CHAPTER TWO - DOUBLE DATE
“What’s this?” taas ang kilay na tanong niya kay Nerius nang inabutan siya nito ng isang box ng tsokolate.
“Chocolates.” Maikling tugon nito.
Binigyan niya ito ng naiinis na tingin. “Alam kong chocolates ‘to, pero para saan? It’s not my birthday nor anniversary as Editor in Chief. Hindi rin death anniversary ng alaga mong flowerhorn fish na kasing pangit mo. Tell me, what’s behind these chocolates?”
Tumikwas ang kilay nito. One thing that she likes about Nerius is having those thick eyebrows na parang ang sarap-sarap i-shave. “Excuse me? My flowerhorn is very pretty. You knew that. Nanalo pa nga siya sa contest sa France as the most beautiful flowerhorn dahil sa laki ng bukol niya sa ulo.”
Hindi niya napigilang tumawa ng malakas, of course she remember. Hindi niya makakalimutan na sumakit ang tiyan niya sa kakatawa habang kinukuhanan niya ito ng litrato kasama ang isda nitong may napakalaking bukol sa ulo.
“I wouldn’t forget that. Don’t worry. ” Natatawa niyang sabi. Maluha-luha pa nga siya dahil naalala niya na kinuha pa talaga nito sa aquarium ang alaga nitong si Emelda ngunit dahil madulas ay nabitawan nito at naumpog sa sahig. Iyon yata ang rason kung bakit mas lalong lumaki ang bukol nito sa ulo.
“You’re hurting the feelings of my pretty Imelda but seeing you laughing like that, “seryoso siya nitong tiningnan. “…makes me happy.” Saglit siyang natigilan. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Kailan nga ulit siya tumawa ng ganito kalakas? Hindi niya maalala at ayaw niyang maalala pa. Basta ang alam niya, kasama iyon sa nakaraan na gusto niyang kalimutan.
“Damn you in all possible angles, Nerius.” sabi niya sabay irap. Tumingin siya sa labas ng kotse.
“What did I do?!”
“Just drive.” Aniya nang hindi tumitingin dito.
“Oh come on, Kea Marien. I gave you chocolates.”
“So? Bawiin mo kung gusto mo o nanghihinayang ka.”
“Sadist. You didn’t even say thank you, Nerius. How sweet of you giving me these chocolates.” Umarte pa ito na parang babae.
“Baliw. Bilisan mo na lang ang pagmamaneho diyan and wake me up when we get there.” Aniya bago ipinikit ang mga mata. This is one thing that she loves about Nerius. Maliban sa pagiging boss, ay nagkaroon din siya ng isang kaibigan sa katauhan nito.
***
“Hey… wake up, Princess.” Marahan niyang iminulat ang mga mata. Nabungaran niya si Nerius na nag-aayos ng kurbata.
“We’re here?” tinatamad na tanong niya bago nag-inat ng mga kamay. Kinuha niya ang maliit na salamin sa clutch bag niya para mag-ayos din ng sarili pero agad iyong inagaw ni Nerius.
“Oops. Don’t bother to fix yourself.” Sinipat nito ang mukha niya. “You already look good. Come on.” Hinagis nito sa back seat ang salamin bago siya hinila palabas ng kotse.
“Can we just walk slowly?” Reklamo niya dahil muntikan na siyang matapilok.
“KLM’s president texted me. They’re waiting for us already.”
“Is that so? Good.” sabi na lang niya. Hinayaan niyang hilahin siya nito papasok ng hotel. Hindi pa naman niya nakikita kung ang president ng KLM ngunit gusto na niya agad ito dahil hindi ito paimportante. Kadalasan kasi sa naging kliyente nila abroad ay sila ang naghihintay sa mga ito na siyang pinakaayaw niya sa lahat- ang maghintay nang matagal.
Dumeritso sila sa rooftop. Nandoon kasi ang restaurant ng hotel.
“Go there first. May aasikasuhin lang ako sandali. The only table for four near the pool area ang reservation natin.”
“Sandali-” May itatanong pa sana siya.
“Go. I’ll be back. This won’t take a minute or two.” Sumaludo pa ito bago nagmamadaling lumapit sa isang waiter.
Walang magawa na tinungo niya ang pinakadulong bahagi ng resto. Nakaharap iyon sa Plazuela ng lungsod na nakakadagdag sa ambience.
Inayos niya ang nakalugay na buhok nang makita ang isang pares ng babae at lalaki na nakatalikod sa direksyon niya. Naka floral dress ang babae. Eleganteng tingnan kahit likod pa lang ang nakikita niya. May cute pang hairpin na nakaipin sa bandang kanang gilid ng naka-messy bun nitong buhok. Ang lalaki naman ay naka black tuxedo. Pamilyar ang bulto nito at hair cut pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. She cleared her mind and fixed her posture then walk with her signature Editor-in Chief-Bitchy-look. May matching taas-isang-kilay-look pang kasama. Huminto siya mga kalahating metro mula sa kinauupuan ng mga ito.
“Excuse me. I’m Kea Marien Sandoval. I guess you’re KLM’s Pres-” Hindi niya naituloy ang mga sasabihin nang biglang lumingon ang babae sa kanya. Seven f*****g years have passed but she could never forget that face. Ang mukha ng babaeng kung alalayan ni Kaloy ay parang babasaging kristal! Naumid yata ang dila niya at naparalyzed ang paa dahil hindi na niya magawang magsalita at igalaw ang binti. She was just standing there, staring at her na biglang ngumiti nang malapad nang makita siya. Lumipat ang tingin niya sa lalaking nakatalikod.
“No! It’s not him! Please, let it not be him!” Tahimik niyang usal but it’s too late. It’s Kaloy. It is really him. Tumingin ito sa kanya na may halong pagka amuse. Marahil dahil nagtagumpay itong gawin siyang tanga.
“Good evening, Miss Sandoval,” Gusto niya itong sampalin. May gana pa talaga itong tumayo at maglahad ng kamay. “…and Mr. Clientos. Nice meeting you, finally.” She silently chuckled nang lampasan siya nito at nakipag kamay kay Nerius. So, the handshake is not meant for her. Aaminin niyang napahiya siya roon.
“Good evening, Mr. Carlos Miguel Formosa. Nice to meet you too.” Excited na sabi ni Nerius. “Why don’t we take a seat first. Hey, Kea Marien. What are doing? You're not seated yet?” Hinawakan siya nito sa braso at iginiya sa kaharap na upuan.
Umiwas siya nang tingin ng muling naupo sa harap niya mismo si Kaloy.
“So, who’s this beautiful Mademoiselle? Wait-” natigilan ito nang makita si Cara. “Wow. Is it some touch of destiny, Cara Johvani?” Ngumiti lang ito kay Nerius.
“You knew her?” mahinang bulong niya rito.
“Yeah and she’s that kind of morbid past I want to buried in the deepest part of the moon.” Ganting bulong nito.
Tiningnan niya ito ng masama.
“Fine. I tell you later, after this. Okay?” piningot nito ang ilong niya bago tumingin sa dalawa. “So, Mr. Formosa. We finally met after two months of being chatmates.” biro nito kay Kaloy na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya. Naroon pa rin ang amusement sa mukha nito. Same goes with Cara. Is there something wrong with her face? Or they’re just insulting her now?
“Yeah. I think we don’t need any formal introduction anymore since mukhang magkakilala naman pala tayong lahat dito.” napakamot ito ng kilay na tumingin sa kanya. “But before we proceed, can we let Ms. Sandoval wash her face first? Nakaka distract kasi.”
“What the hell did you just said?” mataas ang boses na sambit niya. “You know what, you’ll be seeing this face for a month or two or more if we sealed the deal today. So, kung ngayon palang nadidi-distract ka nang makita ang pagmumukha ko we might better leave now. Come on, Nerius!” Inis na hinila niya ang braso ni Nerius.
“Hey, calm down.” Mahinang anas nito na pilit siyang pinapaupo sa katabing upuan.
“Nerius!” pinandilatan niya ito ng mata.
“Will you please sit down?” pina upo ulit siya nito bago kinuha ang bag niya at may hinanap na kung ano. “Here.” Binigay nito sa kanya ang kanyang foundation na may kasamang salamin. Nakabusangot pa rin na hinablot niya iyon at tiningnan ang mukha.
“I am crazy but adorable”
Nanlaki ang mata niya sa nakasulat sa pisngi niya paakyat sa noo. Napatingin siya kay Nerius na ang lapad ng ngiti. Kaya pala ayaw nitong ayusin ang sarili niya. Kumuha siya ng tissue at inis na tinanggal iyon.
“Sorry but I’m not doing this. Huwag na huwag kang magpapakita sa akin Clientos.” baling niya kay Nerius bago kinuha ang bag.
“Hey, Kea Marien!”
“Can we act like professional people? We have another meeting after this.” naikuyom niya ang palad sa sinabi ni Kaloy.
“Sorry, Mr. Formosa.” napatingin siya kay Nerius na pulang-pulang ang mukha. “Please, Kea Marien?”
Ano pa nga ba ang magagawa niya. Muling siyang naupo at seryosong tumingin kay Kaloy at Cara. Act like a professional? Fine, she will show them what real professional people act.
“So, why don’t we go down to our business right away? I heard you have another meeting after this.” kinuha niya ang isang baso ng kung ano man ang laman niyon at isahang nilagok. “Nerius told me you’re the one who contacted us first so can I ask you a question, Mr. Formosa?
“Sure.” maikling sagot nito.
“Why should we feature your buildings in our magazine? Anong meron sa buildings niyo na hindi na pa nakikita sa building ng mga mayayamang bansa like Dubai and Qatar? Is it worth being captured and put as a cover in copper engraved paper? Baka naman hindi ‘yan bebenta sa market?” Biglang natahimik ang lahat matapos niyang magsalita. Nabasag lang ang katahimikan ng biglan tumawa si Nerius.
“Don’t worry, ganyan lang talaga magsalita si Kea Marien.”
“Our company is one of the best construction company here in the Philippines and-”
“One of the best. It means it’s not the only one.”
“Ranked first in the recent survey of the Construction Index with a total of twenty thousand one hundred nineteen turnover in a year. Ten percent higher than last year.”
“Wow. Impressive despite prospects remain uncertain because of ongoing downward pressure on contract pricing from the savage competition and because of the twin evils of skill shortages and rapidly rising input costs.” tiningnan niya ng masama si Nerius dahil sa papuri nito sa kompanya ni Kaloy.
“Is that it? Hindi dahil nag ranked kayo ay makakahatak na kayo ng customers. Business is business. It’s quite understandable if magiging choosy kami pagdating sa pagpili ng aming ipe-feature sa magazine. Kung hindi naman worth it at siguradong hindi bebenta, of course, we should reject the deal. That way ay makaka-save kami ng gagastusin.” Nakita niyang humigpit ang pagkahawak ni Kaloy sa wine glass nito.
“You’re an editor. You should know what’s worth to feature from what’s not.”
“Yeah. That’s why I’m asking you as an editor. Maraming na kaming na feature na ganyan din but all of those was sold out like a hot cake.” Kinuha niya ang menu book at patamad na binuklat.
“Why don’t you give it a try? Feature our company in your magazine. Kapag hindi bumenta, bibilhin ko lahat ng mapi-print niyo.”
“Oh really? Ganyan ka na pala kayaman ngayon?” Hindi niya napigilan ang sariling mapaismid. Mayabang. Mayabang pa rin. Bakit ba kasi ngayon lang niya nalaman na ito pala ang may-ari ng KLM? Di sana nakatanggi kaagad siya. Hindi niya alam na sa loob lang ng maikiling panahon ay malayo na ang narating nito sa buhay.
“Does it matter?” Seryosong tanong pero mapakla siyang tumawa.
“Of course not. Anyway, last question. Why us? Maraming magazine publisher dito sa Pilipinas maging sa buong mundo. Bakit Style Magazine?” Tanong niya na hindi tumitingin dito. Busy siya sa kakatingin kung alin ang uunahin niyang kainin mamaya.
“Because of you.” Automatic siyang napatingin kay Cara na noon lang nagsalita. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na menu book.
“It’s because you’re the best Editor-in-Chief in Paris that’s why.” napatingin siya kay Kaloy na nakatingin naman ng makahulugan kay Cara. Kitang-kita pa niyang pinisil nito ang kamay ni Cara na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mga hampaslupa. Sa harapan pa talaga niya naglandian. Lahat yata ng mura ay nasambit na niya sa kanyang isip.
“Of course. My Kea Marien is the best in the whole world.” bigla siyang inakbayan ni Nerius na para bang proud na proud sa kanya. Palihim niyang sinulyapan si Kaloy pero wala itong reaksyon. Poker face ang ekspresyon ng mukha. Ano ba ang inaasahan niya? Magwala ito dahil may umakbay sa kanyang lalaki? LOL. Stupid Marien. You’re stupid.
“I would like to ask something. Mr. Clientos is the owner right? Bakit parang si Miss Sandoval ang nag e-evaluate ng possible projects?” Iniinsulto ba siya nito?
“Of course I have the right. I’m the Editor-in-Chief,” gumanti siya ng akbay kay Nerius at ngumiti ng matamis. Singtamis ng tubo ng Negros Island Region. “and his fiancee.”
“Whoa! You didn’t even-”
“Shut up, okay.” mahinang usal niya habang nakangiti pa rin. Wala pa ring reaksyon si Kaloy samantalang si Cara naman ay nag-aalalang tumingin dito.
“Well yeah. We’re getting married. Soon.” Anito sabay tawa nang malakas. Thanks God at sinakyan nito ang trip niya.
“Congratulations then but we need your answer now.”
Ngumiti siya rito. It’s payback time, Kaloy. She’ll gonna show them that she already forget the past and she’s starting to start anew.
“Deal accepted, Mr. Formosa, Ms. Johvani. Let’s start the project next week. Let’s not waste time since maraming project ang nakapila na gagawin namin. Send me your company’s information for contract preparation.” she offers her hands for a handshake pero si Cara lang ang tumanggap niyon. Nagkapalitan din sila ng business card.
“Thank you, Ms. Marien. We’re looking forward to work with you. Nerius?” Nakangiting wika ni Cara na tumingin sa kanya pagkatapos ay kay Nerius.
“Sorry but we have to leave first. Enjoy the dinner.” Singit ni Kaloy bago inalalayang tumayo si Cara. She looked away. Dapat masaya siya kasi kahit papaano ay nakaganti siya pero bakit ganito? Bakit may kung anong tumutusok sa dibdib niya? He still holding Cara like a delicate crystal. Dapat siya ‘yan. Siya dapat ang inalalayan nitong maglakad. Siya dapat.
“Can we go now too? Biglang sumama ang pakiramdam ko.” Sabi niya kay Nerius na mukhang nasa cloud nine dahil sa lapad ng ngiti nito.
“Hindi pa nga tayo kasal buntis ka na kaagad? Sobrang excited naman yata ng sperm at egg cell natin at nauna na silang mag honeymoon?”
“Gago! Let’s go. We have to talk!” Nakasimangot na tinampal niya ang balikat nito. Kahit kailan talaga, puro kalokohan ang nasa isip nito.