*Tyrone's POV*
"Ano sa tingin mo, Simon?" Tanong ko sa kanya habang paakyat kami ng hagdan papunta sa Third floor ng Administrator's building.
Hindi naman siya nagsalita at parang inignora nya lang ang tanong ko.
"Huy! Simon! Naririnig mo ba ko? Hello?!"tanong ko sa kanya. Lumapit pa ko at ini-wave ang kamay ko sa harap ng mukha niya.
Nagsalubong ang kilay niya at halatang nainis siya sa ginawa ko. Bahagya rin siyang lumayo sa akin.
"Tigilan mo nga ako, Tyrone. Wala ako sa mood sakyan ang trip mo." Masungit pang sabi niya.
Imbes na manahimik lalo pang lumawak ang ngiti ko at muli akong lumapit sa kanya.
"Sungit mo naman. Di ka naman dating ganyan ah.." nagbibiro pang sabi ko, pero mabilis akong lumayo sa kanya ng matalim nya kong tingnan.
Nakangising tumingin ako sa kanya. Habang napabuga naman siya ng hangin at tila nangungunsuming tumingin sa harap namin.
Nakaakyat na kami ng Third floor ng bigla na lang siyang huminto.
Napahinto din sa akmang paghakbang ang paa ko at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Uy... anong problema?" Tanong ko pa, at lalong kumunot ang noo ko ng unti unti siyang ngumiti. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at tuluyang ngumisi.
"Alam mo Tyrone, imbis na kung ano-anong kalokohan ang ginagawa mo, dapat yung mga importanteng bagay ang inaatupag mo." nangingislap ang matang sabi niya.
Bahagyang tumaas ang kilay ko. "Gaya ng......"
Unti unting gumalaw ang mga mata niya sa kanan. Pagkatapos ay pumihit siya at isinandal ang kaliwang balikat sa pader. Humalukipkip din siya at tumango sa harap niya.
"Gaya nun."
Takang sinundan ko ang tinitingnan niya. Nung una hindi ko makita ang tinutukoy nya dahil narin sa pailan-ilang Elites na nasa corridor na halatang nagpapalipas ng oras habang hindi pa nagsisimula ang klase.
Nakailang suyod din ako sa kabuuan ng corridor hanggang sa kumilos ang dalawang Elites na lalaki at ipinakita sa akin ang tinutukoy ni Simon.
Mga Elites sila ng Nacht. Limang lalaki at dalawang babae. Halatang masaya ang pinaguusapan nila dahil narin sa lakas ng tawanan ng grupo nila.
Kung tutuusin ay normal na eksena na to sa araw araw na buhay namin dito sa Academy. Pero ang hindi normal ay ang makita ko si Carmela kasama si Zach.
Agad nawala ang ano mang bahid ng kalokohan sa katawan ko. Maging ang masaya kong mood kanina parang lobong pumutok at naglaho.
"Napapansin kong mas nagiging close sila habang tumagal. " narinig kong sabi ni Simon. At parang ako naman ang nainis sa kanya ng marinig ko ang tila natatawang boses niya. Ganun pa man, sinigirado kong walang emosyon ang makikita sa mukha ko. "Nagsimula yan ng Guild Tournament. Hindi ko inaasahang magkakasundo sila." Dagdag pa niya.
Naramdaman kong bumaling sa akin ang tingin niya. At ng hindi ako kumilos o magsalita ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko ng magbuntong hininga siya. Umayos din siya ng tayo at naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.
"Kung ako sayo... ititigil ko na ang paglalaro ko. Maging seryoso ka na at iclaim kung anong sayo." Payo pa niya.
"Hindi niya gusto yun." Sa wakas ay sabi ko, pagkatapos ay bumaling sa kanya. "Hindi niya gustong maugnay ulit sa akin."
Tumaas ang kilay niya na tila hindi kapani-paniwala at isa nanaman sa mga kalokohan ko ang sinasabi ko.
"Sinabi ba nya yan?" Tanong pa niya.
Umiling ako at bumaling ulit sa grupo ng mga taga Nacht.
"Hindi. Pero mula ng bumalik siya sa Nacht matapos maging Prey ay hindi na nya ako kinakausap." Sagot ko.
"Sinubukan mo bang kausapin din siya?"
Kumunot ang noo ko habang pinagiisipan ang sagot sa tanong niya. Inalala ko rin ang mga unang buwan matapos ng hidwaan ng dalawang House at ang mga naging pagtatagpo namin noon ni Carmela.
Ng maisip kong hindi rin ako sumubok na kausapin siya ay unti unti akong umiling. Pero bigla nalang may bumatok ng malakas sa akin.
"Aray!" Mahinang daing ko at tiningnan ng masama si Simon. "Bakit mo ginawa yun!" I hissed at him.
Balewalang nagkibit balikat naman siya. "Para magising ka. At para maiganti narin si Carmela."
"Maiganti? Saan?" Naguguluhang tanong ko habang hawak parin ang likod ng ulo ko na tinamaan niya.
"Sa sama ng loob na ibinigay mo." Sagot niya.
"Ha? Anong sama ng loob?" Tanong ko pa.
He almost tolled his eyes at me. "Tyrone, lumaki akong kasama si Sallie. At kahit bata palang ng magkahiwalay kami ay may idea na ko sa nararamdaman ng mga kauri niya. Hindi nila gustong binabalewala sila lalo na ang iparamdam sa kanilang wala silang halaga para sayo. Nasaktan mo siya. Hindi lang isang beses, kundi marami pa dahil sa katigasan ng ulo mo. Kaya ayan... hindi ka rin kinikibo ni Carmela. Kasalanan mo." Paninisi pa niya.
Ibinuka ko ang bibig ko para salungatin sana siya, pero ng luminaw sa isip ko ang kahulugan ng sinabi niya ay itinikom ko rin iyon.
Unti unti ko ring narealise ang gusto niyang ipaintindi sa akin. Tama siya, kasalanan ko naman. Pero ang gusto ko lang naman ay marealise din niya ang totoong nararamdaman sa akin. At hindi yung dahil sa idinikta lang sa amin ng mga magulang namin. Oo at naging malamig ako sakanya dito sa Academy. Pero hindi naman ibig sabihin nun na balewala na siya sa akin.
Dumaan ang ilang buwan na nakipagmatigasan ako sa kanya. At gaya nga ng sabi ni Simon... Kukhang nasaktan ko siya ng labis labis doon.
Wala rin magandang kinahinatnan ang ginawa ko at mukhang mas naging magulo pa at malabo ang lahat sa amin.
Nararamdaman kong unti unti na siyang lumalayo sa akin. Bagay na nagpapalakas ng kaba at takot ko. At kung hindi pa ko kikilos ngayon o magigising sa katangahan ko.... Baka maging huli na ang lahat para sa amin.
Napapalatak ako at tumingin kay Mela. Alam kong hindi siya ang nakalaan sa akin at may taong talagang itinadhana sa amin. Pero gaya ng sinabi ng ilang Warriors, isang himala nalang kung matatagpuan namin sila.
Aaminin kong isa yun sa mga rason ko kung bakit ko siya pilit nilalayuan at kinakalimutan. Pero ngayong unti unti ko ng narerealise ang lahat parang mas gusto ko iuntog ang sarili ko.
Masyado kong natakot para sa hinaharap. Sa oras na dumating ang laan sa kanya at tuluyan siyang ilayo sa akin. Sa panahon kung saan walang kasiguraduhan kung mangyayari man. Kaya naman nagawa kong balewalain ang kasalukuyan.
Ang kasalukuyan kung saan minamahal ko siya.
Masyado na kong naging duwag. At siguro naman ay oras na para balewalain ko ng takot ko at gaya nga ng sinabi nila..... Magpakatotoo na.
Hindi lang sa nararamdaman ko kundi sa talgang nais ko.
And what I want?... Ay ang babaeng nasa harap ko. Ang taong nagpaparamdam ng ibat ibang emosyon sa loob ko.
I want her.... No.... The right term is.... I need her.
Saglit akong tiningnan ni Simon at nakita kong unti unting umangat ang gilid ng labi niya ng makita ang ekspresyon sa mukha ko.
Lumingon naman ako sa paligid namin.
"Sean! Yael! Caleb!" Tawag ko pa ng makita ang ilang Elites ng House namin.
Tumigil sila sa pagkwekwentuhan nila at takang bumaling sa akin. Sinenyasan ko naman silang lumapit.
Nagtataka man ay kumilos sila para lapitan kami ni Simon.
"Bakit Tyrone?" Tanong ni Caleb.
"Wala naman. Kailangan ko lang ng back up." Sabi ko naman at nginitian siya.
Kumunot ang noo nung tatlo habang parang nagpipigil ngumiti si Simon.
"Back up? Para saan?" Tanong ni Sean.
"Para kung sakaling may aalma. Kayo ang ihaharap ko." Sagot ko na kinalito nila.
Pero bago pa sila makapagtanong ay nagsalita na si Simon.
"Go. Ako ng bahala sa kanila. Baback-upan ka ng mga yan." Paninigurado pa niya.
Nginitian ko siya ng malawak bago ako pumihit paharap sa grupo ni Mela. Pagkatapos ay naglakad ako palapit sa kanila. Ginawa ko ring harang ang ilang dumadaang estudyante para hindi nila mapansin ang paglapit ko. Pagkatapos ay umikot ako sa likod nila Mela at Zach.
At walang ano ano ay basta nalang ako sumingit sa gitna nilang dalawa at umakbay kay Carmela.
Halatang nabigla silang lahat sa ginawa ko. Mabilis din naputol ang usapan nila at gulat na tumingin sa akin.
Nginisihan ko naman sila isa isa hanggang sa tumigil ako kay Mela.
Bahagya pang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman maiwasang enjoyin ang pakiramdam ng mga balikat ko sa kanya.
Parang ding may kung ano sa dibdib ko na nagbigay sigla sa akin ng mapalapit ako sa kanya.
"This saturday. Let's have a dinner." Not a question. But a statement.
Napakurap siya sa pagkabigla at ibinuka ang bibig niya na tila magsasalita. Pero ng wala siyang maapuhap na sabihin ay itinikom din niya iyon.
"Dude, are you asking her out?" Tanong ng isang Elite na kasama niya.
Bumaling ako sa Elite na yun at ngumiti ng malawak.
"Yes. That is correct." nakangising sabi ko pa.
Saglit nila kong tiningnan bago sila unti unting napaubo, pero halatang halata naman na natatawa sila.
"Sorry, Tyrone. Pero baka nakakalimutan mo kung anong House ka. At kung ano ang sa kanya." Sabi naman ng isa pa.
Umiling ako. "Nope. Malinaw naman sa akin ang bagay na yan."
"Kung ganun... paano mo naman nasisiguradong papayag kaming sumama sayo si Mela?" Tanong ng isa pa at humalukipkip.
Nagkunwari akong nagiisip. "Ahh... dahil hinayaan niyo din sila Kaeden at Sallie?"
Umismid silang lahat.
"Yun ay dahil magkamatch sila." Sagot ni Zach.
Bumaling naman ako sa kanya.
"Good. Then wala tayong magiging problema." Sagot ko.
Nawala ang ngiti nila at kumunot ang noo niya. "What do you mean? Kamatch mo din ba si Mela?"
"Hindi." Mabilis na sagot ko. Nakita ko ng tila makahinga siya ng maluwag at ganun din ang pag-ismid ng mga kasama nila. At ng akmang magsasalita na siya ay inunahan ko siya. "But she's my fiance. "
Sabi ko na nagpatigil ulit sa kanila. Halos mapangiti din ako ng makita ang unti unting panlalaki ng mga mata nila.
Naramdaman kong kumilos si Carmela at pasimpleng inaalis ang braso ko sa balikat niya. Pero lalo ko lang tinatagan iyon at inilapit pa siya sa akin.
Niyuko ko siya kasabay ng pagtingin niya sa akin.
Nakita kong namumula ang pisngi niya. At bigla nalang akong nakaramdam ng kagustuhang haplusin iyon.
"You're kidding, right?" Tanong pa ni Zach.
Sandali ko silang tiningnan. Seryoso naman silang naghihintay ng sagot ko.
Ngumisi lang ulit ako sa kanila at pagkatapos ay niyuko si Carmela. Ipinasa ko rin sa kanya ang pagkakataong sumagot sa tanong ni Zach.
Saglit niyang sinalubong ang mga mata ko. At ng hindi ko ihiwalay ang tingin ko sa kanya ay siya na ang nagiwas ng mga mata niya at nahihiyang yumuko.
Pagkatapos, sa labis na ikinatuwa ng puso ko ay dahan dahan siyang tumango.
"Totoo ang sinabi niya. We're engaged. " mahinang pagamin niya.
Halos mapanganga ang mga kasama niya. At parang gusto kong mapatalon sa tuwa ng makitang ganun din ang reaksyon ni Zach. Pero nagpigil naman ako at sa halip ay kumilos para bulungan si Carmela.
Naramdaman ko ng matensyon ang katawan niya sa paglapit ko. At halos hindi siya huminga ng ilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Don't forget.... sa akin ka sa sabado. At huwag mong subukang magdahilan para hindi ka makapunta. Dahil sa oras na ginawa mo yun...." sabi ko at marahang hinaplos ng daliri ko ang pisngi niya. Naramdaman ko ng mabigla siya at halos lumayo siya sa akin kung hindi ko lang siya napigilan. Hindi ko na rin itinuloy ang sinabi ko dahil alam ko namang naunawaan nya. Bata palang kami, alam na nya ang kapasidad ko sa mga bagay bagay.
Umayos ako ng tayo at nanatiling nakatingin sa kanya. Habang siya hindi makuhang tumingin sa akin. Nangingiting umiling nalang ako. Halatang nabigla ko nga talaga siya.
"Hanggang sa sabado, Mela." Nakangiting sabi ko pa sa kanya at inalis ang braso ko sa balikat niya. At ng balingan niya ko ay lalong lumawak ang ngiti ko. "It's a date." I said and winked at her.
Pagkatapos ay tiningnan ko muna ang mga kasama niya bago tumalikod. Umalis ako habang tila tulala pa sila sa nalaman nila.
Ng tingnan ko naman ang mga kaibigan ko ay nakita kong hindi nalalayo ang itsura ng tatlo kela Zach. Habang si Simon naman ay pilit pinipigilan ang tawa niya.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" Di makapaniwalang tanong ni Yael.
Nginisihan ko lang sila at nagpatuloy na sa pagpasok ng Classroom namin. Pero bago ako pumasok sa pinto ay nilingon ko sila.
"Salamat sa pagiging back up niyo, kahit hindi ko naman nagamit kanina. Pero.... baka magamit ko kayo sa sabado." Nakangising sabi ko sa kanila.
"At para saan naman?" Tanong ni Caleb.
"Para bulabugin ang Nacht pag itinago nila ang kadate ko." Sabi ko at nakangiting tinalikuran na sila.
_________________________
Shane_Rose