CHAPTER ELEVEN- THE POEMS Palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Kaloy sina Nana Vicky, Mang Kardo, pati na ang Lola Carmen niya. Halos alas diyes na ng umaga sila nagising ni Kaloy kaya tanghali na ng dumating sila sa bahay. Aaminin niyang napasarap talaga ang tulog niya. “Baka matunaw na po kami sa kakatitig niyong lahat, “ aniya nang hindi na siya makatiis. “Saan ba kayo nagpunta kagabi?” nanunundyo ang mukhang tanong ni Nana Vicky. “Saan kayo natulog?” segunda naman ni Mang Kardo. “Sinabi ko naman na doon nga kami natulog kay Mang Kadong kasi sobrang lakas ng ulan at kulog. Alam niyo kung gaano ako katakot sa kulog, di’ba La?” napatingin siya sa kanyang Lola Carmen para humingi ng saklolo ngunit nanunudyo rin itong nakatingin sa kanya. “Sabi ni Kadong ay n