Chapter 14 : Promise

3880 Words
*Carmela's POV* "May napili ka na?" Narinig kong tanong ni Tyrone. Pinanatili ko ang menu sa harap ko.  Para kahit papaano ay hindi niya makita ang mukha ko.  Ganun din ang pagpipigil kong mangiti dahil narin sa sayang nararamdaman ko kasama siya. Nasa City Proper kami ngayon.  Dito kami pumunta matapos nya kong "Sunduin" sa House ko. Nung una ay hindi ko inakalang gagawin nya talaga ang sinabi niya at ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na hindi matutuloy ang Dinner na sinabi niya.  Kaya ganun nalang ang tuwa at gulat ko ng sabihin sa akin ng mga kaHouse ko na dumating si Tyrone kasama ang ilang Elites at Advance ng House nila. Ginusto ko agad siyang puntahan noon,  pero pinigilan ako ng ilang Elite namin.  Mabuti na lang at dumating sila Kaeden,  Marvin at Jared at sila na mismo ang naghatid sa akin palabas ng House namin. At ng makita ko si Tyrone kanina... Ay parang sasabog na ang puso ko sa tuwa.  Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko.  Pero sadyang bingi ang puso sa sinasabi ng utak pag ang taong mahal nito ang pinaguusapan.  Kaya ayan....  Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. Kahit pa kanina pa kami nakaupo dito sa Cafe na pinili niya. "Mela,  alam kong mahirap mamili sa mga pagkain nila.  Lalo na at masasarap talaga lahat.  Pero pwede mo bang bilisan ang pagpili mo?" Dagdag pa niya. Pinigilan kong matawa sa tono niya.  Para kasi siyang bata na naiinip na. "Bakit ba?  Eh sa hindi ako makapili.  Nagmamadali ka ba?" Tanong ko habang nasa tapat parin ng mukha ko ang menu. "Oo." Mabilis na sagot niya Napasimangot naman ako. Nagmamadali?  Bakit gusto na ba niyang tapusin agad ang date namin? "Bakit?  Gusto mo na agad bumalik sa Academy? " tanong ko.  Sinubukan kong huwag lakipan ng kahit ano ang tono ko.  Pero parang gusto kong mapangiwi ng mahimigan ko pa rin ang pagtatampo sa boses ko. "Nope." Sagot niya. "Then bakit? " Sandali siyang natahimik dahilan para lalo akong manlumo.  Pero ng ibababa ko na ang menu para tingnan siya ay saka siya ulit nagsalita. "Para mapagmasdan na ulit kita." Sabi niya na kinagulat ko. Naantala din ang pagbaba ko ng menu at tanging ang mata ko palang ang nakikita niya. Pero sapat nayun para sumilay ang napakagandang ngiti niya. Nangingislap din ang mata niya habang nakatitig sa akin.  Naramdaman ko namang lalong naginit ang mga pisngi ko kaya dali dali kong itinaas ulit ang menu. "Oh!  Akala ko ba tapos ka na!" Anggal pa niya. "H-hindi...  Nangalay lang ako kanina." Pagdadahilan ko pa at sinubukang pakalmahin ang mabilis na t***k ng puso ko. He groaned.  Pagkatapos ay muli siyang tumahimik.  Ilang segundo din ang lumipas at narinig kong gumalaw ang silyang kinauupuan niya. At ganun nalang ang gulat ko ng pumunta siya sa tabi ko at hilain ang pinakamalapit na silya sa akin at itabi yun sa silyang kinauupuan ko. Umupo siya doon at kinuha ang menu sa akin. Maang na napatingin nalang ako sa kanya ng ilapag niya sa mesa ang menu. Pagkatapos ay ipinatong niya ang isang braso niya sa likod ng silya ko at dumikit sa akin para yukuin ang menu.  "Tutulungan nalang kita. Hmmmm...  Let see...." Sabi niya at namili sa menu. Hindi ko namalayang pinipigil ko na ang hininga ko sa sobrang lapit niya.  At halos magdikit na ang mukha namin sa ginagawa niya.  Daig ko pa ang estatwa sa tigas ng pagkakaupo ko. "Ito , ito,  ito.  Masasarap ang mga yan." Isa isa niyang turo sa mga larawan sa menu.  Pagkatapos ay lumingon sa akin. At dahil sa sobrang lapit namin ay halos ramdam ko na ang mainit na hininga niya. Lalo akong naestatwa sa pwesto ko habang hindi naman siya kumilos para lumayo sa akin.  Ang puso ko naman...  Parang gusto ng kumawala sa dibdib ko sa sa sobrang lakas ng pagkakabog niyon. "Ok lang ba sayo ang napili ko?" Tanong niya habang nakatingin direkta sa mga mata ko.  Sinubukan kong umatras kahit papaano para malagyan ng distansya ang pagitan namin. Pero kumilos ang kamay niyang nakapatong sa likod ng silya ko at literal na inakbayan ako. Pinigilan nya rin ang pagkilos ko kaya wala akong nagawa kundi ang tumitig lang sa kanya. "No more running,  Mela. Masyado na tayong maraming inaksayang oras dahil dyan." Sabi niya.  His eyes were intense as he looked at me.  At para akong malulunod sa emosyong nandun. I'm drowning...  At wala akong magawa para makawala doon.  Hindi sapat ang lakas ko para labanan ang damdaming humahatak sa akin sa kanya. "Hoy bawal yan." Sabi ng kung sino na bumasag sa mundong pinagdalhan sa akin ni Tyrone. Napakurap ako at napahugot ng hangin. Tila inis naman na humarap si Tyrone sa pinanggalingan ng boses. Maging ako tiningnan din ang nagsalita. Ganun nalang ang pagkakunot ng noo ko ng makita si Sai.  Isa sa Elites ng House namin.  Pero imbes na uniform ng Academy ay ang uniform ng mga waiter sa Cafe ang suot niya. Napasandal si Tyrone sa upuan niya pero hindi niya inalis ang pagkakaakbay sa akin.  Pinasadahan niya rin ng tingin si Sai at kitang kita ko ang kislap sa mga mata niya.  Na parang aliw na aliw siya sa nakikita niya. "Uy Sai...  Hindi ko alam na rumaraket ka dito ah.  Pero bagay sa yo ang uniform mo." Nakangising sabi ni Tyrone. Ngumisi lang din si Sai sa kanya pero walang bakas ng pagkaaliw ang mga mata niya.  "Ha. Ha.  Nakakatawa. " sarkastik pa niyang sabi. "Alam ba nila Simon to?  Teka...  Masabihan nga." Sabi pa ni Tyrone at inalis ang kamay niya sa balikat ko para ilabas ang Bracelet niya. Pinindot niya ang button na naroon at nagsimulang pumunta sa Message Option. "Hoy!  Itigil mo nga yan!" Mabilis na sabi ni Sai at hinawakan ang kamay ni Tyrone para pigilan sa pagpindot sa screen. Sinubukan naman syempreng makawala ni Tyrone.  Kaya ang nangyari para silang batang nagpapambuno sa harap ko.  At kahit hindi ko gusto ay natagpuan ko nalang ang sarili kong marahang tumatawa sa kanila. "Aray!  Ganyan ka ba trumato ng customer mo!" Angal ni Tyrone. "Aisshh!  Kung katulad mo ang mga customer namin. Oo ang isasagot ko sa tanong mo." Ganti naman ni Sai. "Asan ang manager mo?  Magrereklamo ako! " sabi ni Tyrone pero halata naman na nagbibiro siya. "Wala.  Natutulog. " sagot naman ni Sai. "Sandali nga!"awat ni Tyrone at tinulak si Sai. "Oo na!  Hindi ko na sasabihin." "Good." Sabi naman ni Sai at inayos ang uniform niya. Napaismid nalang si Tyrone habang pilit kong pinipigilan ang tawa ko. "Bakit ka ba kasi nandito?  At bakit ka nagtratrabo bilang waiter? " tanong ko kay Sai. Saka niya lang ako tiningnan.  Pagkatapos ay nagkibit balikat siya. "Nakagawa ako ng offense at ito ang parusa ko galing kay Mr.  Pierce. " tipid na paliwanag niya. Lumawak ang pagkakangisi ni Tyrone.  "Kaninong kapalaran na naman ang nagulo mo?" Tanong pa niya na kinalito ko. Matalim ang matang bumaling naman sa kanya si Sai. "Yung sayo.  Gusto mo?" Banta pa niya. Nanatili ang pagkakangisi ni Tyrone pero nakita kong naging seryoso ang mga mata niya. "Subukan mo. Yun ay kung gusto mong maging taong yelo." Hamon pa niya. Unti unti kong naramdaman ang tensyon sa pagitan nila.  Nagsusukatan din sila ng tingin at parang wala ni isa sa kanila ang gustong sumuko. "A-ano... " simula ko pero biglang may pumunta sa tabi ni Sai at inakbayan siya. "Nacht. Sa tingin ko nakakaabala ka na sa date ng may date." Sabi ni Steve.  Siya rin ang umakbay kay Sai. "Oo nga.  Hindi ba at may punishment ka? Gusto mo bang madagdagan yun sa panggugulo mo? " dagdag naman ni Clynne ng makalapit sa amin. Napatingin sa kanila si Sai at inalis ang pagkakaakbay ni Steve. "Nagtratrabaho ako.  Huwag nga kayong magulo." "Hindi kami nangugulo." Nakangiting sabi ni Clynne. "Pero kanina pa namin gustong umorder...  Since wala pa namang order sila Tyrone.  Kami muna ang pagsilbihan mo." Sabi niya at muling inakbayan si Sai.  Pagkatapos ay hinila na niya ito palayo sa amin.  "Nasa kabilang dulo ang mesa namin." Narinig kong sabi ni Clynne. Nagpatangay nalang sa kanya si Sai at hindi na nagpumiglas pa.  "Lovebirds.  Pwede nyo ng ipagpatuloy kung ano man ang ginagawa niya." Sabi ni Steve na kinalingon ko sa kanya.  Nakangisi siyang tumingin kay Tyrone.  Pagkatapos ay mabilis na nagsalute gamit ang index at middle finger nito , pagkatapos ay tumalikod siya agad at sinundan si Clynne. Natatawang nagsalute pabalik si Tyrone kahit hindi siya nakikita ni Steve. Takang tumingin naman ako sa kanya. "Kakuntyaba mo ba sila?" Tanong ko. Natatawang umiling siya.  "Hindi ah... Sabihin nalang natin na....  Sinusuportahan lang nila ko." Ako naman ang umismid sa sinabi niya. "Talaga lang ha?" Tumango siya at muling lumapit sa akin. "Ang utos ni Steve...  Magpatuloy na daw tayo.  At dahil masunurin ako kaya kailangan kong gawin ang utos niya. Saan nga ba tayo nahinto? " he said mischievously. Muli kong naramdaman ang pagiinit ng mukha ko lalo na ng makita ko ang kamay niyang unti unting kumikilos sa likod ng silya ko. Mabilis akong lumayo at lumapit sa mesa pagkatapos ay niyuko ang menu.  Tinuro ko din ang mga tinuro niya kanina. "Oorder na tayo.  Ito ang sinuggest mo.  Ok lang sa akin." Mabilis na sagot ko sa kanya. Sandali niya kong tiningnan bago nangingiting umiling.  "Fine. You can run. But I won't let you hide this time." Sabi niya sa akin.  Sandali pa niyang tinitigan ang mga mata ko bago tumawag ng ibang Waiter. Parang nanlamig naman ang katawan ko. Dahil lahat ata ng dugo ko napunta sa puso ko.  At sa bilis ng t***k niyon ay hindi na yun makapagfunction ng husto. Nanatili si Tyrone sa tabi ko.  Pero balik na siya sa Gentleman side niya.  Malapit parin siya sa akin ngunit hindi na nya tinangkang dumikit ulit sa akin.  Naappreciate ko naman ang ginawa niya.  Dahil naging ease na din ako sa tinatakbo ng usapan namin. Marami siyang itinanong sa akin. Karamihan kung paano ako nagadjust sa Nacht at kung may mga bagay pa na pinoproblema ko.  Nagpresinta siyang tumulong.  Bagay na kinatuwa ko.  Napagusapan din namin ang pagkabata namin.  Pero kapansin pansin na iniiwasan nya ang parte kung saan sinabi sa amin ng mga magulang namin ang balak nila para sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman doon.  Pero isang damdamin ang unti unting nagpapabigat sa dibdib ko sa pagiwas niya.  Sinubukan kong takpan ang nararamdaman ko at pilit nagpanggap sa harap niya.  Hindi ko rin inalis ang ngiti ko pero may pagkakataong nahuhuli ko siyang matiim akong tinitingnan na parang binabasa nya mismo ang laman ng utak ko. Halos laganap na ang dilim sa labas ng Cafe ng matapos kami sa pagkain namin.  Nagsindi na din ng kanya kanyang ilaw ang mga Shops.  At naging buhay na buhay ang City Proper dahil sa mga yun. "Let's walk." Yaya ni Tyrone. Agad akong pumayag sa kanya.  Siya ang nagbayad ng lahat ng kinain namin at pagkatapos ay maingat na hinawakan ako sa siko para alalayan sa paglabas ng Cafe. Ilang shop din ang pinuntahan namin.  At sinubukan din naming magArcade. Parang bata kaming nagtagisan sa shooting at basketball.  At maraming beses na nagparaya siya para sa akin. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.  At halos umabot yun sa puntong hiniling ko na sana huwag ng matapos ang gabing ito. Pero sadyang hindi mapipigilan ang oras...  Kaya dumating ang pagkakataong kailangan na naming bumalik sa Academy. Sabay kaming sumakay ng bus pabalik.  Magkatabi kami pero wala na ni isa sa amin ang nagsalita. Ng makababa kami ay naglakad na kami pabalik ng Nacht. Sinadya kong bagalan ang lakad ko.  At natuwa naman ako ng sumabay siya sa akin.  Nakapamulsa siya at nakatingin lang sa harap namin. Napagiwanan na kami ng ilang estudyante dahil sa bagal namin.  Hanggang sa kami nalang ang natira sa gitna ng pathway.  Ang liwanag ng bilog na buwan at ng ilang poste ng ilaw sa gilid ng daan ang tangging nagbibigay sa amin ng liwanag.  Alam kong ordinaryo lang ang mga ito..  Pero para sa akin...  Parang panaginip ang tagpong to.  Napapikit ako at inalala ang nangyari ngayong araw.  Ang tuwang naramdaman ko habang kasama siya.  At ang kakaibang lakas sa tuwing katabi ko siya. Nangibabaw sa isip ko ang itsura nya habang nakatingin sa akin.  Ang intesidad ng mga mata niya.  At ang kakaibang emosyong naroon.  Sumingit din sa akin ang init ng kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko ng umalis kami ng Nacht at ganun din ang pakiramdam ng puso ko dahil sa mga ginawa niya. Lahat ng yun.....  Iisa isang sumingit sa utak ko.  At ganun nalang ang kabog ng dibdib ko ng dumilat ako.  Napahinto din ako sa paglalakad at napatingin sa likod ni Tyrone ng magpatuloy siya. Ramdam ko ang takot sa dibdib ko lalo na at nakikita ko siyang palayo ng palayo sa akin. Lahat ng nakita ko....  Lahat ng naranasan ko... Wawala ba yun kinabukasan? Babalik ba siya sa dating malamig na siya?  O mananatili siya sa ipinapakita nya? At ang mahalagang tanong.....  Makakaya ko ba kung iiwas ulit siya? Nanlabo ang mga mata ko sa mga luhang hindi ko na namalayang namuo roon.  Nakagat ko din ang labi ko para pigilan ang paghikbi ko. Pero sadyang hindi kaya ng puso ko ang iniisip ko kaya napahikbi parin ako sa kabila ng pagpipigil ko. Nakita kong napahinto si Tyrone sa paglalakad niya.  Napatingin pa siya sa magkabilang gilid niya at ng hindi niya ko makita ay mabilis siyang lumingon. Nakita ko ng bumakas ang relief sa mukha niya ng makita ako pero dagli ring napalitan iyon ng makita ang kalagayan ko. "Mela?  Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong niya at lumapit sa akin.  Humito siya sa harap ko at pinaakatitigan ako.  "May problema ba?  May masakit sayo? " tanong pa niya. Hindi ko na pinigilan pa ang pagagos ng luha ko.  Nagsunod sunod ang pagpatak ng mga iyon at literal na umiyak na ako.  Halata namang nagulat siya. "M-mela?  Ano ba--" simula niya pero natigil siya ng bigla ko siyang yakapin. Pumaikot ang mga bisig ko sa baywang niya at inihilig ang basang mukha ko sa dibdib niya. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya ng maramdaman ko ang init ng katawan niya.  Ramdam ko ang tensyon niya. Halatang nagulat talaga siya sa ginawa ko.  Pero maya maya lang ay narelax iyon at naramdaman kong gumanti siya ng yakap sa akin. Hinaplos din niya ang buhok ko habang inaalo ako sa pagiyak ko. "Shh.... It's ok. Tahan na." "T-tyrone... " gumaralgal na simula ko sa kabila ng paghikbi.  Sinubukan ko ding alisin ang bara sa lalamunan ko dala ng pagiyak para makapagsalita ako. "Hmm? " "H-huwag ka ng magbago...p-please.... " umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Naramdaman kong huminto ang kamay niya sa paghaplos sa buhok ko.  Ganun pa man ay hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "H-huwag mo na kong iwan. H-huwag mo na kong itulak p-palayo sayo. H-hindi ko na kaya...  A-ayokong wala ka." Umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Sandali rin siyang walang sinabi at tanging ang pagiyak ko lang ang naririnig sa paligid.  Maging ang mga panggabing kulisap ay tila nakikisimpatya sa akin at hinayaan lang ako. Unti unti akong nakaramdam ng pagkapahiya sa pananahimik niya.  Pero natigilan ako sa itinanong niya. "Bakit?  Bakit gusto mong nasa tabi mo ko? " halos pabulong na tanong niya.  "Nasasaktan ka lang pagkasama mo ko.  Maging noon...  Ng tutulan ko ang gusto ng mga pamilya natin.  Hindi ako nagiisip noon dahil sa bata palang ako...  Kaya nabitawan ko ang mga salitang yun.  Ganun pa man...  Alam kong nasaktan kita ng husto sa mariing pagtanggi ko.  Maging sa pagiwas ko sayo ng una kang dumating dito.... At sa ginawa kong pagtaboy sayo.  Kaya bakit...?  Bakit gusto mo paring manatili sa tabi ko? " Parang lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi niya at ilang sandali din bago ako nakasagot sa kanya. "D-dahil..... D-dahil... "Usal ko at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.  Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa pagamin ko.  Kaya natatakot akong lumayo siya kung sakaling hindi man nya gusto ang sasabihin ko. "D-dahil.... M-mahal kita." Agad kong naramdamang natigilan siya at lalo akong natakot na lumayo siya kaya mabilis kong dinugtungan ang sinabi ko. "A-alam kong tinging kapatid lang ang tingin mo sa akin.  A-at napipilitan ka lang sa gusto ng mga magulang natin.  Ganun pa man......  H-handa akong maghintay.  Hanggang sa magbago ang pagtingin mo sa akin.  K-kaya Tyrone--" Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin ng kumilos siya at hinawakan ang dalawang braso kong nakayakap sa kanya.  Pagkatapos ay pilit siyang kumakawala sa akin. Bumalot ang takot sa puso ko kasabay ng napakaraming tanong sa isip ko. Mali bang inamin ko?  Ito na ba ang oras na tuluyan siyang lalayo sa akin?  Hindi ko na ba siya makakasama? Napalakas ang iyak ko.  At mariin kong pinikit ang mga mata ko.  Ayokong makita ang rejectiong gagawin niya at maging ang tuluyan niyang paglayo. Mas gugustuhin kong manatili ang mga nangyari sa City Proper kanina bilang huling alaala niya sa akin.  At hindi ang paglayo niya. Tuluyan niyang naalis ang pagkakayakap ko at naramdaman kong lumayo siya sa akin.  Naramdaman ko pa ang pagkawala ng init niya at ang pagpalit ng malamig na hangin sa balat ko. Naiyuko ko ang ulo ko ng bitiwan niya ang kamay ko.  Pero ganun nalang ang pagtataka ko ng maramdamang hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.  Maingat niyang itinaas iyon.  At ganun nalang ang gulat ko ng maramdaman ang mainit na labi niyang dumantay sa mga labi ko. He kissed me.  Not so gently.  At parang may gusto siyang iparating sa akin sa paghalik niya.  He savored my lips.  At hinapit niya ang baywang ko para palalimin pa ang halik niya. He didn't just kiss me.  But he also marking me. His warmth eveloped me.  At ng matapos ang halik niya ay naramdaman kong idinikit niya ang noo niya sa noo ko.  Pinanatili din niya ang pagkakalapit ng katawan namin. "Open your eyes." Tila hinihingal na sabi niya. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng dahan dahan kong idilat ang mga mata ko at salubungin ang mga mata niya. At halos tumigil ang puso ko sa nakikita kong emosyong naroon. Pure Happiness.  And.... Pinigil ko ang sarili kong kilalanin ang isang emosyong nasa mga mata niya dahil may parte ko parin ang ayaw ng umasa. "Say it again. " halos pakiusap niya. "H-ha? " nagtatakang tanong ko. "Tell me what you feel for me." Sagot niya. Hindi ko na sana gustong ulitin pa ang sinabi ko.  Pero halos nakikiusap ang mga mata niya kaya parang kusang kumilos ang mga labi ko. "M-mahal kita... " "Bilang kapatid? " mabilis na tanong niya. Mabilis din akong umiling. "Bilang kaibigan?" Muli,  umiling ako bilang sagot. "Utang na loob? " paninigurado pa niya. "N-no." Sagot ko.  Saka ko nakitang umangat ang gilid ng labi niya. "Then as man? As your future husband? " tanong niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko bago dahan dahang tumango sa kanya. "Say it in words." Utos pa niya. Parang gusto kong irapan siya.  Pero dahil nandito na rin kami...  Mas magandang aminin na. Para wala na kong panghihinayangan. "Yes.  I love you.  Not as a brother,  or a friend.  But as a Man.  As my future husband. " pag amin ko. Lumawak ang pagkakangiti niya.  At muli niya kong hinalikan.  Nagpaubaya naman ako at ginantihan ang halik niya. At ng lumayo siya sa akin ng bahagya ay saka ko naring ang sagot niya sa pagamin ko. "And I love you,  too.  Carmela Castro.  Not as sister,  or a friend,  but as Woman.  As my future wife." Sabi niya at pinakatitigan ang mga mata ko. Sandali akong natigilan sa mga sinabi niya bago nakahuma at nagtanong. "P-pero....  Bakit ganun nalang ang pagiwas mo?  Ang paglayo sa akin? " nagtatampong sabi ko. Bumakas ang guilt sa mukha niya.  "I'm sorry.  Ang akala ko noon galit ka sa akin.  Dahil bago ako makapasok ng Academy ay tinutulan ko ang Engagement natin.  Ayokong maaalala mo ang ginawa ko kaya nilayuan kita.  Para hindi ka masaktan sa tuwing makikita mo ko.  Nakadagdag pa ang magkaibang House nating dalawa.  Bago pa man magkaroon ng mga Matches sa Academy...  Alam kong imposibleng magkaroon ng ugnayan sa atin.  Hindi kita magagawang protektahan sa House mo.  At ayokong pagkaisahan ka dahil sa akin.  Kaya lumayo parin ako.  Pero unti unti lang nung ginising ako sa totoong nararamdaman ko.  Ang problema lang...  Natatakot akong hindi kagaya ng nararamdaman mo ang nararamdaman ko.  Kaya hinayaan ko lang ang lahat.  At hinintay na ikaw mismo ang pumili sa akin.  Hindi dahil sa gusto ng mga magulang natin..  O dahil sa may utang na loob ka sa akin.  Kundi dahil sa iyon mismo ang gusto mo." Pag-amin niya at napabuga ng hangin.  "Ang totoo..  Kani kanila lang ay malalim ang iniisip ko.  Iniisip ko kasi kung ano pa ang dapat kong gawin para paibigin ka.  Kaya hindi ko namalayang huminto ka sa paglalakad.  At ng lingunin kita at makita kang umiiyak...  Parang hindi yun kinaya ng puso ko.  At ng sabihn mo sa akin ang mga salitang matagal ko ng hinihintay mula sayo. .. Parang sasabog ang dibdib ko.  Kaya hindi ko napigilang halikan ka." Natawa ako ng marahan sa huling sinabi niya. Pero napaseryoso din ako agad ng tumingin ako sa mga mata niya. "Ang akala ko naman ay babalik ka ulit sa dating malamig na Tyrone.  Kaya natakot ako ng husto.  Kaya hindi ko na napigilang umamin."sabi ko at napalabi Ngumiti naman siya.  "At dahil sa pagamin mo.  Naging klaro na ang lahat sa atin.  Mula ngayon...  Wala ng iiwas.  Wala ng mangiiwan.  Kahit ano pa ang mangyari..hinding hindi na kita bibitiwan. At bawal na ding bawiin ang sinabi mo."dagdag pa niya na kinatawa ko. "Ikaw din.  Bawal na.  Nakatatak na yun sa memorya ko. Kaya dapat nakatatak nadin yun sa memorya mo." Sabi ko pa sa kanya Biglang tila namoblema siya. "Paano ba yan.  May short memory ako.  Baka bukas lang makalimutan ko na." Napaawang ang labi ko sa kanya.  "Ano?! " Ngumisi naman siya.  "Alam ko na.  May idea ako para hindi natin makalimutan." Sabi niya at pinakawalan ako. Kunot noo ko naman siyang pinagmasdan habang may kinuha siya sa bulsa niya.  Pagkatapos ay nakangiti niyang binuksan ang palad niya sa pagitan namin. At halos tumigil sa pagtibok ang puso ko ng makita ang maliit na box doon.  At sa loob niyon ay dalawang singsing. Kinuha niya ang isa at hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos ay dahan dahang isinuot sa akin ang singsing. "Ito ang magiging promise ring natin.  Once na makalabas tayo ng Academy.  At nasa tamang edad na.  Magpapakasal tayo. Ito ang magpapaalala sa atin ng gabing to." Sabi niya at sandali naming pinagmasdan ang singsing sa daliri ko. Tumango ako at kinuha ang isang singsing sa kanya.  Isinuot ko sa kanya yun at tiningnan siya sa mga mata. Sinalubong naman niya ang mga mata ko at ang kaninang kinatatakutan kong kilalaning emosyon sa mga mata niya ay kitang kita ko na ulit ngayon. "Carmela..  Promise me one thing." Halos pabulong na sabi niya. "Hmm? " Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko.  "That you will be mine forever." Halos sasabog na ang puso ko sa lakas ng t***k niyon at parang naluluha na ulit ako.  Sinubukan kong kontrolin ang nararamdaman ko at sinalubong ang tingin niya. "I promise." Sagot ko sa kanya. Sumilay ang tuwa sa mga mata niya. "Then I promise to be yours as well.  Forever.  As long as I live. " sabi niya at itinaas ang kamay ko.  Pagkatapos ay hinalikan niya ang singsing na nakasuot sa akin ng hindi inaalis ang mga mata niya sa akin. Hindi ko na pinigil ang sarili ko at muli ko siyang niyakap. Gumanti naman siya ng yakap at naramdaman kong muling naglandas ang luha sa mga pisngi ko.  But this time.... Luha na yun ng sobrang kaligayahan. Dahil sa huli...  Nakuha ko din ang matagal ko ng pinapangarap.  The End _____________________________ A. N Salamat sa pagbabasa ^-^. Karamihan sa mga characters ng storyang ito ay mga characters din sa Guillier Academy. Kung gusto niyo silang mas makilala, basahin po ang storyang iyon para sa mga mas kapana panabik na eksena. Salamat Shane_Rose

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD