Chapter 4

1394 Words
BANDANG 6:15 AM ay dumating na rin ang iba naming kasamahan. Lima ang tao sa kusina ngayon – dalawa roon ay taga-hugas, si Mia ang cashier at dalawa kaming waitress ngayong umaga. Habang wala pang gaanong tao, pinunasan ko muna ang mga table para malinis talaga tignan. “Isla, napunasan mo na iyong nandoon?” Tinignan ko ang tinuro ni Sheena at umiling ako sa kanya. “Ako na magpupunas doon!” wika niya sa akin at lumapit doon. Wala na akong nagawa kung ‘di tignan si Sheena na lumapit sa mga table na naroon. Pagsapit ng 7:30 ng umaga, unti-unti ng dumadating ang mga customer sa amin. Halos mga bago sila sa mga mata ko. May dumating ba ulit na ibang turista? “Mia? May mga bagong turista ba ulit na dumating?” pa-simple kong tanong sa kanya. May inaasikaso kasi siyang customer baka sabihin niya tsismosa ako, curious lang naman ako. “Please just wait for the food, we will just deliver it to your table. Thank you, Sir!” saad ni Mia sa pangatlong customer namin. “Siguro, Isla. Hindi lang natin napansin kagabi, o, baka kaninang umaga lang sila dumating. Marami rin akong nakikitang bagong mga mukha.” mahinang sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya, iyong unang customer sa amin ngayon ko lang nakita kaya paniguradong kadarating lang niyon dito. Simula dumating talaga ang mga kaibigan ni Sir Miller dumami ang mga turista. Famous siguro sila sa Manila, ano? “Isla, tumayo ka nang maayos!” Nagulat akong napatingin kay Mia ng kalabitin niya ako at humarap siya nang maayos sa counter. Kaya napaayos din ako ng pagkakatayo ko. “Welcome po, Sir Miller!” Lumaki ang mga mata ko ng makita si Sir Miller kasama ang lima pa niya kaibigan. Lalong dumiretso ang pagkakatayo ko dahil sa nerbyos. Bakit dito sila kakain? May pagkain naman sa hotel, ‘di ba? Dahan-dahan akong umalis sa may harap ng counter. Gumilid ako hanggang makatabi ako kay Sheena na abala na ngayon sa pagtitig sa mga kaibigan ni Sir Miller. Mukhang nagda-daydream na ang isang ito. Siniko ko nga siya baka mapansin siya ni Sir Miller nakakahiya. Baka sabihin ni Sir Miller ganito ba kaming mga waitress laging lutang kapag may pogi na customer. Hindi p'wedeng masita kami. “What is your order, Sir?” Rinig kong pagtatanong ni Mia kay Sir Miller. “As always, Mia.” simpleng sagot niya sa tanong ni Mia. As always? Always ba siyang kumakain dito sa Cafe? Ngayon ko nga lang siya napansing dito kumain. “Dito umo-order si Sir Miller ng coffee and pancake, Isla, minsan iyong coconut cake ang madalas na ino-order niya, nagpapahatid din siya sa office niya.” bulong na sabi ni Sheena sa akin. Ah? Gano'n ba?! Pasensya na hindi ko alam, e. Narinig ko ring tinanong ni Mia ang iba pang kaibigan ni Sir Miller. Minsan si Sir Miller may sariling mundo, iniwan na lang niya iyong mga kaibigan niya sa counter at nauna ng umupo. Hindi ko alam pero napadako ang tingin ko sa lalaking nasa hulihan na naman. Ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob. Ano bang mayro'n sa kanya? Hindi ko man lang makitang nakangiti siya? Ganyan ba talaga siya? O, sadyang pinanganak lang talaga siyang sumimangot? May magandang akong naiisip. Napangisi na lang ako sa aking sarili. Nang makapag-order sila ay pa-simple akong lumapit kay Mia, “ako na bahala maghatid ng order nila, Mia.” Mahinang sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Baka sa gagawin ko ay ngumiti na siya. Gwapo naman siya pero lagi nga lang seryoso sa buhay. Kaya gagawin ko ang lahat para ngumiti siya. “Isla, pakihatid naman sa table nila Sir Miller!” Narinig ko ang malakas na boses ni Mia kaya ngumiti ako at kinuha ang sticky note na ginawa ko. Nagsulat ako ng mga smiley face sa sticky note at ilalagay ko iyon sa mga kape nila, lahat kasi ay umorder ng coffee. “Ah, kaya naman pala gusto mong ikaw ang maghatid, ha?!” Napangiti ako sa sinabi ni Mia kaya napakamot ako sa aking batok. “Baka lang po tumalab sa kanya, Mia. And, lahat naman po ay nilagyan ko ng smiley face.” saad ko sa kanya. “Lahat nga may smiley face, sa cappuccino lang ang mayro'ng kataga na ‘gwapo po kayo kapag nakangiti.’ Ikaw talaga, Isla.” Pang-aasar niya sa akin na siyang kinanguso ko. “Siya lang kasi hindi ko nakikitang ngumiti, Mia. Ang gwapo pa man din niya and two times ko siyang nakita sa may pampang kahapon. Iniisip ko tuloy baka may problema siya! Kaya gumawa ako nito.” sagot ko sa kanya. Nang mailagay ko ang anim na sticky note sa mga baso nila ay nagpaalam na ako kay Mia na ihahatid na ang mga ito. “Sir Miller, the coffee you ordered is here...” saad ko at nilapag ang tray sa table nila, maging ang tray na hawak ni Sheena na nandoon ang mga bread and slice of cake na inorder din nila. Kinuha ko ang cappuccino na inorder ng tahimik na kaibigan ni Sir Miller, nilapag ko iyon sa harap niya at nakita ko ang kanyang pagtitig sa akin. Brown eyes ang kanyang mata at nakita ko rin nang malapitan ang labi niyang namumula. Hindi ko alam pero palihim akong napalunok. Kaya napaiwas na ako ng tingin sa kanya. “Sir, here's the cappuccino na inorder niyo po. Have a nice day po!” Nakangiti kong sabi sa kanya at umalis na sa table nila Sir Miller habang bitbit ang tray pabalik sa counter. “Wow, Is it like this in the cafe shop, with a sticky note on the cups?” ”It's nice, gaganahan kang uminom dito.” “Looks like I can hang out here more often, if the employee here is like this.” Bago pa ako makalayo sa table nila Sir Miller ay narinig ko ang mga positive comments nila sa ginawa ko. Pero, bigla rin nawala ang ngiti ko nang marinig ang isang comment at alam kong sa kanya galing iyon. “They didn't do well, they wasted a sticky note.” Tinimpi ko ang aking sarili, hindi ka lang pala snobero, at masungit. Isa ka rin palang walang pag-appreciate sa effort na ginawa ko. Lunch time na, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ng kaibigan ni Sir Miller. Hindi ba niya nakita ang effort ko, ha? Hindi ba niya napansin na sa kanya lang mayro'n message at hindi lamang smiley face ang nilagay ko. Mabuti pa ang ibang kaibigan nila, marunong makapag-appreciate ng maliit na bagay. ”Huy, Isla, ano niyang mukha mo ba't ang haba ng nguso mo?” Napasimangot ako ng sitahin ako ni Chloe. “Kasi naman, ‘ga! Iyong kaibigan ni Sir Miller! Iyong laging tahimik at nahuhuli sa kanila kapag naglalakad! Ininis niya ako!” Sumbong ko sa kanya. “Eh? Ano naman ginawa mo, Isla, ba't ininis ka ng kaibigan ng aking mahal na si Sir Miller!” Napangiwi ako sa sinabi. Kahit kailan ang isipan ay puro si Sir Miller. “Sa amin kasi sila nag-breakfast, maging ang lima niyang kaibigan. Then, nagkaroon ako ng ideya ng lagyan ang mga tasa nila ng sticky note na puro smiley face naman ang nilagay ko, then iyong mga kaibigan ni Sir Miller ay pinuri ang ginawa ko tapos siya ay sinabi nag-aksaya lang daw ako!” Mahabang sabi ko kay Chloe habang kumakain kami ngayon, nakikinig naman sa akin sina Zoe and Penelope. “Ay, ‘ga! Alam mo ba ang narinig kong tsismis kaya raw masungit ang isang kaibigan ni Sir Miller ay dahil ang first love niya ay ikinasal na pero 10 years na ang nakakalipas. Baka ang haka-haka ng iba ay ayaw na niya magkaroon ng girlfriend dahil sa nangyari sa kanya. Oh, by the way, Isla, si Ryde Buenaventura ang tinutukoy mo.” Mahabang sabi sa akin ni Chloe at sumubo na siya ng kanyang pagkain. “If gusto mo siya, Isla, ang payo ko sa'yo ay kulitin mo nang kulitin. Ang ganda mo kaya and iyang mukha mo ay napaka-inosente, walang lalaking hindi maaawa sa ganyang face.” dugtong na sabi pa niya kaya napangiti ako. Ryde Buenaventura, gagawin ko ang lahat para ngumiti ka at mapansin ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD