Chapter Eight- The Flowers

1746 Words
CHAPTER EIGHT           “Hey! Sabay na tayong umuwi.” “Mauna ka na. May dadaanan pa ako.” Sagot niya nang hindi tumitingin dito. Ang dali nitong napasok ang pader na itinayo niya pero hindi na niya hahayaan na pati puso niya ay ganoon din kadali na mapapasok nito. She had enough. More than enough and she’s full. “Come on. I promised Lolo Jaime and Lola Carmen na isasabay kita tuwing uwian.” Sinubukan nitong kunin ang bagg niya pero agad niya itong inagaw pabalik. “You and your stupid promises.”  Piping sambit niya sa sarili. “I said,  may dadaanan pa ako. And besides, kaya kong umuwing mag-isa.” “Going somewhere with Nerius?” “Nauna na siyang umuwi. I’m going somewhere alone with my three self : Me, myself and I.” “Are kidding me?” “I’m dead serious. Mauna na ako.” Hindi na niya ito tinapunan pa ng ngiti bago nagmamadaling umalis. “Mag-ingat ka. Text mo sa akin ang plate number ng sasakyan mong taxi. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. “ Pahabol pa nito. “Stop it. Stop now. Stop please. Stop acting like you really care about me. Stop it, kaloy!”     ***     “Nag-away ba kayong dalawa?” “Ang ingay mo. Nag-iisip ako ng magandang lay out para sa separation page.” Reklamo niya nang hindi tumitingin kay Nerius. “Lovelife mo ang pagtuonan mo ng pansin hindi yung buhay ng iba.” “Well, we’re actually doing good.” Nakataas ang kilay na napatingin siya rito. Ang lapad ng ngiti ni Nerius. Parang sinapian ito ni Joker. “When you say “doing good”, what does that mean?” “It means, how should I say it? Ahmm, we’re starting to talk again just like before? I mean, we are still talking, casual talk but now, it’s different.” “Will you stop beating around the bush?” naiinis na sikmat niya rito. “I think we’re dating? Again?” Hindi siguradong tanong nito. “Seriously, Nerius?” Binigyan niya ito ng nakakatamad na tingin. “You think , you’re dating, again? Godness gracious. Nakalimutan mo yatang may jowa si Cara at Kaloy ang pangalan ?” Automatic na nabura ang napakalapad nitong ngiti. Napalitan iyon ng pagkayamot. Pabagsak itong naupo sa tabi. “Should I change my heart? Like literally change it through heart exchange operation? Meron bang ganoon?” “Walang ganoon . Baliw meron, tulad mo. Ang bilis mong mainlab at ma fall out of love. Parang kahapon lang ay halos gayumahin mo na ako tapos ngayon biglang nainlove ka ulit sa ex mo. And take note, wala pa tayong isang buwan dito.” “Jeez.” napabuntunghininga ito nang malalim. “Isn’t she pretty?” Parang wala sa sariling  napatingin ito sa kinaroroonan ni Cara at Kaloy. Inaayos ng mga ito ang ilang furnitures na nakadisplay sa labas ng mismong building kung saan naroon ang main office ng kompanya ni Kaloy.  “Baliw ka na, Nerius.” Maging siya ay hindi rin napigilan ang sariling pagmasdan ang dalawa. Busy si Cara sa pagbibigay ng instruction samantalang si Kaloy naman ay tumutulong sa pagbubuhat ng mga metal na upuan. They’re really a picturesque to watch. Kapag magkasama silang dalawa ay wala kang maiisip na hindi maganda. Napalunok siya nang biglang naghubad si Kaloy. Hindi nga niya namalayan na nakanganga na pala siya. He’s got a super hot bod na puwedeng ilaban sa Mister Universe. Damn that six pack abs and perfectly toned biceps. “Dahan-dahan lang at baka maubos mo agad.” Nagulat pa siya nang magsalita si Nerius. “What? I-im not looking.” Namumulang tanggi niya. Inayos niya ang suot na anti-radiation eyeglasses at itinuon muli ang atensyon sa ginagawa ngunit parang lumulutang ang concentration niya. Ang nakahubad na si Kaloy ang pumapasok sa utak niya. “Kung hindi looking ang tawag sa ginagawa mo, then what do you call it?” Inirapan niya ito. “Akala mo lang na nakatitig ako but no, like hell no. Why should I do that. Hindi ko lang maiwasan titigan siya kasi nagtataka ako. Kaloy has long scar sa likod na nakuha niya sa aksidente noong bata pa siya.” Aniya na totoo naman. “Accident?” “Yes. Lolo Jaime found him sa gilid ng dagat. Sugatan at walang malay. He’s only ten years old that time. Noong tinanong siya ng lolo at Lola ko, ang natatandaan lang niya ay sakay siya ng barko papuntang manila para doon tumira sa kanyang tita. Wala na raw ang kanilang magulang kaya hinati silang tatlong magkakapatid sa kanilang mga kamag-anak. We tried to look for his aunt sa Manila ngunit wala namang nakatira doon sa address na sinabi niya kaya ayun, my grandparents decided to adopt him.” kuwento niya. “That’s why I’m wonderin’ why wala siyang pilat sa likod.” “Baka pinaderma niya. Alam mo kasi, lahat ng insecurities ngayon ay puwede nang hanapan ng solution. Kung pangit ka, punta ka ng pastic surgeon. If mataba ka, go to gym. kapag puno ng pimples ang mukha mo, there’s a lot of skin care regimen na naglipana sa mall. Ang wala na kang yatang solution ngayon ay kung paano kalimutan ang naCaraan.” “I don’t think so. Hindi ang mag-aabala si Kaloy na ipabura ang pilat niya because as far as I remember, hindi gagastos ang taong iyan para sa mga hindi importanteng bagay. I know him dahil halos sabay kaming lumaki.” “Oh, so you’re like childhood friends. Kaya pala kahit anong gawin mo ay hindi ka maka-move in kasi since childhood ang pinagsamahan niyong dalawa.” “Gusto mong mamatay?” Binigyan niya ito nang nakakamatay na tingin. “Just kidding but you know what, I’ll admit that he’s got a really nice body, Kea Marien. Maybe that is one of many reasons why nakaya akong iwan ni Cara. Should I start looking after my healthy lifestyle again? Is there any nice gym here?” Tanong nito sa kanya. “Kung hindi ka niya mahal, kahit dagdagan mo pa ang abs mo, ay hindi ka pa rin niya mamahalin.” “Ouch.” napahawak ito dibdib at umarteng parang nasasaktan. “Kahit kailan talaga, masakit kang magsalita. Can’t you have some empathy towards me? Nagse-self pity na nga ako tapos dadagdagan mo pa.” “Huwag mo kasing i-compare ang sarili mo sa iba, Nerius kasi kung tutuusin, napakarami bagay na meron ka na wala sa kanila. Kung may isang bagay man siguro na wala ka, si Cara lang. The rest, you have it and you can have it if you want.” “Whatever. I shouldn't have asked you.” Inis na umalis ito sa tabi niya ay padabog na lumabas sa kanyang tent. Siya naman ay naiwang nagtataka pa rin. Naalala pa niya ang sinabi ni Kaloy noong  bata sila na ang pilat nito ang nagpapaalala rito kung gaano kabait ang lolo at Lola niya kaya bakit nito pinabura?             ***   “Nana Vicky, kilala mo ba kung sino ang nagpapadala nitong bulaklak sa akin?” Tanong niya sa matanda na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman sa labas ng kanilang gate. Dalawang linggo na yata kasi na may nagpapadala sa kanyang bulaklak ngunit wala namang nakalagas na sender. Nang tinanong niya si Nerius ay hindi naman daw ito ang nagpapadala sa kanya. Pumasok din sa isip niya si Kaloy ngunit agad niyang tinanggal sa list of “suspects” niya ang pangalan nito dahil alam niyang napakaimposibleng bibigyan siya nito ng bulaklak. “Oo. Bakit mo naitanong?” “Talaga po? Kilala niyo?” bigla siyang nasabik na ewan. “Syempre naman. ‘Yung delivery boy ng nag-iisang flower shop dito sa atin.” Biglang nalaglag ang balikat niya sa sagot ni Nana Vicky. Ang katiting na pag-asang galing kay kaloy ang bulaklak ay parang tae na na-flush sa inidoro. “Nana naman eh. Akala ko pa naman alam mo talaga kung sino.”Nakasimangot na wika niya. “Talaga namang ‘yung delivery boy ang ang nagde-deliver niyan. Sino ba ang inaasahan mo?” nanunudyong tanong nito sa kanya. “Si Kaloy?” “Nana Vicky!” Nanlalaki ang mga matang saway niya rito. Napatingin siya sa loob ng bahay kung saan naroon si Kaloy. Natatakot siya na baka marinig nito ang sinabi ng matanda at baka sabihin na assumera siya masyado. “Pero alam mo, Marien, malakas talaga ang loob ko na si Kaloy ang nagpapadala sa iyo.” pagkuway wika ni Nana Vicky. Napahawak pa ito sa baba na para bang nag-iisip. “Isipin mo nga, sino naman ang magpapadala niyan? Wala ka namang nakakasalamuha rito sa Rivadelo dahil ang aga mong umalis tapos gabi na kung umuwi. At alam mo bang kung ako ay isang lalaki ay matatakot akong ligawan ka kasi mukha kang maldita.” Natatawa nitong wika. “Mukhang nasa mood po yata kayo na asarin ako ngayon, Nana Vicky.” Nakasimangot ulit na sabi niya rito. “Pasensya na, Marien. Pero kung hindi lang talaga kitang kilala ay mapagkakamalan talaga kitang maldita. Paano ba naman kasi, palagi kang nakatali ng buhok, ang pula ng lipstick mo tapos may suot ka pang salamin. Kamukha mo na ang terror naming librarian dati. Pero balik tayo roon sa sinabi kong may hinuha akong si Kaloy ang nagpapadala sa iyo ng bulaklak.” Hininaan nito ang boses. “Bakit niyo naman po naisip na si Kaloy?” “Naalala mo pa ba noong bata kayo, palagi ka niyang binibigyan ng gumamela at sino pa ba maliban sa amin dito ang nakakaalam kung ano ang paborito mong bulaklak?” Bigla siyang napa-isip sa sinabi ni Nana Vicky pero agad din siyang napailing dahil ayaw niyang bigyan ang sarili ng kahit katiting na rason para ma disappoint. Sabi nga nila, less assumption means less disappointment. “Gutom lang po iyan, Nana Vicky. Tara na sa loob at baka himatayin na kayo. Wala pa naman dito si Mang Kardo para i-bridal carry ka.” Natatawang sabi na lang niya. “Diyos ko! Patawarin ka ng Panginoon sa mga pinagsasabi mo, Marien!” napaantada pa ito kaya mas lalo siyang natawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD