Okay lang ba ang lasa?” Tumango lang siya kahit na gustong sabihin na nasobrahan yata sa asukal ang timpla nito. “Nagbago ka na nga.” Tumingala ito sa langit. “What?” “Bakit hindi mo aminin na sobrang tamis ng timpla ko? And black coffee? Are you kidding me? You never lied to me when we were young.  Kahit na sa mga simpleng bagay lang.” Inilapag niya ang tasa. “Okay. Fine. Sobrang tamis nga. At hindi pa rin ako umiinom ng purong kape.” Kinuha niya ang panyo at pinahiran ang dila. “Why?” “Anong why?” “Bakit kailangan mong ipakita sa akin na nagbago ka na?” Natigilan siya sa sinabi nito. Kailan pa naging bala ang mga salita? Bulls-eye dahil sa target mismo tumama. Tinamaan lahat. Mula puso niya hanggang sa pride. Ganoon ba talaga siya ka transparent dito na kahit anong pagkukunwaring gawin niya ay nalalaman pa rin nitong nagkukuwari lang siya? “So anong gusto mong palabasin? Na hindi ako okay ngayon dahil sayo? Come on. Bakit ba palagi mo na lang sinasabi na hindi ako okay? Na nagbago na ako? Masamang bang maging hindi okay? Kasalanan na ba ngayon ang magbago?” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “Palagi na lang ba tayong ganito sa tuwing nag-uusap?” “Dahil inuunahan mong lakipan ng mga walang kwentang bagay ang usapan.” Huminga ito ng malalim. “Hindi walang kwenta ang naCaraan na meron tayo, Marie. It was the most memorable part of my life that I won’t ever, ever forget kasi andun ka.” Kinagat niya ang labi para pigilan ang emosyon. Why is he doing this to her? Bakit ba apektadong-apektado siya kahit sa maliit na bagay na ginagawa nito? Sobrang init ng panahon pero nilalamig siya. “C-Can we stop this?” Damn. Hindi niya alam kung bakit nauutal siyang magsalita. “I miss you. I really miss you. I miss your laugh, Marie. I miss hugging you like this.” Bago pa siya nakahuma ay bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. “Please don’t move. Huwag kang lumayo please. Kahit sandali lang, pagbigyan mo naman na mayakap kita. Been holding myself to do this since you arrived.” Ganito pala ang pakiramdam na yakap siya ulit ni Kaloy?  Para siyang marshmallow na tinutunaw hanggang sa lumambot. Ramdam niya demokrasya ng Pinas. Ang paghigop ng blackhole sa lahat elementong lalapit sa kanya katulad ng paghigop ng mga yakap ni Kaloy sa lakas ng tuhod niya. “S-Si Cara….nakatingin siya sa atin….” Mahinang bulong niya nang makitang sa Cara na nakaharap sa kinaroroonan nila. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. “Is she smiling?” Parang walang anuman na tugon nito. “Y-Yes?” Hindi siya sigurado kung tama ang nakikita niya pero nakangiti nga si Cara. Nakangiti pa rin ito bago tumalikod sa kanila. “Problem solved then.” “I-I don’t think so. It’s Nerius now.” Tinulak niya ito palayo pero para itong butiki na nakayakap sa kanya. “What does he looks like.” “He looks like a murderer kaya bitawan mo na ako bago pa siya matuluyang matulad kina Dahmer at Bundy.” “Okay.” marahan siya nitong binitawan at muling humigop ng kape na parang walang nangyari. “Gusto mong ipagtimpla kita ng kape with cream?” Tiningnan niya ito ng masama. “Huwag kang umasta na parang okay na tayo.” Inis na sambit niya bago nagdadabog na umalis papunta kay Nerius na sobrang talim ng tingin kay Kaloy. She lost! Ilang segundo lang ang laban pero natalo na kaagad siya. Her feelings betrayed her! Ang daya. Hindi man lang siya na orient na yayakapin siya nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD