Chapter Seven- The Talk

2495 Words
CHAPTER SEVEN     "Heto ako, basang-basa sa ulan Walang masisilungan, walang malalapitan Sana'y may luha pa, akong mailuluha At ng mabawasan ang aking kalungkutan"       Kung singing contest lang siguro ang sinalihan ni Mang Kardo ay siguradong mananalo itong "Birit King" kahit hindi maganda ang boses. May luhod luhod pa kasi itong nalalaman at halos mapugto na ang ugat sa leeg maabot lang high notes ng kinakanta nito. "Kow, tingnan mo ang matandang iyan. Kapag namaos yan bukas, ipapaubos ko sa kanya ang isang balde ng tubig na may yelo." Inis na sabi ng katabi niyang si Nana Vicky. Nasa sa salas silang lahat maliban sa kanyang Abuelo. Mas pinili na lang kasi nitong doon na kumain sa taas para hindi na mahirapang umakyat ulit at para makapagpahinga na rin. Magkatabi sila ni Nana Vicky habang sa harap naman nila si Kaloy at Mang Kardo. Sa pinakadulo naman naupo ang kanyang Lola Carmen na tawa nang tawa. "Hayaan mo na, Nana. Minsan lang naman tayo mag renta ng videoke machine eh." "Minsan nga pero sira naman ang tenga natin. Kulang na nga lang na kantahin ng matandang iyan ang lahat ng kanta sa song book." Ngumiti lang siya rito at pasimpleng tumingin kay Kaloy na hawak ang song book at parang may hinahanap. Mabuti na lamang at hindi halata ang kanyang mata na umiyak siya kanina dahil siguradong mapa-panel interview siya ng wala sa oras. "Mang Kardo, pasingit naman po." "Uy, himala si Kaloy kakanta!" biglang tumili si Nana Vicky ng malakas. Biglang siyang napa-isip. She'd never heard Kaloy sing before. Hindi niya alam kung pangit ba o maganda boses nito. Nang hawak na nito ang microphone ay tumingin muna ito sa kanya. At nang binigkas na nito ang unang letra pa lang ng kanta, pakiramdam niya ay biglang nahulog ang kanyang puso at hindi niya alam kung paano ito pulutin. Kay tagal nang ako'y dumadalangin Kung kailan ba sa akin ay darating Isang tulad mo na para sa akin At sa habang buhay ay aking iibigin Nang mamasdan ka ay may ibang nadama Nabuhay muli ang isang pag-asa Nasabing ikaw at wala nang iba Ang hinihintay kong makita       Bakit? Bakit hindi niya alam? Kaloy has a gift in singing! Sa ilang taon na nilang magkakilala, never niyang narinig na kumanta ito. Of course, inaamin niya na baritono ang boses nito kapag nagsasalita but it's more alluring when he sings. Para siyang nagagayuma at natutulala. Hindi niya mapigilan ang sariling titigan ito. Wala siyang pakiaalam kung nagtititigan na silang dalawa.     Kay tagal nang ako'y dumadalangin Kung kailan ba sa akin ay darating Isang tulad mo na para sa akin At sa habang buhay ay aking iibigin Nang mamasdan ka ay may ibang nadama Nabuhay muli ang isang pag-asa Nasabing ikaw at wala nang iba Ang hinihintay kong Makita     He sings the song as if it's for her. Ayaw niya ulit mag-assume pero para siyang hinaharana ni Kaloy. Ramdam  niya bawat titik ng lyrics ng kinakanta nito. If she could only be given a chance to wish something that her heart desires, she would wish to be with him forever. Kung hindi lang siya edukada at may pinag-aralan, kung wala lang siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, kung may makikita lang talaga siyang kahit katiting na pag-asa, gagawin niya ang lahat kahit ang agawin pa niya ito mula kay Cara. Call her "Ahas", "Malandi" or "Makati" whatever it is, she won't care anymore. Hindi niya alam kung bakit ang rupok pa rin niya pagadating kay Kaloy. Sa dinami-dami ng mga magagandang lalaki sa Paris ni isa ay wala man lang siyang nagustuhan o mas tamang sabihin na kahit minsan, hindi man niya binigyan ng pansin ang kahit sinong lalaki, well, maliban kay Nerius na hari ng kakulitan ang kakapalan ng mukha. "Marien... tapos na si Kaloy kumanta." Siniko siya ni Nana Vicky dahil nakatulala pa rin siya kay Kaloy. "Gusto mo samahan kita?" "Po?" kunot ang noong tanong niya. "Gusto mo bang samahan kita sa kakilala kong marunong manggayuma." "Nana!" bigla siyang nakaramdam ng hiya lalo pa at nakikita niyang pasulyap-sulyap sa kanilang direksyon si Kaloy na kasalukuyang umiinom ng wine. "Pero kunsabagay, hindi mo naman na kailangang gayumahin pa ang hombreng iyan. Baka nga ikaw pa ang dapat niyang gayumahin eh. Dapat niyang gayumahin ang puso mong iwan ko kung naging bato na nga ba o nagbabato-batohan lang." "Po?" "Puro ka po. Ang sabi ko, sobrang ganda mo pero bingi."       ***       "Hey, Kea Marien." Napatingin siya kay Nerius na humilatang napaupo dahil na rin marahil sa sobrang pagod. "Kumusta ang mga shots mo? Is it good?" tanong niya nang hindi tumitingin. Busy kasi siya sa pagta-type ng mga instructions na ibibigay niya sa kanilang mga staff para sa release nila ngayong buwan. "Well of course. All shots are good. I think we could finish everything ahead of time." Bumuntunghininga ng malalim. "Unless you want na pahabain pa natin." Kinuha niya ang anti radiation na salamin at kunot ang noong tumingin dito. " May problema ba?" "It's Cara." Hindi siya sanay na makitang ganoon ito kaseryoso. The Nerius that he knows, makulit at parang wala sa diksyunaryo ang salitang seryoso. "And what about her?" "I think…I’m still into her. I dunno, I can’t understand myself either. It’s only weeks since I met her again but.. damn!” Anito bago ipinikit ang mga mata. "I thought, I already moved on. I thought all the feelings I have for her have gone because I met you but I was wrong. I thought I love you more than I loved her but again, I'm wrong. I even told myself na kahit anong mangyari, hindi ko hahayaan na mapunta ka sa kanya.You know what, I can't sleep at night knowing that I'll be back in Paris soon and I won't be able to see her again." "Nerius..." hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dahil maging siya, problema rin niya ang kanyang puso at ang nararamdaman niya para kay Kaloy. "Hindi ba pwedeng ikaw at si Carlos and me with Cara?" "They really love each other and we just can't simply break them apart just because that's what we want. I admit that there’s something inside me burning every time I saw them together, naiinis ako na hanggang ngayon para pa rin siyang babasaging kristal kung ituring ni Kaloy pero wala akong magagawa. As days passed by, I have so many realizations including the fact that no matter how sweet is Kaloy to me sometimes, there will always be a Cara between us. Minsan nga, parang gusto ko nang hamunin ng inuman si Kaloy para matanong ko siya kung ano ba talaga ang gusto niya. Bakit minsan parang ramdam ko na mahal niya rin ako pero madalas puro siya Cara. Maybe, pinagtagpo nga tayo para maging magkaibigan kasi parehas and tadhana natin at tama nga siguro ang sabi ni Von Gogh na the more we love the more we suffer." "I think I have to study pharmacology. I have to invent a med that could delete uneccessary feelings overnight for someone that will never be ours." "Sorry if I can't help us both but I can hug you for sure." Niyakap niya ito ng mahigpit because she understands how it feels. Loving someone who doesn't love you. "We're still young. Marami pa tayong makikilalang tao at baka isa sa mga iyon ang naka destined para sa ating dalawa." Tumawa ito ng malakas. "Is this conversation a peaceful closure nating dalawa? Are we really breaking up?" Kumalas siya sa pagyakap dito at tinampal ito ng malakas sa noo. "Break up? Busted ka nga sa aking ng ilang beses di'ba? Kaya walang tayo. Walang dapat i-break. Hampasin kita ng laptop ko eh." "That's my Kea Marien. Brutal and savage."     ***     "Hey, Marien." It's Cara! Umupo ito sa tabi niya. Gusto sana niyang itaas ang kanang kilay ngunit pinigilan niya ang sarili. Matapos kasi nilang mag drama ni Nerius kanina ay umalis na ito para ipagpatuloy ang pagkuha ng mga shots. Ayon kasi dito, mas maraming kuha mas marami rin ang pagpipilian which is her biggest dilemma dahil halos lahat naman kasi magaganda. "Do you need something?" Tanong niya rito. Kung may tao man na ayaw niyang makita sa mga oras na ito, nasa choice na A hanggang Z ang pangalan ni Cara. "Can we talk?" this time hindi na niya napigilang magtaas ng kilay. Hindi sila close para mag-usap. Nag-uusap lang naman kasi sila kung may kinalaman sa trabaho. "We're already talking." She's not sure if she sounded rude but the hell she cares. "I mean seryosong usapan. May sasabihin kasi ako sayo, Marien." Naiinis talaga siya dahil kahit hindi maganda ang pakikitungo niya rito ay mabait pa rin ito sa kanya. Minsan nga naiisip na niya nab aka reincarnation ito ni Mother Teresa. "Pwede mo namang sabihin ngayon sa akin. Importante ba? May gusto ka bang ibahin sa concept or idagdag?" "Wala itong kinalaman sa trabaho but I know for sure na importante ito kailangan ko itong sabihin sa iyo dahil baka pagsisihan ko pa sa huli and tanggapin mo man sa hindi, kaibigan na ang turing ko sa iyo." Tiningnan niya ito ng matiim but gone is the Cara with a sweet smile. Seryoso ang mukha nito habang nakikipagtitigan sa kanya. "Okay? Bukas are you available?" Sabi na lang niya para matapos na sang usapan. Hindi na kasi siya makapag-concentrate sa kanyang ginagawa. "Of course." Bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry..." bulong pa nito bago humiwalay sa kanya. Naiwan naman siyang nagtataka. Hindi niya alam kung para saan ang paghingi nito ng sorry. Baka naman para kay Nerius iyon at idinaan na lang sa kanya? Ewan hindi niya alam.     ****                             “What?” nakataas ang kilay na tanong niya kay Nerius dahil nito inaalis ang tingin sa kanya. “May problema ka ba? I mean, this is not you. You’re not Marien. You aren’t talkative and you’re not cursing me. We’ve been friends for a long time and I know if there is something wrong kapag hindi ka nagmumura.” “I’m okay. Don’t worry about me, worry about your shots. Marami ka pang dapat kuhanan.” “Come on, Kea Marien.” “Please?” nagsusumamong sinalubong niya ang mga nagtatanong na titig nito. Mas gusto niyang sarilinin muna ang lahat ng gumugulo sa isip niya. Ayaw niyang maapektuhan ng personal na problema ang kanyang trabaho. Narinig niyang bumuntunghininga ito ng malalim. Kilala siya nito, kapag ayaw niyang magsalita,walang makakapilit sa kanya. “Fine then. If you’re ready, alam mo namang nandito lang ako. I will always ready to listen kahit ano pa ‘yan.” Ginulo muna nito ang buhok niya bago kinuha ang leather jacket at tinungo ang mga modelong naghahanda para sa photoshoot sa araw na iyon.  “Bakit ba hindi na lang sayo ako nahulog? Sana hindi ako nasasaktan ng ganito, umaasa sa wala dahil alam kong nandiyan ka para saluhin ako.” Mahinang usal niya sa sarili habang Sinundan ito ng tingin sa malayo. “Hey…” napalingon siya sa biglang nagsalita. Si Cara, wearing her usual heart-melting smile. “Kanina pa kita tinitingnan. Ang layo yata ng iniisip mo?” Gusto niyang pagtaguan ito dahil hindi niya ito sinipot sa usapan nilang mag-uusap sila. Ilang linggo na rin silang magkasama sa shooting pero hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasamang dalawa nang walang awkwardness sa pagitan nila. Hindi niya maiwasang ikompara ang sarili rito at sa tuwing gagawin niya iyon ay unti-unting siyang nawawalan ng kompyansa sa sarili. Pakiramdam niya ang pangit niya tuwing katabi niya ito. Hindi niya maintindihan pero bumababa ang pagtingin niya sa sarili sa tuwing nakikita niya si Cara. She’s her exact opposite. She seldom smiles but Cara always exudes positivity because of her all teeth smile. She’s always wearing an executive suit while Cara’s always wearing a colorful dress that makes her more bubbly.  At higit sa lahat, palaging pumapasok sa utak niya na ito ang dahilan kung bakit hindi siya kayang mahalin pabalik ni Kaloy at iyon ay isang malaking dagok para sa kanya. “H-Hi” alanganin siyang ngumiti. Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. “You know what, unang kita ko pa lang sayo, gusto na kita. Ang gaan na kaagad ng pakiramdam ko sayo. You look pretty kahit noong bata pa kayo ni Kaloy.” “T-Thanks?” Hindi siya sigurado sa kung ano ang sasabihin. She’s a good conversationalist but not this time. Ni hindi niya alam kung paano pakalmahin ang sarili. She wonders whether or not Kaloy told her about his promise. Kung nasambit man lang ba nito na may pinangakuan na ito kasal. But she doubted that he did dahil kung nasabi nga nito kay Cara, malamang ay hindi ito aasta ng parang wala lang sa kanya, well, maliban na lang kung magaling itong magtago ng tunay na kulay which, again, she doubted because she couldn’t sense anything phony from her. She would always say this to herself, Cara’s so genuine. “Kaloy sent me some of your pictures many years ago. He would always boast kung gaano ka cute ang dimple mo.” Tumawa ito ng mahina habang ang mga tingin ay nakapako sa kinaroroonan nina Kaloy at Irivin na kasalukuyang nagbibigay ng instructions sa mga crew. Hindi niya mapigilang ngumiti. “Number one fan siya ng dimple ko.” “Sinabi niya rin ‘yan.” “Wala na ba siyang sinabing iba- I mean, baka pati mga nakakahiyang pinaggagawa ko noong bata pa kami ay ipinagkalat rin niya. You know, there are childhood stuff na ayaw mong may ibang makakaalam kasi nakakasira ng reputasyon.” Tumawa ito ng malakas kaya nakigaya  na rin siya. Unti-unti nang nawawala ang pagkailang niya. “Marunong ka rin palang magbiro. Akala ko sagad na sa buto ang pagiging seryoso mo.  Minsan nga lang kitang makitang ngumiti eh. That’s only when you’re with Nerius.” “Dahil alam niya kung paano ako pangitiin. Sa sobrang kulit ng taong ‘yan, a day won’t end ng hindi ako tumatawa kapag kasama siya.” “Do you believe that when you really care about someone, sometimes their happiness is more important than yours?” “I don’t know?” “Thank you.” Kunot ang noong nilingon niya ito. “Thank you for what?” Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. “For everything.” “Hey!” Tumawa lang ito ng mahina. “Puntahan ko na muna ang dalawa. Mukhang hindi na naman nagkakaintindihan sa mga gusto nilang mangyari.” Naiwan siyang ang daming tanong na hindi nasagot. Cara was talking in riddles. Why on earth would she thank her out of nowhere?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD