CHAPTER SIX
“More water please!” Sigaw ni Nerius habang nakaluhod at naka focus sa pagkuha ng litrato. It’s their second week of shooting already. Nag e-enjoy ito samantalang siya naman ay parang piloto na pilit pinapaandar ang nasisirang makina ng puso niya na nawawala na sa tamang altitude. “Make it thicker as if there’s a storm.”
“He’s already wet. Tsk.” palatak niya habang nakatayo sa gilid.
“A typical woman who’s worry about her man.” Hindi na niya kailangan tingnan kung sino ang nagsalita dahil amoy palang, alam na alam na niya.
“Magkaibigan kami.”
“With space or without space?”
“Don’t talk to me.”
“Akala ko ba fiance mo siya? Bakit kaibigan na lang ngayon?”
“Sabi ko huwag mo akong kausapin.”
“Galit ka na naman. Akala ko bati na tayo dahil pumayag ka nang sumabay sa akin papunta rito.”
“I have no choice. Sira ang kotse ko.” Hindi totoong nasira ang ang kotse niya. Rason niya lang iyon para makasabay itong pumunta sa site. Narinig kasi niyang nagpapasundo si Cara. Hindi niya alam kung bakit niya iyon naisip. Ang alam lang niya, ayaw niyang sunduin nito si Cara. But she’s not jealous. Never. As in. Really. Promise. Mamatay man si Imelda.
Humikab ito at nag-inat.” Nakaka-antok. Gusto mo ng kape?”
Napatingin siya sa kamay nitong sa balikat niya napunta matapos mag-inat. Nakailang kape na ba siya mula kaninang umaga? Sa tuwing yayain siya nitong mag-kape ay hindi niya magawang humindi. Habang lumilipas ang araw, mas lalo siyang natatalo laban sa kanyang emosyon. Sa halip na oo ay hindi ang kusang lumalabas sa kanyang mga labi.
“Hindi.”
“Na may kasamang ensaymada na maraming cheese?” Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa balikat na hindi niya makuhang alisin.
“Okay. Inaantok na nga rin ako.” Inis na nauna siyang naglakad. Hindi talaga iyon ang gusto niyang sabihin. Aayaw siya dapat. Ayaw niya sana talaga. Promise. Kahit mamatay pa ulit si Imelda.
“All right!”
Hinarap niya ito. “Tandaan mong napipilitan lang ako.”
“Okay.” Ang lapad pa rin ngiti nito. Kinurot niya ang sarili para hindi mahawa sa ngiti nitong virus na gusto siyang hawaan.
“Siyanga pala, ngayong gabi ang labas ni Lolo Jaime.” Aniya habang tinitingnan itong magtimpla ng kape. “Sasama ka bang sunduin siya?”
Ngumisi ito. “Niyayaya mo ba akong samahan kang pumunta sa ospital?”
“No. Bakit naman kita yayain? Huwag kang assuming.”
“Hindi ako assuming. Your actions exposed you. Here.” iniabot nito ang tasa ng kape na may maraming creamer at ensaymadang namumutik sa cheese. Biglang siyang natakam. Why not? It’s her favorite. Kung totoo man ang napanood niya sa Supernatural na kapag namatay ka ay may sarili kang langit, for sure ay papangalanan niya iyon na Ensaymada Heaven.
“This is good!” Iyon ang kinakain niya sa tuwing may problema o kailangan niya ng kahit anong makapag-aalis ng stress sa trabaho. “You should try it too.” Aniya sabay abot ng kinakain niya kay Kaloy
“Masarap nga.”
“Sabi sayo masarap-” natigilan siya. Napatingin siya sa ensaymadang pinagkagatan niya at ni Kaloy. Did she just let Kaloy eat her ensaymada?? Holy guacamole! Wala na siya sa tamang huwesyo. Kailangan na ba niya ng gabay at patnubay ng psychiatrist?
“Gusto mo pa?” Tanong nito Naiinis siya. Naiinis siya dahil ang lapad ng ngiti nito na umaabot hanggang mata samantalang siya ay naman ay nag-iisip na kung pwede lang lundagin ang Pilipinas papuntang Paris ay gagawin niya ora mismo. “Mas masarap pala ‘to kapag kinagatan mo na?”
“N-No. Busog na ako.Stop it.” Hindi na niya inubos ang kape. Dali-dali siyang tumayo at bumalik sa site. “Nababaliw ka na ba, Marien?” Inis na bulong niya sa sarili.
***
“Sabay na tayong umuwi.”
“No.”
“I insists.” Pangungulit ni Kaloy kaya walang emosyon na hinarap niya ito.
“You don’t have to do this. Mas gusto kong si Nerius ang humatid sa akin.” Umiwas siya ng tingin kay Kaloy. Nasa parking lot sila at kasalukuyang nagtatalo dahil nagpupumilit itong ihatid ngunit pinaninindigan niya ang kanyang pride kaya kahit anong pilit nito ay ayaw pa rin niya.
“Kaya nga nagpumilit akong ihatid ka dahil sa kanya.”
“Are you jealous?”
“Yes.” bigla siyang natahimik. Hindi pa nga tapos ang round, talo na kaagad siya. “Pinanghahawakan ko ang sinabi mong magkaibigan lang kayo. Tatanggapin ko ang hinuha ko na nagkukuwari lang kayo noong unang dinner nating apat para protektahan yang pride mo.” tiningnan nito ang bandang dibdib niya.
“Manyak!” Bakit sa dinami-dami ng pwedeng tingnan ay doon pa.
Tumawa ito ng malakas. “People’s pride is located inside their heart. Narinig mo na ba ‘yan?”
“Hindi.” Ingos niya.
“It was written by anonymous women from Iloilo. Sabi niya, ang pride, sa puso natin ‘yan galing. The more na pinipigilan natin ang puso na gawin kung ano ang gusto niya, the more na tumataas ang pride. At habang tumataas ang pride, mas lalo tayong lumalayo sa realidad na hindi lahat ng bagay ay pwedeng daanin sa pataasan ng pride. Mas tumitibay ang bakod sa puso kaya mahirap nang pasukin para iligtas ang taong mahal mo.” umiwas siya ng tingin.
“Tanga siya kung ganoon.”
“Yeah. Tanga. Katulad ng isa kong kilala. Sinusubukan kong buksan ang puso niya pero masyadong nang mataas ang bakod at napakahirap gibain.”
“Baka hindi mo mabuksan kasi ayaw ka niyang papasukin. Hindi mo ba naisip ‘yun? Maybe, it’s not about pride. Maybe because she’s broken. She’s broken and was about to build herself again pero sinusubukan mo na namang siyang sirain.”
“Are you talking about yourself?” Matiim siya nitong tinitigan. Nagungusap ang mga mata na may kung anong lamlam at pag-sisi.
“Yes.”
“Why?”
“Hindi ko kailangan sagutin lahat ng mga tanong mo. I owe you nothing. ” Paalala niya.
“You’re driving me crazy as hell.”
“Can you please it already?
“Yeah right. Let’s stop for now.”
“Let’s stop for now”
Ibig sabihin, may balak pa ulit itong mag-umpisa ng ganoong usapan. Hindi niya ito maintindihan. Lapit ito ng lapit sa kanya ngunit parang wala lang iyon kay Cara. Hindi niya mawari kung anong relasyon meron ang mga ito. They have a house to live in together pero talo pa nito ang cheerleader kung makatulak sa kanya kay Kaloy. Sa kanila ito natutulog palagi at minsan lang niya nalaman na doon ito natulog. Mas ramdam pa niya ang pagbabakod ni Cara kay Nerius mula sa kanya. Nakakaamoy siya ng kababalaghan mula sa dalawang iyon.
***
“Welcome home!” Sabay-sabay na sigaw nina Nana Vicky, Mang Kardo, Kaloy at pati na si Lola Carmen sa kanya at kay Lolo Jaime na tulak-tulak niya sa wheel chair. Mas okay na ito ngayon. Naigagalaw na nito ang mga kamay pero hindi pa rin makapagsalita ng maayos.
“I didn’t expect this! Na surprised niyo ako ng sobra!” Araw-araw silang nagkikita pero ni hindi man lang niya napansin na may nilulutong surprise party ang mga ito. Hindi niya akalain na kahit mag-iisang buwan na siya rito sa Rivadelo ay may balak pa ang mga itong bigyan siya ng homecoming party.
“Pinaghandaan talaga namin ito ng bongga, Marien.” Ani Mang Kardo na hawak ang cake.
“Ginawan kita ng paborito mong mango pie, Marien.” Singit naman ni Aling Vicky.
“Pasalamat tayo kay Kaloy dahil siya ang naka-isip nito.” Napatingin kay Lola Carmen na katabi ni Kaloy. “Siya ang naghanda ng surprise party para sa inyo ni Jaime.”
“Wala po ‘yun, Lola Carmen. Ginagawa ko ito dahil pamilya tayo.” Napakamot sa ulong sagot ni Kaloy.
“And we’re happy and proud to have you.”
“Bakit hindi pa natin simulan ang party? Nakahanda na ang videoke kanina pa.” Singit ni Mang Kardo na siyang pinaka excited sa lahat. Ngayon niya lang nahalata na sipit nito sa kilikili ang song book.
“Kow, ikaw talagang matanda ka. Nagmomoment pa nga ang mga tao e.” Hindi nila maiwasang magtawanan. Niyakap niya ang Abuelo dahil alam niyang gustuhin man nitong makisabay sa tawanan ay hindi nito magawa dahil nahihirapan itong igalaw ang kalahati ng pisngi.
“Don’t cry, Lo. Te quiero muchos.” Pinahid niya ang luha at hinalikan niya ito sa noo. Ayaw niyang nakikitang umiiyak ang lolo niya dahil nahahawa rin siya. Wala siyang naririnig na salita pero ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Ang pakiramdam na gusto mong humalakhak ng malakas pero hindi mo magawa.
“Ako na ang mag-aasikaso sa lolo mo, Marien. Magpapahinga lang muna kami saglit sa taas bago sumali ulit sa inyo.”
“Ihahatid ko na po kayo sa taas.” Presenta ni Kaloy na hindi niya namalayang nasa tabi na pala nila.
“Salamat, Kaloy.”
Sinundan niya na lang ng tingin ang mga ito paakyat sa taas. Tulak ni Kaloy si Lolo Jaime habang nakasunod lang sa likod si Lola Carmen. Hindi naman sila mahihirapan i-akyat sa taas ang lolo Jaime niya dahil pinagawan nila kay Mang Kardo ng tulad sa ospital na rampa sa gilid ng hagdan para madali na lang. Kapag kasi magpapagawa pa sila ng isang kuwarto sa baba ay matatagalan pa at sisikip na ang espasyo kaya nagpasya silang ramp na lang ang ipapagawa nila.
“Halika ka na sa kusina, Marien. Nakahanda na ang lahat pagkain doon. Hintayin na lang natin ang tatlo at nang makapagsimula na.”
“Bakit hindi na lang tayo maunang kumain? Kahit alam ng mga alaga ko sa tyan na hindi masarap ang luto mo ay papatusin na lang namin dahil wala na kaming mapagpipilian pa.”
“Tumigil ka, Kardo.” Kinuha ni Nana Vicky ang sandok at pinalo ng mahina ang ulo ni Mang Kardo.
Hindi niya mapigilang hindi tumawa sa dalawa lalo na ng kumuha rin ng sandok si Mang Kardo at parang mga characters sa star wars na naglalaban. Umupo siya sa silya at nakangiting pinagmasdan ang dalawang matanda. They remind her of the past. Naalala niyang naglalaro rin sila ni kaloy ng espada-espadahan. Ang matatalo ay siyang maghuhugas ng pinggan. It was one of good memories that she wanted to forget along with bad memories she had with Kaloy. Gusto niyang kalimutan ang lahat pero hindi niya magawa. Ani nga ng iba, ang utak ay pwede makalimot pero ang puso, kahit anong gawin mo ay matatandaan pa rin ang lahat, masaya man o malungkot na alaala.
Hindi niya namalayan kung ilang minuto silang ganoon. Bumalik lang siya sa huwesyo ng makitang pababa na ng hagdan ni Lola Carmen. Hindi nito kasamang bumalik sina Kaloy at Lolo Jaime.
Wari’y nahalata nito na patingin-tingin siya sa likod nito kaya siya agad ang nilapitan nito. Hindi pinansin ng matanda ang dalawang may edad na rin na parang nakalimutan na may tao sa paligid at patuloy pa rin sa paghahabulan.
“Hayaan mo na ‘yang dalawa. May missing stitches marahil sa kanilang childhood days.” natawa siya sa sinabi ng abuela. “Susunod na lang daw ang dalawa. May pag-uusapan pa raw.”
“Mag-uusap sila?”
“Gamit ang card board.” pahabol nito. Akala niya niloloko lang siya ng lolo niya at may balak itong surpresahin siyang nakapagsasalita na pala ito.
“Ganoon na ba sila ka-close at kailangan nilang mag-usap ng sarilinan?”
Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. “Gutom ka ba? Mauna na tayong kumain kung gusto mo.”
Gusto niyang itanong kung bakit parang iniiwasan nitong sagutin ang tanong niya pero mas pinili na lang niyang tumahimik.
Ngumiti siya saabuela. “Nope. Aakyat na rin muna ako saglit sa kwarto. Sabay na tayong kumain lahat. Mas masaya kasi kapag kompleto.”
“Ipapatawag na ko na lang kayong tatlo matapos ang sampung minute kung ganoon. Sige na at patitigilin ko na muna ang dalawang iyan.” Turo nito kina Mang Kardo at Nana Vicky.
“Good luck sayo, La.” Natatawang tapik niya sa balikat nito bago umakyat ng hagdan.
Agad niyang tinungo ang silid pero napahinto siya nang marinig ang pangalan.
“Marien is now a woman who can decide on her own, Lolo Jaime.”
“Ako ba ang pinag-uusapan nila?” Tanong niya sa sarili. Marahan siyang lumapit sa nakaawang na pinto ng kwarto ng abuelo at abuela niya. Nakita niyang nakaupo sa wheel chair si Lolo Jaime at nakatayo naman na parang sundalo si Kaloy sa harap nito. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa. Na para bang napakalaking kasalanan ang magkaroon ng kahit na katiting na ekspresyon lang sa mukha ng mga ito.
“I know and I understand the consequences. “
“What are they talking about.” Piping tanong niya sa sarili. Mas lalo pa siyang lumapit sa maliit na siwang ng pinto. Ano ba talaga ang meron sa dalawa? Nakita niyang may muling isinulat ang abuelo niya.
“Alam ko po pero alam niyo rin kung gaano kaimportante sa buhay ko si Cara. She’s my life. Hindi ko kakayanin kung may may isang tao na naman ang mawawala sa buhay ko.” That’s it. Nanigas siya sa narinig. Ano bang meron si Cara na wala sa kanya? Magkasama sila ni Kaloy mula pa pagkabata pero mas matimbang pa rin ito kaysa sa kanya. Siya ang pinangakuan ni Kaloy ng kasal pero si Cara ang palagi nitong kasama, ang importante at ayaw nitong mawala sa buhay nito.
Kung si Cara ang buhay nito, ano siya para rito? Bakit lapit pa rin ito ng lapit sa kanya? Ano ba talaga ang motibo nito?
“Give me a little more time, Lolo Jaime. Sasabihin ko po ang lahat sa kanya. Pero sa ngayon, nakiki-usap po ako na sana bigyan niyo muna ako ng pagkakataon na gawin ang dapat kong gawin para sa kanya.”
Hindi na niya pinakinggan pa ang iba nitong sasabihin. Kagat ang labing tinungo niya ang kwarto at saglit na nagkulong sa loob ng banyo.
“-Konting panahon pa po bago ko masasabi kay Marie ang lahat. I’m really for everything but I have to do this.”
Akala niya, mayroon pang chance na maging sila dahil sa mga ipinapakita nito. Akala niya may pag-asa pa na kahit ilang taon mang huli ay matutupad din ang naging pangako nito sa kanya. Ngunit dahil sa narinig, mukhang malabo na talaga.
“Ang tanga mo, Marien. Ang tanga-tanga mo. Ang hina mo. Ang rupok mo pagdating kay Kaloy.” Sinabunutan niya ang sarili habang nilulunod ng luha ang kanyang magkabilang pisngi. “Hanggang kailan ka ba aasa sa bagay na alam mong wala namang mararating dahil sa simula palang ay sobrang labo na.” Akala niya ay nakalimutan niya ang ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam ng isang talunan at walang laban sa gyera kung saan hindi niya hawak ang alas para manalo.