*Tyrone's POV*
"Bilisan nyo nga. Ang bagal nyo. Hindi ako pwedeng malate sa date ko." Malakas na sabi ko ng lingunin ko ang mga kasama ko.
Napahalukipkip pa ko ng makitang tila tinatamad pa silang naglakad palapit sa akin.
"Bakit kasi kasama pa kami?" Nakalabing tanong sa akin ni Sallie. Nakapamulsa pa siya sa blazer nya at walang ganang naglalakad kasama ang dalawa niyang kaibigan. Nasa likod naman nila ang mga kaibigan ko. Sina Simon, Caleb, Sean, at Yael. Maging sina Clynne at Steve hinatak ko na din sa kabila ng pagtanggi nila. Para na rin lumakas ang pwersa namin.
Aba! Hindi biro ang pupuntahan namin noh. Kaya kailangan ko ng malalakas na mga kasama.
"Oo nga! Bakit pati kami nadamay sa kalokohan mo?" Nakataas ang kilay naman na taong ni Teresa. Isa sa mga kaibigan ni Sallie at isang fire controller.
Ngumiti ako sa kanila bago sumagot. "Syempre. Pandagdag din kayo sa pwersa namin."
Umismid si Tin sa sinabi ko, siya ang malokong kaibigan nila. Sa lahat sa kanilang limang magkakaibigan siya ang madalas kong makasabay sa kalokohan. "As if may laban kami sa mga Elites ng Nacht. Hello! Advance palang here!" Sabi niya at tinuro ang kulay pilak na badge niya. "See. Baka kami pa nga ang unang tumakbo pag nagsimula ng umatake ang mga taga Nacht."
Nagtawanan naman ang mga kapwa ko Elites at maging si Simon nangingiting umiling sa sinabi ni Tin.
Naniningkit ang matang nilingon naman sila ni Tin. "Hoy nagsasabi lang ako ng totoo. Bahala talaga kayo mamaya." Nakairap pa niyang sabi.
Natawa na din ako at tiningnan siya. "Don't worry, Tin. Hindi naman kayo ang lalaban para sa amin."
"Huh? " nalilitong tanong niya. Maging ang mga kaibigan niya nagtatakang tumitig sa akin.
Lalo naman lumawak ang ngiti ko at nakita kong napangiti rin sila Yael at Sean sa likuran ng tatlo ng maunawaan ang sinabi ko.
"Your matches. Sila ang lalaban para sa amin." Proud na sabi ko. Aba proud akong naisip ko yun no. Magandang idea kaya yun. "Kapag nakita nila Kaeden, Jared at Marvin na nasa panganib kayo siguradong hindi magdadalawang isip ang mga yung protektahan kayo."
"Right." Singit ni Sean at naaaliw na tumingin sa akin. "At hindi rin sila magdadalawang isip na saktan... O worst... Patayin ka pag may nangyari sa kanila dahil sa kalokohan mo."
Muling tumawa sila Clynne at parang naiimagine na nila ang gagawin sa akin ng tatlo kung saka sakali.
Umismid naman ako. "Anong ikakatakot ko? Andyan naman kayo para protektahan ako? Nasaan ang pagmamahal nyo para sa mga kaHouse nyo? Where is your brotherly love? " sabi ko at tiningnan sila isa isa.
Nagkunwaring nasusuka si Steve. Sinakyan naman ni Clynne ang trip niya at nagkunwaring hinahaplos ang likod nito.
"Wala akong kapatid na lalaki." Sagot naman ni Simon. "Kaya hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Haiissttt.. Ewan ko sa inyo. Basta suportahan nyo nalang ako. Ok? " tanong ko pa.
Walang sumagot sa kanila o tumango man lang. Pero kitang kita ko sa naaaliw na tingin nila na kahit anong mangyari ay nasa likod ko sila at maasahan ko ang tulong nila.
Muli akong ngumiti at tumalikod sa kanila. Hinarap ko ulit ang pathway patungong House of Nacht at nagsimulang maglakad.
Sumunod naman sila sa akin at paminsan minsan ay naririnig ko ang mga paguusap nila patungkol sa kung ano anong bagay.
Hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lamang sila. Di rin nagtagal ay unti unting nawala sila sa pandinig ko habang unti unti ring naglalakbay ang utak ko.
Ang totoo ay napakalakas ng t***k ng puso ko at punong puno ng kakaibang enerhiya ang katawan ko. Maaring kinakabahan lang din ako sa mangyayari pagkarating namin ng Nacht. Pero.... Alam ko na higit doon ay mas nananabik akong makita ulit si Carmela. Ganun din ang makasama siya.
Hindi ko namalayang napapangiti na rin ako habang inaalala ang nangyari sa corridor ng Administrator's building. Lalong lalo na ng hindi niya itanggi ang tungkol sa totoong ugnayan namin.
Fiance.
Hindi ko akalaing sa isang simpleng salita na yan ay magdudulot sa akin ng sobra sobrang kaligayahan.
"Hoy! Mukha kang tanga dyan." Singit ng kung sino.
Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si Tin na nakangising naglalakasd sa gilid ko.
"Oo nga. Nakangiti ka magisa. Tsk tsk tsk. Malala na yan Tyrone. " sabi naman ni Teresa na nasa kaliwa ko na din pala.
"Haiissttt! tigilan nyo nga akong dalawa." Sabi ko at pinilit alisin ang ngiti sa mga labi ko.
"Magpropropose ka na din ba, Tyrone" biglang tanong naman ni Sallie ng sumulpot siya sa tabi ni Tin at nakangising tumingin sa akin.
"Propose agad, Sallie? Pwedeng ligaw muna? Baka mabasted ang alaga natin eh." Sabi naman ni Teresa ng tingnan ang kaibigan niya.
Nagkibit balikat naman si Sallie. "Eh Fiance na daw eh. Dapat nga nauna muna proposal bago yun."
Tumango tango naman si Tin na animo ngayon nya lang napagtanto ang sinabi ni Sallie. "Oo nga naman. Tama siya dun. Bakit kasi Fiance agad? Nagmamadali ka Tyrone?" Painosenteng tanong pa niya sa akin.
Nagpipigil lang akong matawa sa kanila. Pero dahil sa itsura nilang tatlo na parang mga inosenteng bata na naghihintay ng sagot ko ay hindi ko na napigilang tumawa.
Napangisi naman sila at ng makahuma na ko ay saka ko pinitik ang noo ni Tin.
"Aw!" Daing niya at tinakpan ang nasaktang noo niya. Nginisihan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi sinasagot ang tanong nila. Mabilis naman nila akong sinabayan. "Bakit ako lang ang pinitik mo! Unfair ka! Sila din dapat! " anggal pa niya.
"Si Sallie , off limits dahil kay Simon. Si Teresa naman... Well ayokong matusta sa mismong araw ng date ko. Kaya ikaw nalang." Nakangising sagot ko sa kanya.
Naningkit naman ang mga mata niya. "Gusto mong mabaon sa lupa?" Banta pa niya.
"Nahh... Alam kong hindi kakayanin ng puso mo ang makita akong masaktan."
"Hindi rin." Sabi niya at nakita kong nagsimula siyang maglabas ng dilaw na flare.
Muli kong pinigil ang tawa ko at naaliw na tumingin sa kanya. "Ok. Then... Hindi kakayanin ng puso mong makitang umiiyak si Carmela dahil hindi ako nakasipot sa date namin."
Hindi makapaniwala niya kong tiningnan. Halos umuwang din ang labi niya. Pagkatapos ay umirap. Kasabay nun ang pagkawala ng Flare niya.
"Fine. Pasalamat ka at mabait ako." Nagmamaktol pang sabi niya.
Nakita kong tahimik na natawa sila Teresa at Sallie. At nakarinig ako ng impit na tawa sa likuran ko.
"Bad ka, Tyrone." Nangingiting sabi ni Sallie.
Hindi na ko nakasagot sa kanya. Dahil ng muli akong tumingin sa harapan namin ay naaninag ko na ang Nacht. Ganun din ang ilang pigura di kalayuan sa amin.
Napaseryoso ako. At nakita kong ganun din sila Sallie.
Nakita kong marahang hinatak nila Simon yung tatlo at tumabi sila sa akin para harapin ang ilang estudyante ng Nacht na sasalubong sa amin.
"Ganito ba lagi sila? May bantay? " curious na tanong ni Tin habang sumisilip sa pagitan ko at ni Clynne. "Bakit sa atin walang ganyan? "
Napangiti si Clynne. "Hindi naman sila natural na ganyan. Nagkataon lang ata. Dahil alam nilang may Lumiere na mangangahas pumasok sa House nila. "
"Ahh.... So papasok talaga kayo sa loob? " tanong naman ni Sallie.
Nakita kong sandaling bumaling sa akin ang mga kapwa ko Elites bago muling tumingin sa harapan. Hinayaan din nila akong sumagot sa tanong ni Sallie.
"Kung kinakailangan... Bakit hindi. Hindi nyo ba gustong makita ang loob ng Nacht?"
"Hindi ba bawal yun?" Gulat na tanong naman ni Teresa.
Wala sa amin ang sumagot sa kanya. Kaya napalabi nalang siya at tumingin din sa harapan.
Tahimik na nagpatuloy kami sa paglalakad. Ramdam ko ang kaba ng mga babae sa likuran namin at hindi ko din mapigilang maamuse sa pagiging kampante ng mga kapwa ko Elites.
Para bang narural na natural lang sa kanila ang ginagawa naming panghihimasok sa Nacht. At hindi i***********l ang ginagawa namin.
Habang patuloy kami sa paglalakad at lumiliit ang distansya sa pagitan namin at sa mga 'bantay' ng Nacht ay unti unti ko rin silang nakilala.
At gaya ng inaasahan ko ay present din ang Head Elite nila na si Marius. Ganun din sina Ian at Alex. At lima pa sa Higher Elites nila.
Hindi naman sila mukhang nababahala sa pagdating namin dahil kampante lang din silang nakatayo at naghihintay sa amin.
Huminto ako ilang hakbang mula sa kanila at ganun din ang mga kasama ko. Tahimik na hinarap lang namin sila at ganun din sila sa amin.
Pareho naming iniistima at pinakikiramdaman ang magiging kilos ng isat isa.
"Maari ko bang malaman kung anong dahilan ng pagbisita nyo sa amin? " maya maya ay tanong ni Marius.
Nginitian ko siya bago sumagot. "Narito ako para sunduin ang kadate ko."
Nakita kong ngumisi at umismid ang ilang kasama niya. Maging si Marius bahagyang tumaas ang gilid ng labi.
"Talaga? Paano ba yan... Hindi ata gusto ni Carmela na sumama sayo." He challenged.
Pinanatili ko lang ang ngiti sa labi ko pero pinakatitigan ko siya.
"Alam kong hindi totoo yan."
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?"
"Oo." Sagot ko. Nakita kong nawala ang ngiti nila at nagsimula kong maramdaman ang tensyon sa paligid namin.
Maging sila Clynne naging alerto at maingat na tiningnan ang mga Elites ng Nacht. At para bang pag may isa lang sa amin na gumalaw ay kakawala na ang pagpipigil ng lahat.
"Ahhh... Excuse me lang po." Putol ni Tin sa katahimikang bumabalot sa amin. Pagkatapos ay sinubukan niyang sumingit sa gitna namin ni Clynne.
Napakunot ang noo ko. Maging si Clynne ay ganun din. Sinubukan naming dalawa na hindi siya padaanin at panatilihin lang siya sa likuran namin kung saan ligtas siya. Pero sadyang makulit ang isang to dahil halos itulak niya kami ni Clynne makadaan lang.
"Sabing Excuse!" Sabi pa niya ng malakas kaming itulak ni Clynne at tuluyang makaraan. Muntik pa kong bumangga kay Simon sa ginawa niya. Nakalimutan kong malalakas pala ang mga Earth User na gaya niya kahit ang liit ng katawan niya. Napauwang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Si Clynne naman hindi alam kung maamuse o mangungunsumi sa kanya.
Umayos ng tayo si Tin at tila inayos ang buhok niya para maging presentable kela Marius. Pagkatapos ay tiningnan niya ng diretso ang Head Elite ng Nacht at ngumiti ng pagkatamis tamis.
Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Marius. Habang curious na tumingin din kay Tin ang mga Higher Elites ng Nacht.
"Hello po! Long time no see. Nakikilala nyo pa po ba ko? Ako po yung isa sa mga Prey na niligaw nyo sa gubat at muntik mintikan ng matuluyan dahil sa mga Catcher."
Pinigil ko ang sarili kong matawa dahil sa introduction nya at naaliw lang na tiningnan ang reaksyon ng mga taga Nacht.
Nakita ko ng mailang silang lahat sa sinabi niya. May ilan pa nga sa kanila ang nagiwas ng tingin. Habang halata ang guilt sa mukha ng nakakarami sa kanila. Maging si Marius napaseryoso pero hindi siya nagsalita at tiningnan lang si Tin.
Naramdaman kong may sumingit ulit sa likod ko. At ng lingunin ko ay nakita ko si Sallie.
Sandali siyang pinigilan ni Simon pero nginitian lang siya ng kapatid niya at pumunta sa harapan namin.
"Nandito din po ako." Sabi pa niya kela Marius. At itinaas ang isang kamay niya na parang sumasagot ng attendance.
"Ako din!" Singit ni Teresa at sinamahan sa harapan ang mga kaibigan niya.
Tiningnan isa isa ni Marius yung tatlo at parang lalong nagGuilt ang iba ng makita sila Sallie at Teresa. Bigla ring nawala ang tensyon na kanina lang ay ramdam na ramdam sa hangin.
Akalain mo yun. Kaya din palang makaramdam ng Guilt ang mga to.
"So you see... Mr Marius, may utang ang Nacht sa aming tatlo." Simula ni Tin na hindi naman sinalungat ni Marius. "Kaya naman baka pwede mo na kaming pagbigyan ngayon? "
"Oo nga. Palabasin nyo na si Carmela at hayaan sila ni Tyrone. Pagkatapos nun. .. Abswelto na kayo sa naging utang nyo sa amin. " segunda naman ni Sallie.
Tumango naman si Teresa. "Oo nga. Ipagkatiwala nyo si Carmela kay Tyrone. Gaya ng ipinagkatiwala kami ng Lumiere sa inyo. Pero huwag kayong magalala. Dahil wala namang balak na masama si Tyrone sa kanya. No hidden agenda. Diba Tyrone? " tanong pa sa akin ni Teresa.
Tumango lang ako at pilit paring nilalabanan ang sarili kong tumawa. Grabe pala ang tatlong to. Galing mangonsensya. At effective ha. Kawawang mga taga Nacht. Tsk tsk tsk.
Sandaling nagtinginan sila Ian at Alex. At halata sa mga mukha nila na wala na silang intensyong pigilan kami. Napatingin sila kay Marius at hinayaan ang Head nila ang magpasya.
Parang mababait na bata at nakangiti namang naghihintay ng sagot niya yung tatlo.
Sa gilid ng mata ko. Nakita kong naamuse na nanonood ang mga kasama namin. Maging si Steve bahagyang napailing at kita ko rin ang pagpipigil niyang mangiti.
Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng balikat ni Marius. Tanda ng pagbuntong hininga niya. Pagkatapos ay tumango siya.
"Very well. Pagbibigyan namin kayo ngayon. Tanda narin ng paghingi namin ng tawad sa nakaraang insidente." Sabi niya na sandaling kinawala ng ngiti ko.
Si Marius? Humingi ng tawad? Magugunaw na ba ang mundo?
"Yes! Salamat!" Masayang sabi naman ni Tin at nakipag-apir pa sa mga nakangiti ring kaibigan niya.
"Susunduin ko lang si Carmela." Presinta ni Ian.
"No need." Sabi naman ng kung sino.
Parepareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Maging sila Marius napaharap sa likod nila , pagkatapos ay para silang Red Sea na nahawi para makita namin ang ilang estudyante na naglalakad galing sa Nacht.
Napangiti ako ng makita sila Kaeden, Marvin at Jared. At ang nasa gitna nila... Walang iba kundi si Carmela.
Nakapamulsa pa si Kaeden ng huminto siya sa tabi ni Marius. Huminto naman sila Marvin at Jared sa tabi niya.
Hindi nakalampas sa akin ang sandaling pagpasada nila ng tingin sa mga kamatch nil. Na waring tinitingnan ang kalagayan nila. At kung may nangahas manakit sa kanila.
Kumilos si Kaeden at hinawakan sa braso si Carmela. Pagkatapos ay itinulak siya sa akin.
Hindi naman ganun kalakas, pero halatang hindi inaasahan iyon ni Mela kaya halos matumba siya sa pagkabigla.
Mabilis naman akong kumilos para saluhin siya at alalayan siya sa pagtayo. Pagkatapos ay matalim na tiningnan ko si Kaeden. Pero bago ko siya masita sa ginawa niya ay nagsalita na siya.
"Sa susunod, magisa mong harapin ang problema mo. Huwag kang mandadamay ng ibang tao. At sa oras na ulitin mo to... Ako mismo ang tustusta sayo." Masungit na sabi niya.
Alam kong ang tinutukoy niya ay ang pagdadala ko kay Sallie dito. Guilty man, ngumiti nalang din ako sa kanya.
"Sorry. Nagpresinta din naman sila eh." Pagsisinungaling ko pa at ngumiti ng malawak sa kanya.
Nakita kong bumukas ang bibig ni Sallie para sitahin ako pero ng bumaling ang mga mata ni Kaeden sa kanya para konpirmahin ang sinabi ko ay naitikom niya agad ang bibig niya.
Masyadong mabait si Sallie para ilaglag ako kaya gaya ng inaasahan ko ay tumango nalang siya at hindi sinalubong ang tingin ni Kaeden.
Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ni Kaeden bago niya ibinaling sa akin ang mga mata niya.
"Alis na. Para matapos na ang kalokohan mo. " pagtataboy pa niya.
Nginitian ko lang din siya at nag-salute. "Aye aye aye captain!" Pagkatapos ay pinaikot ko ang kamay ni Mela sa bisig ko at marahang hinatak na siya paalis.
"Bye guys! Salamat sa tulong. Kahit wala naman kayong ginawa. Mas nakatulong pa sa akin yung mga babae kesa sa inyo." Tukso ko sa kela Clynne.
"Sira! Sa susunod hindi ka na talaga makakaulit sa amin!" Ganti naman ni Caleb. Pero nakangiti siya kaya alam kong abswelto ko sa sinabi ko.
Tumawa lang ako. Ganun din sila Clynne. Pagkatapos ay kinawayan ko sila at tuluyan na silang tinalikuran.
"Saan tayo pupunta? " sa wakas ay tanong ni Mela.
"Secret." Sagot ko sa kanya.
"Hindi ka ba mapapahamak sa ginagawa mo? I mean.... Sa pagsama sa akin." Tanong pa niya ng hindi ako tinitingnan.
Ngumiti ako. "Nalampasan ko na ang pinakamahirap na pwede kong maranasan. And that is to get you out of your tower my princess. Sa kabila ng mga nakakatakot mong bantay. Kaya naman. .... Wala naman na sigurong maging problema. So don't worry." Sabi ko at niyuko siya. Hindi parin niya sinasalubong ang mga mata ko at pinanatili lang sa daan ang tingin niya. Amuse na ngumiti ako at inilapit ang mukha ko sa tenga niya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya. Sinubukan din nyang bawiin ang kamay niya sa braso ko at lumayo sa akin pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya at inipit sa braso
ko ang kamay niya.
"Trust me, Mela. And just enjoy the day." Bulong ko sa kanya. Nasamyo ko pa ang pamilyar na amoy niya at sandaling nilanghap iyon bago umayos ng tayo.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya bago siya yumuko para iiwas iyon sa akin.
Napangiti ako muli at masayang iginiya ang kadate ko palayo sa Nacht.
________________________
A.N
Salamat sa votes and comments! Sorry at late ang update. Haha
Shane_Rose