Chapter One- Welcome Back

3699 Words
CHAPTER ONE- WELCOME BACK “Attention to all passengers of flight 5J2438, please fasten your seat-belts because we’re about to land in a few minutes.” Nilapag niya ang binabasang magazine. Magazine na siya mismo ang editor in chief. Dalawang taon na mula nang makuha niya ang pinakamataas na posisyon sa Style magazine, ang nangungunang magazine sa Paris at pitong taon na rin ang nakalipas mula nang umalis siya ng Pilipinas. Pagkatapos ng gabing iyon ay nagpasya siyang mag-aral sa ibang bansa, para makalimot kahit na alam niyang mahihirapan siya ng sobra. Napahinga siya ng malalim. Alam niya sa sariling hindi pa siya handa. Hindi niya akalaing sobrang hirap pa lang lumimot ng sakit lalo na at hindi nawawaglit sa utak mo ang taong nagdulot niyon at gusto mong kalimutan. “If I only have other choices, I will never go back in this place again. Never again.” mahinang bulong niya sa sarili bago inayos ang suot na coat at nagsuot ng Ray ban. Ayaw man niyang umuwi ay wala siyang magagawa. Kailangan siya ni Lolo Jaime now, more than ever. Bahala na kung ano ang mangyayari mamaya. Ilang sandali pa ay nasa departure area na siya. Hindi na siya nagulat nang may sumalubong sa kanyang mga reporter. Hindi sa nagmamayabang pero kilala siya bilang the tiger lady sa mundo ng magazine industry. Matapang, mapangahas, walang takot sa mga inilalabas nilang issue. “Welcome back, Ms. Marien.” “Maaari ba naming malaman kung ano ang rason at kailangan mong bumalik ng Pilipinas?” “May bago ka bang proyektong gagawin dito?” “Ito ba ang nababalitang partnership ng Style Magazine with KLM Company?” “Susunod din ba dito si Nerius Clientos? Totoo bang may relasyon kayong dalawa?” Tinanggal niya ang suot na Ray ban at walang ekspresyon ang mga matang pinasadahan ang mga ito ng tingin. “You’ll know the answers, soon.” aniya bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod pa rin sa kanya ang mga reporter pero hindi na niya iyon pinansin. Hinanap niya si Mang Kardo, ang driver nila. Nag text ito sa kanya bago ang flight na susunduin siya nito. “Where are you, Mang Kar-” bigla siyang napangiti nang makita ang isang plakard na may nakasulat na pangalan niya sa hindi kalayuan. “Mang Kardo!” agad siyang lumapit rito. “Tumaas po yata kayo at nagkalaman? Huwag niyo nga pong takpan ang mukha niyo. Na-miss ko po kayo pati na sina Nana Vicky. Kumusta na po kayo-” Napatigil siya sa pagsasalita ng ibaba nito ang hawak. “Hi.” unti-unting nawala ang ngiti niya. Napalitan iyon ng walang buhay na mga mata at patay na ekspresyon. Bakit ito nandito? Alam niyang hindi niya maiiwasang makaharap ito pero hindi niya inaasahang dadating kaagad ang oras na iyon. Kahit na ilang saglit lang tumama ang paningin niya sa kabuuan nito, agad niyang nakita na ang daming nagbago. Hindi na ito payat tulad ng dati. Mas tumaas pa ito lalo at gumanda ang hubog ng katawan. Mas naging mature tingnan. “Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong niya. Napahawak siya ng mahigpit sa dalang maleta. “Nasaan si Mang Kardo?” “Hinatid si Lola Carmen sa hospital kaya ako na ang nag-presintang sumundo sayo.” Akma nitong kukunin ang bagahe niya pero inilayo niya iyon. “Saang hospital?” Walang emosyon na tanong niya. “Saint Anthony.” Pagkarinig ng sagot ay agad siyang naglakad palayo rito. Hinding-hindi siya sasakay sa isang kotse na ito ang kasama! “Hey Marie!” saglit siyang tumigil at hinarap ito. “Don’t ever call me in that name again. Hindi na tayo bata. Hindi na katulad ng dati ang lahat. People grows. People change, so move on.” “Marie.” “I said stop calling me that name!” napatingin siya sa mga nakasunod na reporter. Sunod-sunod na nag flash ang camera sa kanilang dalawa. “Huwag mo akong sundan. Tagalog ‘yan para maiintindihan mo.” Mabilis ang hakbang na lumabas siya ng airport at pumara ng taxi. Napasabunot siya ng buhok matapos siyang makasakay ng taxi. Hindi na siya lumingon pa. Akala niya ay hindi na siya makakalabas ng buhay doon. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa tuwing naririnig niya ang boses nito. Ito na nga ba ang sinasabi niyang hindi pa siya handa kasi, dama pa rin niya ang sakit, ang galit. “Damn it….” Mahinang mura niya. Sobrang lamig ng hangin na nagmumula sa aircon ng taxi ngunit pinagpapawisan pa rin siya. *** “Marien!” “Lola Carmen!” agad siyang tumakbo palapit sa abuela na sadyang naghihintay sa kanya sa labas ng hospital. “I miss you Lola. I miss you so much.” Ramdam niyang mas lalong humigpit ang yakap ng matanda sa kanya. “Mas sabik na sabik akong makita ka. Gusto kong magtampo sa iyo pero makita ko lang na mas tumangkad na, nawawala kaagad ang tampo ko.” “Lola talaga.” bumitaw siya ng yakap at hinalikan ito sa pisngi. “Sorry.” “Shhh. Bakit ka humihingi ng paumanhin? Your Lolo and I knows that it was the best thing to do. Sabi nga nila, the best way to heal a broken heart is going to Paris.” “Lola!” Nakasimangot na bulalas niya ngunit tumawa lang ito ng malakas. “We’re very proud of you, Marien. Alam kong masaya sina Arulfo at Susana sa lahat ng mga naabot mo sa buhay ngayon. Sigurado akong proud sila sa layo ng narating ng kanilang unica hija.” Muli niya itong niyakap. “Thank you, Lola. Salamat sa lahat.” “Tama na ang drama at puntahan na natin ang Lolo mo. Vicky, dalhin mo sa van ang gamit ni Marien. Mauna ka nang umuwi sa bahay. Magpahatid ka na kay Kardo.” baling nito kay Aling Vicky. “I miss you rin, Nana Vicky.” Para itong maiiyak na niyakap siya. Ito na kasi ang nag-alaga sa kanya simula ng iluwal siya kaya parang nanay na rin ang turing niya rito. “Masaya ako at bumalik ka na, Pie.” Napangiti siya sa tinawag nito sa kanya. Pie. Short cut ng paborito niyang mango pie na palagi nitong niluluto para sa kanya. “Salamat Aling Vicky.” “Ako ba anak hindi mo na miss?” Natawa siya nang biglang sumabad si Mang Kardo. “Syempre na miss ko po kayong lahat.” mas lalo silang natawa nang bigla itong nagpahid ng luha. “Luha ng kaligayahan lang.” “Para kang bata, Kardo. Humayo na kayo at marami pang dapat asikasuhin sa bahay.” ani ng Lola matapos ang tawanan. Hindi na niya maalala kung kailan siya tumawa ng ganito. Matagal na masyado para matandaan pa niya. Hinintay muna nilang makaalis ang mga ito bago sila pumasok sa loob. Magkahawak kamay sila ng lola niya papuntang private room ni Lolo Jaime. “Marien…” “Bakit po Lola?” “Pwede bang kahit sa harap lang ng Lolo mo, kumilos ka na okay ka na? Alam kong nakaukit pa rin ang sakit sa puso mo pero alang-alang sa kanya, ngumiti ka kapag nandiyan si Kaloy.” Napabuntunghininga siya. “Ang mali ay pwedeng baguhin at itama. Ang mga malulungkot na alala ay pwede pilitin na kalimutan. Pero ang sakit, Lola, hindi iyon basta-basta nawawala, dahil hindi lahat ng sakit ay naghihilom sa paglipas ng panahon.” “Marien, Apo…” Kitang-kita niya sa mukha ng kanyang Lola ang lungkot. “Alam ko pong mahirap pero sige po, gagawin ko para sa inyo ni Lolo. Dahil mahal ko kayo at importante sa akin ang makitang masaya kayo.” Pilit siyang ngumiti sa Abuela. “Salamat, Apo.” “Tayo na po sa loob?” siya na ang nagbukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang isang malaking kama at sa gitna niyon ay naroon ang kanyang Lolo Jaime na maraming nakakabit na kung anu-anong aparatus. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo. Seeing her Lolo Jaime in that vegetative situation makes her feel guilty for leaving them. Hindi niya makakalimutan ang araw kung kailan niya unang nakitang tumulo ang luha ng Lolo niya dahil sa kanya. Masakit pero mas pinili niyang lumayo para gamutin ang sarili. She made a selfish a decision. “He woke up two days ago but he can’t talk. According to Dr. Jambee, it will takes time bago siya makapagsalita ulit ng maayos. Ganyan man ang kondisyon niya, for us, he’s very lucky because he’s still alive. That he still breathing kahit na….” hindi na naituloy ng Lola Carmen niya ang sasabihin dahil bigla na lang itong sumigok. “Ang hirap pala ng usapang ikaw lang ang nagsasalita at luha lang ang tanging sagot niya. It always breaks my heart, Marien. Araw-araw winawasak ng napakulit mong Lolo ang puso ko.” Tumingala siya para supilin ang luha pero huli na ang lahat dahil walang warning na lumandas na iyon sa kanyang pisngi. “If I only knew this would happen to Lolo Jaime, I should have granted his wish to go home last month.” pagkatapos kasi ng araw na kinulit siya nito na umuwi dahil birthday nito ay ito na ang nangyari. Inatake ito ng stroke. “Don’t blame yourself, Iha.” “I’m always giving him pain mula nang iniwan ko kayo rito.” lumapit siya kay Lolo Jaime ay hinawakan ang kamay nitong na miss niyang hawakan kapag naglalakad sila sa tabing dagat. “I’m here, Lo. Alam kong nagtatampo kayo kasi medyo natagalan but I’m here and I won’t leave you again. Aalagaan kita, kayo ni lola Carmen just promise me na magpapagaling kayo. Let’s play hide and seek and buy some fresh apples together again.” “Don’t cry, Marien. Remember your promise a while ago.” “Sorry po.” Agad niyang pinahid ang luha at hinalikan sa noo ang abuelo. Naramdaman niya ang pagyakap ni Lola Carmen sa kanya. “Baka bukas pa siya magigising ulit dahil katuturok lang sa kanya ng pampatulog bago ka dumating kaya mas mabuting umuwi ka na muna sa bahay.” “Gusto ko pong bantayan si Lolo Jaime rito.” “Alam ko pero mas kailangan mong magpahinga kaya huwag nang matigas ang ulo. Ipapasundo kita kay Kardo.” “Ako na ang maghahatid sa kanya sa bahay, Lola Carmen.” Sabay silang napalingon sa nagsalita. “Kaloy!” agad na tumingin si Lola Carmen sa kanya. Naikwento na niya kasi kanina ang nangyari sa airport. “Narito ka na pala…” alanganing ngumiti ang Lola Carmen niya. “Opo. Pasensya na at hindi naihatid dito si Marie. Masyado kasi siyang excited na makita kayo kaya hinayaan ko na siyang mauna.” anito. “Liar.” Hindi niya maiwasang sabi sa mahinang boses pero sapat lang para marinig nito. “G-Ganoon ba? Bueno,” kita niya sa mukha ng Lola niya ang pagkalito sa kung ano ang dapat gawin. “Marie…” Ngumiti siya rito. “Babalik ako bukas ng umaga.” Hinalikan niya ito sa noo bago tinungo ang Lolo Jaime at hinalikan rin iyon sa pisngi. “Papupuntahin ko rito si Aling Vicky para may kasama kayo sa pagbabantay kay Lolo. “Huwag mo na akong alalahanin. Alam ko ang dapat kong gagawin. Sige na.” binalingan nito sa Kaloy na tahimik lang na nakasamasid sa kanilang mag lola. “Mag-ingat kayo sa pag-uwi, Kaloy.” “Yes Lola Carmen. Let’s go?” Baling nito sa kanya pero irap ang iginanti niya. Tulog pa ang Lolo Jaime niya kaya hindi pa nila kailangang magpanggap na okay lang ang lahat sa pagitan nilang dalawa. “Magpahinga ka ng mabuti, Marien.” Nasa mukha ng matanda ang labis na pag-aalala. “I will, La.” Kumaway siya rito bago nagpatiunang lumabas “Aalis na po kami.” Tumango lang ang matanda bilang sagot. **** “Kumusta ka na?” biglang basag ni Kaloy sa matagal na katahimikan habang binabagtas nila ang daan pauwi ng San Rivadelo. Mahigit kalahating oras din yata na wala silang imikan. Hindi siya sumagot. “Hanggang kailan ka rito? May balak ka pa bang bumalik ulit sa Paris o mananatili ka na rito? “ Kunwari siyang humikab nang malakas bago sumandal at ipinikit ang mga mata. Wala siyang balak sagutin ang mga tanong nito at mas lalong wala siyang balak na kausapin ito. Baka hindi niya mapigilan ang emosyon. Ang makatabi nga lang ito sa sasakyan at parang pinentensya na, ang kausapin pa kaya ito? Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil hindi niya napanindigan ang sinabi kanina na hinding-hindi siya sasakay sa kotse nito. “You should sleep. Mukhang napagod ka nang husto sa biyahe.” Tinatamad na tiningnan niya ito. Nakangiti pa rin ito kahit na na mas lalo nagpainis sa kanya. “Huwag kang magsalita kung gusto mo akong makapagpahinga. Kung pwedeng nakasara na lang yang bibig kapag nasa harap mo ako mas okay.” Aniya habang nakapikit pa rin. Narinig niyang tumawa ito ng mahina. “If that’s what you want.” Ramdam niyang biglang bumilis ang takbo nila. Masyado siyang pagod para bigyan pa ng oras ang galit niya kay Kaloy. Pagod na pagod na siya. *** Simpleng salu-salo lang ang inihanda ni Aling Vicky. Kung siya nga lang ang masusunod, hindi na niya kailangan ang mga ganoon kasi nasanay na siyang hindi nagcecelebrate ng kahit anong okasyon. Birthday, New Year, and and most of all, Christmas. “Alam mo ba, Marien. Sobrang lungkot namin noong umalis ka. Ang Kuya Kardo mo nga ilang araw na mugto ang mata.” “Tumigil ka, Vicky. Pinapahiya mo ako kay Marien. Ikaw nga riyan eh. Hindi ako makatulog dahil sa lakas ng iyak mo tuwing gabi. Para kang baka na kinakatay.” Tumawa siya sa bangayan ng dalawa. Bata pa lang siya, saksi na siya sa minuto-minutong bangayan ng mga ito na talo pa ang mga bata. “Baka po magkatuluyan na kayong dalawa diyan.” Tukso niya. “Hindi mangyayari ‘yun!” namumulang iwas ni Aling Vicky. “Mas lalo akong hindi ako papayag na siya ang makakatuluyan ko.” Ingos naman ni Mang Kardo. Mas lalong lumakas ang tawa na biglang nahinto dahil sa pagsulpot ni Kaloy. “Carlo! Halika. Kanina ka pa naming hinihintay. Galing ka ba sa bahay niyo ni Kara-“ “Vicky!” biglang saway ni Mang kardo. Nag-aalala namang napatingin sa kanya si Aling Vicky. Dali-dali niyang inubos ang pagkain. “Salamat sa pagkain, Aling Vicky pero I need to fix my things. Maaga pa akong pupunta kina Lola at Lolo bukas.” “Marien!” “Alas singko po ang alis ko bukas, Mang Kardo.” Aniya bago tumayo. “Can we talk?” “Bitiwan mo ako.” Mariing sabi niya habang nakatingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. “I said, let’s talk.” “And I said, let me go! Ano ba?” reklamo niya nang hilahin siya nito palabas. Napatingin siya dalawang matanda na hindi alam kung susunod ba sa kanila. “Bakit?” umpisa nito. “Anong bakit?” inis na sabi niya bago malakas na tinanggal ang kamay nito. “I’m asking why are you like that? Ano ba ang ginawa ko sayo?” Tumawa siya ng pagak. “Interesting. Anong klaseng tanong ‘yan? Seriously?!” “Marie!” “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong tatawagin sa ganyang pangalan.” Hinarap niya at walang emosyong tinitigan. “Marie was dead! You killed her.” Napahilamos ito ng mukha. Nagtatagis ang bagang na para bang bulkan na malapit nang sasabog. “Kung wala ka nang iba pang sasabihin ay aalis na ako.” Sabi niya habang kaya pa niyang kontrolin ang sarili. The more she see him, the more memories flashes back. She hates getting flashbacks from things she doesn’t want to remember. Huminga siya malalim bago tumalikod. Ayan na naman ang pakiramdam na may kung anong bumabara sa dibdib niya at lalamunan. That feeling she’s been trying to erase in her whole system. Ang pakiramdam na sobrang pagod ka na sa kakatakbo pero hindi pa rin nakaalis sa kung saan ka nagsimula. Nakaramdam siya ng konting hilo. Dumagdag sa jetlag ang tension na dulot ni Kaloy sa kanya. “Marien!” napatigil siya. “Anong dapat kong gawin para bumalik si Marie? I want her back. Gusto ko ulit siyang makita. I missed her.” “One of the most difficult things in life is waking up in the morning remembering what you were trying to forget last night. So, will you please stop asking about the past? Can you just please let me live a life without you interfering along the way? You broke me, thanks.” Sabi niya nang hindi tumitingin dito. She had enough at ayaw niyang hayaang guluhin ulit nito ang buhay niya. She will never give him another chance in her life. Kahit doorbell lang sa buhay niya. Besides, he has Kara, the other half of his life. The woman who completed him. **** “What?” napalakas ang boses niya sa narinig. “Aren’t you listening to me, Nerius? I said I can do it alone. You don’t have to come here.” It’s Nerius. May-ari ng magazine na pinagtatrabauhan niya s***h photographer s***h manliligaw na ilang beses niyang nabasted pero habol pa rin ng habol sa kanya. Na immune na yata sa sobrang pambabasted niya. Tumawag ito sa para ipaalam sa kanya na mayroong gustong magpa-feauture sa kanilang Magazine, which is good for her para kahit paano ay hindi siya ma-bored dito sa Rivadelo. Aside from that, may branch din ang kompanya nila dito sa Pilipinas na naglalabas ng issue monthly na siyang ima-manage niya habang narito siya. “But I won’t let you do it alone, Honey.” Napahawak siya sa batok. Kahit kailan talaga ay pasaway ito. “I heard that KLM’s CEO is quite handsome. I’m afraid that you’ll fall for him.” “Gago ka ba?” hindi niya napigilang sabihin. Tumawa lang ito. “When will you stop calling me that? Pakiramdam ko tuloy ay nabawasan ng isang porsyento ang hotness ko.” He can understand tagalog because he is half French and half Filipino. “I won’t stop calling you that. It’s my endearment to you.” Hindi niya alam kung bakit nasanay na siyang tawagin ito sa ganoong paraan. “Ouch! Sumusobra ka na Kea Marien! Hindi porke’t malakas ka sa akin ay ganyan ka na. Ako pa rin ang boss mo.” Kunwaring galit na sabi nito. “Fire me then.” Tinatamad na sabi niya. “Marien naman! But whether you like it or not, wala ka nang magagawa. Kakatapak ko lang sa lupain ng Pilipinas. Wew! I miss Philippines!” “Gag-“ “Ooops. Let’s meet at Rivadelo branch, Okay? I love you, Kea Marien!” iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya. “That brat.” Ano pa nga ang magagawa niya? He’s that kind of person na ginagawa ang lahat ng gusto nitong gawin. “Sino ‘yun?” napatingin siya sa Abuela na nakalimutan niyang katabi lang pala niya. Mabuti na lang tulog pa rin ang Lolo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakaka-usap. “Boss ko, Lola.” “Boss? Ganoon ka ba makipag-usap sa boss mo, Marien?” Natatawang niyakap niya ang Abuela. “Sorry pero huwag kang mag-alala, Lola. Mabait ang lokong iyon kahit na hindi pa masyadong nadevelop ang utak.” Napailing na lang ito. “Kahit na, siya pa rin ang boss mo. Dapat igalang mo siya lalo na kapag may ibang tao.” hindi na siya sumagot. “Wala ka bang gagawin ngayon?” “Magkikita po kami ngayon. I’ll go kapag nabusog na ako ng yakap mo.” Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit. “Te quiero muchos.” Narinig niyang sabi nito sa wikang espanyol. Napangiti siya ng malapad. Simula bata, hindi niya narinig na sinabihan siya ng mahal kita o I love you ng dalawang matanda. Sabi ng mga ito, mas ramdam daw nila at naipaparamdam nila ang pagmamahal sa salitang Spanish. Perks of being born in a Spanish household. Pero siya, mas matimbang sa kanya ang “Mahal kita” mas naiintindihan kasi niya ang kahulugan at isa pa, iyon ang huling salitang narinig niya sa magulang bago pumanaw ang mga ito. “Mahal din po kita to the nth power.” “Hindi ka pa ba aalis?” Tumingin siya sa orasan. “Aalis ako after five minutes.” aniya bago muling niyakap ang abuela. *** “Kea Marien! My beloved employee!” Tinampal niya sa noo si Nerius bago pa siya nito mayakap. Para itong batang excited na tumakbo palapit sa kanya. “Maghunusdili ka, Nerius. We’re not in France anymore, stop doing French greetings.” Binuksan niya ang kotse na kakabili niya lang at nilagay naman doon ni Nerius ang kanyang mga gamit. Ang usapan nila ay sa branch nila sila sa Makati magkikita ngunit ang mokong ay hindi pa pala nakaalis sa airport dahil gusto nitong siya mismo ang magsundo rito. “Ouch. Should I schedule our flight back to France para mayakap ulit kita?” “Ilang batok ba ang gusto mo? Malakas, mahina o moderate?” inihagis niya rito ang susi na agad naman nitong nasalo. “You drive.” Aniya bago pumasok sa tabi ng driver’s seat. “What about dinner?” Pangungulit nito matapos maupo. “Kailan pa naging dinner ang batok?” Nakahalukipkip na binigyan niya ito ng naiinis na tingin. Itinaas nito ang dalawang kamay. “I surrender. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sayo. Let’s go to the Rivadelo branch first para makapag-usap tayo ng maayos.” Anito at inistart na ang kotse. “Importante?” “Of course. Hindi ko naman sasabihin sayo kung hindi importante.” “Gaano ka importante? Very Important, moderate important or not so important.” Binigyan siya nito ng naiinis na tingin. “It’s about KLM Company.” “What about them? May problema ba?” Saglit itong napatingin sa kanya. “Wala naman but the CEO just called me a while ago na gusto niyang ikaw mismo ang mag-aasikaso ng lahat. I don’t know that you’re really that good na hanggang dito sa Pilipinas ay umabot kung gaano ka kagaling my dear, Kea Marien.” “Should I take that as a compliment or jealousy?” nakangising sabi niya. “Take it as my genuine love for you.” sabi nito na may kasama pang kindat. “Come on, Kea Marien. I’m handsome, right? Anyone will fall in love with me, right?” Marahan siya tumango. “Oo naman.” “Then why?” Umarte pa ito na parang nasasaktan. “Because it’s me.” “Arrgh!” parang bata na reklamo nito. “Let’s have a dinner date tonight.” “No. I’m busy. ” “You’ve been using that excuses ever since. Wala na bang iba?” “Makulit ka kasi.” “It’s a double date anyways.” “Double date?”Tumikwas ang kilay niya. “Yes. With KLM CEO.” Tumingin ito sa wristwatch. “Sunduin kita mamaya? Send me your address here para hindi ka na mahirapan.” *** “May lakad ka?” tanong ni Aling Vicky sa kanya nang bumaba na siya sa salas. “Dinner meeting, Aling Vicky.” “Lalaki o babae?” “Lalaki.” Maikling sagot niya. Binigyan siya nito ng nanunudyong tingin. Knowing Aling Vicky, alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi nito nakukuha ang number ng ka date niya which is Nerius na isa pang hari ng kakulitan na sigurado siya papatulan ang pagfe-feeling match maker ni Aling Vicky. “Ano pa ang hinihintay mo? Humayo ka na at simula na ang pagpaparami.” Hindi niya napigilang tumawa. “Huwag nga kayo riyan. Kayo nga po ang dapat maunang humayo at magparami dahil lagpas na kayo as kalendaryo.” biro niya. “Meron naman kasi diyang nakalaan sayo pero ayaw mong pansinin.” Balik na tudyo niya rito sabay nguso sa kinaroroonan ni Mang Kardo na kasalukuyang pinupunasan ang kotse niya. “Ay patawarin ka Maykapal, Marien!” napaantada pa ito. Natawa na lang siya. “Bakit ko pagtitiisan ang matandang iyan kung may dadating naman na kasing kisig ni Piolo Pascual?” “Ewan ko sa iyo Aling Vicky.” Ani niya na napatingin sa papaalis na kotse sa gate. “May lakad siya?” wala sa sariling tanong niya. “Sino?” “Ah, wala. Wala po. Baka gabihin po ako ng uwi mamaya. Kayo na po ang bahalang maghatid ng hapunan kina Lola.” “Kow. Huwag ka nang mag-alala. Hindi ko hahayaang magutuman ang Lola mo.” “Paano po.” Paalam niya. Natanaw na kasi niya sa labas ng gate ang kotse ni Nerius. “Ingat!” Pahabol pa nito na kandahaba-haba ang leeg sa kakatingin sa kotse ni Nerius.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD