CHAPTER TEN- Fear and hugs
"Are you okay? Kanina ka pa walang kibo?" untag ni Kaloy sa kanya. Marahan pa nitong tinapik ang kanyang balikat na dahilan para magulat siya. They are on the way to get her Lola's pots sa kabilang baryo. Ayaw pa nga sana niyang magpasama kay Kaloy but he insisted at hindi naman puwedeng hindi niya sundin ang bilin ng Lola dahil nakapangako na siya. She doesn't want to disappoint her just because of her fudge bar na ego. Naalala pa niya ang sinabi niya sa sarili na lalaruin niya ang gusto nitong laro but ended up na there's no game at all.
"Y-yes. I'm fine. May iniisip lang na importante," aniya habang hindi nakatingin dito. Hindi niya alam pero nagi-guilty siya nang husto. Kanina pa paulit-ulit na parang sirang plakang umaandar sa utak niya ang mga sinabi ni Nerius. Buong araw nga yata siyang tulala at walang may natapos na trabaho. Para siyang lutang na ewan.
"Is it about your boss and Cara? Are you jealous?" pagkuwa'y seryosong tanong nito.
"W-what? Of course not!" bulalas niya. "Why should I be jealous with the fact that my boss loves your sister-" biglang niyang natampal ang bibig. Lihim siyang napamura dahil sa walang preno niyang bibig. Naramdaman niyang biglang gumiwang ang kotse ngunit agad din naman nitong namaniobra pabalik.
"So, you know already."
"I'm sorry. I didn't mean to-"
"Why are you sorry? For what?" tumawa ito nang mapakla. "I'm supposed to tell you that she's my long-lost sister in your eighteenth birthday but you know, you left. I never got a chance to tell you about it." Hindi siya nakasagot. Nakatungo lang siya. Waiting for another thing Kaloy will tell him ngunit wala nang karugtong ang sinabi nito.
Isang napakahabang katahimikan ang naghari sa pagitan nila. Wala naman siyang lakas ng loob para basakin iyon at isa pa, ano naman ang sasabihin niya? Alam niyang kailangan niyang humingi ng sorry but her couldn't do it. She's not sure if is it pride or talagang nahihiya lang siya para sa sarili niya. She's so stupid! Kung puwede lang na sabunutan niya ang sarili sa mga oras na iyon ay kanina pa niya ginawa.
It's just a half and hour drive pero feeling niya ay forever na silang nasa kalsada. No dares to speak. Even a soft breathing would be considered illegal. Para siyang galing sa isang napakasikip na kahon nang makalabas siya ng sasakyan. Habol niya ang hiningang napasanda siya sa gilid ng kotse ni Kaloy.
"Kailangan nating maglakad sa loob ng kakahuyan para marating ang bahay ni Mang Kadong. It's not that far from here. Five minutes walk maybe." Tumango lang siya bilang sagot. Good thing at marunong pa rin pala itong magsalita.
Nauna itong maglakad. Agad naman iyang sumunod dito. Habang naglalakad ay hindi niya napigilan ang sariling titigan ang likod nito. He's got a nice build. Kahit nkatalikod ito ay mukha pa rin itong gwapo. Alam mo 'yung kahit hindi mo nakikita ang itsura niya ay magkakaroon ka pa rin ng crush kay Kaloy.
Jeez... tahimik niyang usal. Pinilig niya ang ulo dahil sa mga pumapasok sa kanyang isipan. Muntik pa siyang mabunggo sa dibdib ni Kaloy dahil nakaharap na pala ito at hinihintay siya.
"Sorry..."
"Are you okay?" tanong nito.
"Y-yeah..of course, I'm okay," nauutal na sagot niya.
"Nandito na tayo sa bahay niya. Wait here, ako na ang kakatok." anito bago tinungo ang pintuang gawa sa kawayan.
Nilibot niya ang paningin sa paligid. Everything in the surrounding is so refreshing. Malawak ang bakuran nito na napapaligiran ng iba't ibang punong kahoy na namumunga. Mayroong puno ng mangga, santol, rambutan at marami pang iba. Mayroon ding tanim na mga gulay but one thing that amazes her are the flowers that is magnificently displayed according to their colors. It her kind of "bukid" life na gusto. Their ancestral house is full of trees and flowers din naman but it hits different pala kapag nasa literal na paanan ka ng bundok nakatira. The air is much fresher and cooler. Mas naramdaman niya ang lamig dahil mukhang uulan yata ng malakas.
"Marien."
"Yes?" nilingon niya si Kaloy.
"Let's go inside." Hindi na siya naginarte pa dahil nagsimula na ngang pumatak ang mahihinang ulan.
"Ikaw ba ang apo ni Carmen?" sinalubong siya ng isang lalaking kasing edad marahil ng kanyang lolo at Lola. "Kow, keygandang bata. Mana sa mga magulang."
"Opo. Ako po si Kea Marien." Nakipag-kamay siya sa matanda.
"Maupo muna kayo at hindi naman kayo makakaalis dahil sa lakas ng ulan. Sandali at ikukuha ko kayo ng mainit na maiinom." Naupo silang dalawa ni Kaloy sa kawayang upuan. Nasa magkabilaang dulo sila naupo. She hates this moment na ang awkward lahat. Kulang na lang ay kutkutin niya ang sariling mga kuko para kunwari may kinabi-busyhan iya. Good thing at agad namang bumalik si Mang Kadong dala ang isang malaking plano na may lamang tatlong tasa ng umuusok na kape.
"Maraming salamat, Mang kadong. Matagal-tagal na rin noong huling beses na napunta ako rito." Natatawang naupo si Mang Kadong sa kaharap na upuan.
"Parang kailan lang Kaloy. Ngayon, heto at muntik na kitang hindi makilala. Akala ko kung sinong artista ang kumakatok sa aking pintuan." Maging si Kaloy ay natawa rin samantalang siya naman ay pilit na ngumiti.
"Teka, ikaw na ba itong anak ni Arnulfo at Susana?" baling sa kanya ni Mang Kadong.
"Opo, Mang Kadong."
"Kow, bigla ko tuloy naalala ang dalawang iyon. Alam mo bang palagi silang pumupunta rito sa aking bukid noong nagliligawan pa lang silang dalawa. Palagi ko ngang pinagagalitan dahil halos ubusin na nila ang bunga ng mga tanim ko rito." Kwento nito sabay higop ng kape. It's been a long time since the last time she heard stories about her parents. Halos lahat ay tungkol sa kung gaano kabuting tao ang kanyang mga magulang pero ang narinig mula kay Mang Kadong ay bago sa pandinig niya. Even her grandparents seldom talks about her parents lovelife. Maybe because it'll hurt them the more na naaalala ng mga ito ang masasayang alaala tungkol sa kanyang mga magulang.
"P-palagi po silang pumupunta rito?"
"Walang araw na hindi sila nagagawi rito. Minsan nga ay dito sila naabutan ng gabi at natutulog. Palagi kasi silang inuutsa ng Lola mo na puntahan ako para kahit papaano ay may nakakasama naman ako. Biyudo na rin kasi ako at halos lahat ng mga anak ko ay may sarili na ring pamilya. Kinukuha na nga rin nila ako ngunit ayaw ko. Ayaw kong iwan ang lugar na ito dahil sa maraming masasayang alala na nangyari rito. Kung hindi ko lang talaga matalik na kaibigan si Carmen ay sisingilin ko ang dalawang iyon ng kape na naubos nilang inumin. Alam mo bang halos lahat ng bulaklak ng lolo mo ay hiningi ni Susana rito sa akin? Kow, bigla ko tuloy na-miss ang dalawang iyon." Muli itong natawa.
"Mukhang sa kanila ko pala namana ang pagkahilig ko sa kape."
"Nakakalungkot lang dahil maaga silang binawi sa atin ng Panginoon-" saglit itong natigilan. Nag-aalalang napatingin sa kanya. "Pasensya na kung naungkat ko ang mga ganito ka sensitibong bagay." Hinging paumanhin nito.
"Okay lang po. Huwag kayong mag-alala. Masaya po ako dahil nalaman ko sa inyo ang mga bagay na ito."
"Kow, tama na nga itong pagbalik ng nakaraan. Mas gusto ko yatang pag-usapan ang kasalukuyan." Nanunudyong naglipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Kaloy. Hindi niya tuloy maiwasang mamula.
"N-Naku po, nagkakamali po kayo."
"Kapatid lang po ang turingan namin ni Marien, Mang Kadong." Si Kaloy ang sumagot.
Ouch! Damn! That hurts like hell. Nagkunwari siyang umiinom ng kape para matakpan ang disaapointment na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Well, at least hindi siya itinakwil nang tuluyan ni Kaloy. "Friends" is better than nothing, right?
"Ganoon ba? Kow, nakakapanghinayang naman at mukhang bagay pa naman kayong dalawa." Muntik pa siyang masamid sa sinabi ni Mang Kadong. Anak ng fudge bar bakit mga ganitong topiko pa ang pinagsasabi nito.
"May gumamela po ba kayong tanim dito?" Jeez! Gusto lang naman niyang ibahin ang usapan ngunit wala siyang maisip na iba.
"Ha?" gulat na bulalas ng matanda. Pagkuwa'y natawa na lamang ito pero alam mo 'yung tawa na may ibig sabihin "Marami akong gumamela rito ngunit mukhang hindi mo iyon makikita ngayon dahil sa lakas ng ulan sa labas." Sabay silang napatingin sa labas. Kitang-kita kung gaano kalakas ang ulan sa labas mula sa bintana ng bahay ni Mang kadong. Tiningnan niya ang suot na relo para alamin kung anong oras na. Mag-a-alas sais a ng gabi. Alas singko na rin kasi sila umalis sa location dahil akala niya ay magiging mabilis lang itong lakad nila. "Ako'y maghahanda na lamang ng hapunan para sa ating tatlo. Dito na kayo kumain ng hapunan."
"Naku, huwag na po kayong mag- abala. Nakakahiya naman. Titila naman po siguro kaagad itong ulan."
"Kow, matanda na ako kaya alam ko ang ulan na panandalian lamang at ang ulan na magtatagal." Hindi na lang siyang nagreklamo dahil tumayo na ito at tinungo ang kusina.
"Don't worry, uuwi agad tayo kapag hindi na masyadong malakas ang ulan."
***
"Don't worry, uuwi agad tayo kapag hindi na masyadong malakas ang ulan."
"Don'tworry,uuwiagadtayokapaghindinamasyadongmalakasangulan."
"Don'tworry,uuwiagadtayokapaghindinamasyadongmalakasangulan."
Paulit-ulit na umiikot sa utak niya ang sinabing iyon ni Kaloy habang nakahiga silang magkatabi sa malaking higaan na gawa sa kawayan. Pakiramdam niya ay na scam siya dahil heto at hindi sila nakauwi. Magkatabi silang nakahiga sa malapad na higaan. Not literally na magkatabi dahil may space naman sa pagitan nila pero parang ganoon na rin ‘yun. Parang biniro sila ng ulan dahil imbes na tumigil ay mas lalo pa itong lumakas. May kasama pa ngang malalakas na kulog at kidlat which is super kinatatakutan niya. May unan na nakatakip sa kanyang tenga para hindi niya marinig ang kulog at nakatalikod din siya kay kaloy kaya hindi niya alam kung gising pa ba ito o hindi. Siya naman ay hindi magawang ipikit ang mga mata dahil napapaigtad siya sa tuwing kumukulog.
“Are you okay?” bigla siyang napabalikwas ng bangon nang may humawak sa kanyang braso.
“Fudge!” nahihintakutang mura niya dahil sa sobrang gulat. Nanginginig na itinaas niya ang kanyang mga tingin. Nabungaran niya si Kaloy, nag-aalalang nakatunghay sa kanya.
“Umiiyak ka ba?” tanong nito na para bang hindi alam ang gagawin. Kung papahiran ba nito ang mga luha niya o aaluin siya nito. Maging siya ay hindi napansin na umiiyak na pala siya. “Are you okay?”
“H-hindi ko nadala ang earphones ko…” parang bata na sabi niya rito. “It’s the thunder…” Kapag kasi ganitong kumulog ay nakikinig siya ng music na todo ang volume para hindi siya mag-palpitate.
“Takot ka sa kulog?” mulagat na tanong nito. Mabilis siyang tumango. Gusto pa sana niyang sabihin na simula bata ay takot na talaga siya at alam nito iyon ngunit nawala na sa isip niya dahil dumagundong na naman ang sunod-sunod na kulog na sinundan ng nakakasilaw na kidlat. Mas lalo siyang natatakot dahil kitang kita sa mga gewang sa dingding na kawayan ang labas ng bahay dahil sa kidlat. Isa pa iyon sa nagpapadagdag sa takot na nararamdaman niya. Na checked naman niya ang whether forecast ngayong araw at ang sabi ay fifty percent chance of rain lang naman at hindi naman heavy. Kung alam lang niya na magiging ganito, sana ay nagkulong na lang siya sa loob ng kuwarto niya buong araw.
“I-I can’t move my hands…” naiiyak na bulalas niya habang habol ang hininga. Ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ‘yung naha-hyper ventilate na siya dahil sa takot at kakaiyak.
“Damn! Wait here.” dinig niyang mura nito na natataranta na. Nagmamadaling tinungo nito ang kusina at naghanap ng paper bag o plastic ngunit wala itong nakita kaya tabo ang bitbit nito pagbalik. “Dito ka huminga sa loob ng tabo para maging stable ang paghinga mo.” Agad naman niya iyong inabot at doon siya huminga. Ilang saglit pa ay kumalma na rin siya at nababawasan na rin ang mga pagkulog at pagkidlat.
“T-Thank you…” mahinang anas niya kay Kaloy. He never left her side. Marahan pa rin nitong tinatapik ang kanyang likod para pakalmahin siya.
“You’re always welcome, Marie.” it is the first time na hindi siya nainis dahil tinawag siya nitong Marie. “You can sleep now, babantayan kita.” Hindi na siya nagsalita pa. Marahan siyang nahiga muli. Wala na siyang lakas na mag-inarte pa. Sa totoo lang ay inaantok na nga rin siya lalo pa at galing pa siya sa pag-iyak.
Palabas na marahil ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod. It feels so warm and comforting at the same time. Fudge! Ang sarap sa pakiramdam niya na niyayakap siya ni Kaloy! She could even feel his breath beside her ears. Para iyong musika na humehele sa kanya. As far as she could remember, ito yata ang tulog na ayaw na niyang magising pa.