Chapter Three- Still Hurts

1907 Words
CHAPTER THREE         “I think, you owe me a story, Kea Marien.” Sabi nito kaagad matapos nilang pumasok sa loob ng kotse “Yeah. Of course, I know. Iyan nga ang sabi ko kanina di’ba?” Tinatamad na humilig siya upuan. “What’s with the sudden engagement? Palagi mo nga akong binabasted tapos fiancee?” tiningnan siya nito ng maigi. “I was delighted back there but very curious as well. Why? Is it because of Mr. Formosa? You know what, the way he looked at you, it’s full of meaning. And you too, iba ka kanina. I know you’re harsh but it’s more way comparative or superlative than that.” “He’s an arse! No, a jerk I mean.” “Who is he? That’s what I’m asking.”Sumeryoso ang mukha nito. Tiningnan niya ito na parang tinatamad. “Fine. Siya ang dahilan kung bakit ako pumuntang Paris. Siya ang pinaka walang kwentang lalaki sa buong mundo na hindi marunong tumupad ng pangako… at tutulungan mo akong ipakita sa kanya na hindi na affected sa presensya ng kaluluwa pati anino niya. Pati hininga at amoy ng perfume niya. Kuha mo?” “What?”  Kunot ang noong tanong nito. “Any objections? Follow-up questions? Bilisan mo habang good mood pa akong sagutin ang mga ‘yan.” “You want us to play as betrothed lovers just to show him you’re okay? Why?” tumawa ito ng pagak. “You’re still affected, don’t you?” “Yes.” Maikling sagot niya. Isa pa ito sa gusto niya kay Nerius. Nasasabi at naaamin niya ang lahat dito. Narinig niya ang mahina nitong mura sa wikang Pranses matapos marinig ang sagot niya. “Is this a joke?” “No.” pinal na sagot niya. “ So, Is it a deal or no deal?” Pinagmasdan siya nito nang mabuti na para bang tinatantya kung seryoso ba talaga siya sa kanyang pinagsasabi ngunit nang makitang seryoso nga talaga siya siya ay napabuntunghininga na lang ito.         ***     “Babalik ako mamaya, Lo. Usap ulit tayo ha?” Nakangiting sabi niya sa Abuelo bago hinalikan ang noo nito. Pinuntahan niya muna ito bago tumungo sa KLM.  Sinubukan nitong ibuka ang bibig pero walang boses na lumabas kaya agad niya itong niyakap. “It’s okay, Lo. You don’t have to say anything. Dinig na dinig ng puso ko kung ano man ‘yun. All you have to do is follow the doctor’s advice.” “Naku, Jaime, para kang bata.” Sabad ni Lola Carmen nang makitang umiiyak na naman ang abuelo. Ngumiti lang siya rito. “May aasikasuhin lang po akong importante, La.” “Alam ko kaya humayo ka na at baka mahuli ka pa. Ako na ang bahala rito.” “Sorry po talaga. Cararating ko lang pero nasa trabaho pa rin ang atensyon at oras ko. I’m supposed to be here with you, taking good care of  Lolo Jaime.” Hingi niya ng pasensya sa abuela. “Ano ka ba, Marien? Naiintidihan namin ng Lolo mo na maraming bagay na ang nagbago. Na hindi ka na ang uhuging apo namin kundi isang kagalang-galang na Editor-in-Chief ng isang sikat na magazine. Unahin mo ang mga priorities mo dahil alam namin na kahit anong mangyari, kami pa rin ang una diyan.” Sabi nito sabay turo sa kanyang dibdib. “Thank you, La.” Hindi man siya suwerte sa pag-ibig, sobra pa sa suwerte naman siya sa kanyang Lola at lolo. “Maliit na bagay. Sige na.” Humalik muna siya sa pisngi ng abuela bago tuluyang umalis.       ***     “Good morning, Ma’am.” Nakangiting bati sa kanya ng babaeng nagpakilala na sekretarya ni Kaloy. Pababa pa lang siya ng kotse ay agad na siya nitong sinalubong. Akala niya mahihirapan siyang hanapin ang building nito pero hindi naman pala ganoon kahirap hanapin dahil ang lugar na pinagtayuan ng kompanya nito ay ang lugar kung saan sila palaging naglalaro dati. Hindi niya alam kung coincidence lang ba pero iyon din ang lugar kung saan ito nangakong papakasalan siya. “Ma’am?” Untag ng sekretarya. “Oh sorry. May sinasabi ka ba?” Kung may sinabi man ito ay siguradong hindi niya narinig dahil lumilipad na naman ang isip niya sa nakaraan na dapat niyang kalimutan. Hindi niya namalayan na napatigil pala siya sa paglalakad. “Wala naman po pero nakatulala po kasi kayo.” “Sorry. May naalala lang kasi ako.” Magsasalita pa sana ito ngunit bigla itong napatingin sa likod niya. “Good Morning po, Sir Carlo.” Bati nito kay Kaloy. “Good morning, Karen. I have an important meeting today so please cancel all my appointments for the whole morning.” “Yes, Sir.” Hindi niya ito pinansin. “Hinintay kita pero ang sabi ni Aling Vicky maaga ka pa raw umalis. Follow me.” Walang magawa na sumunod siya rito papasok sa loob ng building. “I didn’t tell you to wait for me.” “Okay.” maikling tugon nito. Seriously? “Okay,” daw. Anong okay sa sinabi niya? Wala silang imikang dalawa habang naghihintay sa labas ng elevator. Para silang naglalaro ng pataasan ng pride. Ang unang magsasalita, talo. She doesn’t want to lose kaya bahala nang mapanis ang laway niya. Sunod-sunod na rin ang pagdatingan ng ilang empleyado nito na bawat isa ay nagtatakang tinatapunan siya ng tingin. Lumayo siya ng konti kay Kaloy pero hinila nito ang strap ng bag niya pabalik. Gusto niya itong singhalan pero pinigil niya ang sarili. “Bitiwan mo ako.” Mahinang anas niya. Ngumiti lang ito bago binalik ang tingin sa harap. “Let’s go.” Hila pa rin siya nito papasok ng elevator. Binigyan niya ito ng nakakainis na tingin. “What are you doing there? Hindi ba kayo papasok?” Tanong nito sa mga empleyado na nakatili pa ring nakatayo sa labas. Ilang saglit ang mga itong nagtinginan bago nag-aatubiling pumasok sa loob. May isang hindi na pumasok pero sinenyasan ito ni Kaloy. Maliit lang ang elevator at salamat kay Kaloy dahil para silang sardinas na nagsisiksikan ngayon. “Hey!” Nanlaki ang mata niya nang bigla siya nitong niyakap mula sa gilid. “What the hell are you doing?” Sikmat niya mahinang boses. “Masikip?” Pinaypayan pa nito ang sarili habang pilit na sinisiksik siya sa gilid. “Kaloy!” Nagsimulang tumunog ang alarm sa utak niya. Kailangan niyang lumayo. Iniwas niya ang mukha palayo sa mukhang nitong sobrang lapit na sa kanya. Holy pancit! Ramdam niya ang pawis sa noo pati na sa kamay. She could hear his breath. She could feel his skin touching hers and she started to like that feeling. Pinilig niya ang ulo. Kailan pa siya naging ganito karupok? “Marien…” bigla siya napatingin dito. Silang dalawa na lang ang natira sa loob. Hindi na ito nakayakap sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Ngiting wagi? Napataas ang kilay niya. “Bastard!” Inis na pinalo niya ito ng bag. “Aray!” Napahawak ito sa brasong hinampas niya. “Let’s do it fast.” Anya bago nagpatiunang lumabas nang bumukas ang elevator. “I can’t…” tumigil siya at hinarap ito. “What?” Kunot ang noong tanong niya. Pinag cross nito ang dalawang kamay sa harap ng dibdib. “Virgin pa ako. Let’s do it slowly please.” Ilang saglit siyang naposte sa kinatatayuan. “W-What? Anong sabi mo?” Pagkuway bulalas pero hindi siya nito pinansin. Hindi niya napigilang mamula nang marealize ang sinabi nito. Parang walang anuman na nilagpasan siya nito. “Nothing. Anyways, welcome to KLM.” binuksan nito ang nag-iisang pinto sa buong fifth floor. “Welcome to my humble office, Ms. Sandoval.” Tumikwas ang kilay niya sa sinabi nitong, “Ms. Sandoval” pero hindi siya umimik. Naagaw na kasi ng tanawin sa labas ang atensyon niya. Made of glass kasi ang buong opisina nito kaya kitang-kita ang nasa labas. “It still the same! It’s been seven years since the last time I saw that stream pero ganoon pa rin ito kalinis tingnan!” Bulalas niya na idinikit pa sa salamin ang mukha. Isa ito sa lugar na pinaglalaruan nila ni Kaloy dati. Medyo may kalayuan ito sa bahay nila ngunit malapit ito sa kanilang pinapasukang school kaya naging tambayan na rin nila ito pagkatapos ng klase “Naaalala mo pa rin pala ang lugar na iyan?” Tumabi ito sa kanya. “We used to play tag there. Remember the bankang papel race?” Hindi niya napansin na nakatayo na ito sa tabi niya. “And backstroke race na halos maubos mo nang inumin lahat ng tubig sa batis dahil ka marunong tapos nang mag-burp ka ay amoy tocino kasi iyon ang ulam natin ‘nung agahan.” Natatawa nitong wika. “At ang ilang beses mong pagkahulog sa puno ng mangga dahil sa malamya ka.” Inirapan niya ito pero agad ding napangiti. ‘Yung ngiti na hindi niya kayang supilin dahil sa sobrang saya ng mga alaalang iyon. “Hindi naman ako tuluyang nahuhulog dahil nandyan ka palagi para saluhin ako.” “Yeah. Palagi kitang sinasalo kasi alam kung mahuhulog ka.” “You always catch me but you failed that time na kailangan kong may sasalo sa akin.” Sabi niya nang hindi tumitingin dito. “Dahil akala ko, kaya mo na ang sarili mo.” “Hindi mo man lang tinanong kung kaya ko nga? Maraming nasasaktan dahil sa maling akala.” For the first time, she was able to talk to him without any thoughts of backing out. Nakaya niya, ‘yun lang, andun pa rin ang kirot sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Paano kita tatanungin kung umiwas ka kaagad.” Alam niyang guilty siya sa parteng iyon. “Kailangan pa ba talagang itanong ‘yun?” “Ano ang kailangang itanong?” Sabay silang napalingon sa pintuan. It’s Nerius at nasa likod nito si Cara. “You can ask me those questions, Mr. Sandoval. Marien is an expert pero may may mga bagay na ako lang ang makakasagot.” Gusto niya itong batukan dahil pasalampak itong naupo at home na kinuha ang bote ng wine at nagbuhos sa isang baso. “Good morning, Ms. Sandoval.” Bati sa kanya ni Cara bago tumingin kay Kaloy at kumaway. Umiwas agad siya ng tingin. “Hi babe! Wine?” And here goes the awkward breaker. “Hindi sayo ‘yan. Ano ka ba?” Nilapitan niya ito at inagaw ang baso pero pinigilan siya ni Kaloy. “It’s okay. Make yourself comfortable, Mr. Clientos.” Wala nang ngiti sa mukha nito. “Since narito na tayong lahat why don’t we start immediately para makapagsimula na tayo?” “Well, that’s a good idea, Mr. Formosa. Just let me finish this wine.” Naiinis na tinapunan niya ito ng tingin pero ngiti lang ang iginanti nito. Yung ngiting katulad ng sa kay McDonalds. Kinuha nito ang puting panyo at iwinagayway. “I surrender!” Parang baliw talaga. Napangiti tuloy siya ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD