Chapter 1 : Catching you

2482 Words
Ice Breaker (Guillier Academy Novella) All Rights Are Reserved. The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the Internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission. ______________________________ *Tyrone's POV* "Tyrone. Halika dito at batiin ang ninong at ninang mo." Nakangiting tawag sa akin ni Mama mula sa baba ng hagdan. Dahan dahan akong bumaba habang nakatingin sa mga bagong mukha ng mga bisita namin. Isang lalaki at isang babae. Ngayon ko lang sila nakita pero mukha naman silang mababait kung ang pagbabasihan ay ang sinserong ngiti nila. Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan habang patuloy sa pagiistima sa mga bisita. Nakita kong naaliw na ngumiti si Papa. Nasa tabi siya ng lalaking bagong dating. Sandali rin silang nagpalitan ng makahulugang tingin bago muling bumaling sa akin. "Tyrone. Sila ang iyong Ninang Kathlyn at Ninong Noel. Naaalala mo pa ba sila?" Tanong sa akin ni Mama ng huminto ako sa harap nila. Sandali ko pang tiningnan ang mga bisita at inalala ang mga mukha nila, pero sadyang wala akong matandaan. Bahagyang kumunot ang noo ko at dahan dahang umiling. Amuse na ngumiti naman sila. "Ayos lang yun. Inaasahan na namin na hindi mo kami makikila. After all, halos tatlong tao ka lang ng huli ka naming makita. At kung tama ako ay magpipitong taong gulang ka na hindi ba?" Nakangiting tanong ni Ninang Kathlyn. Tumango ako. "Opo. Paano nyo po nalaman?" "Halos kaedad mo lang kasi ang anak namin. Si Carmela. natatandaan mo ba siya? Magkasundong magkasundo kayo noon." Muli kong hinalukay ang isip ko sa pangalang binanggit nya pero wala din akong maalala patungkol sa anak na sinasabi niya. Mukhang nakita nila ang pagkalito sa mukha ko at imbes na madismaya ay parang lalo lang silang naaliw sa reaksyon ko. "Bakit hindi mo puntahan si Carmela. Malay mo at maalala mo siya pagnagkita mo siya. Nasa hardin siya kasama ng tagapag-alaga niya." Suhestiyon ni Mama. Lumawak ang pagkakangiti ni Ninang Kathlyn. "Tama! Siguradong matutuwa si Carmela pag nakita ka niya." Marahang natawa sila papa at Ninong Noel kaya takang bumaling ako sa kanila. Lumapit naman sa akin si papa at idinantay ang kamay niya sa taas ng ulo ko. "Sige na Tyrone. Puntahan mo na si Carmela at samahan muna siya habang nag-uusap kami ng Ninong at Ninang mo." Naguguluhan man ay tumango ako at tinungo ang pinto. Dinig ko pa ang masayang usapan nila hanggang sa makarating ako ng pinto. "Hindi talaga tayo nagkamali." "Sa tingin ko ay magiging maayos ang usapan natin noon." Huling narinig ko sa kanila ng makalabas ako. Carmela? Hmmm... ano nga ulit itsura nya? Tanong ko sa sarili habang tinutungo ang daan papuntang hardin sa likod ng aming bahay. Nangangalahati palang ako ng daan patungo roon ng may makitang isang babae. Hindi pamilyar sa akin ang mukha nya at ngayon ko lang din siya nakita. Halos kasing edad rin siya ni Mama. At mukhang problemado siya habang may tila hinahanap sa paligid. Tumigil ako at tatanungin na sana kung sino siya ng magsalita siya. "Carmela! Asan ka na bang bata ka! Magpakita ka na! Parehas tayong mapapagalitan ng mama mo nito eh." namomoblemang sigaw niya. Ni hindi nga nya ko napansin dahil nakatuon ang atensyon nya sa pagsilip sa likod ng mga halaman at ng makarating lang siya malapit sa akin ay halos mapatalon siya ng makita ako. "Ay kabayo!" Gulat pang sabi niya. Bahagya din siyang napatalon paatras habang sapo ang dibdib niya. Kumunot ang noo ko at hindi ko napigilang mapalabi. Kabayo? Mukha ba kong kabayo? Nanlalaki pa ang mata niya at mabilis ang paghinga niya ng sipatin ako ng tingin. Ng makisigurado syang tao naman ako ay saka palang siya tila narelax. "Akala ko kung ano na." Sabi niya at nagpakawala ng hininga. "Bata. Anong pangalan mo?" Tanong niya maya maya. "Tyrone po." Simpleng sagot ko. "Tyrone? Kung ganun ikaw ang anak ng may ari ng bahay na to?" Tumango ako. "Ay... mabuti at nakita kita! May nakita ka bang batang babae? Kanina kasi ay naglalaro lang siya dito tapos bigla nalang siyang nawala. Kanina ko pa din siya hinahanap. Pero masyadong malaki ang bakuran niyo kaya hindi ko alam kung saan siya maaaring sumuot." Nagaalalang sabi niya. "Ahh.. ganun po ba." So sya ang tagapagalaga ng anak nila Ninang Kathlyn. "Hindi ko rin po siya nakita." "Ha?" Usal nya at lalong bumakas sa mukha niya ang pagaalala. Medyo naawa naman ako sa kanya kaya nagprisinta na kong tumulong. "Kung gusto nyo po tutulungan ko kayo. Ako pong bahala sa gawing yun ng hardin." Sabi ko sabay turo sa kanang parte ng hardin. "At sa kabila naman po kayo." Sabi ko sa kanya. Sandali niyang tiningnan ang magkabilang parte ng harding tinuro ko bago siya muling tumingin sa akin. Medyo naguluhan pa ko ng makitang nakakunot ang noo niya sa akin. "Ilang taon ka na?" Tanong pa niya. "Mag se-seven po." Sagot ko. Bahagyang tumaas ang kilay niya na animo nabigla sa sinabi ko. "Talaga? Hmm.. ganyan na ba magisip ang mga kabataan ngyon? Katulad ka ni Mela. Tila matanda na kung magisip." Mahinang komento pa niya. Nalito man ako sa sinabi niya ay hindi na ko nagtanong pa. Pumayag naman sya sa suhestiyon ko kaya mabilis na kaming naghiwalay. Ng makarating ako sa parte ng hardin na maraming tanim na bulaklak ay agad kong hinanap si Carmela. "Carmela! Asan ka na?! " sigaw ko pa habang yumuyuko sa ilalalim ng makakapal na halaman. Baka mamaya nagtatago lang pala ang isang yun. Ilang minuto din akong naghanap. At ng tumayo ako ng diretso mula sa pagsilip sa likod ng isang puno ay saka ako nagkamot ng ulo. Saan kaya pwedeng pumunta yun? Kadadating lang dito kung saan saan na sumusuot. Pasaway siguro yun. Isip isip ko. Napalabi din ako at naalala ang ilan sa mga babaeng kalaro ko sa Park sa tuwing ipapasyal ako dun ni mama. Kung hindi sobrang kulit ay napakaarte naman. Ganun din kaya si Carmela? Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Carmela!" Tawag ko pa. Pero walang sumagot sa pagtawag ko. Maliban sa isang pusa na lumabas mula sa likod ng isang halaman. Kulay dilaw ang balahibo niya. Meow. Sabi nito at mabilis na dumikit sa paa ko. "Kaname. Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ko sa isa sa mga pusang inaalagaan ni Mama. Bubuhatin ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo palayo sa akin. Pagkatapos ay huminto din di kalayuan at nilingon ako. Muli din siyang nagMeow. Kumunot ang noo ko. Para kasing gusto nya kong pasunurin sa kanya. Pero nagdalawang isip ako dahil hindi ko pa nakikita si Carmela. Kaya hindi pa ko pwedeng makipaglaro kay Kaname. "Kaname..." "Ahhhhh!!!" Sigaw ng kung sino. Natigilan ako at mabilis na tumingin sa pinanggalingan ng sigaw. Mula yun sa maliit na lawa namin. Kung saan tila papunta si Kaname. Muli kong tiningnan ang alaga naming pusa bago siya kumaripas ng takbo papunta sa lawa. Mabilis ko siyang sinundan at ng halos malapit na kami roon ay nanlaki ang mata ko ng makita ang nasa taas ng isa sa mga puno na nakapaligid sa lawa. Nasa isa sa malalaking sangga nun ang isang batang babae. Nakakulay rosas siyang bestida at halos nakatakip sa mukha niya ang mahabang itim na buhok niya. Kapit na kapit din siya sangga kung nasaan siya at nakapikit ang kanyang mga mata. Di kalayuan sa ulo niya ay ang isa pa naming alagang pusa. Si Cloud. Kulay tsokolate naman ang balahibo niya. Huminto si Kaname sa ibaba ng puno at tumingala sa batang babae. Sandali rin silang nagpalitan ng 'Meow' ni Cloud. Huminto ako sa ibaba ng sangga kung nasaan ang bata. Kumakabog ang puso ko sa kaba habang nakatingin sa kanya. Ngayong malapit na ko sa kanya ay kitang kita ko na na umiiyak siya at bakas na bakas ang takot sa mukha niya. "Carmela!" Tawag ko sa bata. Alam kong siya na ang hinahanap ko. Takot na nagmulat si Carmela at sandali pang nanlaki ang mga mata niya ng makita ang taas ng babagsakan niya bago natuon sa akin ang mga iyon. Parang may pumisil sa puso ko ng makita ko ang matinding takot sa mga mata niya. At sandali pa kong natigilan bago muling nakapagsalita. "Huwag kang matakot! Tutulungan kita! Huwag kang gagalaw!" Mabilis kong sabi at itinaas ang kamay ko na para bang mapipigilan ko talaga siyang gumalaw. "T-tulonggg.... " umiiyak na sabi niya. Lumapit sa kanya si Cloud. Marahil ay para pakalmahin siya pero dahil narin sa paggalaw niya ay gumalaw din ang sanggang na kinalalagyan nila. "Ahh!" Sigaw ni Carmela. Muli siyang napapikit ng mariin at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa sangga. "Carmela!" Nahintakutang sigaw ko. "Cloud! Huwag kang gagalaw!" Sigaw ko rin sa pusang kasama niya. Parang naintindihan naman ako ni Cloud dahil kahit tumingin siya sa akin ay hindi naman na siya gumalaw pa sa kinalalagyan nya. Natatarantang tumingin ako sa paligid para makahingi ng tulong. Pero bandang dulo na to ng hardin at malayo sa bahay. Kaya siguradong wala ring makakarinig sa akin kung sakaling sisigaw ako para humingi ng tulong. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko ng muli akong tumingin kay Carmela. "Hintayin mo ko, Carmela. Hihingi lang ako ng tulong!" Nagmamadaling sabi ko. Hindi ko na hinintay na sumagot sya at mabilis akong tumalikod at tumakbo. Pero hindi pa ko ganap na nakakalayo ng marinig ko ang takot na pagsigaw niya. "S-sandali! Wag mo kong iwan!" Umiiyak na sigaw niya. "Ahh!!!" Marahas akong napahinto at lumingon ng marinig ang sigaw niya. At halos manlamig ang katawan ko ng makita kong halos nababali na ang sangga at unti unti na yung naalis sa puno. "Carmela!" Sigaw ko at tinakbo na siya ng makita kong nadulas na siya ng bumaba ang sanga ng puno. Halos nanlambitin narin siya habang patuloy parin sa pag iyak. Parang tumigil ang puso ko at ang paghinga ko ng makita kong unti unting dumudulas ang mga kamay niya mula sa pagkakakapit. Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa kanya. Basta ang alam ko, ng makita kong tuluyan na siyang nakabitaw ay tumalon ako para saluhin siya. Umabot naman ako sa oras. Pero dahil na rin sa taas ng pagkakahulog niya at well... sa liit ng katawan ko ay halos mapasigaw din ako sa sakit ng pareho kaming bumagsak sa lupa. Halos malasahan ko rin ang dugo sa bibig ko ng makagat ko ang labi ko para pigilan ang pagsigaw ko ng tumama ang ulo ko sa lupa. At parang naginit ang mga mata ko at nagbadya ang mga luha ko ng parang nabali ang kamay ko sa pagsalo sa bigat ni Carmela. Ganun paman ay pilit kong kinimkim ang lahat ng sakit at pinanatili kong tikom ang aking mga labi. Narinig ko ang pagungol ni Carmela. Alam kong nasaktan din siya sa pagkakahulog niya. At medyo naguluhan pa ko ng mas parang nagalala ako sa kalagayan niya kesa sa sarili ko. Gayung ako itong mas maraming pinsala kumpara sa kanya. "Arraayy...." daing pa niya at umalis sa pagkakadagan sa akin. Mabilis naman akong humugot ng hininga at dahan dahang tumagilid. Agad na nanakit ang likod ko at sandaling nandilim ang paningin ko. Hindi ko narin napigil ang impit na ungol na kumawala sa bibig ko dahil sa p*******t narin ng braso ko. "B-bata... ayos ka lang?" Narinig kong tanong niya. Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko at tiningnan siya. Ang sabi ni papa ay hindi dapat umiiyak ang mga lalaki at lalong hindi dapat nila ipakita iyon sa mga babae. Kaya kahit halos mailuha ako sa sakit ay sinubukan kong itago iyon. Gusto kong alisin din ang pagaalala sa mga mata niya kaya pinilit kong tiniis ang sakit at pilit na ngumiti. "A-ayos lang ako." Medyo gumaralgal na sabi ko. Tumango pa ko para kumbinsihin siya. Tinitigan niya ko ng mabuti at sa pagkatapos ay unti unting nalukot ang mukha nya. At sa halos ikauwang ng labi ko ay umiyak siya ng malakas. Sinubukan kong umupo para patahanin siya pero nanakit ang likod at kaliwang braso ko kaya hindi rin ako nakakilos sa kinalalagyan ko. Wala tuloy akong nagawa kundi panoorin ang pagiyak niya sa tabi ko. "Shh... huwag ka ng umiyak. Mamaya lang gagaling na ko." Subok ko pang pagpapatahan sa kanya. Hindi ko alam pero mabigat talaga sa loob ko ang makita siyang umiiyak. Dahan dahan naman siyang tumahan. Pagkatapos ay humihikbi siyang tumingin sa akin. Nginitian ko naman siya ng malawak kahit medyo tumabingi iyon ng kumirot ang braso ko. "M-masakit pa b-ba?" Humihikbi paring tanong niya. Tumingin din siya sa braso kong hawak hawak ko. Medyo napangiwi ako. Mukhang alam nya talagang nasaktan ako. Kaya hindi ako pwedeng magsinungaling. "Medyo." Mahinang pagamin ko. Pero mabilis din akong nagsalita. "Pero huwag kang magalala. Gagaling din ako." Sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo niya at ilang sandali akong tinitigan. Pagkatapos, sa hindi ko inaasahan ay mabilis siyang kumilos at hinalikan ang noo ko. Nanlaki ang mga mata ko at natigilan. Mabilis din siyang bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko. "Bakit mo ginawa yun?" Takang tanong ko. Nagkibit balikat naman siya. "Yun kasi ang ginagawa ni Mommy sa tuwing masusugatan o may sakit ako. Para gumaling agad." Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Sabagay ay ganun din naman si Mama sa tuwing may sakit ako. Kaya natural lang siguro iyon. Nakarinig kami ng pagtawag. Medyo napangiwi pa ko ng tingnan ko ang pinanggalingan niyon. "Mommy! Daddy!" Sigaw ni Carmela. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ang magulang niya. Sila papa at mama naman ay mabilis akong dinaluhan. Inalalayan ako ni Papa na makaupo. Ilang beses nila kong tinanong kung anong masakit at iilang ulit na hinaplos ni Mama ang likod at braso ko. Nakaramdam ako ng tila init sa mga kamay niya at unti unting nawala ang sakit. Muli akong napatingin kay Carmela at napangiti ng makitang umiiyak ulit siya habang karga ng papa niya. Iyakin. Nangingiting isip ko at muling hinarap ang mga magulang ko. "Tyrone." Tawag sa akin ng kung sino. Nagising ako mula sa pagkakatulog. Hindi ko namalayang naidlip pala ako habang hinihintay na matapos sa pagsasanay sila Sai at Simon. Nag-unat ako ng katawan at inaantok na tiningala si Leon. Nakaupo kasi siya sa taas ng nakatumbang puno. Habang nakaupo naman ako sa damuhan at nakasandal sa katawan ng punong inuupuan niya. "Tapos na sila. Mauuna na ko." Bored na sabi niya at tumayo na. Tumalikod din siya at naglakad papasok sa gubat. Sandali pa kong nasilaw ng tumapat ang sinag ng araw sa gintong badge niya. "Hindi mo man lang kami hihintayin?" Pahabol ko pang tanong sa kanya. Pero hindi na nya ko sinagot at nagpatuloy lang. "Tsk. Snobero." Bulong ko pa. Pagkatapos ay hinarap sila Simon at ang katunggali niyang si Sai. Parehas ng nakababa ang mga sandata nila at tila naguusap nalang. Malamang ay nagpapalitan nalang sila ng mga bagay na napuna nila sa isat isa. Muli akong sumandal sa puno at tumingin sa maaliwalas na langit. Asul na asul iyon gaya ng langit ng una ko siyang makita. Carmela.... Sambit ko sa isip habang inaalala ang unang pagtatagpo namin na napanaginipan ko kanina. ____________________ A.N This is for you Carmela ! My dearest friend. Hindi man tayo naging close noon ng kasama ka pa namin. Naging SUPER close naman tayo dahil sa Guillier Academy. Kaya para sayo ang Novella na ito. Sana magustuhan mo. I'm still amateur, kaya pagpasensyahan na ang gawa ko. Pangalawa ko palang to teh! Hahahaha love you! Enjoy reading everyone at sana magustuhan ninyo ang storya nila Tyrone Sy at Carmela Castro. Shane_Rose
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD