CHAPTER TWENTY FOUR- THE STAIRS PART TWO “Have you called your Lola Carmen?” tanong ni Kaloy sa kanya. Nasa salas sila nagmo-movie marathon ng Naruto. Hindi kasi nila natapos panooring ‘nung pumunta sila sa Rivadelo Paradise. Hindi na siya nagluto, nag-order na lang sila ng pizza at milk tea para sa dinner. “Yes. I asked her kung kailangan ko ba siyang samahan but she said no. Alam mo naman ‘yun, kahit anong pilit ko ay hindi iyon papayag kahit ano pang pamimilit na gawin ko. Isa pa, natatakot din ako dahil mukhang uulan ng malakas.” Iniisip pa lang niya na uulan tapos may kasamang malakas na kidlat ay hihimatayin na yata siya. “You should face your fear, Marie. What if nasa sitwasyon ka na ikaw lang mag-isa tapos walang kang mapagtataguan? What will you do.” “Tatawagan kita par