Chapter 5

2093 Words
PAGKATAPOS kong kumain ng lunch namin ay lakad-takbo akong pumunta sa locker room namin. Kinuha ko ang aking toothbrush at nagsepilyo sa banyo na nandito. “Hoy, Isla, baʼt bigla-bigla ka na lamang tumatakbo, ha? Nagulat kami sayo! First time mong ginawa iyan.” Malakas na sabi ni Chloe sa akin. Napanguso ako sa kanyang sinabi. Hindi ako makapagsalita dahil nagto-toothbrush pa rin ako ngayon. Nagmumog na rin ako at dinura ang nasa bibig ko. “Sorry naman na, ʼga! Excited lang akong makita si Mister Ryde! Ipapakita ko sa kanya na hindi ako marunong sumuko kaya manigas siya kung mabwisit siya sa akin.” sabi ko sa kanila. Pursigido na akong guluhin ang natutulog na puso ni Mister Ryde. Kaya kahit anong pagsusungit niya sa akin ay kakayanin ko, makita ko lang siyang ngumiti. Binuksan ko na ang sink dito sa locker namin at nagmumog na ako, ilang beses akong nagmumog hanggang hinugasan ko na rin aking sepilyo. Bago ako umalis sa harapan ng sink ay tinignan ko muna ang aking ngipin, baka kasi may naiwan pang nakasingit na pagkain sa sulok-sulukan ng ngipin ko. Nang makitang wala na ay napangiti na ako. “Isla, tama na iyang pagtingin mo sa salamin, lumabas ka na d'yan. Ang dami pa naming nakapila rito.” Sigaw sa akin ni Zoe. “Naninibago ako sayo, huwag kang tumalad sa dalawang iyan!” Turo ni Zoe kina Chloe and Penelope. “Hoy, Zoe!” Pagbabantang sabi ni Chloe sa kaibigan namin. “Dapat lang siya magmana sa amin para masungkit niya si Sir Ryde, b***h!” sabi naman ni Penelope sa amin. Napanguso na lamang sa kanila. “Sorry, ʼga! Ikaw na po ang sunod, tapos na po ako mag-sepilyo!” sabi ko sa kanya at lumabas na. Pagkalabas ko ay doon ko nga lang napansin na ang dami na ngang nakapila, mahaba kasing lavatory ito at dito talaga nagse-sepilyo or nag-re-retouch ng make-up ang mga babaeng katulad ko. Pero, hindi pa ako marunong mag-make up. Sina Chloe and Penelope pa rin ang nagma-make-up sa akin. Hindi ko kasi makuha-kuha, e. Nagmumukha akong clown, sinusunod ko naman iyong tutorial sa pinapanood ko. Siguro wala talaga akong talent. Lumakad na ako papunta sa locker room namin mga babae. Nakahiwalay sa dalawa ang locker room dito, isa sa aming babae at isa sa mga lalaki, maging ang banyo mismo ay hiwalay rin iyong lavatory lang talaga ang hindi. Pumasok na ako sa locker room at nadatnan ko roon si Mia. “Mia!” Tawag sa kanya at kumaway-kaway. Pumasok pa ako sa pinaka-loob ng locker room, nasa dulo kasi ang locker ko dahil bago nga lang ako rito. “Ang taas ng energy mo ngayon, Isla! Anong mayro'n, ha? Ready ka na sa after lunch duty natin.” Natatawa niyang sabi sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Secret po!” Natawa na rin ako sa aking sinabi. “Joke lang po, ʼga! Pursigido na akong i-pursue si Mister Ryde, pangingitiin ko siya sa abot ng aking makakaya, Mia. Kaya maglalagay ako ng sticky note sa mug niya kahit sabihin niya ng aksayado lamang iyon. Hindi ako makikinig basta pasasayahin ko siya sa mga ilalagay kong pick-up!” Mahabang sabi ko at taas noong nakatingin kay Mia. “Umaapaw niyang fighting spirits sa katawan mo, Isla. Sana maging successful niyang gagawin mong mission. Oh, siya, tara na? Sabay na tayong pumunta sa Pure Hearts Cafe, para iyong iba naman ang makapag-lunch.” Tawag niya sa akin at tumango. Bago ko sinarado ang aking locker ay nagpabango muna ako. Binuhos ko iyon sa buong katawan ko at saka na sumunod kay Mia. Naglalakad kami sa dalampasigan papunta sa Pure Hearts Cafe, nasa gitna iyon ng Isla kaysa sa pinagta-trabaho nina Penelope and Zoe. Kahit tanghaling tapat ay may naliligo pa rin sa dagat, hindi ba nila alam na magkaka-sunburn sila sa ginagawa nila? Siguro naman naglagay sila ng sunblock, kasi kung ʼdi kawawa ang kutis nila, may iba pa naman akong nakita na sobrang puti, sayang ang kutis. Pumasok kami sa likod ng aming Cafe at sinuot ang aming apron, may embroidered na ang aming apron sa upper left ng aming first name. Kaya hindi kami nagkakalituhan na kunin ang mga iyon. “Good afternoon po, ate Mae! Mag-du-duty na po kami, pwede na po kayong kumain ng lunch and magpahinga!” Nakangiti kong sabi kay ate Mae. “Salamat, kanina pa kami nagugutom. Oo nga pala, si Sheena nandyan. And, Isla, iyong crush mong si Sir Ryde nandyan pala. Kararating lamang buti na lamang din ay dumating ka na, hindi pa umoorder iyon. Ikaw na ang kumuha ng order.” sabi sa akin ni ate Mae na siyang pag-init ng katawan ko. “P-po? P-paano po nalaman na crush ko po siya? Paano po kung hindi naman, ate Mae?” sabi ko sa kanya. Paano naman kasi dini-declare na nilang crush ko si Mister Ryde kahit gusto ko lang naman na pasayahin siya. Napailing siya sa akin. “Ramdam lahat iyon ng mga tao rito sa Cafe natin, Isla. Kahit bago ka ay may alam kami sayo sa afternoon shift. Saka, magkaka-isla lamang tayo rito. Baka nakakalikutan mong maliit lang ang lugar natin, Isla. Kilala na natin ang isa't-isa kahit hindi tayo magka-trabaho rito. Good luck sa plano mong iyan!” Mahabang sabi ni ate Mae sa akin at tinapik ang aking balikat. Tinignan ko siyang lumakad papunta sa nilabasan namin ni Mia. “Hala ka, natsi-tsismis na ako sa afternoon shift, Mia! Bad na ba akong person kapag ganoʼn? May crush ako sa isa sa mga friend ni Sir Miller?” Kinakabahan kong tanong kay Mia. Nakita ko siyang tumawa at napailing. “Tama na niyang pag-aalala mo. Kunin mo na ang order ni Sir Ryde roon baka unahan ka pa ni Jasper na kunin ang order niya. Sige ka, hindi mo magagawa ang mission mo.” Nakangiti niyang sabi sa akin. Lumaki ang aking mga mata sa sinabi niya. “Oo nga pala, Mia! Sige, gagawin ko na ang duty ko as waitress ngayong araw. Ikaw rin magduty ka na po sa cashier!” sabi ko sa kanya at tumakbo na ako. Si Mia naman ay pumasok sa isang pinto — kung nasaʼn ang aming mga magagaling na cook at kung nasaʼn ang pwesto ni Mia bilang cashier. “I'm back! Isla at your service as a waitress!” Masayang bungad ko nang makarating ako sa harap ng Cafe namin. Hinanap ng aking mga mata si Mister Ryde, saan hindi pa nakukuha ni Jasper ang order niya. Gusto ko siyang makausap ngayon. “Isla, sa dulo nakaupo si Sir Ryde. Sa left side mo sa pinakadulo.” Bulong sa akin ni Sheena. “Hindi pa siya umo-order kaya ikaw ang kumuha. Sayo na namin ibibigay si Sir Ryde kapag dito siya kakain, okay? Para magawa mo ang mission.” Dagdag na sabi ni Sheena sa akin. “Maging ikaw alam mo? Lahat ba ng staff dito sa Cafe natin ay alam ang gagawin kong mission?” tanong ko sa kanya. “Oo, Isla. Halatang-halata ka naman kasi pero ayos lang iyon. Gwapo naman talaga si Sir Ryde... Oh! Nagtaas na siya ng kamay, kunin mo na ang order niya.” sabi ni Sheena sa akin at tinulak na niya ako papunta sa pwesto ni Mister Ryde. Pinakalma ko ang aking sarili habang papalapit ako sa kanya. Hindi ako pwedeng maging hyper agad lalo naʼt katatapos ko lamang kumain. “Hello! Good afternoon, what's your order?” Ngiting tanong ko kay Mister Ryde. Nakalabas ang aking ngipin habang hinihintay ang kanyang sagot. Para makita niyang malinis at maputi ang ngipin ko. At, para na ring mahalata niya na hindi mahirap ngumiti. Napatingin siya sa akin. “Um, one sausage sandwich and one cappuccino.” sabi niya habang nakatingin doon sa menu. Tumango-tango ako sa kanya. Sinulat ko iyon sa papel na hawak ko at tumingin ulit kay Mister Ryde. “Nothing else po? Don't you have anything else to order?” tanong ko sa kanya, nakangiti pa rin ako. Napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko. Tinignan lamang niya ako. Mali ba ang English ko? Dapat ba tinagalog ko na lamang? Marunong naman siguro siya magtagalog, ano? “Wala na po ba kayong o-order-in, Mister Ryde? Lunch na po ngayon.” sabi ko sa kanya. Tinagalog ko na siya, pakiramdam ko mali grammar ko kaya hindi niya ako maintindihan. Saka, masisiraan lang din ako ng bait kung mag-e-English pa ako. Konti lamang ang baon na English ko, hindi naman ako katulad ni Zoe na matalino. “Wala na. Iyon lang ang gusto kong i-oder.” Baritonong sagot niya sa aking tanong. Gulat akong napatingin sa kanya. “Marunong naman po pala kayo magtagalog, pinahirapan niyo pa po akong mag-English. Na-a-out of English word na po ako. Pero, iyon lang po talaga, Mister Ryde? Tanghalian na po ngayon, may best specialty rin po kami pagdating sa mga rice na menu namin. Mayron po kaming grilled squid po, grilled tilapia fresh from the sea and marami pa pong iba. Gusto niyo po i-try?” sabi ko sa kanya at ngumiti. Naka-abang na ako na isulat ang gusto niyang kainin na may rice pero bigla na lamang ako nadismaya nang umiling siya sa akin. “No thanks! I'm fine with one sausage sandwich and one cappuccino. That's all I want to order. Thank you.” Seryoso ang boses niyang sabi sa akin. Napanguso ako sa sinabi niya. Nakita ko na lamang na binalik na niya ang menu sa may gilid. Hindi na nga siya o-order! “Ganoʼn po ba? Okay po, pakihintay na lamang po ng limang minuto. Thanks!” Nakangiti pa rin na sabi ko sa kanya kahit dismayado ako. Lunch break na pero one sausage and one cappuccino lamang ang inorder niya? Diet ba siya? O, baka naman may sakit? Palihim akong napatingin ulit sa pwesto niya, mukhang wala naman siyang sakit. “Isla, anong binubulong-bulong mo d'yan, ha? Nakuha mo na ba ang order ni Sir Ryde?” tanong sa akin ni Mia. Tumango ako sa kanya. “Oo, Mia. Isang sausage sandwich and one cappuccino lang daw.” sagot ko sa kanya at napanguso. “Eh, baʼt ang haba ng nguso mo, ha?” tanong niya sa akin habang pinu-purchase niya ang order na sinabi ko. Humarap ako sa kanya. Wala pa naman bagong customer na pumapasok. “Paano naman kasi inalok ko siya na may rice meal din tayo lalo na iyong grilled squid and grilled tilapia natin na best seller and best specialty sa akin Cafe pero ayaw niya. Hindi lang naman tayo pang-pastry, may rice meal din kaya tayo. Tanghaling tapat sausage sandwich and cappuccino lang inorder niya.” Mahabang sabi ko sa kanya. “Baka naman nakakain na siya ng rice meal sa ibang food restaurant dito, Isla. Kumbaga pang-dessert lamang ni Sir Ryde ito.” sabi ni Mia sa akin, pinapagaan niya ang loob ko. Napanguso pa rin ako sa sinabi niya. Dapat dito na lang din siya nag-try ng rice meal. Sa ibang food restaurant pa siya nag-try. Umalis na muna ako sa tabi ng counter nang makitang may papasok na isang pamilya, may dalawang bata silang kasama at may tulak-tulak silang stroller. Ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanila. “Welcome po sa Pure Hearts Cafe!” Ngiti kong sabi sa kanila habang hawak ang pinto. “Thank you, iha!” Ngiti sa akin ng isang babae, mukhang siya ang nanay ng dalawang bata at iyong baby sa stroller. “No worries po, sa may table five po ay pwede po kayong umupo roon.” sabi ko sa kanila. Binitawan ko ang pinto at tinuro ang table number five. “Dito po, kasya po kayo rito at para na rin po may pwesto ang stroller niyo. Tawagin niyo na lang po kami kapag may order na po kayo. Enjoy!” Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa aking labi. “Thank you po, ate Ganda!” Nakangiti sabi ng batang babae, kaya ngumiti rin ako sa kanya. “Mababait ang mga staff dito. Ang ganda rin ambiance, Jeremy. Dito na lang tayo always kumain.” Narinig ko pa ang pinag-uusapan nila bago ako lumakad palayo sa kanilang table. Ang sarap sa feeling kapag ngumiti at nagpasalamat din ang customer sayo. Sana malaman iyon ni Mister Ryde, hindi iyong puro busangot siya. Mapapangiti rin kita soon, Mister Ryde!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD