*Carmela's POV*
"Ayan. Huwag mo munang basain ang sugat mo ngayong gabi. Para upekto ang gamot na nilagay ko." Utos ni Ms Kath pagkatapos lagyan ng bandage ang sugat sa pisngi ko. Kinuha niya ang mga gamot sa pagitan namin at tumayo na. Pagkatapos ay pumunta siya sa mesa niya.
Sandali kong hinawakan ang bandage sa pisngi ko at ng maramdaman ko si Irja sa tabi ko ay agad akong bumaling sa kanya.
Maayos na ba ang pakiramdam mo?
Nagaalalang tanong pa niya.
Sa kabila ng pamimigat ng loob ko ay tipid akong ngumiti sa kanya at maingat siyang hinawakan. Pagkatapos ay inilagay ko siya sa balikat ko.
Maayos na ang pakiramdam ko. Huwag kang magalala.
Sagot ko sa kanya. Bumaling din ako kay Ms Kath at nakita siyang pinagmamasdan ako ng mabuti.
Pilit din akong ngumiti sa kanya at bahagyang yumuko. "Salamat po , Ms Kath."
"Walang anuman. Hintayin mo na lang si Tyrone. Siguro naman-"
Natigil siya sa pagsasalita ng bumukas ang pinto at pumasok ang ilang professor ng Academy.
Sabay pa kaming napabaling sa kanila at napakunot ang noo ko ng makita sila Ian at Marius na kasama nila.
Hindi ko alam pero kinabahan ako sa ekspresyong nakikita ko sa kanila. Tensyonado din ang mga katawan nila at may pagmamadali sa mga kilos nila.
Wala sa loob na napatayo ako at humarap sa kanila habang napatuwid din ng tayo si Ms Kath.
Huminto naman ang ilang Professor ilang hakbang mula sa amin. Sandali rin napatingin sa akin ang iba at sa bandage sa pisngi ko bago muling bumaling kay Ms Kath.
Maging si Marius at Ian napatingin sa akin at nakita kong bahagyang naningkit ang mga mata nila ng makita ang bandage ko.
"Kath, Ihanda mo ang Clinic. May nangyaring insidente sa gubat. Ilan sa mga estudyante ang nasugatan. Naabisuhan na ang ilang Healers at papunta na sila dito." Sabi ni Sir Gabriel. Ang Head ng Fire Element ng Nacht.
"Insidente? Malala ba ang natamo nilang sugat?" May pagaalalang tanong niya.
Bahagyang umiling si Mr Gabriel. "Hindi ko masasagutan yan. Pero mas magandang maging handa kayo pagdating nila."
Mabilis na tumango si Ms Kath. "Of course." Sagot niya kasabay ng muling pagbukas ng pinto. Nakita kong dumating Si Mr Cade at Mr Mike. Ganun din ang karamihan sa mga Healers namin.
Lahat sila parang tila nagmamadali at ramdam ko ang tensyon sa pagbubulungan nila.
"Ian. Ibalik mo muna si Carmela sa Nacht." Narinig kong utos ni Sir Gabriel.
Marahas akong bumaling sa kanila. "Po? Pero sa Lumiere po dapat--"
"Ititigil na natin ang arrangement na yan." Putol sa akin ni Sir Gabriel. Nakita ko din ang iritasyon sa mga mata niya habang nagsasalita siya. "Iyan ang nagsimula ng lahat ng to." Mahina pang dagdag niya. "Ian. " muli niyang tawag sa isa sa mga Higher Elites namin.
Magalang na tumango si Ian bago tumingin sa akin. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kanang braso ko.
"Let's go , Mela." Bulong pa niya at hinila na ko palabas ng silid.
Mahigpit ang kamay niyang nasa braso ko at alam ko na kahit magmatigas ako ay wala rin iyong magagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Sandali ko pang nilingon sila Ms Kath at nakita ko si Marius na tumingin sa amin ni Ian bago pa sumara ang pinto ng Clinic.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad din akong hinila ni Ian palayo roon.
Medyo mabilis ang lakad niya at iilang beses ako muntikang matisod dahil sa paghila niya.
"Sandali , Ian. Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ko.
"Narinig mo sila , hindi ba? Maya maya lang ay dadagsa dito ang maraming professor at ilang estudyante ng Academy na nasaktan sa insidente sa gubat. Mas magandang wala ka na dito pagdating nila." Sagot niya ng hindi ako nililingon. Ni hindi nga bumagal ang lakad niya.
"Insidente? Anong tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong ko at pilit sumasabay sa kanya. Naramdaman ko ring muntik muntikan ng mahulog si Irja sa balikat ko kaya nagpasya siyang bumalik sa pagiging pendant ko.
Imbes na sumagot ay bigla nalang siyang huminto. At dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya ay nagdirediretso akong bumangga sa likod niya.
"Aww... " daing ko pa at hinimas ang ilong ko. Parang tumama kasi ako sa matigas na pader. At ni hindi man lang natinag si Ian sa lakas ng pagkakabangga ko sa kanya. Naningkit ang mata ko at sisigawan na sana siya ng marinig ko ang maraming yabag sa corridor.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa gawi kung saan naroon ang tarangkahan ng Administrator's building. Medyo madilim na at iilang lampara lang sa gilid ang bukas kaya hindi ko pa masyadong maaninag ang mga paparating.
Pero base sa tunog niyon ay halatang marami sila at..... Nagtatakbuhan.
"Anong.....? " simula ko pero natigil ako ng maaninag ko na ang ilang Professor mula sa Lumiere at Ganun din ang Head ng House nila.
Para akong naging estatwa sa kinatatatuan ko lalo na ng makita ko si Kaeden na may buhat buhat na estudyante. Sa tabi niya ay ang tumatakbo ring si Simon.
Narinig kong napapalatak si Ian at nagulat pa ko ng hinila niya ko para tumabi sa gilid.
Mabilis naman kaming nilampasan nila Mr Daniels at halos nakatulala nalang ako habang sinusundan sila ng tingin.
"Ian. Bumalik na kayo ng Nacht ngayon din." Utos ng isang Professor ng Lumiere na huminto sa tabi namin.
Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang tensyon sa mga mata niya.
"Ano pong nangyayari?" Di mapigilang tanong ko pa.
Tila nagdalawang isip pa ang Professor na sagutin ako bago tumingin kay Ian. Nakita ko namang nagiwas siya ng tingin. Naramdaman ko ring bahagyang humigpit ang hawak niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
Then I saw it. His guilt. Bakas na bakas yun sa mukha niya. Para ding malamig na tubig yun na bumuhos sa katawan ko ng may idea na pumasok sa isip ko.
"Anong..... ginawa mo? " halos pabulong kong tanong sa kanya.
"Hindi namin sinasadya." Mahinang sagot niya at bumaling sa akin. "Planado naman namin ang lahat. At sinigurado naming hindi sila masasaktan. Hindi lang namin inasahan na..... "
More footsteps. Napahinto din si Ian sa pagsasalita ng may grupo na naman na pumasok ng Administrator's building.
At parang tumayo ang balahibo ko ng makita si Jared na buhat buhat si Christine. Nagmamadali din nila kaming nilampasan at parang binalot ng kaba ang puso ko ng makita ang tila walang malay na katawan niya.
Ng tuluyan nila kaming malampasan ay saka ako bumaling kay Ian. "Ginawa nyo yun sa kanila? " di makapaniwalang tanong ko at binawi ang braso kong hawak niya.
"No!" Mabilis na tanggi naman ni Ian. "Hindi kami ang may gawa nun. Kundi mga kakaibang nilalang."
"Pero dahil sa kung anumang ginawa niyo kaya nagawa silang saktan ng mga yun." Panghuhula ko. At ng makita kong muling bumakas ang guilt sa mukha niya ay napapikit nalang ako. "Bakit? " tanong ko pa ng muli siyang tingnan.
Bumukas ang bibig niya para magpaliwanag. Pero hindi iyon natuloy ng may magsalita.
"Because they cruel."
Marahas kaming napabaling sa boses at bahagyang tumalon ang puso ko sa kaba ng makita ang Head Elite ng Lumiere. At sa likod niya ay isang Fire User din. Base sa badge niya ay isa rin siyang Elite gaya namin.
Ng humakbang sila palapit sa amin at ng matanglawan ng liwanag mula sa lampara ang mga mukha nila, ay wala sa loob na humakbang ako paatras. Ganun din ang pagsibol ng takot sa dibdib ko.
Kitang kita ko ang galit sa mga mata nila at ramdam ko ang tensyong ibinibigay nila sa paligid.
Maging si Ian naalerto at humakbang para harangan ako sa kanila.
Kumilos din ang Professor na kasama namin at gumitna sa kanila. "Clynne. Vlad. Hindi dapat kayo nandito. Bumalik na kayo sa Lumiere." Matigas na utos nito at maingat na tinitingnan yung dalawa.
"Bilang Head ng Elites at ng mga estudyante ng Lumiere. Katungkulan ko ang siguraduhin ang kaligtasan ng mga kasama ko." Malamig na sabi ni Clynne habang hindi hinihiwalayan ng tingin si Ian. Kitang kita ko sa mga mata niya ang kinikimkim na galit, ganun din ang kagustuhang saktan kami ni Ian. Hindi ko na makita ang mabait na imahe niya na nakasanayan ko, bagkus ay para siyang mandirigmang handang manakit para makaganti sa sinumang nanakit sa mga taong prinoprotektahan niya."At sa nangyari ngayon ay dapat lang na narito ako."
"Clynne." May pagbabanta na sa tono ng professor namin. Lalo na at nakita naming naglabas ng mapusyaw na Flare si Clynne. Ganun din ang kasama niya. "i***********l ang paglalaban ng walang pahintulot." Dagdag pa ng Professor namin. "Lalong lalo na sa harap naming mga tagapagturo niyo! Are you going to break the rules?" He almost growled.
"Sila ang unang bumali ng batas na sinasabi nyo. Kaya wala din sigurong masama kung gagawin din namin yun. Right , Ian? " Clynne said dangerously. At nagpatuloy sa pagabante.
Iniharang ni Ian ang braso niya sa akin at bahagya akong itinulak paatras. Halos hindi nako makahinga sa takot habang nakatingin kela Clynne.
"Anong masasabi mo, Vlad? " tanong ni Clynne sa kasama niya.
"An eye for an eye." Sagot nung Vlad na kinataas ng balahibo sa buong katawan ko.
Kasabay nun ang paglabas ng circle of Fire sa amin ni Ian. Napasigaw pa ako at napakapit sa likod niya.
"Shit." Usal naman niya at tiningnan ang apoy na unti unting lumalakas sa paligid namin. Halos nagkulay pula na din ang paligid namin dahil sa nagngagalit na alab na pumapaikot sa amin.
"What are you doing?! Stop it! " galit na sigaw ng professor namin. Sinunbukan niyang lapitan sila Clynne pero may apoy na humarang sa kanya.
"Kung gusto nyong gumanti, Sa akin nalang. Huwag niyong idamay si Mela! " sigaw ni Ian sa kanila.
Parang maiiyak na ko sa kaba at takot lalo na ng biglang sumiklab ang apoy ng malakas.
Use your power, Mela!
Sigaw ni Irja sa loob ng isip ko.
Dala na rin ng takot ko ay hindi na ko nagisip pa. Basta ginawa ko nalang ang sinabi niya. Gusto ko rin naman silang pigilan kaya agad kong binuksan ang pinto ng link ko at naglabas ng flare.
Napabaling naman sa akin ang Professor namin at nakita ko ang halos nagpapanick na ekspresyon niya.
Pilit kong inaninag sa kabila ng nangangalit na alab ang may gawa ng apoy na nakapalibot sa amin. Pagkatapos ay nagfocus ako at gamit ang lupang tinatapakan namin ay pinadaan ko ang kapangyarihan ko doon hanggang sa makita kong unti unting naging bato ang paa nilang dalawa.
Gulat na napayuko sila at nakita kong pinipilit nilang gumalaw. At ng mapagtanto nilang huli na para umiwas ay narinig kong napapalatak si Vlad.
Bumaling din siya sa amin at naningkit ang mga mata niya sa galit. Lalong lumakas ang apoy sa paligid namin. Kumilos naman si Ian at niyakap ako. Napaluhod na kaming dalawa at halos maiyak ako sa sobrang init. Parang unti unti na ring napapaso ang balat ko.
Nakita kong naglabas ng flare si Ian. Kasabay ng paglitaw ng animo itim na buhangin paikot sa amin. Pagkatapos ay tila naging buhanging pader sila at sinubukang itinulak ang apoy ni Vlad.
Bumaling din si Ian kela Clynne at naningkit ang mata niya sa konsentrasyon. Halos manlaki ang mata ko ng makita kong gumalaw ang ilan sa itim na buhangin at gumapang ng mabilis patungo direkta kela Clynne.
Nakita kong sinubukang kumilos ni Vlad para umiwas. Pero dahil sa kakayahan ko ay hindi niya magawang makaalis sa kinalalagyan niya.
Napasinghap ako ng biglang naging tila spear ang itim na buhangin ni Ian at ng akmang tatama yun kela Clynne ay napahawak ako sa kanya.
Mabilis namang naglabas ng puting liwanag si Clynne. At ng ilang hibla nalang ang layo ng dulo ng spear sa kanila ay mabilis iyong hinarangan ng puting liwanag at pinahinto.
Kampanteng tumingin sa amin si Clynne at nakita ko ng balutin ng puting liwanag ang spear na ginawa ni Ian. Pagkatapos ay naging dilaw ang liwanag niya at nakita kong naging ordinaryong buhangin nalalaglag sa sahig ang atake ni Ian.
"Damn it!" Narinig kong usal ni Ian. "Walang laban ang Metal ko sa kakayahan niya." Bulong pa niya.
Saka ko lang naalala ang ability niya. Metal wielder . Yan ang tawag sa kanya dahil sa kakayahan niyang kontrolin ang ano mang metal sa lupa. Kaya niya rin pagsama samahin ang metal component sa lupa kahit gaano man yun kaliliit at gawing sandata gaya ng ginawa niya kanina.
Pero kahit ganun kahusay ang kakayahan niya ay wala parin siyang panalo sa Aether Controller na si Clynne. Kayang kaya niya kasi kontrolin ang anumang elemento. Kasama na ang lupa at lahat ng meron ito.
"Ahh!" Sigaw ko ng ng muling lumakas ang alab na nakapaikot sa amin.
Mabilis na niyakap ako ni Ian para harangan ang init ng apoy. At ng humina iyon pansamantala ay mabilis kong dinagdagan ang kapangyarihan ko.
Nakita kong gumapang ang kapangyarihan ko hanggang sa tuhod nila. Pero kinabahan ako at tila saglit na nanlamig ang katawan ko ng tumingin sa akin direkta si Clynne.
"Impressive."puri pa niya matapos tingnan ang unti unting nagiging batong katawan niya. Pagkatapos ay nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya at tumingin ulit sa akin. "Tingnan natin kung sino ang mauuna sa ating apat. Kami...... O kayo?" Sabi niya na kinalito ko.
Mauuna? Anong ibig niyang sabihin?
At doon siya muling naglabas ng puting flare. Kasabay nun ang tila pagkawala ng hangin sa paligid namin.
Napasinghap ako at nakita kong ganun din si Ian. Na para bang biglang may humigop ng hangin kahit sa mga baga namin.
Napahawak ako sa leeg ko. At sinubukang huminga ng malalim. Pero kahit ano ang gawin ko ay walang hanging pumapasok sa akin.
Naramdaman kong naginit ang baga ko at ganun din ang paninikip niyon.
Nagpanick ang katawan ko at maging ang puso ko bumilis ang takbo para punan ang kakulangan ng baga ko.
Nagsusumigaw na din ang bawat himaymay ng katawan ko para sa hangin at halos mapahiga na din ako sa lupa. Maging si Ian hirap na sumagap ng hangin at gaya ko nakita kong namamasa na din ang mga mata niya sa hirap na dinaranas namin.
Parang may kamay ng humihigpit sa leeg ko. At nagsisimula ng dumilim ang paningin ko. Hirap na huminga ulit ako pero nanatiling walang hangin na pumapasok sa akin.
Naririnig kong sumisigaw na ang Professor namin at naglabas na siya ng sandata para pigilan si Clynne sa ginagawa niya.
Mela!!!
Nagpapanick na ring sigaw ni Irja. Nakita ko pa sa nanlalabong paningin ko ng mawala ang harang na ginawa ni Ian. Marahil ay nawalan na ng lakas ang katawan niya kaya hindi na nito kayang panghawakan ang kapangyarihan niya.
Hindi rin ako magtataka kung ganun din ang nangyari sa kapangyarihan ko dahil ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko.
At ng tuluyan akong bumagsak sa lupa ay saka ako nakaramdam ng biglaan at kakaibang lamig.
Nakita ko ring nagbago ang dating kulay pulang paligid ko sa puti at asul. Pagkatapos ay nabalot kami ng mist.
Bigla ring nawala ang kamay na sumasakal sa leeg ko. At mabilis na numbalik ang hangin. Parang uhaw na sumagap agad niyon at halos magkanda ubo ubo ako sa ginawa ko. Parang naiyak din ako sa sobrang relief na naramdaman ko.
Sinubukan kong umupo at nakita ko si Ian na umuubo din at pinipilit ding umupo. Pagkatapos ay nabaling ang mata ko sa paligid namin. At doon ko nakita ang yelong nakapaikot sa amin. Mula sa dingding, sahig, kisame at sa mga bintana.
At ng tuluyang nakahuma ang utak at katawan ko sa kakulangan ng hangin kanina ay saka gumana ulit ng maayos ang katawan ko. Saka ko lang narinig ang mga boses na nagsisigawan.
"You almost killed them! Hindi nyo ba yun nakikita?! " galit na sigaw ng pamilyar na boses. At parang gusto ko umiyak ng makita ko si Tyrone na nakikipagtalo kela Clynne.
Sinubukan kong umupo. Lumapit naman si Ian at inalalayan ako.
"Iyon din ang ginawa nila kela Sallie. Kulang pa nga!.." Galit na wika ni Vlad. "Nakita mo ba ang lagay nila! Wala silang malay, Tyrone! At walang makapagsabi kung buhay sila o hindi!"
"Pero hindi sapat yun para gawin niyo sa kanila to!" Ganting sigaw ni Tyrone. Pagkatapos ay bumaling siya kay Clynne. "Alam kong galit ka.... Pero ang gawin to? "
Sinalubong naman ni Clynne ang tingin niya.
"I had enough, Tyrone. Pinapalampas ko ang ginagawa nila noon. Pero ito... Ito ang pumutol sa pasensya ko. Kaya kung ano man ang gagawin nila sa mga kaHouse natin simula ngayon.... Yun din ang ipaparanas natin sa kanila." Nagtatangis ang bagang na sabi ni Clynne at binalingan kami ni Ian.
I almost whimpered. Sa sobrang takot na din sa kanya. Humarang naman sa harap ko si Ian.
"Sabihin mo yan kay Marius. Magtangka ulit siyang galawin ang sinuman sa amin.... At makakalaban niya ang buong House namin." Banta ni Clynne.
"That's enough!" Sigaw ng Professor namin at galit na bumaling kela Clynne. "Both of you! Mabibigyan kayo ng parusa sa ginawa nyo!"
Sasagot na sana si Vlad ng may humahangos na estudyanteng pumasok ng Administration building.
Bumaling kaming lahat dun at halos mapaluhod din siya sa pagod ng tumigil siya.
"S-sir..... Sa L-lumiere..... " hinihingal na sabi niya.
Agad na humarap silang apat sa kanya.
"Anong nangyari sa Lumiere? " mabilis na tanong ni Clynne.
"W-we're..... W-we're under attack." Pilit niyang sagot sa kabila ng pagod.
Hindi na nagalinlangan sila Clynne at Vlad at mabilis na tinakbo ang tarangkahan para saklolohan ang House nila.
Narinig ko namang pumalatak ang Professor na kasama namin at mabilis na sinundan yung dalawa.
Nakita ko namang nagalinlangang tumingin sa akin si Tyrone. Nakita ko ang paglalaban ng kalooban niyang tulungan ako at saklolohan ang House niya.
Pero ng mapabaling siya kay Ian ay nakita ko ang pagbahid ng galit sa mga mata niya at ang unti unting paglamig ng mga iyon. Kumabog din ang puso ko lalo na ng mawala ang emosyon sa mga mata niya.
No... Please.... Don't do this....
Tahimik na pakiusap ko. Pero alam kong hindi ko na mapipigilan ang mangyayari.
"Bumalik na kayo ng Nacht. Hindi ligtas ang Academy ngayong gabi." Malamig na sabi niya at tumalikod.
"T-tyrone.... " gumaralgal na tawag ko.
Napahinto siya sa akmang pagalis. At sandali ring hindi siya kumilos. Pero maya maya ay nagsalita siya ng hindi ako nililingon.
"Sigurado akong tapos na ang pagiging Hunter ko sayo. Kaya wala ng rason para manatili ka sa Lumiere. Bumalik ka na sa House mo at kalimutan ang lahat ng nangyari habang kasama mo ko." Sabi niya. At bawat salitang binibitawan niya ay tila punyal na humihiwa sa puso ko.
Hindi na nya ko nilingon nun. Pagkatapos ay inalalayan niya ang kaHouse nyang humahangos na nagbalita sa kanila at lumabas din sila ng Administrator's building
Ng tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay saka bumalong ang mga luha ko.
Napatingin sa akin si Ian at hinaplos ang likod ko.
"I'm sorry. Hindi namin alam na aabot sa ganito. Patawad at natakot ka ng husto." Pagaalo pa niya.
Natabunan na ng sakit ng dibdib ko ang takot na naramdaman ko kanina. At mas gugustuhin ko sigurong paulit ulit na humarap sa mga ganung kadelikadong sitwasyon kumpara sa pinaranas ni Tyrone sa akin kanina.
________________________
Shane_Rose