Chapter Nine- The Bomb

1971 Words
  CHAPTER NINE- THE BOMB           “Wala ka bang pupuntahan ngayon?” “And why?” napatikwas ang kilay niya sa tanong na iyon ni Kaloy sa kanya. Magkaharap silang kumakain ng agahan kasama ang abuelo at abuela niya. May sasabihin pa sana siyang iba ngunit natigilan siya nang mapatingin sa direksyon ng kanyang abuelo. Naalala niya ang hiling sa kanya ni Lola na Carmen kaya bigla niyang iniba ang usapan. “Anyway, I’ll send draft articles later sa e-mail mo. You can check it to see if may changes ka bang gagawin or may gusto kang idagdag na details. Gonna send the photos as well para makapili ka na.” Marahan lang itong tumango bilang sagot which is pabor sa kanya dahil ayaw din naman niyang tumagal ang usapan sa pagitan nilang dalawa. “Marien, apo mayroon sana akong ipapabili sa iyo kung okay lang.” Si Lola Carmen niya ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila. “Sure po. Ano po ba iyon?” tanong niya.”Dadaanan ko after ng last photoshoot namin later. Huling araw na kasi ng schedule nila for photoshoot ngayong araw. Actually, mga dagdag na photos na lang iyon para  sakaling may gustong idagdag sina Kaloy ay may maibibigay pa silang other options without doing photoshoots again. Hassle na rin kasi iyon dahil magpo-focus na sila sa major lay-outs and writing articles. “May order kasi akong paso doon sa Native Shop ni Kadong. Noong nakaraan ko pa iyon dapat kukunin ngunit palagi kong nakakalimutan.” Mahilig kasi sa bulaklak ang Lola Carmen niya. Puwede na ngang gawing local attraction ang bahay nila dahil sa dami ng mga magagandang bulaklak na tanim nito. Minsan nga ay may taga-radyo pang nag-interview sa Lola niya dahil sa hardin nito. “Sige po. Walang problema, la.” Nakangiting wika niya sa abuela. “Puwede mo bang samahan si Marien, Kaloy? Hindi niya kasi alam kung paano pupunta roon kaya mas mabuti kung samahan mo siya.” muntik na siyang mabilaukan dahil sa sinabi ng Lola niya. Pinandilatan niya ng mata si Kaloy nang magtama ang kanilang mga mata para ipakita ritong ayaw niya at tahimik siyang nananalangin na sana makuha nito ang ibig niyang sabihin ngunit sabay na nalaglag ang kanyang mga balikat sa naging nito. “Sure po, Lola Carmen. Sasabay na lang akong uuwi sa kanya mamaya.” ang lapad ng ngiti nitong sagot sa abuela niya samantalang siya naman ay tahimik na naghihimagsik ang buo niyang pagkatao. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit napatingin sa kanya si Lola Carmen kaya agad niyang pinalitan iyon ng pilit na ngiti. “Okay lang naman na samahan kita di’ba, Marie?” “Of course. Is there any reason to say no na tulungan mo ko?” nakangiti ngunit mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao.  Naiinis siya dahil parang nag-e-enjoy itong inisin siya sa harap ng kanyang abuelo at abuela and how dare he to call her “Marie” kahit na ilang beses na niya itong sinabihan na ayaw niyang tinatawag siya ng ganoon. “Mabuti kung ganoon. Wala na akong poproblemahin pa. Halos limang beses sa isang araw na kasi kung tumawag si Kadong. Nahihiya na ako ng sobra sa kanya.” “Wala na po ba kayong ipapabiling iba para isahang lakad na, la? May gamut pa ba si lolo?” “Marami pang gamot ang lolo mo, Marien. Nagpabili na kasi ako ng maramihan noong isang araw kaya may sapat na gamot pa siya hanggang sa susunod na linggo.” “Okay. Siyanga pala la, ako na ang sasama kay Lolo Jaime sa next check up niya. Hindi na rin naman ako totally busy these coming days.” “Oo naman. Natutuwa iyan, tingnan mo,” natatawang nguso nito sa lolo niya. “Kung magkakapagsalita lang iyan, siguradong hindi iyan mauubusan ng mga sasabihin.”biglang napawi ang inis sa puso niya nang mapatingin siya sa lolo niyang nakaupo sa wheelchair, katabi ng kinauupuan ng Lola niya. Dahil tapos naman na siyang kumain ay tumayo na siya at kinuha ang malinis na tissue at pinahiran ang gilid ng labi nitong may nakadikit na kalabasang dinurog para hindi ito mahirapang kumain. “Let’s have a date next week, okay? Punta tayo doon sa bukid. Remember, ‘yung ginagawa naming playground noong bata pa ako? Magbabaon tayo ng nilagang kamote at saging tulad ng dati, “ aniya. “Tapos let’s play hubalu-habulan and tagu-taguan. Huwag kang mag-alala, ako ang magtutulak ng wheelchair mo para hindi tayo maging taya.” Sinubukan nitong ibuka ang mga labi na parang bang may gustong sabihin sa kanya ngunit hindi nito magawa. Tanging hindi maintindihang tunog lang ang nakakaya nito. “Ang aga mong pinaiyak ang lolo mo, Marien.” Humihingos na tinampal ng mahina ng Lola niya ang kanyang balikat. Maging siya ay umiinit na rin ang gilid nga mga mata. This too much emotion for early morning kaya natatawang pinahid ang luha ng kanyang abuelo bago hinalikan ang dalawa sa pisngi. “I have to go. Baka kuhanin na tayong artista sa ABS at GMA.” Biro na lang niya. “See you later, oldies.” Kumakaway na naglakad siya palabas. Sumunod na rin si Kaloy na hindi na lamang niya pinansin. Dali-dali niyang tinungo ang grahe para hindi siya nito maabutan. Hindi niya alam kung ano ang larong nilalaro nito laban sa kanya pero sisiguraduhin niyang hindi siya nito mapaglalaruan. Kung gusto nito ng laro, then fine, she can play along too. Bibigyan niya ito ng larong pagsisisihan nito habang buhay.       ***   “We’re ahead of schedule. That gives us more time to double-check everything,” ani Nerius na kumindat kay Cara. “Disgusting…” tahimik niyang usal. Nakalimutan na niya kung ilang beses na iyon sa kanyang bibig. Hindi niya maiwasang mandiri dahil sa ginagawa nito. Halos kada matapos itong magsalita ay kumikindat ito kay Cara habang ang isa naman ay natatawa na lang pero halatang kinikilig din naman. Samantalang si Kaloy ay tahimik lang na nakikinig. Hindi nga lang ito nakatingin kay Nerius, tinatakpan pa nito ang ibabaw na bahagi ng mga mata. But she’s not sure tho, kung galit ba ito o kung ano.Marahil tulad niya ay nahihiya rin ito sa ginagawa ng dalawa. Hindi lang naman kasi sila ang naroon dahil pati ang ilang staff both ng magazine at kompanya ni Kaloy ay naroon. “So, do you have any questions, clarifications, or objections?” ang lapad ng ngiting tanong nito.  Feeling yata nito ay nakalutang ito sa hangin. “I have.” Itinaas pa niya ang mga kamay. “Okay, first question comes from the great Kea Marien, my beloved bestfriend.” muli siyang napangiwi. Hindi naman sa hindi niya gusto ang bagong “call sign” nito sa kanya. Masaya pa nga siya dahil hindi na siya nito kinukulit ngunit nag-aalala siya dahil baka wala na sa tamang huwesyo ang kanyang boss. “What is it, Beshy?”Fudge!Nanindig ang balahibo niya sa karagdagang call sign nito sa kanya. “Have you contacted the printing office?" "Of course. Did that already, Beshy, my dear Kea Marien." "Isa pang dear Kea Marien and Beshy and you're dead." hindi niya napigilang singhal kay Nerius. "Tatawagan ko ang butler mo sa Paris para patayin si Imelda-" "NO!" lahat sila ay gulat na napatingin dahil sabay na sumigaw sina Nerius at Cara. Maging si Kaloy ay muntik nang masubsob sa mesa dahil sa sobrang gulat. "Not my Imelda, Kea Marien. Bigay iyon ni Cara sa akin. It's one of my most precious treasure at hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin." May pahwak-hawak pa ito sa dibdib na umaarte na para bang hihimatayin. Inalalayan pa ito ni Cara na maupo ulit. Hindi niya napigilang ngumiwi. Holy macaroons! Hindi niya expected na may ganitong side pala si Cara. Napakalayo sa mahinhin na imahe nitong nakatatak sa utak niya. "Can we separate personal matters from serious topics? We're supposed to talk about business here. And you Cara," nagtitimping turo ni kay Cara. "Sit back here." Napaiwas siya ng tingin. Ewan pero biglang kumirot ang dibdib niya dahil sa nakita niyang itsura ni Kaloy. Mukhang nainis yata ito sa ginagawang paglandi ni Nerius kay Cara. "I'm sorry." Sumeryoso na rin si Nerius. Walang halong mga biro na itinuloy nito ang mga pagsagot sa mga tanong nila lalong lalo na kay Kaloy. Ang weird lang dahil kung dati ay pabalang nito kung sagutin si Kaloy ngayon naman ay kulang na lang na yumuko sa bawat pagsagot nito. He even answers his questions with po and opo.         ****   "What?" patay malisyang tanong ni Nerius sa kanya nang silang dalawa na lang natira sa loob ng discussion room na pinag-meetingan nila. "Are you crazy? You totally become an embarrassing homo sapiens a while ago. Kung puwede lang mag-walk out ay ginawa ko na sa unang pagkindat mo pa lang kay Cara. For Pete's sake, sa harap pa mismo ni Kaloy?" Kulang na lang ay batukan niya ito. Mabuti na lang at naalala niya na kahit ganito ito ay boss pa rin niya ito. Nagagawa niya itong barahin kapag silang dalawa lang ngunit ibang usapan na kapag nasa harap sila ng kliyente. "There's nothing wrong with it!" "Anong there's nothing wrong eh may boyfriend ang babaeng kinikindatan mo! Isn't that a form of unethical behavior and indecency? Nasaan ang morals mo bilang lalaki-" "They are not in a relationship!" putol nito sa mga sasabihin pa niya. Ang dami pa niyang gustong isumbat rito. Hindi siya sigurado kung dahil ba sa ginawa nito or may ibang bagay pa siyang pinaghuhugutan ng inis at naibunton niya lang lahat ngayon kay Nerius. "Don't cut me when I'm talking what?" napatigil siya sa narinig. "W-what did you say?" napabuntunghininga ito. "Wala silang relasyon, Marien. Hindi sila puwedeng magkaroon ng relasyon because it's taboo." "Taboo? W-what do you mean? I can't understand-" naguguluhang tanong niya rito. "They're siblings." putol ulit nito sa sinasabi niya. "What?!" mulagat na bulalas niya. "Actually, not just siblings because they're twins." Twins? Cara and Kaloy are twins? Cara's real name is Cara Miguelita while Kaloy's is Carlos Miguel rght?" hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Para siyang binagsakan ng bomba sa mga sinabi ni Nerius. Alam mo 'yung pakiramdam na nakaupo ka naman pero natumba ka pa? "We didn't notice how similar their names are in the contract kahit na magkaiba pa ang kanilang apelyido.. Such a small details but it's a clue to the truth. I even notice how they sometimes look a like in an instance glance pero hindi ko iyon binigyan ng pansin." Tumawa pa ito nang mapakla. Tiningnan niya ito nang maiigi kung nagasabi ba ito ng totoo o pinagti-tripan na naman siya but knowing Nerius, alam niyang hindi nito gagawing biro ang mga ganitong bagay. "I know you'll be shocked kaya hindi ko muna sinabi sa iyo," ani Nerius bago siya inabutan ng isang basong tubig. Agad niya iyong inabot at sinimot ang laman.  "But isn't it such good news for both of us? Cara and I can have our second chance love story and happy ending and you; you can have another chance with Kaloy too. You have to forget the past now, Kea Marien. And besides, now you know that Kaloy didn't betray you. It's you who didn't give him the chance to explain the whole thing." Hindi siya nakasagot sa mga narinig. Para siyang nakalutang sa ire. Walang pumapasok sa utak niya maliban sa mga sinasabi ni Nerius. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon, kung dapat ba siyang matuwa dahil wala naman palang relasyon sina Kaloy at Cara o dapat ba siyang mainis sa sarili dahil siya naman pala ang may kasalanan kung bakit siya nasaktan ng lubos.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD