Chapter 2 : Elementals

2590 Words
*Carmela's POV* Muli kong inikot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid kung nasaan ako. Medyo kumakabog parin ang dibdib ko sa kaba at hindi ko magawang alisin sa pagkakakuyom ang mga kamay kong nasa kandungan ko. Panay din ang paghinga ko ng malalim at abot langit ang pagpipigil kong tumayo sa kinauupuan ko. Muli akong napabaling sa isang watawat sa dingding. Sa likod ng isang magarang mesa. May simbolo dun ng isang gintong kalasag. Meron iyong limang bilog na may ibat ibang kulay at dalawang letra sa gitna. Ang letrang G at A. Meron ding nilalang sa magkabilang gilid nun na nakikita ko lang sa mga librong nababasa ko. Griffins? Hula ko. Pinagmasdan ko ng husto ang simbolo sa watawat pagkatapos ay bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba. Natense ang katawan ko at parang nanayo ang mga balahibo ko habang pinagmamasdan ang watawat. Parang may kakaiba doon na para bang may pwersa o enerhiyang nanggagaling talaga doon at pumupuno sa silid. Unti unti rin yung bumabalot sa akin. "Mela." Napapitlag ako ng may humawak sa mga kamay ko. Marahas akong bumaling sa gilid ko at muntikan na kong mapatalon sa upuan ko dahil sa pagkabigla. "H-ha?" Nausal ko. Habang tila hinihingal na nakatingin kay Daddy. Mabilis din ang t***k ng puso ko. "Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong niya. Nakaupo siya sa tabi ko at naghihintay din sa pagdating ng Headmaster ng paaralang ito. Bahagyang magkasalubong ang kilay niya at sandali ring pinakatitigan ako. "Kinakabahan ka ba?" Tanong pa niya. Pasimple akong huminga ng malalim at pilit kinalma ang sarili ko bago dahan dahang tumango sa kanya. Nakakaunawang ngumiti naman siya. "Huwag kang magalala. Magugustuhan  mo rin dito. Nakakakaba talaga sa simula pero pagnakilala mo na ang mga kaklase mo at pagnasanay ka na sa buhay sa loob ng Academy ay siguradong maeenjoy mo ang pagaaral mo dito." Assurance pa niya. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti at tumango sa kanya. Pagkatapos ay nag-aalangang nagsalita. "Kailangan po bang pumasok talaga ako dito?" Hindi ko mapigilang itanong. Bahagya siyang naging seryoso. "Mela. Alam mo noon pa na kailangan mong pumasok  dito. Hindi ba at naipaliwanag na namin sayo ito ng magising si Irja." Tukoy niya sa Spirit ko. Muling sumingit sa isip ko ang alaala ng mangyari yun. Maging ang unang araw na nalaman ng mga magulang ko na Elemental ako gaya nila. Pitong taon na ko nun at naglalaro lang ako noon sa hardin namin habang naguusap sila sa Gazebong naroon. Pero nagulat sila ng puntahan ko sila at   bigyan ng isang bulaklak na gawa sa bato. Nung una ay nagtaka sila kung saan ko iyon nakuha. Pero ng sinabi kong ako mismo ang pumitas noon ay saka sila mukhang nabahala. Muli nila kong sinamahan sa pinagkuhanan ko nun at pinapitas ulit ako ng isang bulaklak. Walang muwang na sumunod naman ako sa pagaakalang gusto pa nila ng isa. Muli akong pumitas ng bulaklak habang nasa tabi ko sila. At ng maputol ko ang tangkay niyon ay mabilis iyong naging bato habang hawak hawak ko. Narinig ko rin ang pagsinghap ni Mama kaya napatingin ako sa kanila. Kumunot pa ang noo ko ng makitang parang gulat at di makapaniwala silang nakatingin sa akin. Inosenteng inabot ko sa kanila ang batong bulaklak na hawak ko. Noon, ang akala ko ay natural lang ang nangyari. At kakaibang bulaklak lang talaga ang pinitas ko. Na sa oras na maalis siya sa pinakapuno niya ay mamatay siya at magiging bato. Pagkatapos ng araw na yun ay tila namoblema ang mga magulang ko. Parati ko silang nakikitang naguusap ng palihim. At halatang hindi nila gustong iparinig yun sa akin. Nakita ko ring iilang beses umiyak si Mommy. Ilang beses kong tinanong noon si Daddy kung anong dahilan ng pagitak ni Mommy pero tipid na ngumiti lang siya sa akin at hinaplos ang ibabaw ng ulo ko. Ilang linggo din ang lumipas ng may ilang taong bumisita sa amin. Anim sila. Puro mga lalaki. Nakasuot sila ng kung hindi purong itim ay purong puti naman. Kakaiba ang dating nila, lalo na at mukha silang seryoso habang kaharap ang magulang ko. Hindi ko noon maintindihan ang pinaguusapan nila. Basta ang alam ko lang ay napagdesisyunan ng mga taong yun na isama kami sa isang lugar. Pumayag naman ang mga magulang ko at mabilis kaming sumama sa mga bisita. Gusto kong magtanong noon kung ano ang nangyayari. Pero ramdam ko naman na hindi ko lugar ang magtanong ng magtanong.  Kaya sa kabuuan ng byahe ay nanatili lang akong tahimik. Nakatulog din ako kaya hindi ko namalayan ng makarating kami sa sadya namin. Ng alalayan ako ni Daddy na lumabas mula sa sasakyan ay halos mapanganga ako ng makita ang gintong kastilyo sa harap ko. Para yung mga nakikita ko sa Disney Movies na pinapanood ko! Kung saan nakatira ang isang prinsipe o prinsesa. Halos mapunit din ata ang bibig ko sa pagkakangiti ko at napuno ng excitement ang buong katawan ko. Pinasunod kami ng mga 'bisita' namin sa loob. Hinawakan naman nila Mommy at Daddy ang magkabilang kamay ko at nagsimulang maglakad. Hindi ko alam kung ilang palapag ang inakyat namin at anong corridor ang nilikuan namin basta huminto nalang kaming lahat sa tapat ng isang malaking pinto kung saan nakatayo ang tatlong lalaki. Isa sa kanila nakapurong puti, isa din ang purong itim at isa naman ay kulay grey. "Headmaster. Mr Daniels. Mr Pierce." Halos sabay na pagbati nila Mommy at Daddy, at maging ang mga taong sumundo sa amin na pumwesto sa likuran namin ay magalang ding yumuko sa tatlo. Nakangiti namang nilang tinanguan ang mga magulang ko bago bumaling sa akin. "Siya ba ang inyong anak?" Tanong pa ng nasa gitna. Tumutok sa akin ang abuhing mata niya. Napahigpit ako ng hawak kela Mommy at bahagya akong lumapit kay Daddy. "Siya nga Headmaster." Sagot ni Daddy. Sandali akong pinakatitigan nung Headmaster na para bang may hinahanap siya sa akin. Maya maya ay ngumiti siya. "She's one us." Sabi niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ng mga magulang ko na para bang hindi nila gusto ang sinabi niya. "Papasukin na natin siya. Para magising na ang Spirit niya at ganap ng lumabas ang kakayhan niya." Dagdag pa ni Headmaster. Bumaling siya sa pinto. Ganun  din ang dalawang kasama niya at binuksan iyon. Pinapasok nila kami doon. Naramdaman ko ang sandaling pagaatubili ng mga magulang ko bago sila kumilos para pumasok sa loob. Pagdating doon ay muli kaming humarap sa isang napakalaking pinto. At sa liit ko ay halos naging higante iyon sa paningin ko. Hindi ko napigilang magtago sa likod ni Papa dahil sa takot na bigla kong naramdaman. Hindi pa nakatulong na madilim sa silid at tanging ang iilang apoy sa dingding ang nagbibigay ng liwanag. Unti unting bumukas ang pinto kahit walang nagbubukas niyon. At parang gusto kong kumaripas ng takbo palabas dahil sa nakakatakot na tunog na ibinibigay niyon. Hindi naman tuluyang bumukas iyon, bagkus ay maliit lang ang uwang na iniwan niyon. "Papasukin mo na siya." Sabi ni Headmaster. Takot na binalingan ko siya. Pagkatapos ay sa mga magulang ko. Kumilos naman si Daddy at inalis ako sa likuran niya. He crouched infront of me. Nginitian nya rin ako pero maykakaiba sa mga mata niya. Na para bang natatakot siya. O.... naaawa. "Mela makinig ka... kailangan mong pumasok sa loob at..... maghintay." Sabi niya. Takot na tiningnan ko ang pinto at ang kadiliman sa kabila niyon, pagkatapos ay hinarap ko si Daddy at mabilis na umiling. "A-ayoko po..." takot na sabi ko. At halos naiiyak narin ako. "Shh... it's ok. Hindi ba at gusto mong magkaroon ng alaga. Naroon siya at naghihintay sayo." Kumbinsi pa niya habang hinahaplos ang braso ko para pigilan ako sa pagiyak. Marahas parin akong umiling. "A-ayoko po....." Nakita ko ang pagaalala niya ganun din ang namomoblemang tingin niya kay Mommy. Tinabihan siya ni Mommy sa harap ko. Di gaya ni Daddy,mamasa masa ang mga mata niya. Nakita kong huminga siya ng malalim at pinilit na ngumiti. "Mela.... naalala mo ba si Tyrone?" Tanong pa niya. Kumunot ang noo ko ng banggitin niya ang kaibigan ko. Mula kasi ng saluhin nya ko ay naging matalik na rin kaming magkaibigan at lagi naming binibisita sang isat isa para maglaro. Dahan dahan akong tumango. "Hinihintay ka nya doon sa loob. Kaya huwag kang matakot." Sabi pa niya. Hindi pa lingid ng batang isip ko noon na nagsisinungaling lang siya. Naniwala ako kaya kahit natatakot ay pumayag akong pumasok. Ilang beses ko rin silang nilingon bago tuyang humakbang papasok sa pinto. Hindi ko na matandaan ang nangyari noon maliban sa pagdilim ng buong paningin ko. Basta ng muli kong buksan ang mga mata ko ay nasa silid ko na ulit ako. At sa tabi ko.... ay isang Hedgehog. Nagising rin iyon at lumapit sa akin. At  sa kaunaunahang pagkakataon ay narinig ko ang babaeng tinig ng Spirit ko. Hello Mela. Ako is Irja. At mula ngayon ay makakasama mo na ko. Sabi niya. Pagkatapos nun ay ipinaliwanag sa akin paunti unti nila Mommy at Daddy habang lumalaki ako ang tungkol sa amin. Sa mga taong biningyan ng lakas ng mga elemento ng mundo at biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan. Ang mga Elemental. Tinulungnan din nila akong kontrolin ang kakayahan ko. Sa mga unang buwan kasi mula ng magising si Irja ay halos nagiging bato ang lahat ng mahawakan ko. Kaya halos naging problema iyon sa akin. At natakot din akong hawakan maging sila Mommy. "Mela?" Untag sa akin ni Daddy nawala ako sa nakaraan at muling napunta sa kasalukuyan. Binalingan ko siya pero hindi ako nagsalita pa. Nagbuntong hininga naman siya. "Natapos mo ang entrance exam at nakapasa ka. Kaya wala ka dapat ikabahala. Mas matutunan mo ang paggamit mo ng kapangyarihan dito." Ano pa nga bang maisasagot ko? Wala naman na kaya tumango nalang ako. Ilang minuto pa bago dumating si Headmaster. Napatayo ako ng tumayo rin si Daddy at magalang na yumuko kay Headmaster. Ginaya ko siya at yumuko din. "Maupo kayo." Sabi ni Headmaster. Tumalima naman kami. Umupo si Headmaster sa silya sa likod ng magarang mesa. At sa likod nya ang watawat ng Academy. Lalo tuloy siyang naging intimidating. "Matagal narin ng huli kitang makita Mela. Masaya kong makita na makakapasok ka na ng Academy. Masyado ka pa kasing bata noon kaya hinayaan ka muna naming manatili sa mga magulang mo. Tutal ay parehas silang Elemental kaya wala kaming nakitang problema kung mananatili ka kasama nila." "Salamat po." Tanging nasabi ko. "Alam kong medyo kontrolado mo na ang kakayahan mo. Pero.... tiniruan ka narin ba nilang gamitin ang sandata mo?" Umiling ako. Tumango naman siya. "Dont worry. Kami naman ang bahalang magturo sayo." Sabi niya ng may kumatok sa pinto. Lahat kami napabaling doon ng pumasok ang isang lalaking nakapurong itim. Isa siya noon sa kasama ni Headmaster. Ano nga ulit ang pangalan niya? "Carmela. Siya si Jason Pierce. Ang Head ng magiging House mo. Ang House of Nacht. Siya ang bahalang magorient sayo sa loob ng Academy. Kapag may tanong ka ay maaari mo siyang lapitan." Pakilala ni Headmaster sa bagong dating. Magalang na yumuko si Mr Pierce kay Headmaster bago bumaling sa akin at tipid na ngumiti. "Maligaya kong makita ka ulit, Carmela. At welcome sa Guillier Academy." Ngumiti ako sa kanya sa kabila ng kaba ko at bahagyang yumuko din bilang paggalang. "Salamat po." "Sige na. Si Jason na ang bahala sayo. Lahat ng kakailanganin mo ay nasa Dorm mo na." Sabi ni Headmaster. Tumayo si Daddy kaya tumayo narin ako. Parehas kaming nagpaalam kay Headmaster at sinundan palabas si Mr Pierce. Pagkasara ng pinto ay hinarap ako ni Daddy.  Ngumiti siya at hinaplos ang ulo ko. "Kailangan ko ng umalis. Paghusayan mo ang pagaaral mo dito. Magkikita parin naman tayo at hihintayin ka namin ng Mommy mo sa paglabas mo ng Academy." Parang maiiyak ako. Kaya kinagat ko ang ibabang labi ko at pinigil ang mga luha ko. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at halos ayoko na siyang bitiwan. Natatakot talaga ako. Pero hindi ko naman yung gustong aminin. Tinuruan niya kong maging malakas kaya hindi dapat ako magpakita ng kahinaan. Ng magbitiw kami ay hinalikan niya ko sa noo at pagkatapos ay nagpaalam na ng tuluyan. Nagtanguan din sila ni Mr Pierce bago siya umalis. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko habang nakikita siyang unti unting lumalayo sa akin. Bawat hakbang na ginagawa niya ay syang pagbilis naman ng t***k ng puso ko at pagtindi ng takot at kaba ko. Hindi ko namalayang humakbang na pala ang paa ko para sundan siya ng hawakan ni Mr Pierce ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya at nakakaunawang ngumiti naman siya sa akin. Ang kamay niya ang tanging  pumipigil sa akin para sundan si Daddy. Ng tuluyang mawala si Daddy sa paningin ko ay saka lang ako binitawan ni Mr Pierce. Bumagsak naman ang balikat ko at binalot ng lungkot ang puso ko. "Halika na. Ililibot muna kita sa Administrator's building tutal ay narito narin naman tayo." Narinig kong sabi niya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Sumunod lang din ako sa kanya. Pero halos hindi pumapasok sa utak ko ang mga salitang binibitiwan nya habang nagpapaliwanag patungkol sa mga bagay bagay na nadadaaanan namin. Ilang palapag din ang nadaanan namin at ilang classroom din ang ipinakita niya sa akin. Halos lahat ng iyon puno ng mga estudyante. Pero napansin ko na iba iba ang kulay ng uniporme nila. Hindi ba at iisang Academy lang kami? Bakit magkakaiba ang suot nila? Tanong ko sa isip. Itatanong ko na sana yun kay Mr Pierce ng makarinig ako ng nagtatakbukan sa hallway kung nasaan kami. Sabay pa kaming napabaling dun ni Mr Pierce. At halos tumigil ang puso ko ng makita kung sino ang isa sa dalawang lalaking mabilis na tumatakbo palapit sa amin. Parang napigil ko rin ang hininga ko habang hindi kumukurap na tinitigan siya. Nakita ko pa si Mr Pierce na humarang sa dalawa. Mabilis na napahinto naman sila at hinihingal na tumingin kay Mr Pierce. Parehas pa silang tila nabigla ng makilala ang Head ng House ko at mabilis na umayos ng tayo. "Mr. Pierce." Magalang nilang sabi. "Tyrone. Caleb. Bakit narito pa kayo? Kanina pa nagsimula ang klase ha?" Seryosong tanong ni Mr Pierce. Nakita kong napangiwi sila at halatang nagiisip ng paliwanang ng dumako ang mga mata niya sa akin. Parang muling tumibok ang puso ko ng magtagpo ang mga mata namin at naibuga ko ang hanging kanina ko pa pala pinipigil. Ilang taon na rin ba ng huli kaming nagkita? At mula noon ay wala na kong nabalitaan sa kanya. Yun pala ay narito lang siya. Bakas sa mukha ni Tyrone ang pagkagulat at base sa reaksyon niya ay alam kong nakilala niya ako. Sa wakas... hindi naman pala ako nagiisa. Nandito siya. At alam kong tutulungan niya kong magadjust dito. Unti unti akong ngumiti at hahakbang na sana palapit sa kanya ng kumurap siya na parang ginigising ang sarili niya at pagkatapos ay nagiwas ng tingin sa akin. "Paumanhin Mr Pierce. Hindi lang namin namalayan ang oras. Nasobrahan kami sa pagsasanay." Sagot niya kay Mr Pierce ng hindi na ko tinatapunan pa ng tingin. Kumunot ang noo ko at unti unting nawala ang ngiti ko sa ipinapakita niya. Para kasing hindi niya ko kilala .... at ang masakit pa ay parang hindi niya ko nakikita dahil nakatuon lang ang mga mata niya sa Head ng House ko. Bakit? Bakit ganyan siya? Ni ngiti o kaway man lang patunay na nakilala niya ko ay hindi niya ginawa. Bagkus ay tuluyan nya kong binabalewala. "Late parin kayo. Kaya magdededuct ako ng 25 points sa inyo. Sige na. Pumasok na kayo sa klase nyo." Utos ni Mr Pierce. "Sige po." Sabay nilang sabi at parehong yumuko. Pagkatapos ay kumilos sila para lampasan si Mr Pierce. Nakita kong tiningnan ako ng kasama ni Tyrone pero siya.....diretso lang ang tingin niya na parang hangin lang ako sa harap niya. Parang nanikip ang dibdib ko na parang wala lang ng lampasan niya ko. Napauwang ang labi ko at nilingon siya. Pero hindi rin siya lumingon sa akin. Naramdaman kong naginit ang mga mata ko habang nakatingin sa papalayong pigura niya. Bakit? Anong..... nagawa ko? Isip isip ko at ng lumiko siya ng di parin ako nililingon ay naramdaman kong may luhang kumawala sa mga mata ko. ____________________ Shane_Rose
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD