CHAPTER TWENTY THREE- THE STAIRS PART ONE “Okay lang ba sa iyo na mag-isa kang magbabantay doon, La?” “Ano ka ba, obligasyon ko na bantayan ang lolo mo. Ikaw na ang nagbantay doon kahapon kaya rest day mo ngayong araw kaya gawin mo ang mga gustong mong gawin sa araw na ito. Hindi naman ako mahihirapan doon dahil nasa ICU siya. May sarili siyang nurse na mag-aalaga sa kanya. Isa pa, dala ko aking tablet. Maglalaro ako roon ng candy crush.” natawa lang siya sa sinabi ng abuela. “Lola naman e.” “Initin mo na lang ang ulam na niluto ko kagabi para sa sa agahan mo ngayon. Tawagan mo na lang si Kaloy na dito na kumain dahil nagluto ako nang marami para dito na siya kumain.” Hindi kasi sa bahay nila umuwi si Kaloy. “Okay po.” Tatawagan naman talaga niya ito dahil may usapan sila na s