*Carmela's POV*
"Kung kelan naman kailangan mo sila... Saka sila mawawala. Haisst! Asan na ba si Ms Kath?" Litanya ni Tyrone habang naghahanap ng gamot sa mga drawer at cabinet sa loob ng Clinic.
Tahimik na sinusundan ko lang siya ng tingin habang nakaupo sa isa sa mga kama na naroon.
At ng pumunta si Tyrone sa kabilang Cabinet at binuksan iyon ay saka ako nagsalita.
"Hindi kaya magalit si Ms Kath at pinakikialaman mo ang gamit niya? " tanong ko sa kanya.
Hindi naman niya ko tiningnan at nagpatuloy lang sa paghahanap ng kung anuman sa mga boteng naroon.
"Una sa lahat.. Hindi niya gamit ang mga to. Pagaari to ng Academy at para sa lahat. Pangalawa... Tinuruan naman niya ko kung para saan ang mga boteng narito. Kaya siguro naman hindi siya magagalit kung gagalawin ko to ngayong kailangan mo. " sagot niya.
Napalabi ako. "Kahit na. Hindi parin magandang gumalaw ng gamit ng iba ng walang permiso. "
May kinuha siyang bote mula sa loob nun. Binasa nya muna ang label bago bumaling sa akin.
"Saka ko na iisipin kung mali o hindi ang ginawa ko. Sa ngayon gamutin muna natin yan." Sabi niya at tinuro ang kaliwang pisngi ko. Kinuha nya rin ang lagayan ng mga bulak sa mesa ni Ms Kath. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Awtomatikong napigil ko ang hininga ko lalo na ng lumapit pa siya sa akin.
Naiilang na iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil narin sa takot na makita niya ang pamumula ng pisngi ko.
"Paano ko lilinisin at gagamutin ang sugat mo kung hindi ka haharap sa akin?" Narinig kong tanong niya.
"A-ako na ang maglilinis ng sugat ko." nagkandautal na sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin na para bang napapagod siya o ano. "Hunter mo ko at katungkulan kong siguraduhin na ligtas ka. But I failed. Dahil nangyari sayo to. Kaya dapat lang na hayaan mo kong gawin kahit man lang to. Para makabawi ako sa kapabayaan ko. "
Marahas akong bumaling sa kanya. "Hindi ka naman nagpabaya! Kasalanan ko naman.... Pumayag kasi akong makipaglaban." Sabi ko. Hindi kasi kaya ng puso ko na marinig na sinisisi niya ang sarili nya ng dahil sa akin.
"Isa pa yan. Pero saka na natin pagusapan yan." Sabi niya at marahang hinawakan ang ilalim ng baba ko. Pagkatapos ay maingat niyang ibinaling ang mukha ko para makita niya ang sugat na natamo ko kanina.
Sandali niyang tiningnan yun bago kumilos ang kamay niya at hinaplos iyon. Sa unang dampi palang ng daliri niya ay napangiwi na ko. Medyo mahipdi kasi iyon pag nagagalaw.
Agad niyang binawi ang kamay niya at nakita ko ang pagbakas ng pagaalala sa mukha niya. Nagtangis din saglit ang bagang niya bago siya bumaling sa boteng kinuha niya at sa bulak.
"Hindi dapat kita iniwan kanina." Bulong pa niya habang hinahanda ang panlinis sa sugat ko.
Hindi na ko nagsalita dahil halatang hindi naman siya naghihintay ng sagot sa sinabi niya. Baka nga... Hindi nya namalayang nasabi na niya yun.
Ng muli siyang tumingin sa akin ulit ay marahan niyang hinawakan ang ilalim ng baba ko at maingat na dinampi ang bulak na may gamot sa sugat ko.
Napakislot pa ko ng maramdaman ang gamot. Medyo malamig kasi iyon sa simula pero pagkatapos ay nararamdaman ko na ang kaunting hapdi.
"Konting tiis. " sabi ni Tyrone at maingat na idinampi ulit ang bulak.
Sobrang absorb siya sa paggamot sa akin at ako naman masyadong nagkoconcentrate sa pagbabalewala ng hapdi, kaya wala ni isa sa amin ang nakapansin na masyado na kaming malapit sa isat isa.
Muli niyang idinampi ang bulak at halos mapasinghap ako ng tumindi ang hapdi sa pisngi ko.
Napansin naman niya iyon at mabilis na inalis ang bulak.
"I'm sorry. Masakit ba? " nagaalalang tanong niya.
Gusto kong magkaila pero alam kong makikita naman niya ang sagot sa mukha ko kaya sinabi ko nalang ang totoo.
"Medyo....Mahapdi. " sagot ko.
Muli niyang tiningnan ang sugat ko at pagkatapos ay tumingin sa mga mata ko.
Nakakunot ang noo niya na para bang may pinagiisipan siyang mabuti.
Pero bago ko pa matanong kung ano iyon ay hinawakan niya ulit ang ilalim ng baba ko. "Don't move." Sabi niya at parang tumigil ang puso at baga ko ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
Napapikit din ako at maya maya lang ay naramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa pisngi ko kung nasaan ang sugat ko.
Tinaboy nun ang hapdi na nararamdaman ko hanggang sa tila nawala yun.
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagihip ni Tyrone sa sugat ko.
Dahil sa ginagawa niya ay namumbalik sa akin ang mga alaala ng mga bata palang kami. Sa tuwing nasusugatan ako. Naroon din siya para gamutin ako at parati din niyang hinihipan ang mga sugat ko para mawala ang p*******t niyon.
Wala sa loob na bumaling ako sa kanya. Nahinto naman siya sa ginagawa niya at napatingin sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung nakikita niya ang laman ng isip ko pero nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya. Parang tumagos din sa loob ko ang titig niya at hindi ko magawang magiwas ng tingin sa kanya.
Parang biglang huminto ang oras para sa amin at nakontento na kaming nakatingin lang sa isat isa. Hindi man namin magawang magusap gamit ang mga salita ay nagagawa naman namin yun sa pamamagitan ng mga tingin namin.
At ng unti unting bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko ay parang sasabog na ang puso ko.
Dahan dahan niyang tinawid ang distansya sa pagitan namin at muli akong napapikit ng dumampi ang mga labi niya sa akin.
Muli kong naramdamang naginit ang katawan ko dahil sa halik niya at parang nabuhay bawat himaymay ng katawan ko.
He kissed me gently. At parang ingat na ingat siya habang hinahawakan ang kabilang pisngi ko.
Awtomatik na napahawak ako sa dibdib niya at naramdaman kong pumaikot ang kamay niya sa baywang ko.
I love him. Mula noon hanggang ngayon.
Sinubukan kong iparamdam yun sa halik ko at halos maluha ako ng tugunin niya iyon.
Sandali niyang pinalalim ang halik pero nabigla ako ng agad niyang pinutol iyon at lumayo sa akin. Binitawan niya rin ako at mabilis na tumayo.
Maang na napatingin naman ako sa kanya. Habang tila nahihirapan siyang tumingin sa akin.
"Ty--"
"I'm sorry. " hingi nya ng paumanhin na kinalito ko. "Hindi ko dapat ginawa yun. Hindi dapat yun nangyari. It's just that.... that.. " sabi niya pero mukhang wala siyang maapuhap na sabihin.
Doon sa mga sandaling yun napiling pumasok ni Ms Kath at natigilan pa siya ng makita kami ni Tyrone. Pagkatapos ay bahagyang tumaas ang kilay niya at nagtatanong ang mga matang binalingan kaming dalawa.
"She's hurt." Sabi ni Tyrone. "Sinubukan kong gamutin ang sugat niya. Pero mukhang mali ang ginagawa ko. Kaya kayo na po ang tumapos." Sabi niya at naglakad papunta kay Ms Kath na parang wala lang nangyari sa amin.
Kumirot ang dibdib ko at maang na sinundan ko nalang siya ng tingin.
Tumigil siya sa tabi ni Ms Kath at nilingon ako. At parang gusto ko maluha ng makitang wala na ang emosyong nakita ko dun kanina. Bumalik na siya sa dati. Sa Tyrone na una kong nakita dito sa Academy.
"Babalikan kita dito. Hintayin mo lang ako." Sabi niya at nagpatuloy na sa paglabas ng silid.
Ng maisara niya ang pinto ay saka lumapit sa akin si Ms Kath at tiningnan ang sugat ko.
"Masakit ba?" Tanong pa niya at kinuha ang boteng ginamit ni Tyrone kanina.
Napayuko ako para hindi niya makita ang pamamasa ng mga mata ko.
"Opo." Mahinang sagot ko. Tumango pa ko at pagkatapos ay napayuko. "Sobra." Bulong ko at napapikit habang iniinda ang pagsikip ng dibdib ko.
_______________________________
*Tyrone's POV*
Damn it! Ano bang iniisip ko at ginawa ko yun? Sabi na nga ba at delikadong mapalapit ako sa kanya ng ganito katagal. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko. Ano nalang ang iisipin niya?
That you're a jerk.
Sagot ng Spirit ko na si Ren.
Seriously Tyrone? Pagkatapos mo siyang halikan ay basta mo nalang siyang iniwan?
Dagdag pa niya.
Nandun na si Ms Kath. Anong gusto mong gawin ko?
Inis na tanong ko sa kanya.
Hmm... Wala. Ang gusto ko lang ay magpakatotoo ka na.
Sagot naman niya.
Yun naman ang ginagaw ko diba?
Nope.
Simpleng sagot niya.
Lalo lang akong nafrustrate sa kanya kaya hindi na ko nagsalita pa at mabilis na bumalik sa Lumiere.
May kailangan pa kong tapusin doon at sana lang ay may maabutan pa ko lalo na at halos balot na ng dilim ang paligid. Baka mamaya ay nagsipag alisan na ang mga yun.
Agad akong umakyat sa fourth floor at tinungo ang training room namin. Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong wala ng bakas ang ginawa ko kanina. Wala na ang yelo sa paligid pero nanatili parin ang mga kaklase ko sa loob ng silid.
Lahat sila napabaling sa akin at halatang hinihintay ang gagawin ko.
Hinanap naman agad ng mga mata ko si Lex at ng makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan. Agad na bumalik ang lahat ng inis at galit na naramdaman ko kanina ng makita ko si Mela sa gitna ng Laser nya.
Gusto ko siyang suntukin at yun mismo ang naiisip kong gawin bago humarang sa akin si Simon.
"i***********l ang pagaaway sa loob ng Academy. Kumalma ka Tyrone." Sabi pa niya.
Umismid ako. "Fine. Then hinahamon ko siya sa isang duel." Matatag na sabi ko at matalim na tiningnan si Lex.
"Hindi niya kasalanan." Sabi ni Simon na kinapantig ng tengga ko.
"Really? Nakita mo ba ang sugat sa pisngi niya at nakita mo ba ang sitwasyon niya ng dumating ako?! She was scared!" Halos sigaw ko kay Simon.
Matatag na sinalubong naman niya ang mga mata ko.
"I know. Nakita ko. Kaya nga sinubukan ko ding pigilan. Iaalis na rin sana ni Lex ang kapangyarihan niya ng dumating ka."
"Hindi yun ang nakita." Medyo galit paring sabi ko.
Tila nahahapong nagbuntong hininga naman si Simon.
"Fine. Kung galit ka at gustong saktan si Lex... Then saktan mo rin ako. Punch me."sabi pa niya.
Kunot noong tiningnan ko siya sa mga mata. "Ano? "
"Kinunsinti ko ang ginawa nila kaya kasalanan ko din. "Sagot naman niya.
"Ako din. " singit naman ni Ryan. "Ako ang nauna. Kaya kasalanan ko din. Hindi ko naman intensyong takutin o saktan siya."
"Stop that guys. Kasalanan ko talaga. Medyo nadala ko sa ipinakita niya. Kaya nasaktan ko siya." Sabi naman ni Lex at matapang na sinalubong ang tingin ko. "I feel bad sa ginawa ko. Kaya kung makakaluwag sa loob mo ... Then hit me. Tatanggapin ko. Pagkatapos ay hihingi ako ng personal na tawad kay Carmela." Sincere na sabi niya.
Nagsipagsunuran naman ang iba. At batid nilang lahat na nagkamali sila.
Hindi ko man gusto ay unti unting nawala ang galit ko. Lalo na at kitang kita ko na hindi rin nagustuhan ng iba ang kinahinatnan ng laban.
Muli kong tiningnan si Lex at humakbang palapit sa kanya. Natahimik naman ang lahat habang hinawakan ni Simon ang braso ko.
"Tyrone... "
Hindi ko siya pinansin at binawi ang braso ko sa kanya. Pagkatapos ay nagpatuloy ako sa paglapit kay Lex. Hindi naman siya kumilos sa kinatatayuan niya at hinintay lang na makalapit ako.
Huminto ako sa harapan niya at sandaling tiningnan siya direkta sa mga mata niya. Nakita ko dun na nagsasabi siya ng totoo. Na wala siyang intensyong masama sa ginawa niya kanina. Ganun pa man... Nasaktan parin niya si Mela.
Mabilis akong kumilos at sinuntok siya. Halos matumba siya sa ginawa ko pero agad din naman niyang nabawi ang balanse niya.
Narinig ko pa ang sandaling pagunggol niya. Bago siya umayos ng tayo at sinapo ang panga niya. Pagkatapos ay tiningnan niya ko.
"Para yan sa sugat na ibinigay mo sa kanya. Sa susunod na gawin nyo ulit yun sa kanya.... Hindi na ko basta basta magpapatawad." Sabi ko. "Naintindihan nyo? " tanong ko pa at pinasadahan sila ng tingin.
Isa isa naman silang tumango kaya nakampante na rin ako.
Pero biglang bumukas ang pinto at may Air User na humihingal na pumasok ng silid. Halos naitukod narin niya ang mga kamay sa tuhod niya habang sinusubukang bawiin ang hininga niya.
Agad kaming naalertong lahat ng makita siya. At alam ko na lahat kaming nasa loob ng silid alam na hindi basta basta ang sasabihin niya.
"Jomary? Anong problema?" Tanong ni Simon.
Nagangat ng ulo si Jomary at ilang beses sinubukang magsalita pero dahil sa pagod ay walang lumabas ni tunog sa bibig niya.
Ilang beses siyang huminga ng malalim at lumunok bago namin narinig ang iuulat niya.
"S-sa House of N-nacht.... A-ang mga Prey nila.... " putol putol na sabi ni Jomary.
Agad na napuno ng tensyon ang katawan ko sa narinig ko, at nakita kong ganun din ang mga kasama ko. Lalong lalo na si Simon. Mabilis siyang lumapit kay Jomary at sapilitang pinatayo ito.
"Anong sinasabi mo? Anong ginagawa nila sa kanila? Anong nangyari sa kapatid ko?! " sigaw ni Simon.
Hinihingal na sumagot si Jomary. "I-iniligaw nila sila... S-sa gubat. T-tapos.... Tapos n-nagkaproblema. Hindi .... k-ko pa alam kung ano. Pero nakita kong nagmamadaling umalis ...s-sina Mr Daniels at ilang Professor natin para saklolohan sila. Kaya--"
Hindi na pinatapos ni Simon ang pagsasalita niya at mabilis siyang binitiwan. Halos mapaupo si Jomary kung hindi lang siya agad naalalayan ni Lex.
Tumakbo naman si Simon palabas ng silid.
"Simon! " pasigaw kong tawag at hinabol siya. Sumunod din sa amin ang iba pa.
At ng makita kami ng ilang Elites na nagtatakbuhan palabas ng Lumiere ay agad din silang sumama sa amin. Habang nagtataka at naguguluhang sinundan naman kami ng tingin ng mga Advance at Novice.
Hindi nagaksaya ng oras si Simon. Mabilis siyang lumabas ng House namin at tinungo ang Nacht. Nilampasan din namin ang Administrator's building at ng abot tanaw na namin ang Nacht ay nakita kong naglabas ng Flare si Simon. Pagkatapos ay pumaikot sa kanya ang hangin mula sa ibat ibang direksyon.
Nagulat pa ko ng bigla siyang lumihis ng direksyon at pumasok agad sa gubat. Agad naman namin siyang sinundan at ng makita ko na tila ginagabayan siya ng hangin ay saka ko lang naunawaan ang ginagawa niya.
Marahil ay inutusan niya ang hangin na hanapin agad ang kapatid niya kaya nagawa niyang malaman agad kung saan parte ng gubat pupunta.
Pakapal ng pakapal ang mga halaman at halos wala na kong makita sa dilim kaya iilang ulit ng nawala si Simon sa paningin ko.
Mabuti nalang at mabilis ko din siyang nahahabol kaya hindi ako nawala sa loob ng gubat.
"Sallie!" Narinig kong sigaw niya.
Binilisan ko pa ang takbo ko para habulin siya pero bigla akong napahinto sa nakita ko di kalayuan sa amin. Maging ang mga kapwa ko Elites natigilan ng makita ang tila anino ng naglalakihang hayop.
At sa gitna nila ay ang kapatid ni Simon. Wala siyang malay at may isang anino na nakakagat sa braso niya.
Hindi tumigil si Simon sa pagtakbo at gumawa siya ng malaking ipo-ipo at ibinato sa maraning anino na naroon. Kasabay nun ang paglabas din ng napakalaking apoy paikot kay Sallie. Itinaboy noon ang mga anino mula sa kanya. Pero hindi ang aninong nakakagat sa kanya. Nanlaki pa ang mata ko ng makita kong tila naging usok ang aninong yun at pumasok sa parte ng katawan ni Sallie na kakagat kagat niyon kanina.
May pigura kong nakitang lumapit kay Sallie at ng maaninag ko ay nakita ko si Kaeden na patakbong pumasok sa loob ng fire wall na ginawa niya.
Pero huli na ng makalapit siya dahil tuluyan ng nakapasok ang usok na yun kay Sallie.
Saka naman kami tila natauhan at lumusob din at inatake ang mga anino. Nagpakawala pa ko ng matutulis na yelo at ibinato sa kanila.
Pero mabilis na umilag ang mga yun at sa pagtataka ko ay mabilis na tumakbo palayo sa amin.
Sinubukan namin silang sundan nila Lex. May ilan kaming napatay. Kung yun man ang nagawa namin dahil bigla nalang silang naging usok ng tamaan ng mga atake namin.
Pero karamihan ay nakalayo na. Humihingal na tumigil kami pagkatapos ay sandaling tiningnan kung saan pumunta ang mga anino bago kami nagdesisyong bumalik sa pinanggalingan namin.
"Sallie! Wake up! " narinig kong sigaw ni Simon.
Binilisan ko ang pagtakbo ko sa kabila ng pagod na nararamdaman ko at naabutan ko si Simon na nakaluhod sa tabi ng kapatid niya. Habang kalong ito ni Kaeden.
"You! Hinayaan mong mangyari ito sa kanya! Ibigay mo siya sa akin! " galit na sigaw pa ni Simon. Mabilis niyang hinawakan si Sallie pero iniwas ito sa kanya ni Kaeden.
"No! Hindi ko siya ibibigay sayo!" Sigaw din ni Kaeden sa kanya.
Nakita kong kumilos si Simon para suntukin si Kaeden. Mabilis din akong kumilos para sana pigilan siya pero may nauna sa akin at hinawakan siya sa braso para pigilan.
Natigilan pa ko ng makita si Mr Daniels. Hindi ko namalayang nakarating na din sila dito kasama ang ilang Professor namin.
"Enough! Hindi ito ang oras para dyan. Kailangan matingnan si Rosallie para matulungan natin agad siya." Maawtoridad na sabi ni Mr Daniels at bumaling kay Kaeden. "Give her to me."
"No." Matatag na tanggi ni Kaeden at kumunot ang noo ko ng makita na lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa walang malay na katawan ni Sallie.
Na para bang.... Hindi niya gustong mapalayo sa kanya. At handa nyang labanan ang sinumang magtatangkang kumuha kay Sallie mula sa kanya.
Binitiwan ni Mr Daniels si Simon at tuluyang hinarap si Kaeden. "Kaeden. "Tawag niya at hindi mapagkakaila ang babala sa tono niya.
"I'll carry her. Kahit saan nyo siya gustong dalhin.... Ako ang magdadala sa kanya." Sagot ni Kaeden at sinalubong ang tingin ni Mr Daniels.
Sandaling nagtinginan lang sila. Na parang iniistima ang isat isa. At ng makita ni Mr Daniels na hindi susuko si Kaeden ay nagpaubaya nalang siya.
"Fine. Buhatin mo na siya at dalhin sa Clinic. Naabisuhan na ang mga Helaers sa nangyari." Sabi ni Mr Daniels.
"Pero--"
"Enough, Simon. " pigil ni Mr Daniels sa akmang pagtutol niya. "Kung gusto mong tulungan ang kapatid mo. Hayaan mo nalang si Kaeden. "
Nagtangis ang bagang ni Simon habang pinapanood ang pagtayo ni Kaeden buhat ang kapatid niya.
Ang akala ko ay makikipagtalo pa siya pero maya maya lang ay nakita kong napipilitan siyang tumango.
"Everyone! Bumalik na din kayo sa House nyo.!" Utos ni Mr Daniels sa amin mga estudyanteng naroon.
Yun lang at tumalikod na siya at sinamahan sila Kaeden papunta ng Administrator's building.
Sumunod din si Simon sa kanila ganun din ang ilang Professor namin.
Akmang susunod nadin ako ng pigilan ako ni Lex sa balikat.
"Ikaw din?" Tanong pa niya.
Tumango ako. "Oo., may kailangan pa kong balikan dun. Mauna na kayo." Sabi ko at tumakbo na pasunod kela Simon.
Hindi ko alam ang mararamdama ko. Magkahalong gulat, kaba, pagaalala at kung ano ano pa ang nasa dibdib ko.
Hindi ko alam kung anong mangyayari kay Sallie. Lalo na at hindi namin alam kung ano ang umatake sa kanya.
Pero sa kabila ng lahat ay iisa lang ang nasisigurado ko.... Lalong lalala ang hidwaan ng dalawang House dahil sa nangyaring to.
Sigurado akong hindi papayag sila Clynne na hindi makaganti kela Marius. Dahil maging ako ganun din ang nararamdaman sa mga oras na to.
Biglang pumasok sa isip ko si Mela. Taga Nacht siya. At kahit wala siyang kaalam alam sa nangyari ay siguradong sa kanya mababaling ang galit ng mga kaHouse ko kung sakaling mananatili siya sa Lumiere.
Kaya kailangan na niyang umalis at bumalik sa kung saan talaga siya nabibilang.
Kung kelan mukhang nagiging maayos na ang lahat sa amin..... Saka magpaparamdama ang tadhana. At talagang ipinaaalala nito sa amin ang mga lugar namin.
Napabuntong hininga ko at nag-aalalang tinakbo ang Administrator's building
_________________
Shane_Rose