ERICE
"Nakakahiya!" I hollered. "At nakakainis!" I added after swallowing the pasta on my mouth.
Nandito kami ni Mileezen sa canteen at kumakain ng lunch. After that 'incident' in our class, bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang mga kaklase ko pagkatapos nilang masaksihan ang nangyari kanina.
Kahit hindi naman nila ako tinitingnan nang masama at may panghuhusga, nahihiya pa rin ako. Kung umakto pa sila kanina, parang wala lang. Para bang balewala lang ang hayagang pag-amin ko kung bakit ako lumipat sa school na 'to. At ang nakakainis pa, ganun din kung umakto si Van Miller Buencamino. Yung aktong hindi nito talaga narinig ang anumang sinabi ko.
"Eh, 'di hindi mo na siya crush?"
Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Mileezen. "Of course not! Naiinis lang ako, but it doesn't mean na mawawala na ang pagka-crush ko sa kanya. Naka-earphone siya kaya hindi niya kasalanan kung hindi niya narinig ang mga sinabi ko." I took a deep breath. "Siguro hindi pa talaga ito ang tamang oras para malaman niya ang lihim kong pagtingin sa kanya."
She raised an eyebrow. "Hindi na lihim ang pagtingin mo sa kanya dahil alam na ng buong klase natin. At malalaman na rin iyan sa buong campus."
"Mileezen!"
Sabay kaming lumingon ni best friend sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakangiting lumapit sa 'min ang isang magandang babae na may dalang tray ng pagkain at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Pasabay ako, ha?"
We just nodded in reply. She looks familiar. Parang nakita ko na siya sa klase namin kanina.
"Hindi mo pa siya kilala, 'di ba?" sabi sakin ni Mileezen bago tumingin sa katabi kong babae. "Hey, Trish. Magpakilala ka kay Jude. Classmate natin siya."
She stopped eating her cheesecake. "Oh, sorry. I forgot," she said, apologizing before turning her gaze at me. "Hi. I'm Lian Trisha Elicante. You can call me Trish. Medyo close rin kami nitong si Rhian. And you two are best friends, right?" she introduced before extending her right hand.
Tumango ako bago tinanggap ang pakikipagkamay niya at ngumiti. "Erice Jude Santos. Nice meeting you, Trish."
"You know what, Jude? You're so cool earlier," nakangiting sabi niya.
"What do you mean?" I asked, frowning.
"Your unique way of confession to Miller. It was so cool and amazing."
I winced. "Errr...Nakakahiya nga eh."
Bahagya niyang pinalo ang balikat ko. "Don't be! Huwag kang mahiya saming mga kaklase mo. Suportado ka namin diyan sa nararamdaman mo para sa genius guy natin."
"Why?"
"Because you're different. 'Yung mga babaeng nagtatapat kay Miller, they all look cheap and flirt. But you? I don't find you cheap and flirt at all. The way you confessed to him, you're very sossy and classy."
Natuwa ako sa compliment na iyon ni Trisha, but at the same time, naguluhan. Binalingan ko ng tingin si Mileezen. "Maraming nagtatapat kay crush?" She nodded. "Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"You didn't ask. Tapos ang bukam-bibig mo lang palagi ay kung ano ang nararamdaman mo kay Miller at kung paano mas nadadagdagan ang paghanga mo sa kanya sa paglipas ng mga araw. Besides, ang itinatanong mo lang sakin ay kung may nililigawan si Miller at kung may girlfriend siya. Hindi mo tinanong kung may nanliligaw kay Miller. Magkaibang bagay yun."
Bakit kung minsan pilosopo si Mileezen? I muttered to myself.
"Mag-best friends nga talaga kayo ni Miller, Mileezen. Pareho kayong pilosopo eh," natatawang komento ni Trisha.
My best friend just shrugged in response. Hindi na kami muling nag-usap pa at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Few minutes later, may mga babaeng dumaan malapit sa pwesto namin.
"Papunta ngayon dito sa canteen ang G5."
"Talaga? Minsan lang sila sabay-sabay na pumunta rito."
"Oo nga eh. Mabuti at masisilayan natin sila ngayon."
At kung anu-ano pa ang sinabi nila na hindi na umabot sa pandinig ko nang makalagpas sila.
"As usual, G5 na naman ang pinag-uusapan ng karamihan. No wonder kung bakit mainit ang dugo sa kanila ng ibang estudyante rito especially the basketball players," wika ni Trisha.
Mileezen sipped on her mango shake. "Well, mga insecure lang talaga ang mga naiinggit sa kasikatan nila."
"Mileezen, di ba sabi mo sakin na ipapakilala mo ang G5? Sino ba sila?" Until now, nacu-curious pa rin ako sa G5 na 'yan. Para kasing kilalang-kilala sila rito sa school.
Nakanganga at nanlalaki ang mga matang binalingan ako ng tingin ni Trisha. "What? You don't know them?"
"Bago lang si Jude sa school natin, Trish kaya malamang hindi pa niya alam kung sino ang G5," sagot ni Mileezen dito.
"Kilala niya si Miller, pero hindi niya kilala ang G5. You didn't tell her?"
"Now that you mentioned it, ngayon ko pa lang ipapakilala sa kanya ang G5." At tumingin sakin si Mileezen."G5 is a five-member boyband group in our school. Actually, last year lang sila nakilala as a band. Una silang nag-perform sa JS Prom at marami talaga ang humanga sa kanila. Why? Because they're not just singing and performing, they're also composing. At mga self-composed ang mga songs nila. They're also the top five geniuses here in school," mahabang paliwanag niya.
Mula sa kabilang table na malapit lang samin, narinig namin ang pagtili ng mga babae roon. "Waaahhh! Masisilayan ko na naman ang kagwapuhan nila lalo na ni Xander."
"Makikita ko na naman ang cute na mga mata ni Drenz."
"Mas cute pa rin si Renjo."
"Si Giane pa rin ang bet ko sa kanilang lima. I love his powerful voice."
"Wala pa ring tatalo sa very calm and soothing voice ni Miller. Waaahhh! I love him na talaga!"
"Did she just mention the name of my crush?" tukoy ko sa babaeng nagbanggit ng pangalan ni Van Miller.
"Uh-huh," narinig kong pagsang-ayon naman ng dalawa kong kasama.
"Why?"
"Because Miller is one of the G5 members."
Agad akong napabaling ng tingin kay Mileezen dahil sa sagot niya. At bago pa man ako muling makapagtanong, malakas na tilian na ng mga kababaihan ang narinig namin. Sinundan namin ang direksyong tinitingnan nila at naglalakad papasok ang limang lalaki. At hindi ako maaaring magkamali. Mga kaklase namin sila at kabilang na nga sa kanila si crush ko.
"The guy at the center," narinig kong wika ni Mileezen. At natuon nga ang tingin ko sa lalaking tinutukoy niya. Gwapo siya. "He's the former President of Student Body Organization in our school. Since first year ay siya na ang naging President until last year. Ibinigay na niya sa Vice President ng SBO ang posisyon niya dahil mas pagtutuunan na niya ng oras ang music and band nila. Kahit hindi na siya ang President, iginagalang at sinusunod pa rin siya ng mga estudyante rito."
May narinig kaming nabasag na plato sa hindi kalayuan. Paglingon naming lahat, the guy bullying the other guy. Natapon sa damit ni other guy yung ibang pagkain. At ilang sandali pa, nakita na lang namin na pinuntahan ng G5 yung kinaroroonan ng dalawang lalaki.
"Xander," sabi ng lalaking nambu-bully nang makita kung sino ang nakatayo sa harap nito.
Ngumisi ang tinawag nitong Xander. "Paalis ka na ba?"
"O-oo."
"Pakibasa nga 'yong rules," sabay turo doon sa isa sa mga nakadikit na rules ng canteen.
"Clean as you go."
Tumango-tango si Xander. "That's right. So before you go, clean this mess using your bare hands." At itinuro naman nito yung mga nagkalat na pagkain sa sahig.
Halatang nagulat ang mga estudyante. Even the guy. "What? Are you serious?"
"Of course I am. I will give you two options. Lilinisin mo 'to o lilinisin mo 'to? Pick your choice," Xander said, grinning. Sa totoo lang, kahit sino ay matatakot sa ngisi niyang iyon at mapapasunod ka na lang talaga.
"L-lilinisin ko na 'to," walang nagawang sabi nung lalaki bago yumuko at pinulot na nga yung pagkain na nagkalat sa sahig gamit ang kamay.
"That guy is Kurt Alexander Rivera, the band leader. Guitar and keyboard. And according to students' vocabulary, the manipulator. But to genius' vocabulary, he's the leader," maya-maya pa ay narinig kong pakilala ni Mileezen sa kanya.
Hindi ko naiwasang mapangiti at mapahanga. He's really a good leader and responsible person. Karespe-respeto talaga. And of course, ibang paghanga yun kumpara sa paghanga ko kay crush.
"Yung isang lalaking kanina pa nakangiti, nakikita mo ba?" tanong naman ni Trisha sabay turo sa sinasabi niya.
"Yeah. Mileezen, seatmate mo siya, di ba? Yung tinawag mong Zach?"
She rolled her eyes before answering. "Yeah. Zachary Giane Angeles, the band's main vocalist and Miller's guy best friend. Nagtataka nga ako kung ano ang ikinangingiti niya nang ganyang kalaki ngayon. Samantalang nitong mga nakaraang araw, parang ang init ng ulo niya sakin."
"He's very popular to all the girls here. Siguro na-inlove sila sa voice niya. Well, walang duda dahil ang gwapo naman talaga ng boses niya," puri ni Trisha.
Muli kong pinagmasadan yung Zachary Giane. Parang ang saya-saya nga nito. Nang may lumapit pa ritong babae, ngumiti lang.
"Napagkamalan niya kong lalaki, di ba?" Umoo naman si Mileezen. Tumingin ako sa best friend ko at makahulugang ngumiti sa kanya. "Hindi kaya, masaya siyang malaman na hindi pala ako lalaki?"
Her forehead creased. "Ano naman ang dapat niyang ikasaya roon? Anyway, according to students' vocabulary, he's known as the playboy. But to genius' vocabulary, he's just the friendly one."
"Why sounded bitter?" nakangising pang-aasar ko.
"Bakit bitter ka?"
Nagkatinginan at natawa na lang kami ni Trisha nang sabay kaming magsalita at parehas pa nang sinabi.
"I'm not bitter. Tsk."
Trisha heaved a sigh. "Alam mo, Mileezen? Hindi ko alam kung sino ba sa inyong dalawa ni Giane ang manhid at tanga. Hays!" she said, shaking her head.
I couldn't help but smile on her comment. Mukhang pareho kami nang naiisip kina Mileezen at Zachary Giane. Ipinakilala na ulit nila sakin ang iba pang miyembro ng G5.
"The cute guy with chinky eyes, his name is David Renz Del Franco. Drenz for short and the group's drummer. Quiet-type of guy. And according to students' vocabulary, the straightforward person. But to genius' vocabulary, he's just being honest," sabi ni Mileezen bago tumingin sakin at ngumiti. "Kaya kapag may sinabi siya sayo, maniwala ka na lang dahil totoo yun."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. At bago pa man ako makapagtanong, nagsalita na si Trisha. "The genius guy beside him is Renz Joseph Del Franco, guitarist and vocalist. Renjo ang tawag ng karamihang estudyante sa kanya. Opposite siya ni Drenz. Kung si Drenz ang quiet-type, siya naman ang noisy-type of guy."
"And he's your type of guy," nakangising panunukso ni Mileezen na inirapan lang ni Trisha. "According to students' vocabulary, the joker. But to genius' vocabulary, he's just the type of guy with sense of humor," dugtong pa niya.
"Magkapatid ba silang dalawa?" tanong ko habang nakatuon ang tingin kina David Renz at Renz Joseph. May lumapit na babae dun sa sinabing Renz Joseph.
"Pwede ba tayong magdate?"
Bow ako sa lakas ng loob ng babaeng magyaya ng date sa isang lalaki. At muntik na kong matawa nang ma-imagine ko rin ang sarili ko na niyayaya si crush sa isang date. Nai-imagine ko kasing hindi siya magdalawang-isip at mabilis na papayag sa invitation ko.
"They are not just brothers. Actually, they are twin brothers."
Agad akong napatingin kay Mileezen. "Seriously? Kambal sila? Hindi sila magkamukha," hindi makapaniwalang sabi ko.
"Of course, they don't look-alike because they are paternal twins and not identical twins." Narinig kong sagot ni Trisha na ikinalingon ko sa kanya. Ngumisi siya sakin. "Iyan ang isasagot ni Miller sayo kapag narinig ka niyang itinanong ang bagay na 'yan."
"Pwede naman, kaya lang wala akong oras eh. Maybe next time?" nakangising sagot ni Renz Joseph.
"He's lying. Wala siyang oras sa 'yo at wala ng next time 'yan," sabi naman nung David Renz.
"Hey, David! Wala namang ganyanan. Kita mo na ngang nagpapaka-gentleman ako rito para hindi magmukhang tumatanggi ako sa pagyayaya niya eh." Muli nitong binalingan ang babae at ngumisi. "Huwag mong pakinggan ang sinabi niya."
"Nakilala mo na ang four members ng G5, and I know yung isa talaga ang pinakagusto mong makilala." Hindi ko na nilingon pa si Mileezen. Nakatuon na ang buong atensyon ko sa crush ko. Nangalumbaba ako at nakangiting pinagmasdan ang mukha niya. Kahit seryoso lang siyang nakatayo kasama ang mga kaibigan, napakagwapo pa rin niya.
"Van Miller Buencamino, the bassist and second vocalist after Zach. Yung apat, two numbers lang ang makikita mo sa report cards nila. Either 99 or 100. Kay Miller? Isang number lang ang makikita. Perfect 100. That's how genius they are. At walang duda na si Miller din ang tinaguriang number one genius here in our school. Hobbies? Singing and composing. May pagkapilosopo, but according to him, he's just using his logic and common sense."
Mas lalo akong napangiti at napahanga sa mga narinig tungkol kay crush. He's definitely a genius. And now I'm wondering, may mga bagay rin ba siyang hindi kayang gawin?
"And according to students' vocabulary, the heartbreaker. But to genius' vocabulary, he's a rejecter."
Naglaho ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabing iyon ni Mileezen. "What? Si crush? Heartbreaker? Rejecter? How come?" 'di makapaniwalang tanong ko.
Nagkatinginan sila ni Trisha bago may inginuso. Sinundan ko naman ng tingin ang direksyong tinitingnan nila. At bahagya akong natigilan nang may babaeng lumapit sa crush ko.
Pinagmasdan kong mabuti yung babae. And I smirked slyly. Mas maganda pa rin pala ako sa kanya. Lumamang lang siya sa kalandian. Kitang-kita oh.
"Miller, please accept this letter," nakangiting sabi nung babae habang iniaabot ang hawak na envelope with hearts. Nakikita ko rin ang kalandian sa ngiti nito.
Saglit lang iyon tinapunan ng tingin ni crush bago walang-emosyong binalingan yung babae. "If accepting your letter means accepting your so-called undying love for me, then I won't accept it."
Bahagyang natulala ang babae, pero agad ding ngumiti. "Okay lang na hindi mo tanggapin ang letter ko. Hindi pa rin ako susuko sayo. Mapapasagot din kita."
"You're not even asking a question, so why would I answer you?"
"Boom!" Narinig kong reaction ng apat na members ng G5.
Medyo napahiya nang konti yung babae dun, pero taas-noo pa rin itong umalis at kumekembot na tumalikod sa kanila.
"See? Nakita mo kung gaano kapilosopo ang crush mo? At kung paano niya i-reject ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya? Sang-ayon ako na rejecter si Miller, but not a heartbreaker. Never siyang nagpaasa at nagpaibig ng babae para lang saktan sa huli. Kita mo naman, di ba? Sa simula pa lang, tinatanggihan na niya ang mga ito," pahayag ni Trisha.
Hindi ko rin napigilang isipin kung ako yung nasa posisyon kanina ng babae. What if magtapat rin ako nang harapan sa kanya? I-rereject din kaya niya 'ko?
"Hindi naman dating ganyan si Miller." Sabay kaming napalingon ni Trisha sa sinabing iyon ni Mileezen. "Oo. Mailap siya sa mga babae noon at hindi na lang niya pinapansin ang mga nagkakagusto sa kanya dahil iniiwasan niyang makasakit ng damdamin ng babae. Never niyang ni-reject noon ang mga iyon nang harapan. But seeing him right now, he's totally different from the Miller I used to know when it comes to girls," dagdag niya habang nakatingin sa direksyon ni Miller.
Sinundan ko rin ang taong tinitingnan niya. Hindi ko rin maiwasang maitanong kung bakit nga ba nagkaganoon si crush. Bakit parang malupit siya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya? Although, part of me was happy dahil hindi siya nag-e-entertain ng ibang babae, pero may parte rin ng puso ko ang nalulungkot. Kasi kung lahat ng babaeng nagkakagusto sa kanya ay ire-reject niya, maaaring i-reject din niya ko.
Bigla kong naisip ko yung sinabi sakin kanina nung David Renz. Siya ang katabi ko sa left side. Pagkatapos ko kasing magpakilala sa klase, malungkot akong nagtungo sa bakanteng upuan. And fortunately, sa likod iyon ni crush kaya malaya ko siyang mapagmamasdan mula roon.
"He heard it. Miller heard you."
That's what he said to me a while ago na hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan o ano.
"Kaya kapag may sinabi siya sayo, maniwala ka na lang dahil totoo yun."
Nag-echo rin sa isip ko ang sinabing iyon ni Mileezen. Isipin ko pa lang ang mga sinabi nila sakin, hindi ko maiwasang malito ngayon. Hindi niya ba talaga ako narinig o mas pinili lang niyang magpanggap na hindi narinig ang mga sinabi ko?
Hindi ko inalis ang pagkakatitig kay crush. Then, our eyes met. My heart started pounding so fast and loud. Narinig mo nga ba talaga ako, Van Miller Buencamino?