Chapter Seven

2121 Words
Dean Martin Nievera Nasa labas ako ng classroom nila at tinitigan ang kanyang likuran, It's been a while since I last visited here. Dito ako nag-aaral noon dito rin ako natapos. Nasa harapan siya habang hawak ang chalk at confident na sinagot ang tanong ng professor na kaibigan ko rin, will matatawag kong kaibigan. Prof Odette Khan is my batchmate, kasama siya sa grupo namin pero hindi ko siya gaanong ka closed. It's just that, ginamit ko lang siya ngayon para masilip si Luz. Or mas magandang tatatawagin ko siya sa kanyang totoong pangalan. Grencie Luz Villaverde not Luz Seville. Naitanong ko lang kanina sa kakilala ko kung may nag-aaral ba dito na ang pangalan ay Luz Seville, ngunit isa lang ang Luz name na alam nila at iyon ay ang totoo niyang pangalan na Grencie Luz Villaverde. Pagkatapos sa klase ay gusto ko sana siyang kausapin ngunit kaagad akong sinalubong ni Prof Odette ng yakap, all this time I know that she like me. Hindi ko lang ito pinapansin kasi alam naman nito kung saan lulugar. Nagpalinga-linga ako ng hindi ko na siya mahanap pa, “Excuse me, Dette. May pupuntahan muna ako, mauna kana sa cafeteria,” saad ko. Lumukot naman ng bahagya ang mukha nito at alam kung gusto nitong umangal, ngunit napagtanto yata nito na ayaw ko sa mga taong demanding. Marahan lang itong tumango tsaka naglalakad palayo. Huminga ako ng malalim atsaka iginala ang tingin, hindi ko alam pero tinahak ko ang daan patungo sa rooftop and there she is, nakatalikod habang may umuusok. She know how to smoke? Hindi niya yata napansin na lumapit na ako sa kanya at mabilis kong tinapik ang kamay nito na naging dahilan ng pagkahulog ng sigarilyo. “Smoking is bad for your health, woman.” Matigas kong saad. Mabilis niya namang ibinaling sa akin ang kanyang masamang tingin, napagtanto niya siguro na ako ang may gawa kaya medyo na iba ang kanyang timpla. “Why? Bakit ba nangingialam ka?” Nakahalukipkip niyang saad. Ibang-iba ang kanyang ugali kumpara noong nasa bahay ko siya, or baka ganito talaga ang kanyang ugali na parang nag rebelde sa sariling magulang. “Bawal kang manigarilyo, Villaverde.” Mariin kong saad. Mabilis naman na lumaki ang sariling mata nito, kahit ako ay gulat din sa sinabi. Shít nadulas ako! Dean Martin you're so stupid. “H-how?” Gulat niyang sambit. “I have my own way to know everything, Villaverde.” Sambit ko sa isang tono na hindi ko alam kung sa akin ba nagmula. Dahil tunog demanding ito para sa akin. Damn it! Umismid ito, “Ikaw na, ikaw na ang magaling. Tch!” May inis na wika nito at hindi na ako tinapunan ng tingin sa halip ay sa nagtataasang mga building ito tumingin. “How are you? Is your wound healing faster?” I asked ng maalala ang kanyang sugat na natamo. I don't know kung ano na ang nangyari sa mga taong gumawa non, or maybe wala siyang ginawang hakbang. Tumango ito at humingi ulit ng pasasalamat patungkol sa pagligtas ko sa kanya, “I Told you, hindi ako tumatanggap ng pasasalamat at bayad.” Anong gusto mo Dean? Kung hindi bayad? Tch! Tumikhim ako at nagsasalita na sana ng— “Ano ba ang gusto mo? Don't tell me, katawan ko?!” Hysterical niyang sigaw. Hindi ko alam pero natawa ako bigla, “Hindi nga kita type, kantutin pa kaya?” I said and smirk her. I want to laugh pero pinipigilan ko, her reaction is so priceless. Namumula ang kanyang magkabilang pisngi hindi dahil sa kilig kundi sa inis. Alam kong inis yun dahil nakita ko ang pagtalim ng kanyang tingin sa akin. “Tch! Fyi Mr.Martin, hindi din kita type. At baka nga parang saging tundan lang yang títí mo, sabi pa naman ng karamihan na kapag malalaki ang katawan ay maliit lang ang kanilang ari.” Taas noong sambit nito na hindi ko maintindihan ang iba. “W-what? Saging tundan?....W-what’s that?” Nalilitong tanong ko. “Saging tund—” “Dean! Your here?! Kanina pa kita hinahanap, hindi ka kasi sumunod sa cafeteria,” Pagsingit ni Odette na nakasilip lang sa pintuan ng rooftop. “Sabi ko naman sayo susunod lang ako, Dette.” Sambit ko at narinig ko ang pag-ubo sa isang sulok kung saan si Grencie nakatago. Kumunot naman ang noo ko at lalapitan ko na sana siya ng umiling ito at masama akong tinignan. “Sinong kasama mo, here? I mean ilang minuto ka na kasing nawala at lumamig na ang pagkain na in-order ko,” patuloy na pagsasalita ni Odette. Umiling ako, “Wala akong kasama may tinawagan lang ako,” pag sinungaling ko, why do I need to explain it to her? Marahan itong tumango ngunit gumala ang tingin na mukhang sinisigurado na wala nga talaga akong kasama, bumuga ako ng hangin tsaka naglakad patungo sa pintuan kung nasaan siya nakatayo, “Let's go,” Kahit ayaw ko pa sanang umalis dahil gusto ko pang kausap siya, ngunit baka makita siya ni Odette at gawan pa ng malisya. Nakita ko pa naman sa mata niya kanina sa classroom na hindi niya gusto si Villaverde. Tinungo namin ang cafeteria at ramdam ko ang tinginan ng ibang estudyante, habang ang kasama ko naman ay dikit ng dikit. Hindi ko na lang ito pinansin at mas binilisan ang paglalakad. “Haluh! Ang gwapo niya talaga, balita ko. Matagumpay na engineer na siya,” tili ng isang babaeng estudyante. May mga kasama itong mga kaibigan. “Oo, girl. Binalita nga sa akin ni Ate na may pinupormahan yan, baka si Prof Odette. Bagay din naman sila,” Sigunda ng isang babae. “Bagay nga sila, pero mas bagay kami. Duh!” Napailing nalang ako atsaka lumiko kung saan ang cafeteria, “Saan ba ang pagkain?” Tanong ko sa kasama ko. Tinuro naman nito ang pinakadulong lamesa, at agad akong napakunot-noo ng makita ang mga heart shaped na balloon. Tumikhim naman si Odette, “U-uhm….Malapit na ang Valentines, Dean. Kaya siguro nagsimula na silang mag disenyo ng mga ganyan,” I'm aware what she feel at alam kong hindi totoo ang mga sinabi niya, next month pa ang Valentines at alam kung kahit Valentines ay hindi kasama ang cafeteria na lagyan ng mga disenyo dahil dito ako nag tapos. Hindi na ako nag usisa pa at agad na naglakad patungo doon, basta lang akong umupo at hindi na inabala pang paghilaan ko pa siya ng silya at baka lagyan na naman niya ng malisya mahirap na. Dinampot ko ang kubyertos at napa-kunot ulit ang noo ko ng makita ang isang papel na may nakasulat. “Enjoy eating couples!” Agad akong napatingin kay Odette ng napasinghap ito at mabilis na dinampot ang papel. “Dette.” “No, no, no, mali ang iniisip mo Dean. Baka nagkamali lang sila, dahil kanina kasi may mga estudyante rito na nag da-date. Baka nagkamali lang ang estudyante at napasama lang ang lamesa natin.” Taranta na paliwanag nito. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglang pumutok ang isang party poppers kasabay non ay naglabasan ang iilang mga estudyante. “Congratulations couples!” “Odette.” Malamig kong sambit sa kanyang pangalan. Para naman itong tinakasan ng dugo, sobrang putla ng mukha, “D-dean, I can expl—” “No, wala ka ng pwedeng ipaliwanag pa. Just stay away from me, binalaan na kita Dette. I trusted you, kahit alam ko ang nararamdaman mo para sa akin, alam mo rin na hindi ko yan masusuklian.” Mariin kong sambit at walang pag-aalinlangan na umalis sa cafeteria. Nawala ako sa mood na maglibot sa unibersidad kaya't dumeretso nalang ako sa parking lot at sumakay sa kotse. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Odette ngunit hindi ko iyon pinansin. Nag-iingay naman ang selpon ko at alam kung siya ang tumawag. Hinayaan ko lang itong mag-ingay hanggang sa ito na ang nagkusa na tumahimik. Bumuntong hininga ako, nawalan na naman ako ng isa pang kaibigan. Alam ko ang nararamdaman niya kaya't binalaan ko na siya noon pa man, hindi ko mapunan ang nararamdaman niya para sa akin. Tinungo ko ang penthouse at doon nalang muna tumambay, imbes na may plano ang buong barkada na iinom sa club ng isa naming kaibigan ay wala na akong balak pang pumunta doon. GRENCIE LUZ VILLAVERDE Nakatingin ako kay Martin na naglalakad patungo sa parking lot at tumatakbong nakasunod si Prof Odette, para bang may pinag-awayan ang dalawa. Napangisi ako, it's looks like prof Odette likes Martin. Akala ko mag-jowa ang dalawa dahil sa nakita ko kanina, ngunit hindi naman sweet si Martin kay Odette so, malabong silang dalawa. Hinithit ko ang panghuling stick ng sigarilyo atsaka ko ito inapakan, walang prof maghapon dahil siguro busy na ang mga ito lalo na malapit na ang Valentines day. Naglakad ako pababa at balak na pumunta sa cafeteria upang, makabili ng sandwich. Naalala ko na hindi pala ako kumain ng agahan. Pagdating ko sa cafeteria ay agad napa-kunot ang noo ko ng nag kumpulan ang mga estudyante sa iilang lamesa at parang may pinanuod sa selpon. Hinawakan ko ang braso ng isang estudyante, “Anyari?” Namutla naman agad ito, “Uhmm….Nakuhanan daw ng video si Prof Odette at Mr.Nievera, nag-away raw dahil sa ginawang celebration ni Prof Odette. Alam muna malapit na ang Valentines at akala yata niya na magugustuhan ni Mr.Nievera ang pakulo.” Mas lumalim ang gitna ng noo ko, “What do you mean, hindi niya gusto? Or baka naman hindi talaga sila kaya ganun na lang ang naging reaksyon ni Mr.Nievera.” Komento ko. As if maniniwala ako na silang dalawa, kanina lang nakita kong hinahabol ni Prof Odette si Martin kaya alam kong walang namamagitan sa kanila. Naalala ko kasi yong sinabi ng kasambahay niya, na wala pang babae na dinala niya doon. At knowing na kung si Prof Odette nga ang naging Girlfriend nito, malamang lahat yata ng bahay ni Martin ay pupuntahan niya. Binitawan ko na ito atsaka dumeretso sa counter para makabili ng pagkain. Hindi ko na lang pinansin ang mga bulong-bulong ng iba, lalo na tungkol sa chismis. Matapos kong makuha ang pagkain ay naglakad ulit ako sa pinakadulo at doon pumwesto, tahimik lang akong kumain habang suot ang isang headphone. Nakikinig sa paboritong kanta. Kakagat na sana ulit ako ng sandwich ng biglang may bumangga sa likuran ko kaya't nahulog ang sandwich ko. Tuloy tuloy lang ang lakad nito na para bang hindi niya ako nahagip, dahil sa inis ko ay tumayo ako at dinampot ang food tray na ginamit ko kanina. Nakatalikod siya sa akin at walang pag-alinlangan kong sinapak siya gamit ang food tray, narinig ko pa ang hiyawan ng ibang estudyante pero hindi ko iyon pinansin sa halip ay kinuwelyuhan ko ito. Of course sino pa ba ang galit sa akin kundi ang kaklase ko din, “Alam mo bang binangga mo ako habang kumakain?” Bulong ko sa kanya. “And? Mananapak ka lang ng basta basta?” Sagot nito. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob at kapal ng mukha, “Mmm? Paano kaya kung basagin ko itong mukha mo? Tapos aalis lang ako ng basta basta?” Nakakaloko na saad ko. Hinaplos ko pa ang pisngi nito, ramdam ko din ang pagkislot nito dahil sa ginawa ko. “Subuk—” Hindi ko na ito pinatapos pa at mabilis na sinapak ang mukha nito, hindi pa ako nakuntento at sinapak ko ulit. “Jesus! Villaverde!” Rinig kong sigaw ng isa naming prof. I smiled widely ng makitang puros dugo na ang mukha nito. Hindi ko alam pero satisfied ako sa nakikita ko. “Villaverde, go to the office now!” Nagkibit-balikat ako, alam kong parurusahan ako ni lola kapag malaman niya ito. Malaman niya naman talaga ito dahil tatawagan ito ng council. Naglakad ako pabalik sa lamesa ko kung saan ang gamit ko, at naglakad ulit palabas ng cafeteria na parang walang nangyari. Sanay na ako sa ganito, pero kung sana hindi ganito ang pinapakita ni Grasya ay magpipigil na sana ako. Noon pa man ay hindi ako sanay ng away, ngunit nagbago ako ng papalit-palit kami ni Grasya. Basagulera siya habang ako ay tahimik lang at tinatanggap ang ibang masamang salita. Ngunit hindi kaya ni Grasya ang mga ginagawa ko kaya't hindi niya maiwasan na mapaaway. Malapit na ako sa council office ng mahagilap ko si Ate. Ngumisi ako sa kanya ng tumingin siya sa akin, napapailing pa itong iniwas ang tingin. Ito ang madalas naming gawain, kung sino yong napapaaway ay hindi namin pagtulungan ngunit pagdating sa mansyon ay sila naman ang kakausap kay lola to lessen the punishment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD