ERICE It was my second day in academy. Hindi kami sabay pumasok ni Mileezen dahil may aasikasuhin siya para sa school orientation mamayang hapon at isa siya sa mga organizers doon kaya maaga siyang pumasok. Gaya kahapon, kakaiba na naman ang tingin sakin ng mga estudyante. Ang pinagkaiba lang, matatalim at nang-uusig ang mga tingin na ibinabato nila sa 'kin ngayon. I just ignore them and held my head high while walking. Wala akong oras para alamin pa kung bakit ganyan na lang sila makatingin sa 'kin. The hell I care with their glares. Hindi ko naman ikamamatay ang matatalim nilang tingin eh. Psh! Then, a group of girls blocked my way. Nakahalukipkip ang mga kamay, nakataas ang isang kilay at matalim ang tingin nung tatlong babaeng nasa harapan ko. The girl at the center, I do remember