ERICE Isang linggo na ang nakakalipas nang magsimula ang klase sa CSA. And during that time, hanggang tanaw lang ako kay crush. Hanggang ngiti lang kapag may pagkakataong nagkakasalubong ang tingin namin. Wala akong lakas ng loob para lapitan at kausapin siya. Ewan ko ba. Mapatitig lang ako sa guwapong mukha niya, wala nang pumapasok sa isip ko. Magkatinginan lang kami, hindi ko na magawang magsalita. Umuurong na agad ang dila ko. He was just sitting in front of me. His seat was few inches away from mine, and yet, it felt like miles away from each other every time I would stare at his back. Gaya na lang ngayon, nakatitig na naman ako sa likod niya habang hinihintay namin yung teacher namin. Tahimik lang siya at may nakasalpak na namang earphone sa tainga niya. At sa di-kalayuan, kapans