*Tyrone's POV*
Nandito siya. Ibig sabihin.... kagaya ko din siya.
Hindi makapaniwalang isip ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakabawe sa pagkabigla ko ng makita ko si Carmela sa hallway kanina
Ang akala ko pa ay namalik mata lang ako ng una ko siyang makita. Pero ng ngumiti siya ay saka ko lang napatunayang totoo siya.
Ilang taon na rin ba ang lumipas? Tatlo? Pero wala paring pinagkaiba ang itsura nya. Maganda parin siya...
Napabuntong hininga ko sa iniisip ko at nasapo ang ulo ko. Nakita ko ring napatingin sa akin si Simon mula sa upuan niya. Pero saglit lang nya kong binalingan ng tingin at muling itinuon ang atensyon nya sa klase.
Naguguluhang tumingin naman ako sa bintanang katabi ng upuan ko at hindi na nakinig pa sa kung ano mang itinuturo sa amin.
Masyadong magulo ang utak ko kaya alam kong hindi ko rin maiintindihan ang ipinapaliwanag ng professor namin. Balewala rin kung susubukan kong makinig, kaya hinayaan ko nalang na maglakbay muli ang isip ko at paulit ulit na inalala ang nangyari kanina.
Pinakiramdaman ko rin ang t***k ng puso ko at napabuga ako ng hangin ng maramdaman ko ang normal na pagtibok niyon. Kanina kasi ay kumabog iyon ng malakas lalo na ng magtagpo ang mga mata namin. Parang sandali ring tumigil ang oras. Pakiramdam na matagal ko ng hindi nararanasan.
Sandali rin akong hindi nakahuma sa harap niya. Pero ng kumilos siya ay agad na sumingit sa isip ko ang isang hindi magandang alaala.
Naglahong bigla ang saya sa puso ko. At napalitan ng kaba at guilt ang nararamdaman ko. Sumikip din ang dibdib at napigil ko ang hininga ko.
Mabilis kong ikinurap ang mga mata ko para mawala ang alaala na yun sa isip ko, pagkatapos ay iniwas ko kay Mela ang tingin ko. Hindi ko na rin siya muli pang binalingan para hindi niya makita sa mga mata ko ang paghihirap na nararanasan ko.
Hindi. Ayokong makita niya ang kahinaan ko. At hindi ko gustong magmukhang mahina sa harap niya.
Tanging siya lang ang nakakakilala sa akin ng husto. Kaya alam kong makikita niya ang totoong nararamdaman ko kahit gaano ko man pilit iyong itago sa loob ko.
Masyadong malambot ang puso niya, at madadamay lang siya sa paghihirap ko kung sakaling nakita niya ang emosyon ko.
Hindi ko siya gustong balewalain kanina. Sa totoo nyan ay gusto ko siyang lapitan at yakapin ng una ko palang siyang makita. Pero naunahan ako ng takot at kaba. At nanaig ang utak ko kesa sa dikta ng puso ko.
Kaya kahit mahirap ay pilit kong binalewala ang presensya niya.
Napapikit ako at naisubsob sa mesa ang ulo ko.
God! Parang gusto ko bugbugin ang sarili ko! Alam ko na nasaktan ko siya sa ginawa ko. At malamang ay galit na siya sa akin ngayon. O mas malala.... ay umiiyak na siya ngayon.
Lalong bumigat ang dibdib ko. Mas ok na sa akin ang magalit siya at saktan ako kung kinakailangan, pero ang umiyak siya ng dahil sa akin? Mas double ang sakit nun.
Pero.... para narin siguro sa ikabubuti namin to.
Isip isip ko. Nagdilat ulit ako ng mga mata at nangalumbaba sa mesa ko. Tumingin din ako sa harap kung nasaan nagtuturo ang professor namin. Pero wala sa mga itinuturo nya ang isip ko.
Nasaktan ko na siya noon. At ayoko ng mangyari ulit yun. Sinasadya man o hindi. Hindi ko na makakaya na makita ulit siyang nasasaktan. Kaya para sa ikabubuti namin pareho ay lalayo na ko sa kanya.
Muling sumingit sa isip ko ang eksena kanina. Kung saan kasama niyang nakatayo sa hallway si Mr Pierce. Hindi pa nakauniporme ng Academy si Mela. Pero dahil kasama niya ang Head ng House of Nacht, malamang ay doon siya mapupunta.
She will be my enemy. Hanggat narito kami sa Academy.
Muli akong napabuntong hininga. Mukhang kahit ang kapalaran, sumasangayon na hindi kami dapat magsama.
"Hoy!" Untag sa akin ng kung sino sabay batok sa ulo ko.
Halos masubsob ako sa mesa kung hindi ko lang agad napigilan ang ulo ko. Marahas akong bumaling sa may gawa nun at pinaningkitan siya ng mga mata habang hinihimas ang nasaktang ulo ko.
"Aray! Bakit ka namatok?!" Inis na sigaw ko. Huli na ng maalala ko na nasa loob kami ng klase. Mabilis akong bumaling sa harap at kinakabahang tiningnan ang Professor namin. Pero ng hindi ko siya makita doon at tanging ang mga natatawang mukha nalang ng mga kaklase ko ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Mukhang sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang natapos na pala ang klase namin.
Nakarinig ako ng tawa sa gilid ko kaya naiinis kong binalingan ang nambatok sa akin..
"Ang sakit nun ah." Inis na sabi ko kay Simon. Nakatayo na siya sa gilid ko katabi ng nakangising si Liam ."Ngayon ka na nga lang papasok nananakit ka pa."
Umismid naman siya at umupo sa gilid ng mesa sa likod niya. Humalukipkip din siya at tiningnan ako ng masinsinan.
Pare-pareho kaming tatlo na kulay puti ang uniporme bilang pagkilala sa House namin. Ang Lumiere. Habang ang ibang kaklase naman namin ay kulay itim bilang pagkilala sa House nila. Ang Nacht.
Magkakaiiba lang din ang kulay ng necktie at isang linya sa lining ng blazer namin. Yun kasi ang sumisimbolo sa Element namin.
Berde ang kay Simon. Simbolo ng pagiging Air User nya. Dilaw naman kay Liam dahil sa pagiging Earth User nya. At kulay asul sa akin bilang simbolo ng Water Element ko.
Pare-pareho din kaming may kulay gintong badge sa kaliwang dibdib ng blazer namin bilang pagkilala sa rank namin. Lahat kaming narito sa silid, magkaiba man ng House ay may ganun din. Dahil lahat kami ay mga Elites.
Iilan lang kami kumpara sa dalawang rank na mas mababa sa amin.
Ang Advance level na sumunod sa amin. Na makikila dahil sa kulay pilak na badge nila. At ang mga Novice na siyang pinakamababa sa Academy. Taglay naman nila ang kulay bronze na badge.
"Kanina ka pa namin tinatawag pero tulala ka lang diyan." Sabi ni Simon at tinaasan ako ng isang kilay. "Anong problema mo?"
"Wala." Mabilis kong sagot.
"Tsk. Wala daw. Eh halatang halata na meron." Singit ni Liam.
Inambahan ko siya. "Tumahimik ka nga dyan, Liam boy. Hindi ikaw ang kausap ko."
Imbes na mainis dahil sa paggamit ko ng pet name na ibinigay ko sa kanya, ay lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya. Sandali niya rin akong tiningnan bago tila may idea na pumasok sa isip niya.
"Alam ko na!" Nakangisi pang sabi niya. Maging si Simon kunot noong binalingan siya. "Kanina ayos ka naman sa training natin. Pero ng dumating ka dito ay parang pinagsakluban ka na ng langit ang lupa. So ibig sabihin.... kung anuman man yang problema mo, naencounter mo yan habang papunta ka dito. At ang kasama mo lang nun ay si Caleb. Kaya malamang na alam niya kung anong pinoproblema mo."
Gusto kong mapalatak sa sinabi niya. Pero tanda lang yun na tumama siya, kaya imbes na gawin yun ay ngumiti ako ng malawak sa kanya.
"Grabe ang utak mo. Lawak ng imagination mo. Try mo maging writer. " suhestiyon ko pa.
Pero lalo lang nagningning ang mga mata niya sa tuwa.
"Tsk tsk tsk. Guilty, Tyrone. Matanong nga si Caleb." Nakangising sabi niya at bago ko pa siya mapigilan ay mabilis siyang tumakbo palabas ng silid.
"Damn." Nausal ko at mabilis siyang sinundan.
"Excuse me!" Pasintabi niya pa sa mga kaklase naming nakaharang sa kanya. Ilan pa ang nabangga niya at galit na sinigawan siya, humingi naman siya ng tawad pero nagpatuloy parin siya sa pagtakbo niya.
"Hoy Liam! Tumigil ka nga!" Sigaw ko pa sa kanya.
"Ayoko nga." sigaw niya. Nakangising nilingon pa niya ko saglit habang tumatakbo. "Ngayon ka lang nagkaganyan. Kaya dapat lang na malaman ko kung anong dahilan."
"Aishhh! Daig mo pa ang tsimosa!" Sigaw ko na kinatawa ng mga nakakarinig sa amin.
"Wala akong pake." Sigaw naman niya.
Tsk! Bakit ba ang bilis tumakbo ng isang to. May lahing atang kabayo to eh.
Naiinis na isip ko. Hindi ko kasi siya maabut-abutan. At ang masama pa lumaki ng lumaki ang distansya namin hanggang sa makarating siya sa silid ng mga Higher Elites.
Hinabol ko pa din siya. Kung saan alam kong naroon si Caleb.
Parehong Itim at Puti din ang uniporme nila dito. Dahil magkahalo rin ang House of Nacht at House of Lumiere sa silid na to.
Hinihingal na humawak pa ko sa magkabilang hamba ng pinto habang hinahanap siya sa loob ng silid. At ng makita ko siya na animated na kausap sila Caleb ay napapalatak na ko. Hinihingal pa siya pero hindi naging hadlang yun sa pagsasalita niya.
At halos mapaungol ako ng makitang maging sila Clynne at ilang Higher Elites ng Nacht ay curious na nakikinig sa kanya.
Mabilis ko siyang pinuntahan at Hinead lock.
"Aray!" Daing pa niya, pero binalewala ko iyon. Naamused naman kaming tiningnan ng mga Higher Elites.
"Pasensya na at naabala pa namin kayo. Wala lang magawa ang isang to kaya kung ano ano ang iniisip gawin." Sabi ko kela Caleb at ngumiti ng malaki.
"A-anong wala? G-gusto ko lang naman malaman.. Ahh!" Sigaw niya ng higpitan ko ang braso ko sa leeg niya.
"Hehe.. sorry ulit. Ako ng bahala sa isang to." Sabi ko at pilit hinihila si Liam palabas. Pero nagmamatigas siya kaya hindi rin kami halos gumalaw sa kinatatayuan namin.
"It's ok, Tyrone. Mukhang importante ang itinatanong niya. Kaya bitiwan mo na siya at ng marinig namin ng maayos ang sinasabi niya." Naaaliw na utos ni Clynne. Kulay puti din ang uniporme niya at Cream ang necktie at lining ng blazer niya. Tanda ng pagiging Aether User niya.
Siya rin ang Head Elite ng House namin. Kaya hindi ko pwedeng suwayin ang utos niya. Lalo na sa harap ng ibang Elites ng Nacht na nanonood sa amin.
Tsk. Kaasar.
Labag sa loob na binitiwan ko si Liam at matalim siyang tiningnan. Kung nakakamatay lang ang tinging ibinibigay ko sa kanya.... Baka kanina pa siya humandusay sa sahig.
Nagkandaubo ubo pa siya bago siya huminga ng malalim at tumingin sa akin. Nginisihan niya lang ako at tumingin na kela Caleb.
"K-kasi... itatanong ko lang sayo Caleb, K-kung ano ang naencounter nyo ni Tyrone bago pumasok. Nakatulala nalang kasi siya hanggang sa matapos ang klase namin." Medyo kinakapos pa ang hiningang sabi niya.
Umismid ako. "Hindi ba pwedeng iniisip ko lang kung paano ka patayin? Actually.... may naisip na ko."
Sabi ko na kinatawa ng marami.
"Uy, huwag kang ganyan. Hindi ugali yan ng mga taga-Lumiere." Sabi niya at bahagyang lumayo sa akin.
Inambahan ko siya pero mabilis siyang umikot sa upuan ni Caleb.
Susundan ko sana siya ng natatawa namang itinaas ni Caleb ang kamay niya para pigilan ako. "Relax ka lang Tyrone. Huwag nating padanakin ang dugo dito. Sa pagbalik nalang sa House natin."
Natawa din sila Clynne at ilan pang Higher Elites na nakakarinig sa amin.
"Pero..." usal ni Clynne na kinabaling ng lahat sa kanya. "Curious ako sa sinabi ni Liam." Dagdag niya at tumingin kay Caleb."Ano nga ba ang naencounter nyo na kinatulala ni Tyrone?"
Pare-parehong nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya at hinintay ang sagot niya. Habang ako pinipigilang magpakita ng emosyon na lalong magdidiin sa akin.
Kumunot ang noon ni Caleb at waring nagisip. "Hmmm... hindi ko alam ang sinasabi ni Liam. Wala naman kaming nadaanan na kung ano. Maliban nalang sa...." he trailed off and looked at me.
At lahat naman ng mga mata nila ay tumutok sa akin.
Peste ka talaga Liam. Lintik lang ang walang ganti.
Asar na isip ko.
"Maliban saan?" Curious na tanong ni Clynne sa akin.
Hindi ako nagsalita kaya bumaling silang lahat kay Caleb. Sandali naman niya akong pinakatitigan bago nagsalita. "Sa--"
"Everyone." Putol ng kung sino sa sasabihan niya.
Magbubunyi na sana ako at mayayakap ang sino mang nagsalita ng bumaling ako doon at makita si Marius. At sa tabi niya.... walang iba kundi si Carmela.
Hindi parin siya nakauniporme at mukhang itinutour palang siya dito sa Academy.
Muling nagtagpo ang mga mata namin at parang may sumuntok sa dibdib ko ng makita ang pagtatampo sa mga mata niya para sa akin.
"This is Carmela Castro. Bago lang siya dito. At naassign siya sa House of Nacht. I-welcome natin siya. Lalo na sa ating mga taga Nacht. Dahil dadagdag siya sa pwersa nating mga Elites." Pakilala ni Marius.
So tama nga ako. Sa Nacht siya mapupunta.
Kahit alam ko na yun kanina pa... Bakit parang ang hirap sa dibdib. At parang nanlumo ako ng marinig iyon.
Masayang nilapitan siya ng mga kahouse niya. Habang tahimik na nakatingin lang at nanatili sa mga pwesto nila ang mga kaHouse ko.
Narinig ko ang masayang pagbati nila at pinagmasdan ko ang nahihiyang pagpapasalamat ni Mela sa pagtanggap sa kanya.
Ilang minuto din bago matapos ang pagwelcome nila. Pagkatapos ay inanyayahan siya ni Marius na lumapit sa grupo namin nila Clynne.
Sandaling napatingin sa akin si Mela. At sinigurado ko naman na blangko ang ekspresyon ng mukha ko.
Nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata niya bago niya yun iniwas sa akin.
Para naman akong nanlamig at naikuyom ko ang kamay ko sa biglang pagkirot ng dibdib ko.
"Carmela, sila ang Elites ng House of Lumiere. At si Clynne ang Head nila." Pakilala ni Marius.
Magalang na tumango si Mela at ganun din kami. Ang ilan pa nga gaya ni Clynne ay ngumiti sa kanya.
Umismid si Marius ng makita ang pagbati namin kay Mela at muling bumaling sa kanya.
"Tandaan at kilalanin mo silang mabuti. Dahil habang nasa loob ka ng Academy.... ALL of them will be your enemy." Sabi niya na nakapagpawala ng ngiti nila Clynne. Bigla ring tumahimik at kumapal ang tensyon sa silid.
Gulat naman na bumaling si Mela kay Marius. "E-enemy?" Tanong niya at muling tumingin sa akin.
Alam kong gusto niyang salungatin ko ang sinabi ni Marius. At natetemp akong gawin yun at suntukin ang Head Elites nila. Pero nagpigil ako at pilit ngumiti sa kanya. Napakurap siya at alam kong nabahala siya sa lamig ng pagkakangiti ko.
Para sa ikabubuti namin.....
"Yes. Enemy. From now on... isa ka na sa kalabang pababagsakin namin." Pagkumpirma ko na lalong kinalungkot ng mga mata niya at kinabigla naman nila Clynne.
________________________
A.N
Salamat sa pagbabasa.
Shane_Rose